Meet Asher Aldana, ang poging leading man na billionaire CEO pero wala raw umiigting na panga.
"I'll give you ten million pesos and ninety-nine centavos for one night, plus my six-pack abs and seductive bedroom voice! And then my eyes will darken as I gaze hungrily on your s@ucy beef pares and meaty siopao!"
-Asher to Emma (para daw convincing na leading man siya)
Taong 1962, ang panahong namamayagpag sina Amalia Fuentes at Gloria Romero ng Sampaguita Pictures, may isang kakatwang pari na nanilbihan sa parokya ng San Nicolas.
Ang pangalan niya ay Pablo at kilala siya dahil sa angking katapangan na kahit mismong diablo pa ang makaharap, pagtatawanan pa niya. Mabuti man ang hangarin ay nananatili siyang misteryo sa mga taong nakakasalamuha. Maging ang mga kapwa pari ay pinangingilagan siya at pinagdududahan pa kung tunay ba siyang
Alagad ng Diyos. Ang mga kababaihan naman ay nahuhumaling sa kanyang karisma kaya makailang beses nang nanganib na maitakwil ng Simbahan.
Tunay nga ba na may kakaiba sa paring ito?
O katulad lang din siya ng mga taong nahusgahan na kaagad nang hindi man lang kinilala muna?
Si Spartan Dimatinag ay isang simple at pusong-mamon na binatang nagmula sa 'di asensadong probinsya ng Cuh-Piz.
Salat man sa buhay, masaya naman siya lalo na kapag nagme-makeup ng mga sumakabilang-buhay na sa funeral parlor na pag-aari ng Tita Cleopatra niya.
Isang araw, nang mapag-alaman ng mga kapatid at magulang ang sideline niya sa punerarya, ipinagtabuyan siya ng mga ito. Hindi nila matanggap na nagme-makeup at nangungulot ng buhok ang kadugo lalo na at tanyag ang mga kalalakihang Dimatinag bilang mga astig at malulupit na aswang hunters sa lugar.
Dahil sa wala ng mapupuntahan, 'di sinasadyang napadpad siya sa siyudad ng Tuk-O. Habang nagdadalamhati sa ilalim ng ulan, hindi niya inaasahan na makikita muli ang dating kaklase na si Delilah, ang ubod ng ganda pero may pagkabruskong dalaga na nagmula sa pamilyang Catacutan.
Sa muling pagkikita pala ay magsisimula ang one-of-a-kind adventures ng soft-hearted na si Spartan at mala-warrior princess na si Delilah laban sa mga aswang at iba pa.
Malalagpasan kaya nila ang mga nakakalokang challenges along the way?
Aba, basahin niyo na lang, mga besh!
Originally published at FB Page, Author Wiz.
Published in Dreame: March 28, 2022.
Semira Boys Series: Uno Emir
(Babala: SPG-SAWI. STRIKTONG PATNUBAY at GABAY sa mga SAWI sa pag-ibig ay kinakailangan. Baka maka-relate kayo kay Fafa Uno na sadyang malas sa love life pero kalma lang, imbis na paiyakin e patatawanin pa niya kayo.)
Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan.
Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ng binata, aksidenteng nabangga sa tore ng kuryente ang spaceship ni Alfa, isang alien na nagmula pa sa Galaxy 100, 000, 007.
Simula noon ay naniwala at umasa siya na ang "earthling" ang kanyang destiny. Dumayo siya mula kalawakan hanggang sa Pilipinas para lamang mahanap ang one true love raw niya.
Eepekto kaya ang panliligaw ni Miss Alien sa choosy at bitter na bitter to the highest power na si Uno?
Abangan!
One year ago, inakala ni Wiz na matatakasan niya ang sumpa ng mga kalalakihang Semira. Umasa siya na hindi mangyayari sa kanya ang kamalasan sa pag-ibig na minana pa mula sa kanunu-nunuan nila na si Kungfu. Masaya naman kasi ang samahan nila ng childhood sweetheart na si Lana kaya para sa kanya, "Love conquers all".
Pero...
Datapwat...
Subalit...
Sa mismong araw ng kasal nila, isang masaklap na pangyayari ang magpapaguho sa pangarap niya na "happy ever after".
Dahil doon, natakot na siyang umibig muli.
May pag-asa pa kaya siyang mahanap ang "The One"?
O tatanggapin na lang niya na sadyang malas siya sa love life at tatanda nang binata?
Abangan!
*Trial release: December 5, 2021
Temporary book cover by Wiz Ligera
Semira Boys Series: Adventure
(Babala: And librong ito ay naglalaman ng ninety percent na kalokohan at nakakahiyang mga eksena mula sa mga boys.)
Gentleman.
Maykaya sa buhay.
Poging Chinito.
Iyan ang mga katangian na sikat ang kalalakihan na Semira.
Ngunit isang madilim na sikreto ang itinatago nila.
Lahat sila ay mga sawi sa pag-ibig.
Dahil sa isang sumpa na ipinataw sa kanila ng isang bitter na duwende noon, noon, noon, noon, at noon pa, naging kamalasan na nila ang love life nila.
Kung hindi sila iniiwan ay namamatay naman ang mga babaeng iniibig nila.
Ang saklap, hindi ba?
Isang araw ay nagdesisyon ang magpipinsan na bumiyahe sa mundo ng mga espiritu upang hanapin ang lintik na duwende na iyon para matapos na ang pagdurusa nila.
Magtagumpay kaya sina Uno, Francis, Mike at Wiz sa kanilang misyon?
Aba, basahin niyo na lang!
Si Terrence ay isang anghel na nagmula sa kalangitan.
Subalit, hindi siya ang inaakala ng nakararami na anghel. Siya ay ipinatapon sa lupa bilang kaparusahan dahil siya ay isang suwail...
Pasaway.
Salbahe.
Maldito.
Sikat siya bilang isang nilalang na hilig ang magbaon ng mga taong buhay pa.
Bad daw talaga siya.
Tsk. Tsk. Tsk.
Ang hindi sumang-ayon, ibabaon niya sa ilalim ng lupa.
Malaki ang galit niya sa sangkatauhan hanggang sa makatagpo niya ang isang maingay ngunit masayahin na babae.
Si Annie ay napakabait na tao, ngunit lahat yata ng kamalasan ay nasalo niya mula sa kalangitan.
Sa kabila ng lahat, siya ay positibo pa rin sa buhay.
Sa di inaasahang pagkakataon, nagkita sila ni Terrence.
Siya na ba ang makakapagpabago sa ugali, isipan at puso ng anghel na ito?
Ang babae na ito ba ang kanyang magiging "Guardian Human"?
Abangan.