CHAPTER 3
After ng dinner ay umakyat na ako sa kwarto. Dali dali kong binuksan ang aking cellphone upang matawagan si Carrie at yayain itong lumabas. Nagyaya kasi si kuya Niccolo in a certain bar called Revel. She immediately said yes at magpapahatid na lang daw sa driver at doon na daw kami magkita sa BGC.
I am already dressed and about to put some perfume ng kumatok si kuya sa pinto.
"Baby ko. Lika na 9:30 na sayang ang gabi. Nakahanda na din yung sasakyan."
"Eto na po kuya." Mabilisan lang akong nagwisik ng pabango tsaka nagmadaling lumabas ng kwarto.
"Baby, I hate it. Dalagang dalaga ka na ang ganda ganda mo pa. Wag mo iiwan si kuya ahh. Tsaka kapag fifty ka na dun lang kita papayagan magasawa." Paglalambing ni kuya ng makita ako. Bago bumaba ng hagdan ay niyakap muna niya ako ng mahigpit.
"Kuya ang clingy. Tsaka wala naman papakasalan pano magpapakasal? Mauuna pa kayo ni Carrie sakin." Panunudyo ko naman sa kanya.
"Baby naman." Frustrated na sagot nya sa akin.
I really smell something fishy between the two. I know Carrie has a crush on kuya simula pa lang noong high school though my brother didn't bother to see Carrie. Pero nung nagcollege kami ay alam kong doon nagsimula ang pagkakaibigan nila. They became close all of a sudden, hanggang sa nalaman ko na tinulungan pala ni Carrie si kuya para mapasagot si ate Eli. I know Carrie love my brother so much na kahit na nasasaktan siya noon at malamang na hanggang ngayon ay hinahayaan nya lang si kuya at pinagbibigyan.
"Nga pala baby naginvite ako ng friends ahh. I hope you don't mind."
"No problem kuya, pupunta din naman si Carrie, so I have some company. Hindi mo ko kailangang bantayan magdamag besides gawain na namin ito back in New York." Sabi ko pagkasakay ni kuya sa sasakyan.
Totoo iyon, we get a chance to unwind every after projects. Walang palya iyon, regalo naming tatlo sa sarili after working our asses off. Minsan naman kapag gusto lang naming uminom or nagsesenti dahil namimiss ang pamilya o kung sino man, we just hang around my apartment.
Halos kalahating oras din kami sa byahe bago nakarating sa sinasabing bar. The place is already crowded since it's Saturday. Inalalayan agad ako ni kuya pababa ng sasakyan at agad ko din namang nakita si Carrie.
"Baks kanina ka pa?"
"Nope. Kakarating ko lang. Gosh! First time natin to magclub dito sa Pinas hahaha! Lezz go!" Halatang halata ang excitement sa mukha nya habang papasok kami ng bar.
Pagpasok ay may nakahanda ng lamesa para sa amin, siguro ay pinareserve na ni kuya bago pa man sya nagyaya kanina. Nang makaupo kami sa may couch ay nagpaalam naman si kuya.
"I'll just check out my friends, I'll be back. Order na kayo ng drinks nyo but I'm keeping my eye on you two." Sabay turo pa sa amin na parang batang bantay sarado ng magulang para hindi mangulit. Carrie ordered our drinks habang ako ay nagmamasid lang sa paligid.
"So, kamusta naman kayo ni kuya? Kung maka tingin naman sayo yun kanina juskuday! Hindi ko alam kung galit sa suot mo o dahil gustong tanggalin ang suot mo eh." Natatawa kong sigaw sa tainga ni Carrie dahil malakas ang music na tumutugtog sa loob.
"Baks napaka pakipot ng kuya mo! Sabi ko kami na lang aba't sabihan ba naman ako na hindi nya ko type! Ang walanghiya! Bahala sya maglaway ngayon jan! Who you sya sakin ngayon. Tara mag-man hunt tayo dito mukhang madaming papabels!" Hinahatak ako ni Carrie papuntang dance floor pero pinigilan ko siya. Natatawa pa ko dahil halatang halata ang pagkainis niya kay kuya.
"Mamaya na! Eto naman! Uminom muna tayo."
As if on cue ay dumating naman ang inorder namin na inumin, kasabay noon ay natanawan ko rin si kuya na papalapit kasama ang mga kaibigan.
"Keep it coming." Sabi pa niya sa waiter bago ito makaalis.
"Princes, I'd like you to meet, Bronx, Henry, Ysh, Dana, and of course Saph and Gelo." Pakilala sakin ni kuya.
Bigla naman kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang pangalan ni Angelo. Seems that Gelo became closer to my family even if I left. Sa sobrang close nila ni kuya pati kaibigan nito ay kaibigan na rin niya.
"Guys this is my baby sister, Louise and her friend Carrie."
I became conscious on my movements as I can see on my peripheral vision na nakatuon ang buong atensyon sa akin ni Gelo habang kinakamayan ko ang kanilang mga kaibigan. Nakikita ko din ang paggalaw ng kanyang pangga na mukhang galit na pati ang kamay ay nakakuyom. What is the problem of this man? Hindi ko naman siya inaano pero bakit ang sama ng tingin nya sakin? I shrugged of that thought. Nakipagbeso din ako kay Dana at Sapphire.
Huli kong inabutan ng kamay si Gelo, paglapat pa lang ng aming kamay ay milyong milyong boltahe na ng kuryente ang dumaloy sa aking laman. This has to stop, lagi na lang akong nakakaramdam ng ganito towards him. Nagulat pa ako ng bigla siyang ngumiti sa akin at para bang ayaw bitiwan ang aking kamay. Ngitian ko siya ng tipid at binawi ang aking kamay.
Pare pareho pa kaming nakatayo ng magsalita si kuya sa aking tabi.
"I would like to propose a toast. For my sister, who's already back and hoping and praying that it would be for good and lastly for her new project." Sabay taas nya ng baso at nakipag cheers sa lahat.
Pagkaupo ko pa lang ay sunod sunod na ang bato ng tanong sa amin ng mga kaibigan ni kuya. Lahat ng pares ng mata ay nakatuon sa amin, ngunit isang pares lang ng mata ang nakatutok sa akin na siya namang nagpapakaba sa akin ngayon. I feel like I'm in a talk show answering random questions like saan ako nagaral, what course did I took, how was our firm and many more, madalas ay hinahayaan ko na lang si Carrie na sumagot sa mga tanong.
Si kuya naman ay nakikinig lang din sa usapan at matamang tinititigan si Carrie. Ang dalawang babaeng nasa tapat namin ay tila naman may sariling mundong naguusap. Si Angelo naman ay nakaupo sa may pinaka dulo ang isang kamay ay tila ba pagod na nakapatong sa sandalan ni Sapphire at ang isa ay may hawak na bote ng alak. Nakaramdam ako ng inggit sa paraan ng pagupo niya, he was like an over protective boyfriend to Sapphire na ayaw palapitan ito ng kahit na sino.
Nagiwas ako ng tinggin sa kanila at itinuon na lang ang pansin sa iba pang kaibigan ni kuya. Nakailang baso na ako ng alak but I am still sober, ngunit bigla akong nasamid ng marinig ang tanong ni Bronxx sa akin.
"Louise, do you have a boyfriend?" Natigilan ako at hindi agad nakasagot.
"Dude, off limits na yan. May asawa na yan. Tsaka hindi ka papasa, sakin pa lang ligwak ka na pano pa kay kuya at kay dad." Natatawang sagot ni kuya kay Bronxx at inakbayan pa ako. Napasimangot naman ako kay kuya dahil sa sagot nya. Really may asawa, san banda?
"Eh ikaw Carrie, do you have a boyfriend?" Baling na tanong ni Ysh kay Carrie. Naramdaman kong nanigas ang katawan ni kuya sa tabi ko. I knew it! May something talaga ang dalawa na 'to.
"Wala pa. Naghahanap nga ko eh gusto mo ikaw na lang?" Nakita kong sinulyapan ni Carrie gamit ang peripheral vision niya si kuya pagkatapos nyang sagutin ang tanong ni Ysh.
"Wow! That was fast, bakit hindi, wala naman akong sabit. I mean, Sapphire and Gelo, Dana and Henry, pwede namang Ysh and Carrie diba?" Maluwag ang ngiti nitong nakatingin lang sa aking katabi.
Well, why not? I mean mukha namang good catch si Ysh. Base sa mga napag kwentuhan ay may business din itong restaurants at nanggaling din naman sa magandang pamilya like Carrie.
"Ehem." I heard my brother cleared his throat. "Magaasawa na yan this year kaya tigilan mo Ysh." Sagot naman ni kuya na may pagbabanta sa boses.
"What?! Wala syang boyfriend pano magaasawa?" Litong tanong ni Ysh.
"Basta tigilan nyo tong dalawang to off limits na tong mga 'to, may mga asawa na 'to. Kung gusto nyong maghanap ng girlfriend the dance floor is full of people, go swim." Magkasalubong ang kilay ni kuya ng sabihin niya iyon. He look pissed, really pissed.
Seriously ano bang meron sa isang 'to? Well, over protective naman na sila sa akin noon pero mukhang mas lumala ngayon. Binabakuran ba nito si Carrie at nadadamay ako o talagang pati ako kasama? Talagang pinangangalandakan pang may asawa kami? Do we look like a housewife? Sa pagka over protective nito pano pa ko makakapagasawa? Baka totohanin niyang kapag fifty na ko tsaka nya ko papayagan magasawa. Sh!t lang!
Mabuti pa noong nasa US ako, I met new people, go out on a date which only last a few months, and I always end up by myself, alone. I didn't know why, every time I date a guy I always compare it to my past relationship. I thought it was just a comparison of gestures and nothing more, na may mas hihigit pa sa ginagawa niya para sa akin dati. That I will be able to find that person in no time, but it never happened. Umabot na ko sa point na kung sino na lang yung nanjan na magtatagal sya na, okay na lang din to settle for it. Nakakapagod na rin kasing maghinatay at hanapin ang para sayo, kaya kung sino na lang ang ibigay, sya na lang.
Noong una akala ko si Luis na yun. We share the same passion, likes and dislikes, we are more than comfortable with each other, walang hiyaan sa pagitan namin pero puro kawalang hiyaan lalo na kapag anjan si Carrie. Until such time that we realize na kapatid lang ang turingan namin and nothing more.
I learned that he promised to marry someone, his childhood sweetheart, love at first sight daw. Akala ko nung una nagloloko lang sya but I know him more, he values his promises as he values his virtues in life. Minsan ko na din syang nahuling nakikipagusap sa mga tauhan niya sa TV conference ng opisina namin, akala ko project, yun pala nagrereport ang mga tauhan niya sa kanya ng whereabouts nung babae pati na rin ang mga taong nakaka salamuha nito.
Sa totoo lang nainggit ako sa pagmamahal na meron siya para kay ate girl, when will I find a love that is strong as his for her? Yung kahit nakalimutan na sya pero hindi sya tumitigil. The hope and faith na meron sya, na balang araw sila pa rin yung magkakatuluyan. From then on, mas lalo ko syang minahal bilang kapatid, that I will support him kahit na wirdo at creepy sya. Nagkasundo rin kami na kapag nakabalik kami ng Manila ay magpapakita at magpapakilala na ulit siya sa babae.
"Baks lika na sayaw tayo! Nakaka bwisit lang ang kapatid mo." Pasigaw na bulong sa akin ni Carrie na nakapag pabalik naman sa akin sa kasalukuyan.
"Sige tara. Kuya sayaw lang kami." Baling ko kay kuya ng maramdaman kong tumayo na si Carrie. Inubos ko muna ang laman ng aking baso tsaka naglakad kasunod ni Carrie.
We were in the middle of the sea of people dancing and grinding. Matagal tagal na din kaming nagsasayaw doon. Marami ring boys na nakikipag sayaw sa samin at nakikipag kaibigan but my attention was not in them. Naroon ito sa dalawang tao na nasa aming upuan, magkatabi at nagtatawanan. Sh!t! Hindi ako mapakali sa nararamdaman ko, I felt a spang of pain inside my chest.
I should feel happy for them, now that he's happy and moved on. Nakakaramdam ako ng panghihinayang na sana, sana ako pa rin yung taong nasa tabi nya ngayon at nagpapatawa sa kanya ng ganoon. Bumabalik yung sakit ng naramdaman ko noong naghiwalay kami. And I acknowledge it, lahat ng emosyon na meron ako para kay Gelo, lahat yun, ni minsan hindi nawala. Binaon ko lang pinipilit na binabaon para makapagpatuloy ako.
Hindi ko na natiis nung naglapit ang mga mukha nila at nagbubulungan. Nagpaalam ako sa kasayaw ko and pat Carrie on the back, sumenyas na pupunta sa bar counter.
"Sige baks sunod ako." Sabi naman nito.
I ordered margarita at inubos agad iyon then I ordered again and again. Nasa pang apat na baso na ko ng makalapit sa akin si Carrie.
"Huy! Brokenhearted baks?" Pagsita nya.
"Nope. Well, I don't know. I shouldn't but look at them. Fvck! I am supposed to be happy for them but I don't know how." Frustrated kong sabi habang nakatinggin sa baso na may lamang alak.
Lumingon ako ulit sa side nila at nakita kong nakapikit na si Sapphire sa tabi ni Angelo pero nakangiti pa rin. She must have been drunk, inalalayan pa ni Gelo ito at pinatong ang ulo sa kanyang balikat. The fvcking gesture, he's just being a gentleman to me earlier, walang meaning ang lahat.
"One shot of the hardest drink you have please." Hingi ko sa bar tender.
Pagkaabot sa akin ay agad ko itong ininom at sinundan pa ng isa.
"Baks tama na. Sinasabi ko na nga ba mangyayari 'to eh." Pagawat nya sakin. "I know you're hurt and not moved on yet, but I'm here. Luis is gonna be here too remember? We're here for you plus your family. Please don't be like that, wag mo ipakita sa kanilang nasasaktan ka pa. Sapphire might use it against you. So please, pull yourself together." Nagaalalang sabi ni Carrie sa akin. Niyakap pa niya ako ng mahigpit. Nang dahil don kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. She is right, baka isipin pa ng mga itong manggugulo ako sa kanila at naghahabol.
"Alright. Alright. I'm good. Thank you Carrie. For always being there for me through these years." Sabay yakap ko ulit kay Carrie.
"No problem. Basta ikaw, lika na balik na tayo dun sa upuan natin." Pagyaya nito pabalik sa lamesa.
Nang makabalik kami ay wala na mga kaibigan ni kuya sa upuan mukhang nakikipag sayaw na ang mga ito. Muntik pa akong mapasubsob sa upuan dahil natisod ako sa lamesa at dahil na din sa tama ng alak. Agad naman akong nadaluhan ni kuya at ni Carrie para alalayang makaupo.
"Hey, baby! What happened to you? Are you okay?" Narinig ko pa ngang pumalatak si kuya Niccolo at kalaunan ay naiupo na nila ako.
"I'm okay kuya. Mejo napagod lang ako and the drinks might have hit me but I'm still sober, so you go and enjoy. You don't have to worry about me all the time." Paktulak ko sa kanya, lagi kasing nakabantay. Even though I feel safe around them, hindi naman pwedeng lagi nya lang akong bantay dapat ay magenjoy din siya.
"You know I'll worry for you every damn time princess." Sabi pa niya at umupo sa tabi ko.
Walang ano ano'y tumayo at nagpaalam na si Gelo ihahatid nya na daw si Sapphire sa condo nito dahil lasing na din. Tiningnan ko lang sila habang inaalalayan niyang makatayo si Sapphire, nakapalibot ang mga kamay niya sa bewang nito and I f*****g envy her. Bago pa nila makita ang sakit sa aking mata ay unti unti ko na iyong ipinikit. Bago tuluyang lumapat ang talukap ay nakita ko pa si Angelo na tumingin sa akin. Illusion or not I do no longer care.
Pumikit ako para makapag pahinga sandali dahil umiikot na ang paningin ko. Naramdaman kong nagpaalam si kuya at umalis, marahil ay pupuntahan ang mga kaibigan, binilinan pa niya si Carrie na huwag akong papabayaang magisa sa ganoong ayos. Knowing Carrie, she'll be fine here with me and with her social media accounts, malamang na naguupload na naman siya ng pictures namin taken earlier.
When I woke up, nagpaalam ako kay Carrie na magbabanyo lang, pero hindi sya pumayag so we both go to the comfort room to freshen up. Naghilamos ako para kahit papaano ay mawala ang tama ng alak sa aking sistema, I then put a light make up at lumabas na pagkatapos.
Carrie poured another round of champagne in our glasses pagkabalik namin sa upuan. Agad ko namang ininom iyon, I have a bit high tolerance with beers and liquors pero dahil sa pagod at walang matinong tulog ay umikot na ang paningin ko kanina.
Nagvibrate ang aking phone, it's Martin. Pinakita ko iyon kay Carrie at nagpaalam na lalabas. The place is intensified by the music so I have to go outside dahil maingay. Mejo nahirapan pa akong lumabas dahil sa dami ng taong nakakasalubong ko, minsan pang naitulak ako but I managed to get out of the club safe. Paglabas ko ay nakahinga naman ako ng maluwag dahil na rin sa sariwang hangin na sumalubong sa akin.
"Hello?"
"Hello tipsy little fairy." Narinig ko pa ang kanyang pagtawa.
"Well, what to do nagyaya si kuya. Carrie's with me. So don't worry."
"Yep. I saw it on Carrie's social media account. Hindi naman kita pinagbabawalan ahh! Enjoy Louise. Though ang daya nyo, we need to do that too when I get back."
"Yes sir! I miss you here. Remember the days when we spend our free times hangout in my apartment, drinking and passed out? Oh God, I suddenly miss New York." I blurt out.
I am already in the parking lot at nakasandal sa kotse ni kuya. I suddenly miss my life in US, malamang na nasa office ako ng mga ganitong oras at nagdedesign, ordering Chinese food para sa lunch.
"New York doesn't miss you sweetie hahha! You have to enjoy yourself there. But don't drink too much. Take care of Carrie, you know, baka sa labas na naman ng bahay nya yan matulog." Natawa naman ako at yumukong nakapikit at inalala ang kanyang sinasabi.
We went to a pub which we usually do at nalasing kaming tatlo, though nagtitira pa naman kami ng huwisyo para makauwi. Kinaumagahan hindi namin macontact si Carrie, nagaalala kami dahil sinakay lang naming siya ng taxi dahil ayaw na niyang magpahatid. We immediately went to her house only to find out that she's sleeping right in front of the apartment door at hindi na nakapasok sa loob. Simula noon ay naging tuksuhan na namin ang nangyari.
"Yes, I remember hahah! Don't worry kuya's with us. Si kuya na ang maguuwi kay Carrie or sa bahay na sya matutulog."
"Alright. Well, I just called you para mangamusta and now I have to eat my lunch alone because my lunch buddies are partying without me. I'm starving. So you better enjoy the rest of the night. See you when I get back."
"Yeah, see you after few days." Ibinaba ko ang tawag at huminga ng malalim.
Nakapikit akong nagangat ng ulo, nahihilo pa rin mostly dahil sa wala pa akong tulog at sa mga pinag gagagawa ko ngayong araw. I decided to stay here for a while para makasagap ng hangin to help me lessen the dizziness. Muntik na akong sumubsob ng maramdaman kong nakatulog na pala ako, buti na lang at may natamaan akong bagay na sumalo sakin.
Wait, I'm in a parking lot at imposibleng sa sasakyan ako tatama. Nagulantang ako sa naisip, kung ganon saan ako tumama? Minulat ko ang aking mga mata, nagulat pa ako ng mga kumapit sakin. I was about to scream my heart out para manghingi ng tulong baka makidnap ako dito or something. I panicked pero bago ako makasigaw ay nagsalita na ang taong nasa harap ko.
It's his voice. Angelo's voice. Suddenly, I feel secured. He's here in front of me, to my relief ay napapikit na lang ako. Hindi ko alam kung sya ba talaga iyon because my vision is blurry but I my being recognizes his voice. It is soothing, assuring I am safe.
-----