Princess's
Tanghaling tapat na at ako ay tahimik na nanonood ng tv ng may kumatok sa pinto. Tumingin ako kay Nanny Deli at nakita ko siya na mahimbing na natutulog kaya naman ako na ang tumayo at binuksan ko ang pinto only to see Chard who immediately smile when he sees me.
"Good afternoon, I brought you blueberries and grapes," masigla niyang bati at kusa na siya pumasok sa kwarto ko without waiting for my approval.
Sinara ko na lang ang pinto at bumalik ako sa kama, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ako ay kinakabahan knowing na nandito na naman siya.
"Let me just wash it for you," aniya at pumunta siya sa banyo to wash it off.
Pagkatapos ay naupo siya sa kaliwa kong side with the fruits on his hands.
"How long am I gonna stay here?" bigla kong tanong while watching tv at kunwari wala akong pake sa kaniya.
"We will do some blood test again sa linggo at kapag bumaba ang blood sugar mo, I can discharge you na. Bakit, gusto mo na ba umuwi?" direkta niyang sagot sa akin, at bigla niya tinapat ang kamay niya sa bibig ko na may hawak na isang butil ng grapes.
I looked at him curiously. What is he trying to do? Feed me? Okay lang ba siya?
"Say ah, please," nakangiti niyang wika at nilapit pa niya nang husto ang isang butil ng grapes sa bibig ko.
Wala tuloy ako nagawa kung hindi ibuka ang bibig ko at hinayaan ko siya isubo sa akin ang grapes.
Ano ba ginagawa nito? Doctor ba talaga siya? Or, is he doing this dahil akala niya ayos na kami porket nakahalik na siya sa akin?
Teka nga, need ko klaruhin ang namamagitan sa aming dalawa at baka ano pa isipin niya.
So, I turned my head at him ready to scold him ng biglang may kumatok sa pinto right after ko lumunok para makapagsalita.
"Come in," tawag ni Chard sa pinto.
At pumasok ang isang nurse na babae na may dalang maliit na blue tray, at lumapit sa akin.
"Good afternoon po, sa inyo rin po doc Chard," magandang bati nang nurse na pumunta sa kanang side ko.
"Good afternoon. Time for medicine?" he replied at tinuro niya ang gamot na dala nito.
"Yes, doc," tugon ng nurse at tumingin sa akin. "Ma'am, ito po ang gamot niyo this afternoon. After po nito mamayang gabi po ulit after meal niyo," aniya na binigay sa akin ang gamot ko.
"Thank you," nakangiti kong responded at ininom ko kaagad ang gamot with water.
"Thank you rin po, Ma'am. Mamaya po ulit," paalam ng nurse na tinapon na ang balat ng gamot.
"Here, eat some more grapes," banggit ni Chard sa tabi ko at tinulak ang grapes sa bibig ko na ikinagulat ko.
Hindi ba siya nahihiya? Nasa harap kami nang nurse tapos susubuan niya ako nang grapes?
"Labas na po ako, doc," paalam ulit ng nurse na biglang nahiya dahil sa nangyari, at tuluyan na ito lumabas.
"Ayaw ko na. Enough na sa grapes," tinuran ko at uminom ako ulit ng tubig.
"But you need to eat more," kontra niya na susubuan na naman ako nang grapes.
Pero mabilis ako tumanggi by pushing his hand away from me na ipinagtaka niya based on his face.
"Sabi ko enough na. Teka nga, wala ka ba work today, at nandito ka?" asar kong tanong.
"Meron, pero tapos na ako sa shift ko kaya nandito ako now," nakangiti niyang sagot sa akin na parang walang problema sa pagitan namin.
"Teka nga, linawin ko lang, ah, I still haven't forgive you, okay?" paglilinaw kong sabi, seriously.
"Yes, I know. That's why I am here. I am taking responsibility of you na dapat ginawa ko dati pa," malambing niyang tugon at ngumiti siya sa akin charmingly.
Ano raw?
"Responsibility? Seriously?" komento ko na halata sa mukha ko na question mark ang kasunod sa sinabi ko.
"Yes, I'm serious. I'm taking responsibility of you now. After all, we kissed already," banggit niya in a serious tone of his voice.
Naramdaman ko na namula ang mukha ko after niya ma-mentioned na nag-kissed kami kanina. Napaiwas tuloy ako nang tingin sa kaniya.
Siraulo 'to. Bakit kailangan niya banggitin iyon?
"Isa pa..." sambit niya na naging dahilan kung bakit napalingon ulit ako sa kaniya. "Kahit paulit-ulit mo ako ipagtabuyan ay babalik at babalik ako. Seryoso ako sa sinabi ko sa 'yo kanina. Hindi ako susuko hangga't hindi mo ako napapatawad," dagdag pa niya na hindi inaalis ang tingin sa akin.
Hindi na ako nagsalita after he spoke, at ayaw ko na lumalim pa ang conversation namin at baka kung saan na naman kami mapunta.
———
Tatlong araw then ang lumipas, Chard would visit me every once in a while and bring something healthy to feed me. And the more he visits me, the more efforts he does, the more he tells me that he really loves me, the more he shows me how responsible he is, and the more I appreciated everything he does.
Nasanay ako sa presence niya hanggang sa I no longer fing awkwardness between us every time he visits me.
Nakikipagkwentuhan siya sa akin minsan, nakikipagbiruan, at lagi niya pinaparamdam sa akin na he really does cares for me.
One day, it's sunday, naalipungatan ako nang super early, 5 pa lang in the morning. I heard the door opened and closed, at dahil nakatalikod ako from the door ay hindi ko nakita kung sino ang pumasok. Hindi si Nanny Deli dahil nasa harap ko siya at mahimbing na natutulog pa. I, then, felt a weight at my back and a hand on my waist na biglang pumatong. I looked down and I recognized the hand.
Is it...Chard?
Dahan-dahan ako lumingon to see if tama ang hula ko, at tama nga ako pero nakapikit na siya. Ang bilis naman niya makatulog. So, I turned around and faced him smoothly.
He looks tired.
I scanned his face at napagtanto ko na after all these years, gwapo pa rin siya.
He, then, pulled my waist towards him na nagpalaki nang mga mata ko. What is he trying to do? Hinarang ko bigla ang dalawang braso ko sa pagitan namin para hindi ako masyado dumikit sa kaniya. I tried to pushed him but, to no avail.
Ano ba 'tong lalaking 'to?
He snuggles me more na nagpamula nang mukha ko at nagpalakas ng pintig ng puso ko. Mabuti na lang at nasa dibdib niya ako at hindi niya ako kita, dahil kung hindi it would be embarrassing.
Susme, baka mamaya may pumasok dito at makita kami. Ako ang nababahala sa pinaggagagawa niya, eh.
"Sleep more, my loves," bulong niya, at naramdaman ko na hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.
He is awake! At ano sabi niya? My loves? Okay lang ba siya?
At dahil gising pala siya ay tinulak ko ulit ang dibdib niya para makawala ako sa kaniya. "Let me go. Baka may pumasok at makita tayo," bulong ko, and I managed to face him.
He opened his eyes to look at me with his sleepy look. "Don't worry walang papasok, I locked the door already. Nag-abiso rin ako sa nurse na dito muna ako sa girl friend ko kaya don't panic. Sige na, matulog ka pa at maaga pa," paliwanag niya at pumikit siya ulit.
W-What? Anong sinabi niya? G-Girlfriend? Teka, hindi ko pa siya sinasagot, ah!
Sasagutin ko na sana siya para umapila nang bigla ko siya narinig na humihilik. Tulog na siya kaagad?
Pambihirang lalaki ito.
Itulak ko kaya siya para magising siya?
Pero nawala ang kunot sa noo ko while staring at his face na mukhang anghel.
Hindi ko kaya.
Fine. Ngayon lang ito, ah.
Hindi bale, bukas uuwi na ako at hindi na ulit kami magkikita.
At dahil inaantok pa ako ay sinara ko ulit ang mga mata ko, at hinayaan ko siya na yakapin ako for a while.
Tulak ko na lang siya mamaya.
And darkness swallowed me...
Itutuloy...