Umakyat na nang kwarto niya si Princess, pero bago pa man siya mahiga ay biglang may kumatok sa pinto niya kaya napatigil siya. Binuksan niya ang pinto at nakita niya ang matalik na kaibigan na kaagad pumasok kahit walang permiso niya, kaya naman sinara na niya ang pinto.
"Okay, I need an explanation," sambit ni Rachel matapos niya marinig ang usapan ng dalawa niyang kaibigan kanina sa dining table.
"I have nothing to explain to you," inaantok na tugon ni Princess, at nahiga na siya nang kama.
Mabilis na lumapit si Rachel sa kaibigan at kinulit ito. "Sige na, sis, mag-kwento na ikaw," paglalambing niya rito.
"Wala nga nangyari sa amin, okay? Nagbibiro lang siya kanina nang sabihin niya 'yun," responded ni Princess with her half open eyes.
"Anong wala ka riyan? I saw you, sis. Wala ka maikakaila sa akin," pangungulit pa rin ni Rachel at dinaganan niya ito para hindi ito makatakas sa kaniya by sleeping.
"Fine," sambit ni Princess na huminga ng malalim bago buksan ulit ang bibig niya. "Kaninang umaga, tumabi siya sa akin sa kama. He hugged me. I was about to push him nang nakita ko na tulog na siya habang ako ay walang lakas dahil inaantok pa ako, kaya naman hinayaan ko siya. Pero 'yun lang 'yun, okay? Walang nangyari sa amin kung iyon ang next mong tanong. Now, can you go out? I want to sleep at hindi ako nakatulog ng maayos doon dahil may doktor na laging bumibisita," kwento ni Princess na nilinaw ang nangyari sa kanila ni Chard kaninang umaga.
"Weh? Seryoso? Walang nangyari sa inyo? You kissed already tapos nagyakapan pa kayo--" hindi naniniwalang tanong ni Rachel pero hindi natuloy ang sasabihin niya nang biglang nagsalita si Princess.
"Excuse me, correction. He was the one who hugged me, and not me," Princess corrected, defending herself.
"Pero hinayaan mo siya na yakapin ka, hindi ba? Same banana," nakangiting kontra ni Rachel, teasing Princess more.
Napangiwi si Princess sa sinabi nito at dahil doon ay umikot siya sa kabilang side para makatulog na siya nang bigla naman tumunog ang phone niya dahil may nag-message sa kaniya. Kinuha niya ang phone sa ibabaw ng drawer, sa tabi niya, habang si Rachel ay pumunta sa likod ng kaibigan para makiososyo. Princess then opened the message, at natahimik siya nang mabasa niya ang message na galing kay Chard.
-Hospital na ako. Matulog ka, ah. Text me when you wake up. I love you. Daan ako riyan mamaya if matapos ako kaagad sa duty ko.
Natawa si Rachel matapos niya mabasa ang text na galing kay Chard, na naging dahilan kung bakit napapikit si Princess na halatang pinipigilan ang sarili na magalit dito nang husto. Sa inis niya ay hindi niya ito nireply-an at tinabi na ulit ang phone niya sa ibabaw ng drawer, habang si Rachel ay tumingin sa kaibigan with a naughty smile on her face.
"Uy, hindi mo ba siya rereply-an? I love you raw, oh," natatawang sabi ni Rachel, teasing her friend.
"Manahimik ka nga riyan. Lumabas ka na at matutulog na ako," asar na wika ni Princess, at humarap siya rito para itulak ito paalis sa kama niya.
"Dadaan daw siya rito mamaya, pagbuksan ko ba siya?" tanong ni Rachel na may pang-aasar, at tumayo na siya sa gilid ng kama.
"Shut up, Rachel. Wala ako pakialam sa kaniya, okay? Huwag mo siya pagbuksan mamaya, ah, kapag dumating siya. Hayaan mo lang siya. Sige na, out na, at ako ay inaantok na," tinuran ni Princess seriously, at tuluyan na niya sinara ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang antok.
Nanahimik naman na si Rachel at lumabas na nang kwarto ng kaibigan niya.
——
Nagising si Princess na palubog na ang araw nang bigla niya naalala ang ginagawa niyang proyekto. Kaagad siya tumayo at pumunta sa desk niya to work. Dahil sa pagtatrabaho niya ay hindi niya namalayan na lumipas na ang oras na mabilis na umiikot. Her phone then make a sound nang makatanggap siya nang text message na naging dahilan kung bakit napatigil siya sa ginagawa niya at binuksan ito.
-Are you awake? Can I call you?
She just rolled her eyes as a response sa text nito at sinara na niya ulit ang phone niya para maipagpatuloy ang ginagawa niya.
On the other hand, pumasok si Chard sa kwarto nang pasyente niya, at kinamusta niya ito.
"Ayos lang po ako, doc. Guminhawa na po ang pakiramdam ko," sabi nang pasyente habang nakahiga.
"That's good to hear, Sir. Kapag natuloy-tuloy po ang progress niyo, baka pwede ko na po kayo i-discharge," nakangiting banggit ni Chard sa pasyente.
"Salamat po, doc," tugon ng pasyente na ngumiti lalo sa hatid na balita nito.
"Okay, iwan muna kita, ah. Balikan kita ulit," paalam ni Chard sa pasyente at lumabas na siya.
Pagkasara nang pinto ni Chard ay kaagad niya tiningnan ang phone niya as he is waiting for Princess's reply, pero wala kahit isang message ang dumating mula rito na naging dahilan kung bakit nalungkot siya.
Ilang saglit lang ay nakabalik na si Chard sa office niya, naupo siya kaagad at tiningnan ulit ang phone niya para i-text ulit si Princess.
-Please call me once you're awake. I'll be waiting for you.
Napa-shake na nang tuhod si Chard habang naghihintay ng reply from Princess nang biglang tumunog ang telephone sa harap niya.
"Good evening, Dr. Chard, code blue po sa ICU ngayon," sambit ng nurse over the phone.
"Okay, I'm coming," mabilis na tugon ni Chard, at siya na mismo ang nagbaba nang tawag.
Pagkadating ni Chard sa ICU ay nakita niya ang isang lalaking nurse na nagsi-CPR na sa pasyente niya. He acted quickly at kumuha nang defibrillator.
"Okay, stop. Charge to 200 joules," Chard announced, and he rubbed the two before applying it to the patient.
Kaagad na tumabi ang nurse para magbigay ng way sa doctor, habang si Chard ay nag-charged for the second time nang narinig nilang lahat na bumalik ang tunog sa monitor ng pasyente na ang ibig sabihin ay nabuhay ulit ito. Dahil dito ay nakahinga ang lahat ng maibalik ng doktor ang buhay ng pasyente.
Meanwhile, 10 na nang gabi nang lumabas si Princess sa kwarto niya. Pumunta siya sa dining area, at nakita niya si Nanny Deli na nagliligpit ng lamesa.
"Oh, gising ka na pala, anak. Maupo ka at ipaghahain kita. Kumain na kami. Sinilip kasi kita kanina at nakita ko na tulog ka pa, kaya naman nauna na kami nila Rachel at Amara na kumain," paliwanag ni Nanny Deli, at naglagay ng plato sa harap ng upuan ni Princess.
"Salamat po, Nanny Deli," nakangiting replied ni Princess na naintindihan ang paliwanag nito.
Samantala si Rachel ay sumilip sa kwarto ni Princess pero nagtaka siya nang hindi niya ito makita, kaya naman mabilis siya bumaba nang hagdan para hanapin ito. Saka lang tumigil ang mga paa niya nang nakita niya ang matalik na kaibigan sa dining table na kumakain na.
"Gising ka na pala. Kanina ka pa gising?" bungad ni Rachel, at lumapit dito.
"Oo, kanina pa. Bakit?" tanong ni Princess innocently, at humigop siya nang sabaw.
"Nag-text ba sa 'yo si Chard? Hindi ba nagsabi siya na babalik siya rito mamaya? Pero, bakit hanggang ngayon wala pa siya? Tumawag ba siya sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Rachel na naupo sa kanang side nito.
"Aba, malay ko roon. Wala ako pakialam sa kaniya," kibit-balikat na tugon ni Princess na nagpatuloy lang sa pagkain niya.
"Kaloka ka, wala ka pakialam? Baka mamaya may nangyari na sa kaniya sa kalsada kaya hanggang ngayon wala pa siya," pangungusensya ni Rachel sa kaibigan. "Text mo kaya, o kaya tawagan mo para lang makisiguro tayo," dagdag pa niya.
Napatigil si Princess dahil sa sinabi nito. Nag-aalangan tuloy siya kung bubuksan ba niya ang phone niya o hindi.
"Uy, sige na, Sis, check mo lang siya," sambit ni Rachel na may pag-aalala rin sa isa pa niyang kaibigan.
Hesitantly, kinuha ni Princess ang phone niya at tiningnan kung nag-text ulit si Chard sa kaniya. Pero ang huli nitong text ay kanina pang 8 na nagpakaba sa dibdib niya. Habang si Rachel ay sumilip sa phone nito at nakita niya ang mga messages ni Chard sa kaibigan.
-Hope you're okay. Please call me once you read my messages.
-Call me, please. I'm just typing now.
-Miss na kita. Please call me.
"Kanina pa siyang 8 huling nag-message sa 'yo. Call mo kaya para alam niya na gising ka na," adviced ni Rachel at bumalik sa upuan niya.
"Ikaw, text mo siya. Basta ako, ayaw ko," tanggi ni Princess, at sinara na niya ang phone niya para ipagpatuloy ang pagkain niya.
"Wala ka na ba talagang pakialam sa kaniya? Kaloka ka, sis," nagulat na banggit ni Rachel dahil sa reaksyon nito.
At dahil tuloy lang sa pagkain si Princess, ay si Rachel na ang tumawag kay Chard to know kung nasaan na ito, pero hindi ito sumasagot sa tawag niya na ipinagtataka niya. His phone just keeps on ringing, at dahil hindi ito sumasagot at binaba na niya ang tawag.
"Hindi siya sumasagot," anunsyo in Rachel na may pag-aalala.
"Baka busy. Don't worry too much. Baka mamaya nandiyan na 'yan. Sige na, sleep na ikaw," wika ni Princess na pinagaan ang kalooban ng kaibigan.
"Okay. Kapag dumating, papasukin mo, ah. Huwag kang matigas. Huwag kang mataray. Isipin mo, sis, may work 'yung tao pero dahil mahal ka pa rin niya ay nag-e-effort siya na pumunta-punta rito. Be nice to him, okay? Sige na, I will sleep na. Good night, sis," paalala ni Rachel sa kaibigan, at humalik na sa kaliwang pisngi nito as good night.
Maya-maya ay bumalik na ulit si Princess sa kwarto niya, at pagkasara niya nang pinto ay kaagad niya binuksan ang phone niya to see if nag-text ulit sa kaniya si Chard.
"Aba, anong oras na, ah, at wala pa siya rito. Sabi niya kanina dadaan siya rito, pero hanggang ngayon wala pa siya. Tawagan ko na ba siya?" nag-aalalang bulong niya sa sarili.
Meanwhile, si Chard ay nasa kalagitnaan ng surgery sa operation room kaya naman hindi pa ito nagte-text ulit kay Princess.
"No. I will never call him," matigas na bulong ni Princess sa sarili, at bumalik siya sa desk niya para ipagpatuloy ang trabaho niya.
Afterward, lumipas ang dalawang oras ng naisipan ni Princess na tumigil sa trabaho niya dahil inaantok na siya, kaya naman tumayo na siya sa desk niya at nahiga sa kama niya. Pero hindi siya mapakali dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagme-message si Chard, or tumatawag sa kaniya.
Napa-hiss na siya dahil sa pag-aalala kay Chard, na naging dahilan kung bakit tumayo siya at nagpalakad-lakad from one place to another while looking down on her phone.
Alas-dos na nang madaling araw nang napatingin si Princess sa phone niya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya natatanggap na text from Chard na ikinabahala na niya. She is about to dial his phone number ng marinig niya na may sasakyan sa labas ng mansyon. Nagmadali siya na tumingin sa bintana, at ng na-recognized niya ang sasakyan ay kaagad siya bumaba para salubungin ito.
Chard anyways stood straight in front of the door and was about to ring the doorbell ng biglang bumukas ang pinto at nakita niya sa harap niya si Princess na matalim ang tingin sa kaniya.
"Hi, good morning," ngiting walang energy na bati ni Chard dito.
"At anong ginagawa mo rito? Alam mo ba na madaling araw na, huh?" mataray na tanong ni Princess na nilagay ang dalawang braso niya across her chest while looking at him intimidatingly.
"Sorry, I had a surgery kaya ngayon lang ako," paliwanag ni Chard, and he took a step forward to get closer to her. "Were you...waiting for me?" malambing na tanong niya na ibinaba niya ang ulo niya just to get to her eye-level.
"Waiting for you? Me? At bakit naman kita hihintayin, aber?" inis na sambit ni Princess, at tinaasan niya ito nang isang kilay, denying that she is worried of him.
"Ang sungit naman nito," bulong ni Chard sa sarili, at tumayo siya nang tuwid dahil nahihirapan siya suyuin ito.
"Anong sabi mo?" galit na tanong ni Princess ng marinig niya ang bulong nito.
Itutuloy...