Chapter 3 :Ang kalat mo Watitay!

1252 Words
WATTY DE DIOS “Aba! Aba! Ang Watitay, ke aga-aga wala sa sarili? Baka naman iyang mga paninda mo ay hindi mo inayos ang pagkakatuhog? Ipatutuhog kita diyan?” ani ni Georgette habang ini-isa-isang tinitignan ang mga tinuhog kong isaw. Paano naman kasi nakatulala ako ng dumating siya. “Bes, si Rico nabugbog nila Tisoy kagabi!” pagsusumbong ko habang nakaduro sa kaniya ang stick. “Bes–alam kong problemado ka pero hindi mo ko kailangang tutukan ng stick. Ibang klaseng stick ang bet kong tutuhog sa maganda–” putol ko. “Bes naman–” “S-Sino ba kasi si Rico? Ah teka..iyon bang binatilyo kagabi? Rico pala ang pangalan niya. Matatawag ko na siya sa panaginip ko,” aniya. “Oo. Siya si Rico.” “Mukhang hindi ko pa na nasasagap ang mga mosang diyan sa tindahan ni Loida ah. Inosente pa akes.. Teka– bakit naman nag-away sila? Don’t tell me hinarana ka ng amoy lumlom na ‘yon kagabi? Hoy itigil mo muna kaya ‘yan ng maikuwento sa akin ng buo,” pinigil ni Georgette ang mga kamay ko habang nagtutuhog. At pinaupo niya ako. “Sumamang nag-igib sa akin si Rico kagabi sakto namang nandon sila Tisoy at Albin. Bigla nalang nanuntok si Rico dang kasi bastos ang bunganga ni Tisoy.” “Dapat lang sa kanila iyon.” “EH, yun na nga. Si Tiyang ay galit na galit sa akin,” sabi ko. “Pinaliwanag mo bang lahat kay Tiyang mo? Bakit naman siya magagalit? Pinagtanggol ka lang ni Rico at deserved nating mga diyosa iyon–” “Galit si Tiyang dahil ang pagkakaintindi niya ay nagpapansin ako kay Tisoy kaya napa-away si Rico. Hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin wala lang siyang choice kaninang umaga,” malungkot kong sabi. “A-Alam mo Watty, matagal ko ng ramdam ang Tiyang Tess mo hindi ka talaga niya mahal. Binastos kana ganon pa ang reaksyon niya? Watty hayaan mo nalang ang mahalaga ay may isang binatang nagtanggol sa iyo,” pinaka-titigan niya ako at bahagyang hinaplos ang aking balikat. “Y-Yun na nga eh. Si Tiyang Tess pinatuloy si Rico dito sa bahay kaya may kasama ako dito. Alam mo naman na hindi ako sanay na may ibang tao. Tapos lalaki pa,” Nanlaki ang mga mata ni Georgette ng marinig ang sinabi kong nandiyan pa si Rico. “S-Saan?” “B-Bes! G-Georgette!” ang putchages na bakla agad na pinuntahan ang kuwarto ni Tiyang. Dito sa maliit naming bahay ay may dalawang kuwarto lang. Tig-isa kami ni Tiyang pero ngayon si Rico na ang gagamit ng kuwarto ko. Agad na tinungo ni Georgette ang kuwarto na malapit sa CR pero wala ‘don kaya binalingan niya ang kuwarto ko. Bahagya itong naka-bukas at halos humiyaw ang bakla ng makita niya ang itsura ni Rico. Agad niyang natutop ang kaniyang bibig. “Oh, magkatabi kayo kagabi? Agad-agad?” may panunukso sa mga mata ni bakla. “‘Don ako natulog sa sala. Kaya nga hanggang ngayon masakit parin ang likod ko.” Pinag-ekis ko ang dalawa kong kamay. Dalagang-pilina akes noh. “Hmm.. ang kinis at puti naman ng batang iyan. T-Topless! Bes– last na itaas ko lang ang kumot,” “M-Maharot. Tatlong araw lang siya dito. Uuwi din siya. Gusto lang niya makasama si Tiyang.” Bumalik kami sa lamesa kung saan muli kong dinampot ang mga sticks at isaw na itutuhog ko. “Akala ko naman sobrang problemado ang beshhhyy ko eh kahit isang taon pa kaming mag-away ni Tiyang Tess mo, kabog! basta mal*plap ko lang iyang alaga niya,” “Ga*a ka talaga!.. for your information beshy hindi talaga kayo magkakasundo ni Tiyang. Remember yung one time na pinagalitan niya tayo ng isama mo ako sa Club kung saan ka nagwowork? Hanggang ngayon yung anet ko hindi pa nakaka-move on,” hindi ko napigilan na mapangiti dahil sa nakakatawang alaala na iyon. “Oh, ayan ngumingiti na ang beshy kong habulin ng amoy lumlom,” biro niya. “S-Salamat Beshy..nakakapagtampo narin kasi ang mga salita ni Tiyang. Para kasing nagsisisi siyang inalagaan niya ako.” malungkot kong turan. “A-Alam mo naman na iyan ang totoo. Alam mo ang goal mo dapat, yayaman ako at maghahanap ako ng AFAM! Keri? Keri mo iyan! Tapos sampalin mo ng pera si Tiyang mo!” sabi ni Georgette. “Tignan mo aamo sa iyo ‘yan!” dagdag niya. Magsasalita pa sana ako pero dumating si Rico. Wala parin siyang pang-itaas na suot. Kaya ang Georgette kagat-labing tumingin sa akin. “H-Hello Fafa Rico!” bati ni Georgette. Ngunit mukhang hindi yata maganda ang bangon ni Rico dahil inirapan niya si Georgette at tinitigan ako ng sobrang talim. Gusto ko ng maniwalang may galit ito sa mundo kaya nakipagrambol kagabi kay Tisoy. “Aww,” sa katangahan ko ay nasaludsod ng stick ang hintuturo ko. May matatalim talaga eh. “Bes–” “N-Nasaludsod lang,” Tanga mo kasi Watty, ayan ang hapdi tuloy. Hindi ko napigilang mapatingin kay Rico na nakatingin parin sa akin. Naisip ko baka gusto niyang magkape o pandesal. Pandesal? Oo pandesal eh kumpleto nga yung pandesal niya— langya abs yun eh. “A–A–R-Rico, gusto mo ng kape at pa-pandesal. Oo. Pandesal at kape..” “Ayan oh nagagalit na pandesal!” anas ni Georgette. Ang baklang ito kaya pala sobrang tahimik nakatitig din sa view. “R-Rico?” para na naman akong tanga. “Sure.” maikli niyang sagot sabay talikod sa amin. Mukhang bumalik sa kuwarto kaya tinampal ko ang kamay ni Georgette. “Huy! yung tingin mo!” bawal ko kay Georgette. “B-Bakit pag-aari mo na ang magandang view? saka hindi ko naman kinagatan,” biro ni Georgette sabay iikot ang mata. Ipinagtimpla ko ng kape si Rico. At matapos ay dinala ko sa kaniya. Anak mayaman si Rico base sa kuwentuhan nila ni Tiyang kagabi. Pero ayaw niyang magstay sa hotel dahil gusto niya raw dito. Wirdo lang! Hay nako Watty, asan na ba ang batang iyon? “Ah, R-Rico andito na ang kape mo!” tawag ko sa kaniya. Pero hindi parin siya lumabas ng kuwarto kaya sinilip ko siya sa loob. Nakaupo siya sa kama. Siguro namimiss na niya ang magandang kama. Pumasok ako at nilapitan ko siya. “R-Rico. Ibinilin ka kasi ni Tiyang kaya halika na sa labas magkape ka na,” pag-aaya ko sa kaniya. Bakas parin ang mga pasa niya sa pisngi kaya hindi ko siya matignan sa mata. “I know. Tapusin mo na agad yung ginagawa mo diyan. Bibili tayo ng mga stocks,” seryoso niyang sabi. “S-Sige malapit na. Nasa sala yung kape mo.” Tumalikod na ako at lalabas na ng bigla niya akong tinawag. “S-Sayo ba ito?” nagulat pa ako ng may ibato siya sa akin. Shaks ang p*nty ko. Nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko siyang ngumiti na parang nang-aasar. Lalo akong namula sa harap niya. At dahil sa pagka-aligaga ko ay naipamulsa ko ang und*s ko. Bakit ba nandon ‘yun? Burara! Sita ko sa sarili ko. “Oh, Bes bakit ganiyan ang mukha mo… hinaras ka ba ng batang iyon? Ano haharasin ko din siya in return?” palatak na tanong ni Georgette. Umiling ako at bumalik sa pagtutuhog ng paninda ko. Wala na akong masabi sa mga nangyari at mangyayari habang nandito si Rico. Kailangan kong maging mabait sa kaniya dahil kay Tiyang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD