CHAPTER 4 : SHOPPING GALORE

1137 Words
Mataman niyang tinitigan ang babaeng walang ka-ayos ayos na nagsuot ng pantalon at tinernuhan ng isang hanging blouse. Tumikhim ito sa harap ng bakla niyang kaibigan. “Georgette? Ano sa tingin mo?” tanong ni Watty. “Hmm..laos na ang fashion sense mo noh..bakit hindi mo nalang suutin yong binigay ko na skirt at crop top,” may pagka-asar na sagot ni Georgette. Inirapan niya si Georgette,”Bente-otso na ako hindi na bagay yung mga sinusuot na kapiranggot ng mga bata ngayon. Tapos mamaya malaman ni Tiyang pingutin pa ako sa tainga? Pinagsasabihan na nga akong pokp*k diyan?” may pagmamaktol niya. “Pero makapagsuot ng pekpe* shorts bongga. Sige na bilisan mo na dahil si Bagets gusto ng itaob ang lamesa sa tingin sa iyo,” ani ni Georgette. Nakita ni Watty ang maiinit na tingin ni Rico sa kaniyang pusod. Kahit naman kasi sa pantalon ay kitang-kita ang kaseksihan niya. Kaya hindi na siya nagpalit ng iba. Bibili lang naman kasi sila ng stocks sa supermarket. “Georgette, hindi ka sasama?” aya ni Watty sa kaibigan. “Nako, kayo nalang. Igala mo si Pogi sa labas dahil ako ay matutulog pa. Pagod ang beauty ko. Basta pasalubong,” sagot sa kaibigan sabay baling sa binatilyo at kinindatan ito. Nagsimula na silang lumakad papunta sa paradahan ng tricycle. Nagulat pa siya ng bigla siyang akbayan ni Rico. Hindi nalang siya pumalag dahil malapit na ang paradahan ng tricycle at tiyak maghihiwalay sila dahil sa tangkad nito ay sa likod ito uupo sa tabi ng drayber. “Kuya diyan lang po sa labasan.” Sa may compound sila lumabas at hindi sa village dahil mas mahal ang bayad. Umupo siya sa loob at sa labas naman si Rico. Ngunit sobrang saglit lang ay nasa labasan na sila. Bumaba sila at tumawid. Pumasok sila sa loob at humila ng push cart si Rico. “Kaunti lang naman ang bibilihin natin. Bakit malaking push cart pa ang kinuha mo?” tanong ni Watty. Matipid talaga si Rico magsalita dahil hindi manlang siya nito sinagot pero kanina ay may paakbay-akbay pa ito. Bakas parin ang mga pasa nito sa mukha ngunit hindi na gaano tulad kagabi. Pinanood niya itong maglagay ng kung ano sa cart at hindi naman niya ito pinigilan dahil kung may pangbayad naman ito ay walang problema. At nang mapunta sila sa shelf ng mga hygienic items ay ito mismo ang naglagay ng fem wash ‘don. Nakaramdam siya ng kung ano dahil tinitigan siya nito. At ilang toiletries gaya ng sabon at mga shower gel na ngayon lang niya nakita dahil kapag namimili siya ay hindi niya napapansin lalo kapag nanapak ang presyo. Sapat na ang perla kontra baktol. “Sir 17,999.00 po lahat,” ani ng cashier na nakikipagtinginan ng malagkit kay Rico. Artistahin kasi talaga si Rico at ang itsura ni Watty ay parang tsimay lang. Namilog ang mata ni Watty nang makita ang black card na inilabas ni Rico mula sa wallet nito. Pati ang kahera ay nanlaki ang mata. Napakagat labi si Watty ng makita ang pagngisi ni Rico sa kaniya. “Ano uuwi na tayo?” ani ni Watty. “No, may iba pa tayong pupuntahan.” “Saan naman. Ang dami mong pinamili!” sabi ni Watty. “I’m famished.” “A-Ano? Fam-Famished?” “I said, gutom na ako.” Iniwan nila ang pinamili sa baggage counter at umakyat sa pangatlong palapag dahil naroon ang mga restaurant at fast food. Hinila siya ni Rico sa isang restaurant na pang-mayayaman. “Hello Sir,” Agad siyang silang sinalubong ng mga dining staff. “Dine-in for two,” sabi ni Rico habang si Watty ay inikot ang mata sa kabuuan ng lugar. First time lamang niyang makapasok ‘ron. At agad siyang namangha sa gitna kung saan may fountain pa at nagliliwanag ang tubig. “Wow,” pagkamangha niya. “Let’s go.” Napansin niyang nakasimangot na nga ito at mukhang gutom na. Umupo sila at bumuklat si Rico ng Menu. “A-Ah Rico, puwede bang ikaw na ang mag-order ng pagkain ko promise hindi ako allergic sa seafood, pork o chicken kahit pa nga tipaklong go ako,” sabi ni Watty na ikinangisi ni Rico ng bahagya pero pinalis niya dahil ayaw niyang mapahiya si Watty. “Okay,” maikli nitong sabi. Halos 15 mins silang naghintay at halos mabigla naman si Watty ng sunod-sunod na inilagay ang mga inorder ni Rico. “Ang dami? Bibitayin na ba tayo mamaya?” “What?” “Ang sabi ko ang dami naman.” “Wala akong gana kagabi dahil masakit ang panga ko.” Tumango lamang si Watty dahil bugbog sarado naman talaga ito kagabi. “Siya nga pala, salamat.” “Just eat, Watty!” At hindi na siya umimik bagkos ay hinayaan niyang kumain ng kumain si Rico. Totoo ngang napaka-lakas nitong kumain. At dahil sa pagkabusy ni Watty sa pagkagat ng pork-steak ay nagmamantika na ang labi nito. Kaya nagulat nalang siya ng pahiran iyon ni Rico gamit ang hinlalaki at matapos ay idiniretso sa bibig nito. Sa ginawang iyon ni Rico ay kumabog ang dibdib ni Watty. Alanganin nalang siyang ngumiti sa binatilyo. Ngumiti ito pabalik at muli siyang pinukol ng kakaibang titig. “Akala ko galit ka sa akin?” Ngunit wala siyang nakuhang sagot dito kundi pag-iling na akala niya ay tapos na itong kumain. Nagulat siya sa sinerve ng mga dining staff na tig-isang cup ng white chocolate ice cream. Pakiramdam niya ay mabubunsol na siya sa busog. Habang sumusubo siya ay nahagip ng mata niya ang lalaking matagal na niyang pinagpapantasyahan. Si Enrique. Nawala ang gana niya at napansin iyon ni Rico kaya sinundan nito ang kaniyang tinitignan, “Playboy and Jerk!” bulong ni Rico. “May sinasabi ka?” “Nothing.” Hindi na nila naubos ang Ice cream kaya sumenyas na si Rico sa dining staff para hingin ang bill nila at ng makita nito ang bill ay kasabay ng ibinigay ang black card niya. Hindi parin inalis ni Watty ang tingin sa binatang si Enrique na kaniyang pinagpapatasyahan. “Pangit ba ako?” Wala siya sariling nagtanong sa kaharap. “Pangit?” “Ugly? Ugly nga ba iyong ingles ‘don?” Yumuko si Rico at ngumiti. Kaya nainis si Watty at sinimangutan si Rico. “Oo na. Pangit na. Kaya never akong mapapansin ng lalaking ‘yon.” “You’re beautiful and sexy, Watty! ” sagot ni Rico habang nakatitig sa kaniya. “Biro mong mga ganiyan! Ano ka eh? Nilibre mo na nga ako ano bang kapalit nito?” kinikilig niyang sabi sa kaharap. “Kiss.” “Bata na ‘toh!” Napabuga siya ng hangin ngunit dumadagundong sa kaba ang dibdib niya dahil sa mga titig ni Rico na para siyang hinuhubaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD