Great day ladies and genitals! Lol.
Enjoy my stories here! I\'ll be posting my long stories here on Dreame and my shorts will remain on Watty.
I am a writer since 2013 from Wattpad but was practicing my skills since I was in high school. I\'m not just a writer! I am also a photographer, a film maker and an artist. I love to travel through my bike and loves the beach and mountains...and the other kind of mountain. Char.
I am a published writer! My first published book was a Science Fiction entitled Philippines: Year 2300, the title holder for the First Published Filipino Science Fiction from Wattpad. But worry not because the edited books of the whole trilogy is uploaded here!
Thank you for your support...and expect to read quality stories from mine, from heartbreaking stories, science fiction, thriller, mystery and many more!
You can also check me out and message me on my facebook account: facebook.com/emmanuel.priel
Follow me also on Wattpad: wattpad.com/user/EMPriel
Upang maiwasan ang gulo at ingay ng siyudad, niregaluhan si Daniel, isang writer, ng kanyang editor na si Marco ng bakasyon sa kanyang rest house sa isang bayan sa isla ng Polilio, Quezon. Ito ay upang makapag-focus at makapag-isip nang maigi para sa kanyang susunod na nobela matapos magpahinga sa kanyang karera sa loob ng dalawang taon. Sa kanyang pamamalagi ay di maipaliwanag na mga pangyayari ang kanyang nasasaksihan. Kasabay ng pagsusulat ng kanyang bagong obra ay kakaibang misteryo rin ang gumagambala sa kanya. Sa bawat hakbang at kilos ay laging nakamatyag ang mga tao sa kanyang paligid. Tila nakakulong siya sa isang napakagandang paraiso na unti-unting nagiging bangungot kasabay ng bawat patak ng tinta sa kanyang nobela. Ano ang misteryong bumabalot sa bayang iyon at ang panganib na sa kanya'y nakaabang?
Lumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. Kinuha nga niya ang isang singsing mula sa kahon at nagtanong.
“Will you marry me?”
Hindi ko makakalimutan ang ningning ng kanyang mga mata. Siya lamang ang tiningnan ko sa kanilang dalawa. Hinanap niya pa ang mga mata ko at nang matagpuan ang mga iyon ay saka siya lumuha.
“Yes,” iyon ang sagot niya.
Ngumiti na lang ako ulit…kahit na alam kong may parang tinik na nakatusok sa lalamunan ko. Pumalakpak ang lahat at tumayo. Nakaupo lang ako at pinanood ang sunod na eksena. Tumayo ang lalaking iyon sa entablado sabay halik sa kanyang mapupulang labi. Sa pagkakataong iyon ay alam ko na kung saan ako lulugar. Alam ko na kung saan ako nararapat. Isa lamang iyong palabas, napakagandang palabas na alam kong hinding-hindi ko makakalimutan. Tumayo ako at naglakad palabas ng malaking bulwagan na iyon na para bang may mabibigat na kadena sa aking mga paa.
Saka ko tinanong ang aking sarili. Baka nga isa lang din akong artista sa malaking palabas na ito. Isang karakter na pinili na lang magmukmok nang tahimik at tiisin ang lahat.
Masaya naman siya.
At kahit na masakit ay ngingiti na lang ako para sa kanya.
Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol.
Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo.
Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sa kanya upang siya ang kilalanin bilang tunay na bayani.
Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan na ring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1.
Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committee upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami na ring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.