Chapter 2

3499 Words
CHAPTER 2 It's Saturday. Last night ay dumating sila kuya Art kasama ang kanyang pamila, ate Haze and the twins, Amiel and Armie. I played with the twins last night kahit na antok na antok na ko, madalang ko lang naman silang makasama, mostly summer or Christmas break. Minsan kapag dumadalaw sila mommy at may importanteng gagawin sila kuya ay sinasama nila ang kambal. Pagkatapos ng dinner kagabi ay naglaro na kami ng board games, video games at kung ano ano pa. Mukhang hindi nauubusan ng energy ang dalawa. Buti na lang at nasuway ni ate Haze kagabi dahil late na din. Nagyaya ang dalawa kagabi na mamasyal ngayong umaga, first time daw nila ko makakasamang magmall dito sa Pilipinas, more of sila daw ang magtotour sa akin dito. Dahil sa sobrang mahal ko ang makukulit na 'to ay hindi na ko nagdalawang isip, kahit naman hindi ko na kabisado ang pasikot sikot dito sa Manila ay may GPS naman at malamang na hindi naman kami papayagan ni daddy ng hindi sila kasama. Bumaba na ako sa kusina pagkagising at sakto naman na ako na lang pala ang hinihintay para sa almusal. Ngayon na lang ulit kami nakumpleto sa almusal kaya masiglang masigla ako. When I was away, I usually grab some coffee and bagels on my way to office at doon na din kakain. Minsan kapag napakaraming kailangang tapusin ay hindi ko na rin naaatupag kumain. "Good morning tita!" masiglang bati ng kambal. "Good morning kids, kuyas, ate, mom, dad!" "Wow mukhang masayang masaya tayo baby ko ahh." Puna  ni kuya Art. "Of course kuya, this is the first time na sama sama ulit tayo and kumpleto sa breakfast." "Well, mukhang mapapadalas to, specially na nandito ka na." Kumento ni ate Haze na nasa kanyang tabi. "Tita, you promised us po something kagabi. Hihihi" Armie said giggling. "Yes po. We'll go malling today. So, finish your food na." I said. "Anak, you sure it's okay? Hindi ka pa nakakapag pahinga ng maayos." Sabat ni mommy na may pagaalala ang tono. "Ma, it's okay, swear. Mahaba haba pa naman po ang ipapahinga ko bago kami magstart sa project. For now, I want to spend time with these kiddos, next weekend ko na naman sila makikita." "Sorry sis, I got important meeting today kaya hindi ko kayo masasamahan. But I promise bonding tayo later tonight or tomorrow?" said Niccolo with an apologetic smile. "Sure kuya andito lang naman ako sa bahay, specifically sa kwarto. Sama natin si Cassie." Nanunuyang sabi ko sabay kindat. With that, he just groaned na sya namang ikinatawa ko. "Alright kids! Before the bondings, meetings and everything finish your food." Maawtoridad na sabi ni dad. "Dad, I thought sasama kayo?" Tanong ko bago sumandok ng kanin. I miss Filipino mornings like this, yung may nakahain na sinangag, itlog, bacon, hotdogs and the likes. Samahan mo pa ng mainit na kape with your family, this is way too perfect. "Yes. We will drop you at the mall first at magpapa annual check up muna kami ng mommy nyo tsaka kami susunod sa mall." "Dad, mom, samahan na lang po muna namin kayo." Good thing na nagpapa annual check up sila since hindi na din naman sila bumabata. Wala naman silang sakit sa puso, diabetes or whatever sa pagkakaalam ko pero mabuti na din yung nakakasiguro. "Hindi na. Nakapagpa schedule na si ate mo sa doctor namin, nandoon din naman sila dahil sa report ng hospital. Isa pa, baka mamaya ay may kung anong sakit pa ang masagap ng mga bata doon kaya maiwan na kayo sa mall at susunod kami." I can't risk the health of the twins kahit gusto ko sanang masamahan ang parents ko sa doctor nila ay ayos lang. Ililibot ko na lang ang dalawa at bibilhan ng kung ano ano. "Okay dad." ----- Ibinaba na lang kami ni mang Daniel sa entrance ng mall at inihatid na sila mommy sa hospital. Si ate Haze naman ay nauna na sa hospital kasama si kuya, na hindi mahiwalay sa asawa. I adore my brother and sister on how they find time for their family, specially to the kids. Hindi madali ang trabaho ng magasawa, kuya is