Chapter Four

1043 Words
Alvin Hidalgo's Point of View "Ang gusto ko lang naman ay ang mahalin mo ako. Sadya bang napakahirap kong mahalin?" She's crying in front of me. She's a pathetic b***h. Nakakaawa siya. Pilit siyang nanlilimos ng pag-ibig sa akin. Alam naman niyang hinding-hindi ko maibibigay sa kanya ang hinihingi siya. This b***h ruined my life. She ruined my life with Irene! "Bakit ba pilit kang nagsusumiksik sa buhay ko? Bakit ba ha?!" sigaw ko. "Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita—" "That's bullshit, Jessica. Kung mahal mo ako, you will not let me suffer!" Natahimik siya. Totoo naman hindi ba? Kung mahal mo ang isang tao ay hinding-hindi ka gagawa ng ikakasama ng loob niya pero sa ginawa niya, I don't beleive she loves me. Habol lang niya ang pera ng pamilya na siya namang sinasang-ayunan ng nanay ko. Hindi ko alam kung anong orasyon ang ginawa niya at napapaikot niya ang mommy ko. "Kahit lumuhod ka pa ng isang buwan diyan, hinding-hindi ko ibibigay ang gusto mo. I am suffering because of you and I will make sure that you feel the same way. I will make sure of that!" "Alvin? Alvin?!" Napadilat ako dahil sa lakas ng pagkatok sa pinto ng kuwarto ko. Napalingon ako sa orasan sa cellphone ko and it's only 7 f*****g in the morning. "Sino ba 'yan?!" sigaw ko. "Alvin? Sumisigaw ka?!" Napahilamos ako ng mukha ko nang makilala ko ang boses na iyon. Bumangon na ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Irene na nakataas ang kilay at nakapamaywang. "It's 7 am, Irene. What do you want? Tapos na ba ang pagkakaroon mo ng toyo?" tanong ko. "Buong araw hindi ka nagparamdam sa akin," sabi niya. Napailing ako. "I gave you flowers that ended up in the trash bin. Anong paramdam ba ang gusto mo?" Napabuntong hininga siya. "Okay, I'm sorry. Naiinis lang kasi ako." Naiiling na lang ako. Ganito naman palagi kaming dalawa. Totoyoin siya, susuyuin ko. Paulit-ulit, endless cycle. We are just running in circles. “Lagi ka naman naiinis sa akin,” sabi ko. Kinuha ko na ang towel ko at akmang papasok na sa banyo nang muli ko siyang tiningnan. “Irene, choose a suit for me today,” sabi ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Excuse me? I will choose a suit for you? Can’t you do that on your own?” sagot niya sa akin. “Even just for now baka gusto mong bigyan ako ng effort? Kailangan ko din naman ng lambing mo,” sabi ko. Umismid lang siya sa akin. “Hindi ako pumunta dito para utusan mo lang.” She stands up and march out from my room. “Jessica is better than you,” I said. Tumalikod na ako at pumasok sa banyo. Teka, what did I say? Fck! Bakit ko ba sinabi iyon? Dati kasi gigising na slang ako na ready na ang lahat. Kakain at papasok na lang ako sa office. Damn it! Simula nang makita ko siya three days ago ay nasa isipan ko na siya palagi. Napapanaginipan ko pa siya. For the past three days, I always dreaming of her crying and begging for my love. Tangna! Maybe I just need a closure kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon. I just need to talk to her. Wala naman kasi kaming maayos na closure noon. Para ngang kahit kailan ay wala kaming maayos na pag-uusap. Palagi na lang kaming nagsisigawan at nagwawala. Kainis! Bakit ba kasi nagkita ulit kami? “You’re going na? Sasabay na ako. Hatid mo ako sa agency ngayon,” sabi ni Irene. Paglabas ko ng kuwarto ay naabutan ko siyang nakaupo sa sofa and there is a hot coffee in front of her. “Ipapahatid na lang kita sa driver ko. I need to go to the office,” sagot ko sa kanya. “What?!” sigaw niya. “No! Ihatid mo ako! I am going to be late in my meeting!” Please lang, huwag mong subukan ang pasensya ko Irene. “May meeting ka pala pero nandito ka. I need to go to the office. Hindi lang ikaw ang may meeting.” Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at lumabas na ng mansyon. Nakita ko ang driver ko na naghihintay na sa akin at inabisuhan na si Irene na lang ang ihatid niya. Dumeretso ako sa garage at sumakay sa isa ko pang kotse at pinaharurot palayo. I am not actually going to my company, sa Isaiah Publishing ang tungo ko. I want to see Jessica and have a word with her. Hindi naman ganoon kalayo ang opisina at pagdating ko doon ay nakita ko si Mommy kasama ang OIC na si Mr. Javier. “Mom, you’re here,” sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “Why are you here? Hindi ba dapat nasa company ka?” tanong niya sa akin. “May gusto lang ako kausapin,” sagot ko. Kung may itataas pa ang kilay ng nanay ko ay tumaas pa lalo ito. “At sino naman?” “I told you, Jessica is here. Gusto ko kausapin si Jessica,” sagot ko. “Excuse me?” Napatingin kami ni Mommy kay Mr. Javier na alanganing nakatingin sa amin. “Sino po bang Jessica ang tinutukoy niyo?” “Lovete,” sagot namin pareho ni Mommy. “Ah si Jessica from child and parenting. Sa totoo po niyan, nag-immediate resigned siya kahapon. Nagulat nga po kami. Pagkapasa niya ng last article work niya ay nagpasa siya ng resignation,” sagot ni Mr. Javier. “What?! Bakit daw?!” tanong ko. “According to her, kailangan niyang umuwi ng probinsya para alagaan ang nanay niya.” Nagkatinginan kami ni Mommy at nailing si Mommy. “Probinsya? Nanay? Jessica doesn’t have a mother. Matagal ng patay ang mga magulang niya,” sabi ko. “Jessica really has one word, Alvin. Sinabi niyang hindi na siya magpapakita sa’yo hindi ba? Ngayon na nagkrus ulit ang landas niyong dalawa, talagang lalayo siya. Anong mayroon ngayon, Alvin? Why do you want to see her?” Hindi ako nakasagot. Bakit nga ba? Bakit nga ba gusto ko siya makausap? Para ba kumustahin? Bakit mula nang makita ko ulit siya at nagulo ang sistema ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD