Chapter 4

3157 Words
CHAPTER 4 Masuyo akong inalalayan ni Angelo sa pagkakatayo para hindi ako matumba. "Hon, I told you to rest. Pupwede mo naman pagbigyan ang kapatid mo sa mga susunod na araw, hindi mo kailangang magpakapagod ng ganyan. What if wala ako dito, malamang na humandusay ka na. Oh God." Bulong pa niya sa akin na punong puno ng pagaalala. Wait, did I hear it right? He called me "hon"? Hindi ako makapag isip ng maayos. Marahil ay dala lang ito ng aking pagkahilo kaya nakakarinig ako ng kung ano ano. "I'm okay. I was just a bit sleepy and tipsy but I'm okay. Nagpahangin lang ako sandali pero babalik na din ako sa loob. Baka hinahanap na din ako nila kuya." "Bakit ka pala nandito, umalis ka na diba?" Nagulat ako sa sinabi ko dahil may paga rude ata ang pagkakasabi ko noon. "Sorry I didn't mean to offend you, it's just that, akala ko lang umuwi ka na kasi nagpaalam ka na kanina." Nahihirapan pa akong magexplain dahil sa pagkahilo, nakapakapit pa ako sa aking ulo dahil doon. "Are you okay?" Mabilis niyang hinawakan ang mukha ko at ipinalibot ang kabilang kamay sa aking bewang. Hinawakan ko naman siya sa balikat para masuportahan ang pagkakatayo ko. "Yes. I'm fine." "Kaya mo bang maglakad. Halika at umupo ka muna sa sasakyan ko." Masuyo niyang sabi habang inilalapit ako sa kanyang katawan at tuluyan ng niyakap. I just nodded against his chest. Wala na ko sa tamang huwisyo para magisip pa ng husto. Naramdaman ko ang pagyakap niya ng mahigpit at saka huminga ng malalim. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang na umangat ang aking paa mula sa lupa. He carried me like a bride papunta sa kanyang sasakyan, sa gulat ako ay napakapit ako sa kanyang leeg. He deposited me in the shotgun seat at inihiga ang upuan para maging mas maayos ang aking pwesto. Bago tuluyang tangayin ng antok ay naramdaman ko pang pinaandar ni Gelo ang kanyang sasakya. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero ng magising ako ay nasa isang parking lot na kami, nakabukas ang mga bintana at malakas ang hangin. Bumalikwas ako ng upo ng hindi mapagtanto kung nasan ako. "Hey." Rinig kong sambit ng nasa tabi ko. Bigla akong nahiya sa mga pinaggagagawa ko. Umupo ako ng maayos at nilingon siya. "Nasan tayo?" Agad kong tanong. "We're still in the area. Are you okay? Do you need anything?" Nagaalala niyang sagot. "I'm okay. Sorry, matagal ba kong nakatulog? Let's go back? Baka hinahanap na ko ni kuya at ni Carrie." Nagaalangan ko pang yaya sa kanya. Iniwas ko ang tingin sa. Hindi naman niya dapat ito ginagawa besides, he already left earlier. Bakit nga ba andito ulit siya? Ibinalik ko ang sa kanya ang tingin at nakita ang malamlam nyang matang tutok sa akin. "Tinawagan ko na si Nicolo at sinabi kong kasama kita." Tumango lang ako sa sinabi niya at nagbaba ng tingin. May inabot naman siyang cup sa akin. "Here. Drink this. Brewed coffee para mahimasmasan ka." "Thanks." Inabot ko ang cup at sumimsim ng kape. Ilang minuto rin ang lumipas ng magsalita ako para putulin ang katahimikan. "Kanina pa ba tayo dito?" "Thirty minutes or so." Tipid niyang sagot. "Sorry, naabala ka pa. Teka pano mo pala ko nakita? You left already right?" "Babalik naman talaga ko, hinatid ko lang si Sapphire sa condo niya na malapit dito. Pero pagbalik ko wala ka na sa loob, sabi ni Carrie lumabas ka daw dahil tumawag si Luis." I heard pain in his voice. "Then I saw you in the parking lot." Hindi na ako nagsalita at muling humigop ng kape. "Miss him?" Nagiwas siya ng tingin. "No. Not really." Tipid lang akong ngumiti ng lumingon siya. Hindi ko alam bakit ganito ang reaksyon niya. Nagseselos ba sya? Napakunot ang ulo ko ng isipin iyon. Bakit nga naman magseselos si Gelo eh may girlfriend nga pala sya at iyon ang pilit na isinisiksik ko sa utak ko simula pa kahapon. "Let's go back. Sila kuya." Pagyaya ko ulit sa kanya. "Ako na ang maguuwi sayo." "Wag na, sasabay na lang ako kila kuya. Baka nagaalala sila ---" "Ipinaalam na kita. Paniguradong mamaya pa uuwi si kuya Nicolo. Nangangalumata ka na, wala ka pang matinong tulog." "Magtataxi na lang ako ---" "At that state?! No. Ako na ang maghahatid sayo, baka mapano ka pa." Nakita ko ang kunot na kunot nyang noo, alam kong kapag ganito ay naiirita na sya. Hindi pa rin sya nagbabago. Why does he have to be concern? He is being a gentleman again and paniguradong konsensya nya lang ang pinapairal nya. Kapag nga naman may masamang nagyari sa akin ay siya ang sisisihin ng lahat lalo pa at alam ni kuya Nicolo na siya ang kasama ko. Sobrang antok ko na din talaga at ang kapeng iniinom ko ay hindi na rin tumatalab, might as well sumabay na nga lang talaga sa kanya. May takot pa rin naman ako dahil bago ulit ako rito baka mapahamak pa ko. Hindi na ako umimik, samantang si Gelo ay nagumpisa ng magmaneobra ng sasakyan. Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay nakaramdam nanaman ako ng matinding antok, dahil na rin sa kapeng nainom ko sinabayan pa ng hangin na tumatama sa aking mukha na para bang nang hehele. ----- We're on their way to their house now, naiinis pa ko kanina dahil ayaw nyang sumabay sakin pauwi. Hilong hilo na nga sya sa pinagsama samang antok, pagod at alak ay may lakas pa sya ng loob para mag taxi. Sa bwisit ko mejo napagalitan ko pa tuloy siya kanina. Nang lingunin ko siya ay nakahilig na ang kanyang ulo sa may bintana at tulog na. Dali dali kong ignilid ang sasakyan para maiayos siya sa pagkakaupo at binaba ng bahagya ang sandalan. Saglit ko pang pinagmasdan ang mala anghel nyang mukha, I miss being close to her like this. Buti na nga lang at nakita ko siya agad kanina sa parking lot dahil kung hindi ay matutumba na sya. Natagalan pa akong makabalik sa bar dahil nagtalo pa kami kanina sa Sapphire. ----- Hinawakan ni Sapph ang kamay ko para pigilan ng makita ko si Louise na matutumba sa upuan. Agad ko naman syang nilingon, alam kong lasing na ang isang 'to dahil hindi naman ganoon katas ang tolerance nya sa alak at marami rami na rin syang nainom. Umiling siya sa akin. "You don't have to take care of her, anjan naman ang kuya nya at kaibigan." Bulong pa niya. Bumuntong hininga ako, I need to take care of her lalo pa at nandito na sya ulit. This is my time to win her back. "Lasing ka na." Komento ko. "Bring me home." "Okay. Come on." Nauna na akong tumayo at saka siya inalalayan para hindi matumba. Nagpaalam ako kay kuya na iuuwi ko lang si Sapphire at babalik din. Nagaalala ako kay Louise, marami na rin ang nainom nya at base sa mga activities nya ng nagdaang araw ay malamang sa malamang na wala pa itong hustong tulog at pahinga. Knowing Nicolo ay mamaya pa ito uuwi hindi naman pupwedeng dito sa bar magstay si Louise dahil baka may kung ano pang mangyari sa kanya. Bago kami tuluyang umalis ay nilingon ko pa sya, nakasandal na sya ngayon sa couch at nakahilig ang ulo sa sandalan. Halata na ang pagkahilo nya dahil papikit na ang kanyang mga mata. Wait for me hon, I'll come running back to you. Nasa daan na kami malapit sa kanila ng magsalita si Sapph. "Sya pa din?" "What do you mean?" "She's finally back. You'll still pursue her?" May hinanakit nyang tanong at nangingilid na ang mga luha sa mata. Napabuntong hininga ako bago sagutin ang kanyang tanong. She already know what is my answer but I'll remind her otherwise. "Yes. I will." Simple kong sagot. "Bakit pa? Hindi mo na sya kilala, ilang taon na kayong hindi nagkikita. Marami ng nagbago sa inyong dalawa!" Tumaas ang kanyang boses kaya nilingon ko sya buti na lang at nasa may tapat na kami ng condo niya kaya madali kong naigilid ang sasakyan bago ko sya sagutin. "Look Sapph, you know from the start na sya lang naman talaga at wala ng iba. I'll pursue her no matter what it takes." "Andito naman ako diba? I've been with you all these years na wala sya. Ano pa bang kulang? I can give you everything sabihin mo lang." Narinig ko ang paghikbi nya, lasing na nga siya that's why her emotion like this is surfacing. "Walang kulang sayo Sapph. I thank you for all the things you did for me but all I can give is friendship. No more no less. You know what, let's go, ihahatid na kita sa taas para makapag pahinga ka na, lasing ka." Matigas kong sabi at hindi na siya hinayaang makapagsalita pa. Bumaba ako ng sasakyan at inalalayan syang makababa hanggang makasakay kami ng elevator at makababa sa tamang floor ng kanyang unit. Ramdam ko pa rin ang kanyang pagiyak, nasasaktan sya oo, pero mas masasaktan sya kung patuloy syang aasa sa akin. Simula pa lang ay alam nyang si Louise lang ang mahal ko, at kahit na magkalayo kami ay hindi nagbago iyon, mas dumagdag pa nga ang paghanga ko sa kanya now that I see how far she've grown. Nagdoorbell ako sa unit niya at ilang sandal ay lumabas ang kanyng katulong. Inihiga namin siya sa kanyang kama at saka ako nagpaalam na aalis na. Pagkabalik ko ay agad kong pinuntahan ang pwesto namin kanina ngunit hindi ko na nakita si Louise doon at tangging si Carrie na lang ang nakaupo at may kausap na lalaki. Lumapit ako kay Carrie at tinanong kung nasaan si Louise. "Lumabas, masyadong maingay dito eh tumatawag si Luis." Iyon lang at binalingan na ulit ang kausap nito. Naglakad ako at hinanap si Nicolo. Nakita ko siyang nakikipag sayaw, so I patted his shoulder. "Kuya, may number ka ni Louise?" Bulong ko sa kanya. Inabot naman niya sakin ang kanyang phone. "Check mo na lang jan. Bakit nasa upuan lang iyon ahh." "Wala kuya, lumabas daw tumawag daw yung Luis." Nanghihina kong sagot. Nang mahanap ko ang pangalan ni Louise ay agad kong tinipa ang kanyang numero sa aking cellphone para matawagan sya, ngunit dahil sa ingay sa loob ay hindi ko rin marinig ang nasa kabilang linya. "Selos ka?" Nangingiti pang tanong ng mokong. "Alam mo naman na 'yon. Ikaw baka magselos ka. Si Carrie ayun may kausap na dun sa upuan, gwapo ahh. Mukha pang mayaman. Salamat." Nalamukos naman ang mukha ni kuya pagkasabi ko noon at iniabot sa kanya ang kanyang telepono. Hindi ko na siya nilingon pa at dirediretso ng lumabas para matawagan ko si Louise. In my dismay ay busy ang kanyang phone, nilibot ko ang lugar hanggang sa makarating ako sa may parking lot at doon ko siya nakita. Nakasandal sa sasakyan ng kanyang kapatid habang nakayuko at may kausap sa telepono. "Yes sir! I miss you here. Remember the days when we spend our last pennies to buy drinks, hangout in my apartment and just passed out? Oh God, I suddenly miss New York." She misses everything she left in New York, ang sakit naman. Ganun na ba talaga nya kaayaw umuwi dito? "Yes, I remember hahah! Don't worry kuya's with us. Si kuya na ang maguuwi kay Carrie or sa bahay na sya matutulog." So he is checking her whereabouts. Nagseselos ako, gusto ko ako lang ang gagawa non sa kanya pero wala akong magawa. Sa tagal nyang nawala ay alam kong si Carrie at Luis lang ang meron sya noong malayo sya. "Yeah, see you after few days." Narinig kong sabi niya at binaba na ang tawag. Humakbang ako paplapit at sya naman ay nagangat ng mukha ngunit nakapikit. She's like an angel sent by God for me, gusto kong paniwalaan iyon, pero masakit na may ibang tao ng nagaalala at nagaalaga sa kanya. ----- Ng makarating kami sa bahay nila Louise ay agad ko siyang binuhat papasok ng kanilang bahay, I punch in their door code para tuluyan na siyang maipasok. Nakasalubong ko pa si tito Arthur na mukhang papunta ng kusina. "Oh Gelo anong nangyari jan?" "Ahh tito mukhang nalasing po at sobrang pagod na din po siguro. Nauna na po kaming umuwi nasa bar pa po si kuya Nicolo kasama naman si Carrie." Paliwanag ko. "Sya sige at iakyat mo na yan. Bukas ka na din umuwi. Sa guestroom ka na matulog o kaya ay tabihan mo na yan malaki naman ang kama ni Louise paniguradong kasya naman kayo." Sabi niya at tumalikod na. Iniakyat ko si Louise sa kwarto nya at marahang inilapag sa kama. Kinumutan ko sya at nilakasan ang aircon, dahil sa nainom nyang alak ay siguradong mainit ang pakiramdam nito ngayon. Dahan dahan ko syang tinabihan while I watch her sleeping soundly. I waited for this moment for the longest time, to be with her, to hold, kiss and hug her and above all to claim what's mine. Pero ayokong biglain sya, I can't take the risk of her getting mad at me and leave me again kapag nalaman niya ang totoo. I will definitely die if that happens. ------ Flashback 5 years ago... "Tito, tita, please mahal na mahal ko po si Louise please parang awa nyo na po. Ito nalang po ang pwede kong panghawakan. Please po." Nakaluhod ako at nagmamakaawa sa magulang ni Louise. Pinakita ko sa kanila ang marriage license na pinirmahan naming noon, I am want to pass it in the city hall. Gusto kong maging legal ang papel na 'to, gusto kong matali sa kanya ng buong buhay ko. I got the license from my ninong na mayor sa Batangas ng minsang magbakasyon kami doon. Noong pinakita ko 'to kay Louise ay napagkasunduan naming pipirmahan ito pero hindi pa namin ipapasa. Of course, we don't want our parents to be mad at us, isa pa wala pa kami sa tamang edad at kakailangan pa rin ng parents consent kapag ipinasa naming ito ng mga panahin na iyon. We are certain ng pinirmahan naming ito. As certain as I am right now, I don't want to bypass her parents kaya andito ko sa harap nila ngayon at nagmamakaawa. This is my last card para bumlik sya sa akin, ito na lang ang pupwede kong pang hawakan para hindi nya koi wan ng tuluyan. "But Gelo, what if makahanap ng iba si Louise, mahihirapan ang anak ko." Sabi ni tita Adeline na nagmamakaawa din ang boses. I know they don't want this, ayaw nilang mahirapan ang anak nila kapag nakahanap na ito ng lalaking mamahalin. Sumakit ang dibdib ko dahil doon, naiisip ko pa lang na may iba syang mamahalin at may ibang magaalaga sa kanya nababaliw na ko pero wala akong magagawa. "Pagbibigyan ko po tita, papalayain ko sya kung may makikita sya at mamahalin na iba. Papalayain ko sya kung iyon ang gusto nya, ako ang gagastos, ako pa mismo ang magaayos. Gusto ko lang po syang makita pa at makabawi sa mga nagawa ko. Gusto ko syang makitang masaya. Ihahanda ko po ang sarili ko sa bagay na yan. Papalayain ko sya kahit sobrang hirap, kahit sobrang sakit. Just please let me fight for her first tito, tita. Parang awa nyo na po." Humahagulgol na ako at dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko maisip pa lang ang bagay na iyon ay napaluhod na ko sa harapan nila. Alam kong sobrang mahihirpan ako kapag nangyari iyon pero hindi ako papaya na basta na lang siyang pakawalan. She is my everything and my life at gagawin ko ang lahat bumalik lang sya. Hindi ko inaasahan na magmamahal ako ng ganito katindi, nakakabakla man sa paningin ng iba ang ginagawa ko ay wala akong pakialam. "Gelo, I know na mabuti kang tao. Minahal ka na ng pamilyang ito simula ng papasukin ka namin dito sa bahay. I also know that these past few years have become hell, both for my daughter and you. It's been two years after she left but you're still here every weekends clinging on her room, on her things. Alam kong mahal na mahal mo ang anak ko." Panimula ni tito. It's true, every weekends I spend all my time in her room. Doon ako nagrereview, gumagawang designs at kung minsan umiiyak, kapag sobrang namimiss ko na si Louise. Buti na nga lang at pinapapasok pa din ako ng pamilya ni Louise kahit na alam nila ang nangyari sa amin. They gave me their door code so I can access their house every time. Anak ang turing nila sa akin at hindi ibang tao. "Sa murang edad at sa bago ng relasyon nyo noon nagkamali kayo and I understand that dahil mga bata pa kayo. But both of you learned your lesson, I saw how both of you become mature, kahit malayo ang anak ko nakikita ko iyon. Alam mo din kung gaano ka kagusto ng pamilyang 'to para sa nagiisa naming prinsesa." Tumigil sya sandal habang ako ay umiiyak pa din at nakikinig lang "This will be a man to man talk alright?" Sabi nya. Lumingon muna siya kay tita at tumango. Hinawakan naman ni tita ang kanyang balikat at pinisil iyon. "If she met someone she loves so dearly, decided at handa na syang magpakasal, you will let her go. Kahit mahirap at masakit on your part papakawalan mo ang prinsesa ko. But until I can't see that the boy is rightful for my daughter, you will be the only one I am rooting for. Fight for her as long as you can, but let bygones be bygones. Nasa kanya pa din ang huling desisyon. You got that?" Maawtoridad na saad ni tito Arthur. Nakahinga ako ng maluwag at sunod sunod na tumango. May basbas na ng kanyang mga magulang ang gagawin ko and because of that, I hugged them so tight. "Thank you so much tito, tita. Maraming maraming salamat po. Sorry but I can't let her go, I really can't. Nagkamali po ako noon pero itatama ko po lahat. I swear I'll fight for her with all I got and all I am." Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanila. ----- Yes. I have been married for almost 5 years now at wala ako pinagsisisihan sa desisyon na iyon. "This is the start wife. I will fight for you no matter what. I'll fight until I die. I can't let you go, not before definitely not now and our life after that." Hinawi ko ang iilang takas na buhok sa kanyang mukha. Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang bewang at hinapit siya papalapit sa akin. To my surprise niyakap niya ako pabalik at sumiksik pa sa akin. This is the life I am dreaming since then. After long years, God is starting to answer his prayers. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD