CHAPTER 2 : Awat na kasi!

1172 Words
WATTY POV  “PASENSYA ka na, matagal si Tiyang. Mahihintay mo pa ba siya. Baka hinahanap kana ng parents mo?” ani ko. Nakasimangot kasi siya, malay ko ba kung may iba pa siyang lakad. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Anak ng ginoong tinapa aba’y ganiyan kabilis magbago ang mood niya. Hindi kaya may bipolar ang isang ito? O serial killer tulad ng mga napapanood ko sa t.v. Paano eh ganiyan na ganiyan ang galawan. “A-Ayus lang,” may pagka-slang niyang sagot na muntik ko nang ikatawa. Grabeng pigil ang ginawa ko yung parang naiihi lang. “Ahm eh sige iiwan muna kita saglit, mag-iigib lang ako sa poso ng tubig namin dito sa bahay.” “S-Saan?” kumunot ang noo niya. “Doon sa kabilang bahay.” Sabay turo ko sa labas. Kainis mukha akong tanga sa harap nitong binatilyong ito. “S-Sasamahan na kita..” ayan lumabas nanaman ang pagka-slang niya at hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa ko. Humagalpak na ako ng tawa sabay hawak ko sa aking tiyan. “What’s funny?” kaya pinilit kong tumigil. ‘O-Oo Hoy! Watty wala namang nakakatawa,’ sita ko sa sarili ko. “P-Pasensya na. May lahi kang porenger ha noh?” banat ko. “Yes,” tipid niyang sagot na parang ikinatameme ko. 'Sana ol' bulong ko. Magseryoso kana kasi Watty’ bulong ko. “Ahhm. Ano nga pala ang pangalan mo? Hindi ko alam ang itatawag ko sa iyo?” sabi ko. “I’m Rico.” “Hmmm..Ako naman si—” hindi ko na naituloy dahil sumabat na si Rico. “Watty right!” napatango na lang kasi naman inunahan na niya ako. Dinampot ko na ang mga balde na walang laman. Dire-diretso ako sa ibaba habang nakasunod na pala sa akin si Rico. Hindi nalang ako umapila mukha naman siyang mabait at makulit. “Ganito pala kahirap ang buhay ni Yaya dito bakit hindi na lang siya bumalik sa mansyon.” Pansin kong unti-unti ng nagiging komportable si Rico na makipagkuwentuhan kaya sinabayan ko narin siya baka kasi isipin niya na ganito na nga kami ka-pobre ay isnabera pa. “Hindi na siya nakabalik dahil sa akin. Inalagaan niya ako.” “Nasaan ba ang parents mo?” “W-Wala na sila. Naaksidente.” Natahimik siya siguro naisip niyang walang akong ka-kuwenta-kuwentang kausap. Alam ko naman iyon kaya nga idinadaan ko nalang sa mga biro. Pagdating namin sa poso naroon pa sila Tisoy at Albin naliligo. Namaywang sila sa amin ni Rico. “Magandang Gabi Watty..” bati ni Tisoy na kung makatingin sa legs ko kulang nalang dilaan. “Makikiigib lang mga repa!” namaywang din ako dahil alam ko namang kapag nagpakita ka ng kahinaan ay magsisimula silang magpakita ng kagaspangan. Inarkuhan kami ng kilay ng dalawa samantala si Rico nama'y masama na ang tingin kay Tisoy. “Sino siya Watty? Kliyente mo? Amoy mayaman ah!” biro ni Albin. Sabi na nga ba e, pokp*k ang tingin nila sa akin eh. Palibhasa hindi ako nagpapahipo sa kanila. Kinindatan ko si Rico at hinaklit ko ang braso. ‘Please makisama ka.’ Bulong ko pero mukhang hindi tumalab dahil masama parin ang tingin kay Tisoy. Para silang naguusap sa tinginan at masama ito. Si Tisoy kasi matagal ng nagpapahaging sa akin kaya lang wala akong mapapala sa basagulero na lasinggero pa. “Ah Eh hindi. Alaga siya ni Tiyang noon. Dumadalaw lang. Kaya paigibin na ninyo kami mga repa…” pakiusap ko dahil sa uri ng tinginan nila ay parang kahit anong oras ay may tupadang magaganap este suntukan pala. Nilapitan pa ni Tisoy at sinipat mula ulo hanggang paa. At nang ilipat sa akin ni Tisoy ang tingin niya ay bigla nalang siyang sinuntok ni Rico. Napasigaw ako ng tulong. Ang mga marites lumabas pero halip na umawat ay sinigaw pa ang pangalan ni Tisoy. “T-Tisoy! T-Tisoy, T-Tisoy!” sabay-sabay pa sila. Ano ‘to tondo? Rambol agad! “H-Halangya…tumigil kayo!’ sigaw ko. Pero ang mga litsugas ay hindi tumigil sa pagsusuntukan. Infairness nakakasabay si Rico sa sutukan kahit na sikat na tambay at basagulero ang kaharap niya pero Watty gaga ka! Lagot ka kay Tiyang!. Sumigaw ako ng awat pero hindi natinag kaya ang ginawa ko ay pumagitna na ako hanggang likod ko ang masuntok ni Tisoy kaya napayakap ako kay Rico na may dugo na sa gilid ng labi niya. “A-Awat na! Lagot ako kay Tiyang!” nasabi ko ‘yan ng buo kahit dama ko ang sakit ng suntok ni Tisoy. Parehas kaming nabuwal ni Rico. “A-Aray ang sakit ng likod ko. A-Aray!” paulit-ulit kong sabi. Binuhat niya ako pabalik sa bahay. Iniwan namin silang ang tingin kay Tisoy ay isang kampiyon. Hindi umiimik si Rico hanggang maibaba niya ako sa aming kawayang sofa. Pinilit kong makaupo at inabot ko ang labi ni Rico. Pinahiran ko ang dugo. “P-Paano mo natitiis na pinagsasalitaan ka nila ng ganiyan?” magaling naman pala mag-tagalog si Rico o dahil galit lang siya. “Pasensya ka na dapat pala hindi na ako umigib. Napaaway ka pa. Lagot ako kay Tiyang! Saglit kukuha ako ng yelo,” Bisita namin siya at responsibilidad ko siya. Pero hinila niya ang kamay ko para pigilan sa pagtayo. “Ituro mo nalang sa akin kung saan ako kukuha ng ice. Yung likod mo kailangan din ng ice.” “A-Ayos lang ako. Saka ganito talaga dito. Yung gawi ‘don village na yun kaya walang rambol. Pero itong gawi namin ay bahagi ng tinatawag na iskwater. Pasensya kana, Rico!” Ngunit hindi niya pinakawalan ang kamay ko hanggang dumating si Tiyang. Kaya tinampal ko ang kamay ni Rico. Ang itsura namin kasi parang galing sa paggawa ng kababalaghan. Napatingin si Rico sa pinto at nabitawan ako. “Yaya!” sambit ni Rico. Nanlaki ang mata ni Tiyang at niyakap si Rico. Napangiti ako dahil parang reunion ng mag-ina ang nagaganap. Kahit papaano ay napawi ang sakit ng likod ko. Ngunit ang pasa ni Rico sa gilid ng labi ay hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Tiyang. “A-Anong nangyari? Watty?” agad na tingin sa akin ni Tiyang. “Ah Eh sila Tisoy kasi— Tiyang naman kasalanan ko.” “It’s my fault Yaya…binabastos kasi nila si Watty,” “P-Pasensiya kana, Seniorito… saglit at ikukuha kita ng yelo.” Ginamot ni Tiyang ang pasa ni Rico at ako naman ay nagluto na ng hapunan. Hindi ko na ininda ang sakit ng likod ko. Mahalaga pa ba iyon? Kasalanan ko rin kung bakit napaaway si Rico. Paglabas ko ay umiiyak na si Tiyang. Kaya tinitigan ko si Rico at napatingin din sa akin. “K-Kain na,” mostra ko. Pero pinukol lang niya ako ng tingin na parang kakainin ng buhay. Galit narin ba siya sa akin? Bumalik ako sa kusina para hintayin nalang sila. Pakiramdam ko katapusan ko na paano nalang kung ako ang balugbugin ni Tiyang sa nangyari. Mala-dragon si Tiyang kapag nagagalit eh ‘yong kayang bumuga ng apoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD