Chapter Five

1226 Words
Jessica Lovete’s Point of View “Taho! Strawberry taho! Ma’am! Baka gusto mo taho! Strawberry falvor, bagong luto!” Napangiti na lang ako kay manong at tumango. “Sige po. Magkano po ba?” tanong ko. “Bente lang, ma’am,” sagot nito sa akin. Pinanuod ko kung papaano niya lagyan ang plastic cup ng taho at dito ko nakita ang strawberry syrup na ginagamit nila. Nagulat pa ko dahil parang may mga buong strawberry pa ang nakahalo dito. Mas lalo akong natuwa nang makitang maraming s**o ang inilagay ni manong sa taho ko. “Salamat, ma’am!” sabi niya. Muli niyang inilagay ang pingga sa kanyang balikat at naglakad papalayo. Malamig ang klima dito sa Baguio. Ibang-iba kaysa sa Maynila. Hindi gaano mapolusyon. Maraming establishments ang nandito kaya hindi ka mahihirapan. Wala naman sa plano ko ang magtungo dito. Wala sa plano na magkita kami ng dati kong asawa. Ewan ko ba kung bakit nagtagpo na naman ang landas namin. Sa dami ng bibilhin niyang mga kompanya, ang publishing company pa ang napili niya. Masaya na ko sa trabaho ko bilang writer pero dahil may pangako ako na hindi pwedeng baliin, muli na naman akong nagpakalayo-layo. Isang linggo na ako dito sa Baguio. Sa totoo lang, namimiss ko na ang anak ko. Gusto ko siyang bisitahin para masabihan ko ng mga saloobin ko pero alam kong hindi pa maaari. Baka mag-krus na naman ang landas namin. Sa isang hostel ako tumutuloy ngayon. Kailangan ko na rin namang maghanap ng pagkakakitaan dito at ng matitirhan. Mauubos ang pera ko kung sa mga hostel ako tutuloy. Sa dami ng mga establishments dito ay mukhang hindi naman ako mahihirapang makahanap ng trabaho. Nandito ako ngayon sa Burnham Park, tamang muni-muni lang muna habang hindi ko pa alam ang mga susunod kong gagawin. “What if mag-call center ako? Marami akong nakitang BPO companies dito,” sabi ko sa sarili ko. “Or maging model ka.” Bigla akong napatingin sa tabi ko at nagulat ako nang makita ang isang lalaki. Nakangiti ito sa akin at tinaas-baba pa ang kilay nito. Sino ba ang kumag na ito? Bakit bigla-bigla na lang sumusulpot? Kabute ba siya? Bigla na lang nasulpot. Ngumiti lang ako ng alanganin sa kanya at akmang tatayo na sa kinauupuan kong bench. “Teka lang miss. ‘Wag kang matakot, hindi naman ako masamang tao,” sabi niya. “Mahirap magtiwala sa panahon ngayon. Kahit guwapo ka, mamaya masamang loob ka pala,” sabi ko. “So, guwapo ako?” “Hindi ako marunong magsinungaling,” I said. Mas lalong lumaki ang ngiti niya. “Huwag kang matakot. Alam kong very strange ang approached na ginawa ko pero believe me hindi ako masamang tao. You feel lonely kasi kaya naisipan kong tabihan ka. Sa sobrang lalim ng iniisip mo ay hindi mo namalayang may katabi ka ng ibang tao. Be careful pala sa lugar na ito. Hindi lahat ng tao mabait. Mamaya makatagpo ka ng loko-loko at mapag-tripan ka pa. Pasalamat ka dahil ako ang tumabi sa’yo,” sabi niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Para namang masyadong mahangin ang lalaking ito. “Alam mo ba na may tatlong lalaki na nasa likuran ko sa kaliwang bahagi na kanina ka pa tinititigan? Mukhang nag-uusap sila kung sino ang unang lalapit sa’yo kaya inunahan ko na. Baka mamaya mga salbahe ang mga iyon at mapaano ka pa,” dagdag pa niya. Napatingin ako sa direksyong sinabi niya at oo nga, may tatlong lalaki na nandoon at ang isa pa ay tinutulak ng kasama para pumunta sa dereksyon ko. Nagulat ako dahil biglang lumakad ang isang lalaki. Pero mas lalo akong nabigla nang hawakan ng lalaking tumabi sa akin ang kamay ko at tumayo. “Love, sorry I am late. May dinaanan pa kasi ako eh,” sabi niya. Naguguluhan akong napatingin sa kanya pero kinindatan lang niya ako at hinatak papalayo sa lugar na iyon. Napalingon ako at mukhang natalo sa sugal ang tatlong lalaki na nagbabalak lumapit sa akin. Tahimik lang akong nagpatianod sa lalaking ito. Hindi naman ako kinakabahan or kung ano pa man. Siguro wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin. Wala naman kasing pamilyang mag-aalala sa akin o kung sino pa man. Kung ito na ang huling araw ko sa mundo then so be it. Para makasama ko na ang anghel ko sa langit. “Talaga bang mabilis kang magtiwala sa ibang tao?” tanong niya. Pumasok kami sa isang fast food chain at naupo sa isang sulok. “Hindi ka man lang nanlaban nang hatakin kita. Kung ibang babae ‘yan baka nagsisisgaw na at gumawa na ng eskandalo. Baka nasa presinto na ako. What if masamang tao ako at dinala kita sa ibang lugar?” “Kung iyan ang kapalaran ko then go, I don’t care kung ano ang mangyari sa akin. Kung gagawan mo ako ng masama, siguraduhin mo lang na mapatay mo ako,” sagot ko sa kanya. “Are you suicidal?” “Sort of,” mabilis na sagot ko. Naiiling na lang siya. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya mula sa akin. “My name is Carl Jimenez,” pakilala niya. “Jessica,” simpleng sagot ko. “Jessica?” “Jessica Soho.” Nagsalubong lang ang mga kilay niya dahil sa sagot ko. Natawa naman ako ng bahagya. “Jessica Lovete. That’s my real name,” sabi ko. “I am actually starving. Nasa work talaga ako at dahil gutom na gutom ako ay tumakas ako and I am pretty sure na hinhanap na ako ng manager. Pero bahala siyang hanapin ako. What do you want? Libre ko.” “Bahala ka na. Kahit ano sa menu ay okay lang sa akin,” sagot ko. Buti na lang nakilala ko ang lalaking ito, nakalibre ako ng lunch. Maya-maya ay bumalik na siya sa table namin at may dalang tray na puno ng pagkain. As usual na makikita sa isang fast food like burger, spaghetti, chicken, fries, and sundae. “O burger para sa taong loner,” sabi niya sa akin. Napangiti ako sa kanya. “Oo, loner ako,” sabi ko. Binuksan ko na ang burger at napangiti ako nang makitang cheeseburger with veggies ito. Isa ito sa favorite ko sa food chain na ito. “May boyfriend ka ba? Asawa? Pamilya? Mukhang turista ka dito sa Baguio,” sunod-sunod niyang tanong. “Alam mo ang daldal mo. Kalalaking tao mo pero napaka-tsismoso mo,” I said. “Luh? Hindi ba pwedeng curious lang ako.” Kinagatan niya ng malaki ang chicken thigh na hawak niya. Stranger naman siya kaya okay lang naman siguro na magkuwento ako sa kanya. Sabi nila sometimes, its better to talk with the strangers dahil hindi ka naman nila huhusgahan. Maybe, its time for me to someone to talk to. Palagi ko na lang kasi kinikimkim ang mga sama ng loob ko, ng mga saloobin ko. Wala din naman kasi ako mapagkukuwentuhan. Kinuha ko ang baso ng soda at uminom. “I was married before,” sabi ko. “Kasal ka dati? Eh ngayon?” “Annulled.” “Interesting.” Dinukot niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya at nakita kong pinindot niya ang power off. “My ears is with you. I can listen to you all day long.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD