16- The call

1435
Mataas na ang tirik ng araw ng magising si Nanny Deli, at sa pagtayo niya ay nasorpresa siya dahil nakita niya na may apat na paa sa kama imbes na dalawa lang. Pag-angat niya nang tingin ay nakita niya si Chard na nakadilat at tahimik na pinagmamasdan lang si Princess, na naging dahilan kung bakit napangiti siya. Napansin naman ni Chard si Nanny Deli, at nginitian niya ito nang magkasalubong ang mga mata nila. "Bili lang ako nang food sa labas," paalam ni Nanny Deli in a whisper, at lumabas na siya nang kwarto para iwan ang dalawa. Pagkasara ni Nanny Deli nang pinto ay lalo pa nilapit ni Chard ang mukha niya kay Princess na mahimbing pa rin na natutulog. He sweetly smile just staring at her nang bumaba ang tingin niya sa mapula nitong mga labi, na naging dahilan kung bakit naalala niya ang nakaraan kung saan pumunta siya nang Dubai to see her, at hinalikan niya ito kahit na alam niya na sila pa dati nang dating kaibigan na si Axel. Speaking of the devil, narinig niya bigla na tumunog ang phone ni Princess kaya naman kinuha niya ito sa ibabaw ng drawer, at nakita niya ang pangalan ng dating kaibigan na si Axel. Nawala sa mukha nito ang ngiti nang makita nito ang pangalan ng dating kaibigan, at napalitan ito nang pagtataka dahil ang alam niya ay ihawalay na ito at si Princess. And because of curiosity, sinagot niya ito. "Hello, Lorainne? Please, can we talk? I need you right now," banggit na bungad ni Axel sa kabilang linya. "Axel?" sagot ni Chard na napakunot ng noo dahil nagmamakaawa ito sa kabilang linya. "Chard? Bakit hawak mo ang phone ni Lorainne? Nasaan si Lorainne?" pagtataka na tanong kaagad ni Axel ng marinig niya ang boses ng dating kaibigan. "She's sleeping right now," seryosong tugon ni Chard na tuluyan ng tumayo sa kama, at lumayo nang kaunti kay Princess para hindi siya marinig nito. "Sleeping? Magkasama kayo ngayon?" sunod na tanong ni Axel, at nagkasalubong ang dalawa niyang kilay just imagining na magkasama ang dalawa. "Yes, we are. Bakit ka tumawag, at bakit kailangan mo siya?" seryosong tanong ni Chard, interrogating him. "Nasaan kayo ngayon?" tanong ni Axel, instead of answering Chard dahil nag-aalala siya sa kalagayan ng dating asawa. "Hindi ba divorced na kayo? Bakit kailangan mo siya ngayon?" Chard insisted na hindi rin sinagot ang tanong nito. Napangisi si Axel matapos marinig ang sinabi nang dating kaibigan. "It's not your business anymore, Chard," inis na sambit niya at pinatayan niya ito nang tawag. Inalis kaagad ni Chard sa tenga niya ang phone nang marinig niya na binabaan siya nito nang tawag. "So, he's still calling her. Anong kailangan pa niya kay Lorainne? Divorced na sila, hindi ba? Ano siya, nakikipagbalikan sa kaniya?" kunot-noo na mga tanong ni Chard sa loob ng isipan niya, at lumingon siya kay Princess nang makita niya ito na gumalaw ng kama. Naalipungatan naman si Princess nang makita niya si Chard na naglalakad papalapit sa kaniya na naging dahilan kung bakit tuluyan na siya nagising. Napakusot siya nang mga mata, at dahan-dahan na naupo sa kama. Chard anyways stood beside the bed and just watched her. "You're awake? Nasaan si Nanny Deli?" curious na tanong ni Princess ng mapansin niya na wala si Nanny Deli sa couch. "She just went outside to get some food. Nga pala, Axel called and said na he needs you. Tell me, why is he still calling you? Nakikipagbalikan ba siya sa 'yo?" seryosong bungad na tanong ni Chard kay Princess na hindi inaalis ang tingin dito. "What?" nabiglang tanong ni Princess. "Answer me," he demanded with a hint of jealousy in his voice. "Aba, malay ko," sagot ni Princess, pagtatanggol niya sa sarili. But then, naalala niya nang unang tumawag ang dating asawa sa kaniya at sinabi sa kaniya na mahal pa rin siya nito at gusto nito na makipagbalikan sa kaniya. Napansin ni Chard ang biglang pagtahimik ni Princess, kaya naman lumapit pa siya rito by sitting down the bed. "Answer me honestly. Nakikipagbalikan ba siya sa 'yo that's why he's calling you again?" tanong niya seriously. Dahan-dahan na iniangat ni Princess ang ulo niya to look at him after his question. "Yes, I think so. He called me before at...gusto nga niya makipagbalikan sa akin," pagtatapat niya. "At bakit gusto niya raw makipagbalikan ulit? Sinabi ba niya na mahal ka pa niya?" he queried more. "Yeah," sincere na sagot ni Princess while staring directly into his eyes. "Okay, I'm blocking his number," biglang sabi ni Chard at tumingin sa phone nito na hawak pa rin niya. "What's the password of your phone?" seryoso nitong tanong, like he is demanding her again. "My birthday," she replied instantly. At nabuksan nga ni Chard ang phone nito, then pumunta siya sa messages at nabasa niya ang mga texts nito kay Princess na lalo nagpakunot ng noo niya, habang si Princess ay sumisilip sa ginagawa nito sa phone niya. "I will block his number, do not unblock it, okay?" he commanded nang lumingon siya ulit kay Princess. "O...kay," sagot na may pag-aalinlangan sa boses ni Princess. And with that, he blocked Axel's number and deleted all of his messages to her. "Tell me once he called you again using another number, okay?" he demanded again, at binalik na rito ang phone. "O...kay po," masunurin na responded ni Princess na hindi na nagsalita pa rito at ramdam niya ang galit nito sa boses nito. "Stay here at kukuha ako nang food mo. Kukuha na rin ako nang discharge form para makauwi ka na today," banggit ni Chard na tumayo nang kama, at lumabas na ng kwarto para kumuha nang pagkain nila. "Anong problema nu'n? Is he jealous?" tanong ni Princess sa sarili out loud pagkasara nang pinto. A smile then cracked across her lips just thinking about it, and she lied down again to the bed while waiting for him to come back. ——— "Are you ready?" tanong ni Chard kay Princess matapos maayos ang mga gamit nito. "Yeah," sagot ni Princess na kinuha ang isang maliit na bag bago sila tuluyan na umalis ng kwarto. "Give me that. Now, sit down," direktang sabi ni Chard na kinuha ang bag nito, at marahan na hinila ito sa wheelchair. "Teka, I can walk naman," reklamo ni Princess na lumingon dito. "No, just sit down," wika ni Chard at itinulak na niya ang wheelchair palabas ng kwarto. Sumunod naman si Nanny Deli sa dalawa with a smile on her face. Afterward, nagmamaneho nang sasakyan si Chard habang si Princess ay nasa shotgun seat, at si Nanny Deli sa passenger seat at the back. "Kailan pa siya tumatawag sa 'yo?" biglang tanong ni Chard in a serious tone of his voice. "Hindi pa pala siya tapos sa kakatanong sa akin," naii-stress na bulong ni Princess sa loob ng isipan niya. "Answer me. I'm talking to you," maingay na tanong ni Chard na nilingon si Princess. "Nagtatanong ka ba? Eh, bakit parang galit ka?" sambit ni Princess na halatang naaasar na rito. "Hindi ako galit. Nagtatanong ako," kontra ni Chard, and he clenched his jaw. "Ang ingay mo. Can you drive quietly?" asar na sabi ni Princess at tumalikod na rito. Napatingin tuloy si Chard kay Princess dahil sa attitude na pinapakita nito sa kaniya. Napa-sighed na lang siya. "Kailangan ko ba na bakuran siya para wala nang poporma sa kaniya? Pero what if gusto rin niya makipagbalikan? What if nag-uusap pa rin sila? Wala kasi kami label, eh, kaya hindi ko siya pwede bakuran. Baka lalo siya magalit sa akin," bulong niya sa sarili at napa-sighed na naman siya. Afterward, sinalubong ni Alek, Rachel, at Amara si Princess, nagbatian din ang magkapatid, habang si Amara ay tumakbo kay Nanny Deli at niyakap ito. "Tara, kain tayo nang lunch. Nag-prepared ako ng favorites mo," sambit ni Rachel na kaagad pinulupot ang braso sa matalik na kaibigan. "Uy, Chel, bawal siya sa matatamis masyado na food, ah. Kahit rice kaunti lang dapat," suway ni Chard sa kaibigan para sa kalusugan ni Princess. "Kaunti lang naman," cute na wika ni Rachel at hinatak na ang kaibigan papuntang dining table. Samantala si Alek at Chard ay last na sumunod sa mga ito. "So, ano, kayo na?" tanong ni Alek sa kapatid, teasing him. "No, we're not. Pero humingi na ako nang tawad, at humingi na rin ako nang one last chance sa kaniya," banggit ni Chard. "Naku, bro, huwag mo na pakawalan at baka makawala pa," natatawang wika ni Alek at pumasok na sila sa dining area. Itutuloy..
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작