managing our hotels while ate Haze is in-charge in their hospital. Hindi mahiwalay si kuya Art kay ate, they're always like this sticking with each other. Kapag kailangan ni kuya ng tulong sa hotels ay andun si ate para tulungan siya and vise versa kapag si ate Haze naman ang may kailangan ng tulong tulad na lang ngayon. Una kong nilibot ang kabal sa mga pambatang boutique. Tuwang tuwa akong nagpasukat sa kanila ng mga cute na damit at sapatos, kung ano ang ituro nila siya naman akong nanghihingi ng sizes para masukat nila at mabili ko. Sa bawat boutique na may magustuhan ang dalawa ay sinugurado kong hindi kami lalabas ng wala silang nabibili. I love spending for them, matagal ko silang hindi nakasama kaya it's time to spoil them. Makabawi manlang ako sa mga panahong hindi ko sila nalaro dahil malayo ako. Pumasok pa kami sa toy store at binilhan sila ng kung ano anong laruan but mostly educational toys dahil iyon din naman ang gusto ng dalawa. Amiel is actually good in swimming so as Armie but the baby girl is more into table tennis. Bata pa lang ay sinasanay na ang dalawa into sports, swimming is for their survival, sabi nga ni kuya. Kaso nga lang at the age of five ay sadyang nahilig na si Armie sa table tennis. Hindi ako nakakaramdam ng pagod sa pagsunod sa dalawa pero nangangalay na ko sa dami naming dala. Gusto ko sanang tawagan si mang Daniel kaso nga lang ay baka hindi pa tapos sila daddy sa check up. Binalingan naman ako ng mga bagets na may bitbit ding mga paperbags. "Tita can we go to arcade?" tanong ni Amiel. "Uhh baby aren't these toys not enough?" "Eh kasi tita arcade is different po. I want to play car racing, basketball and claw machine." Ungot ni Amiel na naka puppy eyes pa na halatang nagpapaawa. "Pretty please tita." Si Armie na sinundan ang kapatid sa pangungumbinsi sa akin. "Okay okay, but an hour will do yeah? Snack time after kasi konti lang kinain nyo kaninang lunch." "Yes po tita. Yehey!" Nagtatatalon pa ang dalawa at yumakap sa akin. "Hey! Treating the kids?" Fvck that voice kumalabog bigla ang dibdib ko. Bago pa ko makalingon ay nagtatakbo na ang dalawa papalapit sa nagsalita. "Tito Gelo! Tito Gelo! Free ka po today? Sama po kayo samin!" Magiliw na paganyaya ni Armie. Nang lingunin ko sila ay nakayapos ang dalawa sa leeg ni Angelo habang ito ay nakaupo at yakap din ang dalawa. What a good sight, para silang magaama. SH!T what am I thinking?! Napabaling ako ng tingin kay Armie. "A-ahm. A-aahh. Baby wag na, tita's here naman diba? Tsaka busy si tito Gelo nyo." Natataranta kong sabi. "No no no! It's okay I'm done with my meeting and wala na naman akong gagawin today. I am free and I'm all yours." Sabay tayo niya at malapad na ngumiti sa akin. Biglang naghuramentado ang t***k ng puso ko at ang mga paru paro sa tyan ay nagwawala na rin. All mine?! Nabigla ako ng hinawakan niya ang mga paperbag na dala ko sa isang kamay. "Let me help you with that. Mukhang ang dami nyong pinamili ahh." Pinipilit nyang kuhanin ang mga paperbag at dahil don ay dumampi ang kamay niya sa akiny. Bolta boltaheng elektrisidad ang naramdaman ko sa simpleng pagdidikit lang ng kamay namin. "Ahh wag na okay na kaya ko na." "No. I insist ako na." Wala na akong nagawa ng tuluyan na niyang naagaw sakin ang mga bags dahil pinilit niyang kalasin ang kamay ko gamit ang isa pa niyang kamay. Naramdaman ko pang inisa isa niyang ibuka ang aking mga daliri para makabitiw sa pagkakahawak doon. Mas lalo akong kinabahan nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi naman nagtagal ay binawi ko din iyon sa sobrang kahihiyan. "Kids? Where to?" Binalingan niya ang mga bata at nagtanong. "Arcadeeeeeee!" In chorus pa ang magkapatid while giggling. "Alright!" Agad siyang sumunod sa mga bata, makaraan ang ilang saglit at lumingon siya sa akin. "Let's go?" Tanong niya ng nakangiti. Agad naman akong tumango at sumunod na sa kanila. ----- Masaya kong pinagmamasdan si Gelo at Amiel sa pagbabasketball nang bigla namang humawak sa akin si Armie. "Tita come on! Dun tayo sa claw machine! Get something for us!" Hatak hatak niya ako papaunta sa claw machine na maraming teddy bear na iba't ibang kulay. "Alright let's try it." Ngiti kong pahayag. Nakakailang try pa lang ako ay nakakuha na ko agad ng apat teddy bear. Hawak ni Armie ang mga teddy bears at naramdaman kong lumapit naman si Amiel sa amin, marahil ay tapos na silang magbasketball o di kaya'y ubos na ang tokens nitong dala. "Wow tita! You're really good at this! Ako din po patry!" Sabi nito. "Sure! Here are the tokens. Ubusin nyo na then let's eat." Sabi ko sa dalawa. "Okay po." Pagkasabi noon ay tuluyan ko na silang iniwan sa harap ng claw machine, pinuntahan ko naman ang nakatayong si Angelo para sana kuhanin ang mga paper bags dahil malamang ay nangangalay na siya sa pagbibitbit. Nakita ko siyang mataman na nakatingin sa amin or should I say sa akin? "Penny for your thoughts? Kung may nakalimutan kang gawin or what you may go ahead akin na at ako na ang magdadala ng mga yan." Sabi ko ng magkatapat na kami. Siguro ay may nakalimutan siyang gawin o may kailangan pa siyang gawin ngunit dahil sa kakulitan ng aking mga pamangkin ay hindi sya makaalis alis, nahihiyang tumanggi. "No, wala naman akong gagawin today, tapos na ko sa meeting ko kaninang umaga diba? I am just thinking about something." Bahagyang kumunot ang aking noo. Marahil ay napansin niya iyon kaya kahit hindi ako nagtanong ay nagsalita siya.  "Well, iniisip ko lang, kung hindi ka umalis noon baka may ganyan na din tayo. Mga 3 or maybe 4 years old siguro." Walang pakundangang sabi niya habang nakatingin sa kambal. "Huh?! What are you saying?" Kinabahan ako sa sinabi niya. Kami? May ganyan na kami? Nilingon ko ang kambal at tumabi sa kanya, Pinilit kong ipagsawalang bahala ang sinabi niya pero kinakabahan ako sa mga isasagot niya. Sa kislap ng mga mata nya habang tinitingnan ang kambal ay nagpapahiwatig na gusto na niyang magpamilya. Kung ganon ay bakit hindi pa sila magpakasal ni Sapphire? They could have a happy family kung iyon naman pala ang gusto niya. "I mean, kung natuloy yung plano natin noon." Nakaramdam ako ng panghihinayang sa boses niya. Why does he have to say it like that? Na para bang nanghihinayang siya sa nangyari sa amin noon. Honestly, I do too. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, he has Sapphire by his side at marami na ring nagbago. "Well, life doesn't always go according to plans." Tipid na ngiti ko ng hindi ko sya tinitingnan. "Yeah. I guess I need to plan more accurate this time huh?" He chuckled. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung anong ibig nyang sabihin ngunit lumapit na sa amin ang kambal. "Come on kids! What do you want to eat?" Tanong ko sa dalawa. "Pizza!" "Pasta!" "Okay Okay! Let's go!" ----- Pumasok kami sa isang restaurant and ordered pasta, pizza, fries and some shakes. Pagkaserve pa lang ng pagkain ay sinandukan ko na ang kambal sa kani kaniyang mga plato at maganang kumain. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng maramdaman kong naka tingin sa akin si Gelo. Bigla naman akong naconscious dahil baka may dumi na ako sa mukha. "Bakit may dumi ba ko sa mukha?" "Wala naman, it's just that mukhang hindi ka pa nakakapagpahinga ng maayos." And he is right. Ngumiti lang ako ng tipid at nagbaba ng tingin. "Mejo, pero tsaka na yun. I want to bond with my family more. Every Christmas and summer ko lang kasi sila nakakasama so yun." Paliwanag ko. "I see. Pero magpahinga ka din. Baka mamaya nyan bigla ka na lang magcolapse. Eat more." Kinuha niya ang pinggan na naglalaman ng pasta at akmang lalagyan pa ako sa aking plato ng pigilan ko siya. "No. I'm okay, I'm full already. Hindi naman ako kumakain ng madami." Tiningnan niya ko ng may pagaalinlangan ngunit tumango lang siya at inilapag ulit ang plato sa lamesa. Pagkatapos kumain ay tinext na ko si mang Daniel upang tanungin kung nasan na sila mommy. Dapat ay kanina pa sila rito ngunit hanggang ngayon ay wala pa. Ilang saglit lang ang nakalipas ng tumunog ang aking cellphone dahil sa reply ni mang Daniel. Hinatid na pala niya sila mommy sa bahay dahil napagod daw ang mga ito ngunit pabalik na rin daw siya ng mall para kami ay sunduin. "Miss!" Tawag ko sa isang crew. "Bill out." Sabay ngiti sa kanya. Maya maya ay lumapit na itong may dalang resibo na nakapatong sa isang maliit na tray. Inilabas ko ang aking pitaka para makapag bayad na ng naunahan ako ni Angelo at iniabot sa crew ang kanyang card pati na rin ang resibo. Agad ko iyong inabot ngunit nahawakan niya ang kamay ko para pigilan sa gagawin. "Ako na." Sabi niya habang inilalayo ang kamay ko. Tinanguan niya ang crew kaya umalis na ito sa aming lamesa. "I'll pay you. Kami na nga ang nakaabala sayo tapos ikaw pa magbabayad." Kukuha na sana ako ng ilang bills sa wallet ng nagsalita siya. "No need. Kelan ba kita pinagbayad? Tsaka this is the first time I got the chance to treat you after you came home." "But this isn't right. Bigla ka na lang nadamay sa kakulitan nitong dalawa, ikaw pa ang nagbitbit ng iba naming pinamili, kaya dapat ako ang nanlilibre." Napanguso ako ng maisip kung gaanong abala ang naidulot namin sa kanya. "Ayos lang. I enjoyed the day with you and the kids. Isa pa, hindi naman mabibigat itong mga pinamili nyo. And please don't think na nakaabala kayo sa akin, never kang naging abala sakin." Sabay ngiti nya sa akin. That smile. The smile that lightens up my day and my mood every time, way back. The smile that every girls in the school drool over him. The smile, na noon ay para sa akin lang dahil lagi siyang seryoso pagdating sa iba. I missed it, I miss seeing his face light up like this. Yung mga ngiti nyang umaabot hanggang mata. ----- Hinatid kami ni Gelo sa entrance ng mall at matyaga din siyang nagintay sa aming sundo. Saturday it's natural for a heavy traffic around the vicinity of the mall kaya mukhang matatagalan pa si manong. Makalipas pa ang ilang minuto ay dumating din ito. Pagkahinto pa lang ng sasakyan ay binuksan na ni manong ang likurang bahagi ng sasakyan para sa aming mga dala. Ipinasok naman agad ni Gelo ang mga paper bags at kinuha ang aking mga dala. Nakuryente na naman ako ng magtama ang aming mga kamay ngunit agad ko din namang pinalis iyon para maisakay ang kambal sa sasakyan. Inilapag ni manong Daniel ang mga dala ng kambal sa passenger seat. "Sir, kayo po ba hindi sasabay?" Tanong ni manong kay Gelo nang maiayos na ang lahat. "Ahh hindi na po manong magtataxi na lang po ako." Sabi ni Gelo na ikinakunot ng aking noo. "Taxi?" Tanong ko ng lingunin ko siya. "Nasa casa kasi yung sasakyan ko mamaya pa ihahatid sa bahay. Sige na mauna na kayo baka matraffic pa kayo." "Huh? Sumabay ka na sa amin. Tutal malapit naman ang village nyo sa amin diba? If dun ka pa nakatira?" May pagaalinlangan kong tanong. Hindi ko kasi alam kung sa parents nya pa rin ba siya nakatira o hindi na. "I usually go to my condo but every weekends sa bahay ako umuuwi. Alam mo na, mommy's orders." "Oh edi tara na, samin ka na sumabay. Pambawi sa pang iistorbo namin sayo ngayon." Nakatinggin lang siya sakin tila iniisip kung nagbibiro ako o hindi. "Halika na at wag ka ng magisip jan." Pagyaya ko. "U-uhh. Thanks but for the record, hindi nyo ko naistorbo." Pagkasabi noon ay inalalayan niya akong pumasok sa sasakyan. Nang nasa byahe na ay napansin kong unti unti ng natutumba ang ulo ni Armie at sumasandal na sa akin, kaya agad ko siyang binuhat upang makaayos siya ng tulog. Nakasalampak siya sa aking hita, nakayakap ang maliliit na bisig sa aking leeg at nakadukdok ang ulo roon. Si Amiel naman ay lumipat sa kabila ko at niyayang maglaro si Angelo, agad akong umurong malapit sa bintana upang mabigyan sila ng espasyo. Dahil sa traffic ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, nakaramdam lang ako ng pagkangalay dahil sa pagkakabuhat kay Armie kaya ako nagising. Bago magmulat ng mata ay pinakiramdaman ko muna kung anong ginagawa ng dalawa kong katabi, tahimik na nag mga ito at malamang na nakatulog na rin. Nahindik ako ng pagmulat ko ay sa mga balikat pala ni Gelo naka sandal ang aking ulo. Agad akong nagangat ng tingin at lumayo. Marahil ay naramdaman niya ang aking paggalaw kaya tiningnan niya ako. "Uhm sorry, I hindi ko akalaing makakatulog ako. Nangalay ka pa tuloy. Sobrang traffic na pala dito." Nahihiya kong sabi. "Okay lang mejo malapit na din naman tayo. Magpahinga ka na paguwi. Pati si Amiel nakatulog na." Nginuso niya ang pamangkin kong nakakalong na rin sa kanya at nakapuwesto na tulad ng kay Armie. "Hala, sorry. Pasensya na talaga. Mukhang masyado silang napagod kaya nakatulog na." "No. Okay lang sanay na ko sa mga bulilit na 'to." Nakangiting sabi nya. "Pano mo nga pala naging kaclose tong mga bata?" Tanong ko ng maalalang wala nga pala sila kuya Art nung unang dating ko kaya hindi sila nagkita ni Angelo. Pano sila naging magkakilala ng mga ito at close pa. "Ahh kasi mostly ng tinatayo na hotels nila kuya Art ay ako ang humahawak. Minsan sa bahay nila ako nagrereport ng progress at minsan naman nagaabot kami sa office ni kuya kapag pumupunta sila." "I see. Oh andito na pala tayo." Nang mapansin kong nasa tapat na kami ng bahay at bumagal na ang takbo ng sasakyan. Pagbaba namin ay agad kaming sinalubong nila ate at kuya para kunin ang kambal. "Naku pinahirapan pa kayo nitong dalawang 'to." Bungad ni kuya. "Okay lang kuya minsan lang naman." Sagot ko. "Dapat ikaw ang nagpapahinga at naggagala. Oh tingnan mo na ng dami nyo pang binili. Iniispoil mo ang mga pamangkin mo. Baka masanay 'to sige ka." Naiiling naman si ate Haze ng makita niya ang dami ng pinamili namin na ibinababa ni manong. "Pagbigyan mo na ko ate, konti lang naman 'yan." "Lou, hindi konti ang mga yan. Pero dahil ngayon mo lang sila nakasama magmall pagbibigyan kita. Pero huli na yan, 'yang gagastos ka ng ganyan para sa kanila. I want them to learn how to value money, hindi lahat ng gusto ay makukuha nila, dapat ay pinaghihirapan ang mga bagay bagay." Pangaral naman ni kuya. "Yes kuya. Thank you!" Nginitian ko lang sila. "Gelo, pumasok ka muna. Ilalapag lang namin ang mga bata." Baling ni kuya kay Gelo. "Hindi na kuya, uuwi na din ako. Mommy planned out a dinner for us." "Kung ganon magpahatid ka na kay manong, teka sandali." Nagpaalam na sila at tumalikod upang mailagay na ang mga bata sa kwarto at masabihan si manong. "Thank you for today Gelo. Pasensya na din talaga at naabala ka namin." Nilingon ko siya habang iniintay naming si manong sa may porch. "No. Thank you. You made my day worthwhile. I mean, you and the kids." Nakangiti't nakatitig lang siya sa akin. Tumango at ngumiti lang din ako bilang ganti sa sinabi niya. Ng dumating si manong ay nagpaalam na siyang mauuna na, naramdaman ko pa ang paglapat ng kamay niya sa likod ng aking bewang. The electricity run down through my spine. Why do I feel happy o kilig ba 'to? Damn, I'm confused! Ng makalayo na sila sa aking paningin ay tumalikod na ko at dumiretso sa kwarto. Pagpasok ko pa lang ay inilapat ko na ang aking likod sa kama. Napaisip ako sa mga nagyari sa akin ngayong araw. I am happy that I got to see him after seven years, pero natatakot ako sa nararamdaman ko ngayon. Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya, ang nararamdaman kong itinago ko sa matagal na panahon at pilit kinakalimutan. Sa isang kita lang, sa isang iglap lahat 'yon umahon. Pero ang mga iniisip at nararamdaman ko ngayon, hindi na pupwedeng mangyari. He's with Sapphire now and I am so out of the picture. Maybe he's just fond of the idea na okay na kami ngayon? That everything that we had is already behind us. Maybe he is just reminiscing the old times kaya ganoon ang mga sinasabi niya kanina.  This is just nothing.  -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD