Hearts Aligned Series #4
Si Twyla Ivelle Rusco ay isang medical technology student sa isang kilalang university. May angking ganda at talino rin ang dalaga na siya namang nakakakuha ng interest ng mga kalalahikan.
Ngunit hindi naman makalapit ang ilan sa kaniya dahil tutok ito sa pag-aaral. Maliban pa roon, may nagbabantay sa kaniyang lalaki at ’yon ay si Leander Castiel Smirnov. Isa siyang varsity player at magkaibigan na talaga ang kanilang mga pamilya ngunit silang dalawa ay hindi close. Sadyang nakabuntot lang madalas ang binata sa kaniya para bantayan ang dalaga.
Ang problema lang ay ayaw ni Twyla Ivelle dahil halos pagkaguluhan ang binata ng mga babae. Sikat kasi ang mga varsity player sa campus nila at wala ring nakakaalam masiyado na magkaibigan talaga ang pamilya nila. Gusto rin kasi niyang mabuhay nang tahimik at malayo sa magulong mundo.
Paano kung isang araw ay naglaho ang lahat ng iyon nang hindi na makapagtimpi pa si Leander Castiel?
Ang tahimik na buhay na inaasam ni Twyla Ivelle ay biglang nawala nang pumutok ang balita na siya ang sinusundan at binabantayan madalas ni Leander Castiel sa campus.
Hearts Aligned Series #3 - Erotic novel
Si Zolani Veatrix Rusco ang panganay sa magkapatid. Siya ang susunod na magma-manage ng kanilang business. Ngunit nang matapos siyang mag-aral, nagpahinga muna siya dahil napagod siya sa pag-aaral. Buong buhay kasi niya, aral lang ang inaatupag niya. Hindi siya nakapag-enjoy dahil masiyado siyang pressured sa lahat ng bagay lalo na ang pagiging panganay.
Nang magpunta siya sa mansion ng mga Smirnov para tumulong sa pagdidilig, nagtapo ang landas nila ni Deimos Napoleon Smirnov. Akala niya ay hindi na masusundan ngunit nagkamali siya.
“Hinahanap ka ni Sir Napoleon.”
Ang simpleng pagdidilig niya lang sana at pagtulong sa mga trabahador dahil magkaibigan naman ang pamilya nila, napunta sa buhay na hindi niya inaasahan.
“I’m your Daddy, then?”
Ang pilit niyang pag-iwas sa mga Smirnov ay bigla na lang silang ipinagtagpo ng tadhana. Ano na ang mangyayari?
Maiiwasan ba niya ang lalaking isa sa mga Smirnov?
O
Maguguho na lang ba nang tuluyan ang pader na pilit niyang binuo sa mahabang panahon?
Hearts Aligned Series #2 - Erotic novel
Si Hyacinth Scylla Levin ay isang babaeng mahilig sa alak. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Business Administration dahil siya ang susunod sa yapak ng kaniyang ama na nagmamay-ari ng isang liquor company at bar. Minsan ay tumutulong siya sa bar dahil nga dinadagsa ng tao ang kanilang bar. Madalas ay barista siya kaysa boss. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat nang nagkakilala sila ni Valerian Cain Smirnov. Ang gusto kasi ng binata ay siya lang ang gawan nito ng kaniyang order. Naguguluhan man si Hyacinth, hindi niya magawang magreklamo.
Ngunit ang simpleng pagse-serve niya ng order ni Valerian ay napunta sa nakakagulat na sitwasyon na hindi inaakala ni Hyacint because they were kissing. Nasa condo sila ng lalaki matapos magkagulo sa bar dahil nga may natapunan ng alak ang waiter nila. Hindi naman sila mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi siya hinila ni Valerian.
Matapos ang nangyari sa kanila, nilisan kaagad ni Hyacinth ang condo ni Valerian kahit masakit ang buong katawan niya ngunit dahil mapaglaro ang tadhana, nagtagpo na naman ang landas nila.
“Found you,” wika nang isang pamilyar na boses. “You think you can runaway from me, Hyacinth?”
Ang isang mainit na pinagsaluhan nila, masusundan ba nang ilang beses?
O
Mabubuo ang pagmamahal na hindi nila inaasahan?
Hearts Aligned Series #1 - Erotic novel
Si Nyxia Khione Levin ay isang college student at panganay sa magkakapatid. She’s an outstanding student ever since. Maaga rin siyang namulat sa lahat dahil sumasama siya sa kaniyang mga magulang sa pagpunta sa charity o hindi kaya donation area para tumulong. Hinubog siya ng kaniyang mga magulang para maging isang tagapagmana ng kanilang mga business.
Ngunit isang araw, ang mundong akala niya’y aayon sa kaniya ay unti-unting naglalaho. Ang mga magulang niya ay madalas mag-away dahil nalulugi na ang kanilang business at ang tanging paraan lang daw para maisalba ay magpakasal siya sa kilalang businessman para iangat ang kanilang business.
She’s mad. Hindi niya inaakala na ganoon ang mangyayari sa kaniyang buhay. Ayaw naman niyang sisihin ang mga kapatid niya dahil wala naman silang alam masiyado. Nilisan niya ang bahay nila nang mabigat ang kaniyang puso. Gusto muna niyang magpahinga sana at makahinga nang maayos dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya.
“How much do you need? Millions? Billions? Trillions? Name it,” he asked using his arrogant voice.
Ang akala niyang magpapahangin sana para makahinga siya nang maayos ay mukhang naging tulay pa para madagdagan na naman ang problema niya dahil sa lalaki.
“I need you to pretend to be my woman so my parents won’t intrude on me,” dagdag pa nito.
Tanggapin kaya niya ang offer nito nang hindi nahuhulog sa isang guwapo, mayaman at kilalang businessman sa buong mundo?
O
Hahayaan niya ang kaniyang sarili na malugmok hanggang sa hindi na sila muling makaangat?