Chard's
I want to kiss her.
After talking, we just stared at each other. I just hope na maramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon for her.
Silence and thin air surrounds us.
I leaned to her slowly na hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kaniya to see her reaction, at ng napansin ko na hindi siya lumalayo sa akin, I took that as a signal.
I angulated my head as I am ready to kiss her, and when there's only 1 inch gap between our lips, I stopped and looked deeply into her eyes.
"Can I?" I asked for permission at ayaw ko na magalit na naman siya sa akin.
At ayaw ko na halikan siya without her permission.
But she did not answer and just stares at me beautifully.
"I love you," I once again mentioned sincerely.
At ng hindi siya umiwas, I grabbed the opportunity and I leaned in more. I closed my eyes when I felt her lips brushed to mine.
Hell, yes. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko.
Niyakap ko pa siya nang husto nang sa wakas ay naglapat ang mga labi namin sa isa't-isa. My hand then grabbed her nape as I deepened the kiss.
Nanggigigil ako.
I want her now.
I, then, felt her responded to my kisses kaya lalo ako nanggigil.
Oh, my heart.
I savored every moment there was between us. I, then, pulled when I needed to breathe for a second and I kiss her once again with all of me.
The longing in my heart suddenly feels gone.
I feel whole again ngayon na nandito siya at kasama ko siya. Sobrang galak ng puso ko ngayon.
I stopped and I pulled again to look at her. I waited for her to open her eyes at ng magtama ulit ang mga mata namin ay lalo bumilis ang pintig ng puso ko.
"I love you," I announced, and I rested my temple on her again para iparamdam sa kaniya na I meant every word I said.
Pero hindi siya nagsalita tulad ng kanina, and just stared at me blankly.
"Are you okay?" I asked for clarification.
"Yeah," sagot niya at tumingin siya sa baba na parang nahihiya sa akin.
"What's wrong?" I questioned dahil bigla siya umiwas ng tingin sa akin.
She shook her head as a response, and still, she keeps her eyes down.
"Can I have one last chance? I want to prove myself to you," pakiusap ko at gamit ang hintuturo ko ay iniangat ko ang baba niya to look at my eyes directly. "Please?" I added when our eyes meet again.
Pero hindi pa rin siya sumagot na para bang may gusto pa siya marinig mula sa akin, or may gusto pa siya makita mula sa akin.
Ano pa ba ang gusto niyang gawin ko? I would do everything and anything for her.
"Can you tell me kung ano ang dapat kong gawin just to get your answer?" tanong ko pa.
But still, she is not answering na naintindihan ko.
Okay, fine.
Ayaw ko siya pilitin kung ayaw niya talaga ako sagutin. Hindi naman tama kung pipilitin ko siya pasagutin ngayon.
"Okay. I will wait until you are ready to talk to me about us. I will wait until you give me answers to my questions. But always remember, I love you at kahit kailan hindi magbabago 'yun simula nung high school pa tayo hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang lumipas. Ikaw at ikaw pa rin ang gusto ko," malinaw na sabi ko at hinalikan ko siya sa noo as one last kiss bago ko siya pakawalan.
I slowly released her na hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya, habang siya ay nakatingin lang sa baba na pinagtataka ko.
"I will leave you now, pero babalik ako mamaya. Okay?" paalam ko at kahit na gusto ko pa siya makasama at mahalikan ay iniwan ko muna siya pansamantala, at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
I left her room na sobrang galak ng puso ko dahil we finally kissed na nagpangiti sa akin, but then I saw Nanny Deli sa gilid na nakatingin sa akin. So, I stood straight at ngumiti ako sa kaniya.
"Pasok na po kayo, Nanny Deli, tapos na po kami mag-usap. Salamat po," magalang ko na sabi at tuluyan na ako umalis.
———
Princess's
Napaupo ako sa kama after what happened to us ni Chard nang marinig ko ang pinto na bumukas ulit, kaya napalingon ako at nakita ko si Nanny Deli na pumasok at sinara ulit ang pinto. Naglakad siya palapit sa akin at napangiti siya just looking at me.
"Okay ka lang?" tanong niya na parang may gusto siya malaman mula sa akin.
"I'm okay, Nanny Deli," sagot ko at nahiga na ulit ako sa kama ko.
Afterward, nanonood ako nang tv mag-isa dahil nasa banyo si Nanny Deli nang may katok na dumating. Bigla ako kinabahan sa katok at napaisip ako.
Si Chard ba 'yan?
And thinking it's Chard ay bigla ako nag-ayos ng buhok at itsura ko.
The door then opened at pumasok ang nurse sa kwarto ko with a mask on her face, at nakita ko sa likod niya ang lalaking nagde-deliver ng food.
"Dinner po, Ma'am," sambit ng lalaki at binigay sa akin ang meal ko for dinner.
"Salamat po," nakangiti kong tugon at lumabas na sila kaagad.
Nawala ang ngiti sa mukha ko pagkaalis nila. Teka, ano ba nangyayari sa akin? Am I looking for him? At bakit ko naman siya hinahanap?
Oh, no, no, no.
Umayos ka, Lorainne, hindi porket hinalikan ka niya kanina ay magbabago na ang tingin mo sa kaniya. Tandaan mo, may kasalanan siya sa 'yo.
Pero nilinaw niya kanina na kaya lang naman niya 'yun nagawa ay dahil naghihingalo ang tinuring niyang Ate na ngayon ay patay na. In the first place, hindi dapat ako magalit sa kaniya. Ako lang naman 'tong umasa sa kaniya after ng annulment namin ni Alek.
I, then, remember what he said a while ago after he kissed me. Ano sabi niya? Mahal pa rin niya ako hanggang ngayon?
Napangiti ako just remembering it.
I honestly don't know what to do kanina kaya hindi ako makapagsalita nang tinanong niya ako. At dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya sa mga tanong niya sa akin.
I was interrupted in my thoughts ng marinig ko ang phone ko na tumunog for a call kaya naman kinuha ko ito kaagad at nakita ko na tumatawag si Rachel.
"Hello?" sambit ko once I answered the call.
"Kamusta ang friend ko? Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?" masiglang bungad sa akin ni Rachel sa kabilang linya.
Napangiti tuloy ako dahil sa kaniya. "I'm good, don't worry about me," maikli kong sagot.
"That's good to hear. Bumibisita ba riyan si Chard? Is he checking you?" sunod nitong tanong.
"Yes, he is. And to tell you honestly, nag-usap kami about our past a while ago," banggit ko, at hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nailalabas itong nararamdaman ko for him.
"Talaga? Please do tell," wika niya na interesado sa kwento ko.
"Naalala mo 'yung tinext mo ako tungkol sa ginawa niya before kaya siya umalis na walang paalam sa akin?" pag-uumpisa ko sa kwento ko.
"Yes, uh-huh," sagot ni Rachel na sumang-ayon sa akin.
"You were right about him. He actually explained himself a while ago at somehow nawala ang galit ko sa kaniya," banggit ko at napangiti ako dahil naalala ko na naman ang mga halik niya sa akin kanina.
"I can tell na nakangiti ka ngayon, sis. Tell me, may iba pa bang nangyari kanina bukod sa pag-uusap niyo?" tanong niya na parang kilala niya ako by the way I speak.
"Huh? Wala, ah," denied ko.
"Wala raw pero nakangiti siya ngayon. Ikaw, kilala na kita, Lorainne, eh. Sabihin mo na sa akin kung anong nangyari sa inyo, dali!" excited niyang wika na may pagpupumilit.
Ang kulit talaga ng babaeng ito.
"Okay, fine. Sasabihin ko na. We kissed a while ago, okay?" tugon ko na sinabi na sa kaniya ang totoo.
"Oh, my God!" tili niya sa kabilang linya na naging dahilan kung bakit nilayo ko ang phone sa tenga ko.
"Tuwang-tuwa yarn?" asar kong ani.
"Syempre, sis! Alam mo ba na sobra ka na-miss niyan ni Chard. Tell me, ano sinabi niya after you two kissed? Sinabi ba niya na mahal na mahal ka niya?" she energetically asked.
"Yes, he did," responded ko.
"Oh, my God!!!" mas malakas na tili na sigaw ni Rachel dahil sa kilig.
Kaloka siya, mas kinikilig pa siya kaysa sa akin.
Itutuloy...