CHAPTER 5 : Halik

1192 Words
BAGSAK ang balikat ni Watty nang makalabas sila mula sa magarang restaurant. Hindi parin kasi maalis sa kaniya ang masayang mukha ni Enrique habang kaharap ang babaeng ka-date nito. Napaka-ganda kasi talaga ng anak ng Vice Mayor at bagay sila. "Huy saglit!" ani niya. Nabalik siya sa kaniyang katinuan ng makita si Rico na pumasok sa Bellissimo, isang sikat na clothing brand. Dali-dali naman siyang sumunod dito. "Ang bilis naman niyang lumakad. Ang haba kasi ng biyas iyong isang hakbang niya ay tatlo ko ata," bulong niya. Binilisan niya ang paglalakad at nilinga-linga dahil ang bilis nitong nawala. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita ito sa women's section. "Try this on." sabi ni Rico nang makalapit siya. "A-ano?" "This dress will really suit you. Try this on, and–” Napahinto sa pagsasalita si Rico nang pakatitigan siya ni Watty. Seryoso na kasi ang mukha nito. "B-bakit mo ba ako dinala dito? Pinakain at bumili ng sandamukal na gamit. Ibili mo nalang si T'yang. Hindi naman tayo magkakilala o close." Biglang lumamig ang pananalita nito. "Yeah we're not really close. Natatakot ka ba sa hihingiin kong kapalit?" "K-kapalit? Huy! Hindi ako ganiyang klaseng babae akala ko pa naman kaiba ka kila Tisoy. Mayaman o mahirap pare-pareho lang . Umuwi na tayo, Rico!" "I'm treating you right. This makes me different from them.” “A-ano nga ang kapalit nito? Hindi ka naman magiging mabait sa akin ng basta at walang inaasahang kapalit.” May pagkainosente ang tono ni Watty kaya napangisi si Rico. “Nothing. Just try this on.” “Bawas-bawasan mo naman ang pag-ingles mo. Marunong ka naman magsalita ng tagalog?” “Yeah. Sorry.” Tinanggap niya ang inaabot nitong damit at binuklat ang price tag. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang presyo nito. Kaya ibinalik niya kay Rico ang damit. “Hindi ako nagsusuot ng ganiyan ka mahal. Yung presyo niyan parang isang buwan ko ng kita sa pag-iihaw o mas higit pa.” Tumalikod na siya kay Rico ngunit bigla siya nitong hinila. “I get it. Hintayin mo nalang ako sa labas.” Tumango nalang si Watty at lumabas. Ilang minuto din siyang tumayo ‘ron hanggang dumako ang kaniyang paningin sa pamilyar na mukha sa wall ng mall. Si Enrique ang bagong modelo ng isang brand na kilala rin. Napahawak siya sa aluminum glass railing at pinagpantasyahan ang mukha nito. Kaya hindi narin niya napansin ang lalaking tumabi sa kaniya. “You really like him, huh?” Nang marinig niya ang pagsasalita ni Rico ay saka lamang siya nabalik sa kaniyang sarili. Napalunok at tumango nalang. “Oo. Diba ang guwapo.” “H-Hindi ka ba naguguwapuhan sa akin?” natawa si Watty dahil medyo may pagka-slang ang pagkakasabi nito. “Guwapo ka naman. Siguro marami ka nang babaeng nabiktima.” “Biktima means victim with this look? Yeah. Just a few. Anyway, Miss Watty, this is for you!” umiling ito habang iniaabot ang tatlong paper bags na may pangalan nang nasabing clothing brand.. Sinilip niya ito at nagulat siya dahil maliban sa dress na pinasusukat sa kaniya kanina ay mayroon ding mga undies. “R-Rico?” “We’re friends na diba?” “Kailan pa? H-hindi ko matatanggap ito. Napakamahal ng mga iyan.” “D-da*n! Just accept it.” “Halika isoli natin.” Kinuha niya ang paper bags kay Rico at hinila niya sa kamay ang lalaki ngunit hindi ito natinag. Siya ang hinila ni Rico kaya tumama siya sa dibdib nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata at nakita niya ang pagkaseryoso ng mga mata nito. “R-Rico?” “Napakatigas ng ulo mo.” Natameme siya ng hapitin nito ang kaniyang baywang at bahagya nitong pisilin. Binalikan nila ang kanilang mga pinamili at sumakay ng tricycle pauwi. Sa biyahe ay nanatiling tahimik si Watty dahil kakaiba ang mga mata ni Rico at hapitin siya sa baywang. “Dito na lang po, Manong!” ani ni Watty. Tinulungan pa sila ng drayber magbaba ng mga pinamili. At nakita niyang iniabutan ng limandaang piso ang drayber. Kaya abot-tainga ang ngiti ng matanda. “S-salamat, Hijo!’ ani nito bago pinaharurot ang tricycle. Tahimik nilang inakyat ang mga pinamili at inayos ang mga ito sa may kusina. Nagsimula nang maasiwa si Watty kay Rico kaya hindi niya na ito matingnan nang diretso. Lalo pa siyang natuod sa kaniyang kinatatayuan nang maghubad ito. “It’s hot.” ani nito. Tumambad sa kaniyang harapan ang kumpletong pandesal nito kaya nakaramdam siya ng pagkatuyo ng lalamunan. Kumuha siya ng malamig na tubig sa ref at baso. Walang pag-aatubiling nagsalin siya at uminom. At pinunasan ang bibig at namilog ang mata nang malipat ang tingin kay Rico. “It’s hot diba. Tubig. Water-gusto mo!” nauutal niyang sabi. Iniwas niya ang tingin at ibinalik sa mga sinasalansang mga pinamili. Muli niyang tinignan ito at ngayon ay nakaupo ito sa sala sa harap ng electricfan. Maya-maya pa ay humiga ito. Siguro nga ay napagod. Patapos narin naman siya sa pag-aayos kaya pumasok siya sa loob ng kaniyang kuwarto para mag-ayos dahil ilang araw pa mananatili ang lalaki sa bahay. Kaya hindi na niya napansing nasa pintuan na ito at nakatayo ‘ron. Sa kaniyang pag-atras ay bumangga siya sa matigas na bagay. “Malapit ka na bang matapos?” may lambing sa tono nito na ikinawindang niya ngunit hindi siya nagpahalata. Dali-dali siyang humakbang palayo at humarap. “S-sandali nalang. Puwede bang umatras ka. Ilalabas ko lang ang mga kalat. Pasensya na malapit kasi sa kalsada kaya maalikabok ang kuwarto.” “It’s okay.” “Ano ba naman ‘to bigla nalang sumusulpot kung saan. Ang tigas ng katawan niya parang bato. Batong-buhay.” bulong ni Watty “Okay na. Kukunin ko lang ‘yong mga damit ko para hindi na kita maistorbo.” Nagsasalita siya habang kinukuha ang mga damit niya sa aparador. Nagulat nalang siya ng bigla itong nahiga sa kaniyang kama. “Watty. Can I get what you promise?” Namilog ang mata niya ng muli itong magsalita. “P-promise? M-mayroon ba? Wala kasi akong matandaan,” pagtatanggi niya. “You owe me a Kiss,” sabi nito. “Naloloko ka na ba? Este nagbibiro ka lang diba?” Umiling si Rico at umupo. Nakahubad parin ito kaya lalo lamang siyang nailang. “I’m not joking Watty!” “Kay G-Georgette gusto mo kahit maghapon hindi ka niya hihindian.” Unti-unti siyang humakbang papalabas ng kuwarto ngunit mabilis siyang naharang ni Rico. “A-Ano? Hindi ka ba kinikilabutan sa hinihiling mo? Bakit naman kita hahalikan? Saka mamahalin ‘tong kiss ko. Hindi ko binibigay basta-basta kung kanino lang. Dalagang Pilipina kaya ako. Isa pa hindi naman kita–” “We’re already friends, Watty!” “Oo pero hindi naman ulit na magkaibigan tayo hahalikan mo na ako.” Na pabuntong-hininga nalang si Rico sa mga narinig niya kay Watty. Pinadaan niya ito at bumalik sa kama. “Yeah. I forgot I’m in the phils. And women here are different from the women in the states,” Napahawak nalang sa noo si Rico pinagmasdan nalang niyang lumabas ng kuwarto ang dalaga.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD