17- Pursuing her

1346
Naupo na sa dining table ang lahat, si Princess sa center, sa kanan niya ay si Rachel, at sa tabi naman nito ay si Amara, then si Nanny Deli. Sa kaliwa naman ni Princess naupo si Chard, at sa tabi niya ay si Alek. "Sa wakas nakauwi rin," sambit ni Princess na tuwang-tuwa sa mga pakain na nakikita niya. "You cannot eat it all," suway ni Chard at binigyan niya nang makahulugan na tingin si Princess. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Princess ng pagsabihan siya ni Chard na naging dahilan kung bakit napalingon siya rito at matalim na tumitig dito. Napatingin tuloy sa isa't-isa si Rachel at Alek dahil sa dalawa, meaningfully, like they are talking by the use of their eyes. "Awatin mo sila," bulong ni Alek sa girlfriend niya without opening his mouth. "Bakit ako? Awatin mo ang kapatid mo. Lorainne just got back from the hospital, give her a break," sagot ni Rachel na patingin-tingin kay Chard at kay Princess, pagtutukoy sa kanila. "He's a doctor. He knows what's better and not for Lorainne. Sige na, awatin mo sila. Or, think something to divert their attention to anywhere else at ang awkward kumain kung ganiyan silang dalawa," tugon ni Alek with shrugging his shoulders na may pag tingin din sa dalawa. Rachel in response gritted her teeth dahil pinasa na naman sa kaniya ang pag-aawat sa dalawa. And so, she cleared her throat to cut the tension in the air. "Chard, a little bit is okay, right? Come on, don't be strict to Lorainne. Go, sis, kain ka na," aniya na sumandok ng kanin to give it to Princess. "Ako na para kontrolado ang sugar niya sa katawan. We don't want her to go back to the hospital," wika ni Chard at kinuha sa kamay ni Rachel ang sandok para siya ang kumuha nang rice na ibibigay kay Princess. Umiwas ng tingin si Princess as she is containing herself to explode at nasa harap nila si Amara na inaalala niya. Nanahimik na lamang siya at hinayaan si Chard na kumuha nang food for her, habang si Rachel, Alek, Nanny Deli, at Amara ay ramdam ang tension sa pagitan ng dalawa na hindi maitatanggi. Later on, naghuhugas na nang pinagkainan si Nanny Deli, habang si Alek, Chard, at Amara ay nasa sala at nanonood ng cartoon sa television. Pagkatapos naman magpalit ni Princess ay bumaba siya nang hagdan at nakita niya na hindi pa pala umaalis si Chard. She then go directly to the dining table kung saan ay nag-aayos si Rachel ng mga natirang ulam, at nilapitan niya ito. "Sis, bakit nandito pa siya?" tanong ni Princess na kumuha nang isang baso nang tubig, at ininom ito. "Who? Chard? Hindi ko rin alam," replied ni Rachel na napatingin dito. "Paalisin mo na nga 'yan at ako ay naaasar kapag nandito 'yan," asar na sambit ni Princess at naupo ulit sa upuan niya. Napangiti si Rachel dahil sa reaksyon ng kaibigan niya. "Hindi 'yan aalis hanggang hindi 'yan nakakapagpaalam sa 'yo. Mukhang ikaw ang hinihintay niya bago siya umalis, eh," aniya at pinagtatakpan na ang mga ulam na nilipat niya sa maliit na container. "Ako, hinihintay niya? Sabunutan ko siya, eh," inis na wika ni Princess, and rolled her eyes just thinking of Chard at sa ginawa nito kanina sa kaniya habang kumakain sila. "Nandiyan ka na pala," singit ni Chard na biglang lumitaw sa dining table kung nasaan ang dalawang babae, at nagkasalubong ang mga mata nila ni Princess. "What?" mataray na tanong ni Princess, arching an eyebrow at him. "Inumin mo ang mga gamot mo, okay? Here, kumpleto na 'to for one week. I already put them on the small medicine box para hindi mo makalimutan na uminom. Remember, hindi ka dapat lumiban sa mga gamot mo, kung gusto mo bumalik ulit sa hospital. Okay?" paalala ni Chard, at lumapit siya kay Princess to give the small medicine box. "Hinding-hindi na ako babalik sa hospital kung nandoon ka. Thank you," Princess sarcastically said, at kinuha ang small medicine box. Napangisi si Chard sa sinabi ni Princess, at dahil sa ugali nito towards him ay lumapit pa siya rito nang husto, and since she is sitting down, he leaned down on her. Habang si Rachel ay sinilip ang dalawa para makiosyoso. "You better not come back to the hospital, dahil kapag bumalik ka, ako na ang magbabantay sa 'yo at hindi na si Nanny Deli. More kisses and hugs for me," banggit ni Chard with a naughty smile on his face, teasing Princess more. "Wait, what happened sa hospital? Care to tell me?" tanong ni Rachel na naki-chismis sa mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Princess dahil sa sinabi ni Chard na hindi niya inaasahan, na naging dahilan kung bakit napatayo siya sa upuan para lang makaiwas dito. Samantala si Rachel ay natatawa sa dalawa. "Anong pinagsasabi mo? Umalis ka na nga. Bwisit 'to," asar na tanggi ni Princess na biglang namula ang mukha dahil sa pagbunyag nito na ginawa nila sa hospital. Natawa si Chard sa itsura nito that he find cute nang tinulak siya bigla ni Princess at pinagtabuyan papunta sa pinto. "Wait. Aren't you gonna kiss and hug me again before I leave?" patuloy na pang-aasar ni Chard na humarap dito to tease her more. "Tumigil ka, hindi ako natutuwa sa 'yo, ah. At ang kapal ng mukha mo na asarin ako, ah. Hindi ka na makakabalik dito," galit na tinuran ni Princess at tinulak ito sa dibdib since nakaharap na ito sa kaniya. "Babalik ako next week to check you," nakangiting sabi ni Chard na binalewala ang sinabi nito. "No," matigas na tugon ni Princess, at tuluyan na ito tinulak palabas ng pinto. "Teka," seryosong sambit ni Chard na humawak sa gilid niya para hindi siya tuluyan na pagsarhan nito nang pinto. "Ano na naman?" asar na tanong ni Princess, at tinaasan niya ulit ito nang isang kilay. "Sabihan mo ako kapag tumawag ulit si Axel, okay?" banggit ni Chard na pinaalalahanan ulit ito. Princess rolled her eyes first before answering him. "Pwede ba, stop meddling with my life?" prangka niyang aniya rito. "Lorainne, ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo na mahal kita para maniwala ka? I just...want...you to be safe," banggit ni Chard na hindi nag-aalinlangan na sabihin na mahal niya ito. "You want me to be safe? Sinong niloko mo? Ako? Ang sabihin mo nagseselos ka kaya ganiyan ka," kontra ni Princess na binuking ito. Napahinga nang malalim si Chard dahil sa sinabi nito. "Fine. Aamin na ako, okay? Nagseselos ako," direktang pagtatapat niya. Natahimik si Princess ng umamin nga ito tulad ng sinabi niya, na naging dahilan kung bakit napatitig siya rito blankly. "Aamin din ako na naiinis ako kanina kasi na tumatawag pa rin siya sa 'yo kahit na hiwalay na kayo. Tapos gusto pa niya makipagbalikan sa 'yo? No, that' s not gonna happen. I don't like that to happen," pagtatapat pa na sabi ni Chard, straightforwardly, without hesitation to express his true feelings towards her. Napaiwas ng tingin si Princess kay Chard dahil sa sobrang titig nito sa kaniya, na naging dahilan kung bakit bumilis ang pintig ng puso niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Chard then stepped forward and get closer to her. "Please, Lorainne...reply to me whenever I call and text you, okay? Kung hindi mag-aalala ako sa 'yo. At tulad ng sabi ko sa 'yo kanina, sabihan mo ako kapag tumawag si Axel, okay?" malambing na pakiusap niya rito na hinawakan ang kanan kamay nito to pursue her. "Whatever, fine. Sige na, alis na," sagot ni Princess na nakaramdam ng hiya rito, at tinulak na niya ito nang husto para masara na niya ang pinto. Pagkasara niya sa pinto ay napasandal siya at napahawak sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya na kumakabog pa rin dahil sa ginawang paglalambing ni Chard sa kaniya. However, biglang nalungkot at napa-sighed si Chard dahil sa ginawa sa kaniya ni Princess. Hindi naman na niya pinilit ang sarili rito, at pumunta na siya sa sasakyan niya. Itutuloy...
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작