DARKNESS - 21

4533 Words
S T I L L P O V Tay ano pa ba ang lihim mo sa akin? "Anak," Umiling ako sa kanya at bahagyang umatras. Ayokong marinig ang paliwanag ni tatay. Ayoko! "Gusto ko ng sabihin ito noon pa, pero umuurong ang dila ko marahil sa takot na baka balikan ng mga karlos ang pamilya ko," Nakayukong sambit ni tatay. Lumingon ako sa kanya at nalungkot bahagya. Kilala ko si tatay alam ko kung paano siya makonsensya, pero hindi ko lang maintindihan bakit sa maraming taon nanahimik si tatay? "Dati akong driver ng mga karlos.." panimula ni tatay. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. D-Dati siyang driver ng mga karlos?! P-Paano? W-Wala akong natatandaan na-- Oh god, k-kaya ba pinaubaya nila ako kay auntie rosalinda noon? "At mayordoma naman ang aking asawa, ang iyong nanay" tumingin siya sakin na may mapait na ngiti. At sinimulan na ni tatay na mag-kwento. - (Flashback to, sa pagkukwento ni Ronaldo Montano kung anong nangyari 18 years ago) "Mang Ronaldo, ikaw ang driver ng mga tauhan ko para sa transaction" utos ni mr.karlos kay mang ronaldo. "Oho sige po sir" pagpayag ni mang ronaldo, pero hindi niya alam ang pag kidnap sa mga bata ang gagawin nila nung gabing yon. "Mahal may trabaho kayo ngayon? Mag-gagabi na" Tanong ng asawa nitong si Esmeralda. "Oo mahal, kailangan eh para may ma-ipadala tayong pera sa kapatid mo para sa pag-aaral ni cristina" nakangiting sambit ni ronaldo sa asawa na nagaalala naman sa kanya. "Hindi maganda pakiramdam ko sa trabaho niyo ngayon.." Nagaalalang sambit ni esmeralda sa asawa. Hinaplos naman ni ronaldo ang muka ni esme at hinalikan niya ito sa noo. "Wag ka ng mag-aalala pa sakin mahal, parang katulad lang ito sa mga nakaraang transaction nila madam at sir," nakangiting sambit niya rito para hindi ito mag-alala pa sa kanya. "Oh sige, mag-iingat ka ha? Hihintayin ko pagbabalik mo," walang nagawang saad ni esmeralda. Nginitian lang siya ni ronaldo at lumabas na ng silid kung saan sila natutulog magasawa. "Oh mang ronaldo! Alam mo na ba kung saan punta natin?" Nakangising tanong ng isa sa mga tauhan nilang si raul sa kanya. "Saan ba?" Nagtatakang tanong niya. Buong akala niya transaction pupuntahan nila, pero hindi nila alam na don na pala mag-sisimula ang kalbaryo ng buhay niya. August 26 2002 5:30 pm Habang tinatahak nila ang daan, nalilito parin siya kung bakit parang masayang masaya ang mga kasama niya sa magiging trabaho nila ngayon. Hindi rin niya alam kung saan ba itong patungo nilang ito. Akala niya sa mga restaurant o abandonadong gusali lang sila pupunta pero ibang daan ang tinatahak nila. Pumasok sila sa isang Village, Hindi niya alam kung bakit dito sila pumasok, ito lang din kasi ang itinuro sa kanya ng mga kasamahan niya. "B-Bakit dito tayo?" Biglang tanong niya sa mga kasamahan kahit abo-abot na ang kaba niya. "Oh? Hindi mo pa ba alam? Kikidnap tayo ng dalawang batang babae!" natatawang sambit sa kanya ni raul. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at halos hindi siya makapaniwala. "A-Ano?" Gulat na tanong niya kay raul. Natatawa naman ang mga ito na nakatingin sa kanya. "Oh bakit? Aatras ka? Gusto mong mayari kay madam at sir? Kung ayaw mong mapahamak pamilya mo, sumunod ka na lang! Isang pitik lang pwede ka ng anurin sa ilog!" sigaw nito sa kanya at nag-tawanan ang mga kasamahan niya. Nanginginig na rin siya habang nagdadrive ng van, litong lito at hindi alam ang gagawin. 'Jusko may anak po ako, h-hindi ito kaya ng konsensya ko' tanging dasal na lang na sambit ni ronaldo sa kanyang isipan. Tama ang pakiramdam ng asawa niya. Hindi nga maganda ang trabaho nila ngayon. "Ihinto mo!" Biglang sigaw ni raul kaya nataranta siyang ihinto at halos tumilapon silang lahat sa unahan. "Puta! Mag dahan-dahan ka nga tanda!" Inis na sambit ng isa sa mga kasamahan ni raul at binatukan siya ng malakas kaya hindi na siya nakapagsalita pa. Mabilis na binuksan ng mga kasamahan niya ang pintuan ng van at mabilis na dinukot ang walang muwang na batang babae na naglalaro sa park at hinagis nila ito papasok sa sasakyan. "Magdrive ka na bilisan mo!" Napa-ayos naman siya ng upo at nataranta niyang pinaandar ang van palabas ng village, takot na masaktan siya ng mga kasama niya. Mabibigat na paghinga na lang ang tanging nagawa ni ronaldo ng marinig niya ang iyak ng batang babae. "Where am i?! Saan niyo ako dadalhin?! Stop the car!" Pag-ngawa ng batang babae. Gustung gusto niyang ihinto pero may baril na nakatutuok sa kanyang tagiliran. Kaya pinagpatuloy lang niya ang pag-maneho kahit halos pag pawisan na siya sa ginagawa niya. "No! Mommy! Daddy! Kuya! Don't touch me!" pagiyak ng batang babae. Tumingin siya sa rear mirror at awang awa siya ng makitang pinaglalaruan ng mga kasama niya ang bata. "I don't want here! Please! Ibalik niyo na po ako! Hihintayin ko pa po ang daddy ko!" iyak ng iyak na sambit ng bata. Galit na galit si ronaldo sa sa sarili dahil wala siyang magawa para tulungan ang bata. Kailangan niyang magisip ng plano para patakasin ang bata! Hindi madali ang kakalabanin niya. Nag-tungo sila sa pangalawa village at dumukot ulit ng isang bata, iyak ng iyak din ito at sinasaktan ng mga kasamahan niya dahil naririndi na ito sa mga iyak ng bata. Dinala nila ito sa isang warehouse, wala paring tigil ang iyak ng mga ito gustung gusto niyang lapitan ang dalawang batang babae pero hindi rin niya magawa. "Madam nandito na po ang mga bata," nakangising sambit ni raul kay mrs.karlos. "Very good raul! May bonus kayong lahat!" Maligayang sambit ni mrs.karlos sa kanila at lahat ng mga kasamahan niya masayang masaya sa natanggap na pera pero si ronaldo hindi masaya. Dahil ang natanggap niyang pera ay galing sa masama. Hindi matatanggap ng konsensya niya ang nangyari. Ayaw niyang pakainin ang anak niya galing sa madumi. "Pwede na kayong magpahinga, except you ronaldo" napayuko naman siya ng samaan siya ng tingin ni mrs.karlos. Nagsi-alisan na ang mga kasamahan niya at siya na lang ang natira dahil pina-iwan ito ni mrs.karlos. "Ano tong naririnig kong nakokonsensya ka sa ginawa niyo ngayon?" Mataray na tanong ni mrs.karlos sa kanya. Yumuko naman siya at napapikit bago nag-angat ng tingin sakin. "Madam," huminga siya ng malalim. "M-May anak po akong babae kaya alam ko ang pakiramdam kapag nakidnap ang anak ko, ganun din po kayo may anak din po kayong babae" matigas na sambit niya rito. Nginisihan lang siya ni mrs.karlos bago siya sinikmuraan nito kaya napaluhod siya. "So kakalas ka na ronaldo?" Nakangising tanong ni mrs.karlos sa kanya. "Oo, kung yun ang kailangan hindi ko maatim na tanggapin ang pera na to kung galing ito sa masama, hindi ko papakainin ang anak ko sa perang madumi!" mariin na sambit niya rito. Gigil naman siyang sinikmuraan ni mrs.karlos.. "Sige kumalas ka pero mamamatay ka at ang buong pamilya mo" bulong nito sa kanya na nagpakaba sa kanya. "Ayaw mo naman sigurong maglibing ng anak? Hmm?" Pabato siya nitong binitawan. "Umalis ka na sa harapan ko, nag-iinit ulo ko sayo" iritang sambit sa kanya ni mrs.karlos kaya ika-ika siyang lumabas ng warehouse. Kumuyom ang kamao niya at tinapon niya ang perang natanggap niya. Masamang masama ang loob niya habang nakatitig sa buong warehouse. "Gagawa ako ng paraan para patakasin ang mga bata," bulong niya at umalis na siya sa warehouse. Araw-araw siyang nag-iisip ng plano para mapatakas ang mga bata, hindi na kinakaya ng konsensya niya ang lahat. Miski ang asawa niyang si esmeralda nagaalala na sa kung anong maaari niyang gawin. Hindi habang buhay na mananahimik na lang siya! Araw araw siyang pinapatawag ng mag-asawa upang bantayan ang mga bata kaya nakakagawa siya ng paraan para pakainin ang mga ito ng palihim, dahil alam niyang halos isang buwan na rin ng hindi pinapakain ang mga bata palagi pa itong sinasaktan at pinag-mamalupitan ng mag-asawa. Awang awa na siya sa mga kalagayan ng mga ito. Halos maging mapa na ang katawan ng mga ito dahil sa pang-totorture ng mag-asawa at ng mga tauhan nito. "Tatay ronaldo," nakangiting bati sa kanya ng isang batang babae na kasing edad ng anak niya. "Oh iha nagugutom ba kayo? May dala akong pagkain luto pa ito ng asawa ko" nakangiting sambit niya sa dalawang bata na nagliwanag naman ang muka kahit kitang kita ang mga pasa nito sa mukha. "Salamat po!" nakangiting pasasalamat sa kanya ng mga bata. Malungkot siyang ngumiti sa mga ito habang pinagmamasdan na tila gutom na gutom itong kumain. Mabuti na lang may pinuntahan ang mag-asawa at mga tauhan nito kaya siya lang ang naiwan para magbantay sa mga bata at dinalhan niya ito ng pagkain. "Ang sarap po ng luto ng asawa niyo tatay! Katulad po ni mommy!" nakangiting sambit sa kanya ng isang batang babae na nagngangalang eleanor. "Miss na miss ko na sila, hindi ko man lang na celebrate ang birthday ko" malungkot na saad ni eleanor. "Ako rin, baka nagaalala na sila sa atin.." malungkot na saad naman ng isang bata na si daniella. "Wag kayong magalala makakaalis din kayo dito, gagawa ako ng paraan" pursigidong sambit ni ronaldo sa mga bata. "T-Talaga tatay? Yehey!" masayang masaya ang dalawang bata sa narinig dahil sa wakas may mabait pang tao na tutulong sa kanila. "Sigurado ka ba dito Mahal? Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni esmeralda sa asawa habang nanonood sila ng t.v rito sa kanilang silid. "Mahal awang awa nako sa mga bata, paano kung kidnapin din ang anak natin? katulad ng ginawa sa kanila? Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko, 8 months na silang sinasaktan at pinagmamalupita, ang bata bata pa nila para danasin nilang lahat ng ito" malungkot na saad ni ronaldo sa asawa at hinimas naman ang kamay nito. "Paano kung.." hindi na natuloy ni esmeralda ang sasabihin ng hawakan siya sa kamay ni ronaldo. "Mahal, makinig ka pagkatapos kong itakas ang mga bata aalis na tayo dito, magpapakalayo para hindi tayo mahanap ng mga karlos.." nakangiting sambit ni ronaldo sa asawa. Tumango na lamang ito at yumakap sa asawa, hindi niya mapigilang hindi mag-alala. 'Balitang balita, Eleanor Imperial was missing for 8 month at wala pang lead sa mga kidnapper, buong mundo na ang naghahanap sa walang muwang na batang si Eleanor ang tagapagmana ng Imperial Palace..' Natigilan ang magasawang montano at nagkatinginan. "M-Mahal, E-Eleanor ang pangalan ng sinasabi mong kasing edad ni cristina hindi ba? Hindi kaya, Jusko!" napahagulgol na lang si esmeralda at yumakap sa asawa. Balisang balisa si Ronaldo sa narinig na balita. Ang isang batang dinukot ng mga kasamahan nila. Ay isang tagapagmana. Kaya ba siya dinukot dahil alam ng mga karlos na mayaman ang batang si eleanor? Kaya mas lalo siyang ginahan sa plano niya, maaari niyang i-suplong ang mag-asawa sa mga imperial pwede pa siyang matulungan ng mga ito. "M-Mahal, isumbong mo na lang sila sa mga imperial baka sakaling matulungan nila tayo, kinakabahan ako sa mangyayari ngayon" mangiyak ngiyak na sambit ni esmeralda kay ronaldo na naghahanda para sa pagpapatakas niya sa mga bata. Nangako siya sa mga ito na makakatakas ang mga ito at gagawin niya yon kahit buhay niya ang kapalit. "Mahal, ano man ang mangyari ngayong gabi, tatandaan mo mahal na mahal kita kayo ni cristina, pakisabi sa anak natin na baka hindi nako makapunta pa sa dadating na kaarawan niya.." nakangiting sambit ni ronaldo kay esmeralda na humahagulgol na nang iyak. "Mahal naman eh! Babalik ka! Babalikan mo kami!" Humahagulgol na sambit ni esmeralda sa asawa at ayaw na nitong bitawan ang asawa baka kasi ito na ang huling gabi na makikita ang asawa na buhay pa. "Mahal, nangako ako sa mga bata kahit buhay ko pa ang kapalit, wala akong nagawa nung dinukot sila,kahit ito lang ang magawa ko para sa kasalanan ko gagawin ko, mahal na mahal kita may naipon akong pera sa ilalim ng kama nakatago,umalis kana dito at magpakalayo layo kayo ni cristina, sapat na ang naipon kong pera para sa kinabukasan ng anak natin.." Niyakap niya ang asawa at hinalikan niya ito sa noo ng mariin. "Mag-iingat ka mahal.." huling sambit ni esmeralda sa asawa bago ito nagtungo sa warehouse kung nasaan ang mga bata. April 2003 9: 00 pm Maingat si ronaldo na umakyat ng puno para pagmasdan ang mga tauhan na nagkalat sa buong warehouse.. Naghihintay lang siya ng tamang tiyempo para pasukin ang warehouse. "Raul! Tara inuman tayo rito!" "Sige wait!" Napangisi si ronaldo, ito na ang pagkakataon niya na pasukin ang warehouse. Maingat siyang naglakad papasok sa loob kung nasaan ang mga bata. Nagliwanag naman ang mukha ng mga bata sa kanya. Sinenyasan niya itong tumahimik at ma-ingat siyang lumapit sa mga bata, lumuhod siya at kinuha niya ang gamit niya sa bag para mai-alis ang mga kadena nito sa katawan. "Kagaya ng pinangako ko papatakasin ko kayo.." bulong niya sa mga bata. pero ang ngiti ng mga bata tila naglaho at napalitan ito ng takot hanggang sa natanggal na ni ronaldo ang kadena sa kamay at paa ng mga bata. Tatayo na sana siya ng maramdaman niya ang nguso ng baril na nakatutok sa ulo niya at nabitawan niya ang gamit niya sa gulat. Nahulog siya sa patibong! "Anong pinangako mo sa kanila montano?" malamig na tanong ni mr.karlos sa kanya habang nakatutok ang baril nito sa ulo niya. Yumuko siya at pumihit siya paharap at napatingin siya na lahat ng tauhan ng mga karlos nakatutok ang mga baril nito sa kanya. "Tama ang narinig ng anak ko, na balak mong patakasin ang dalawang batang ito!" Gigil na sambit ni mr.karlos kay ronaldo at pinukpok niya ito ng baril. Napahiga naman si ronaldo at tinignan niya ang batang babae na anak ng mga karlos na inirapan lang siya. "Tatay!" Gulat na sambit ng dalawang bata sa kanya. Nginitian niya ang mga ito at bumangon siya para iharang ang sarili sa dalawang bata. "Tama na! Maling mali ang ginagawa niyo! Hinahanap na sila ng mga magulang nila! Sapat na siguro na pinahirapan niyo sila!" Sigaw sa kanila ni ronaldo at iniharang ang sarili sa mga bata para protektahan ang mga ito. "Manahimik ka! Kung ayaw mong mamatay!" Sigaw sa kanya ni mr.karlos at binaril siya sa balikat. Napadaing naman si ronaldo at napaluhod habang iniinda ang tama niya sa balikat. "T-Tatay.." Hagugol ng mga bata sa kanya. Nginitian naman niya ang mga ito. "G-Gaya n-ng p-pinangako k-ko s-sainyo m-makakatakas k-kayo n-ngayon.." nahihirapan na sambit niya sa mga bata. Napailing naman ang mga ito at humagulgol ng iyak. "Masyado kang pakialamero! Kayo na bahala sa isang yan!" Galit na sambit ni mr.karlos sa mga tauhan ng mga ito at sinimulan na siyang bugbugin ng mga ito. Nakatitig lang siya sa mga bata habang binubugbog siya. "Tatay! Tama na po please! Hindi na po kami tatakas! Tama na po please! Wag niyo na po siyang sasaktan!" Pagmamakaawa ni eleanor sa mga ito. Umiling lang siya dito para bang sinasabi na okay lang siya. "Tapusin niyo na yan pati ang buo niyang pamilya!" Natulala na lang si ronaldo habang nakahiga siya sa malamig na sahig. Tanggap na niya ang sasapitin niya para lang makatakas ang mga bata. Tanggap na niya ang kapalaran para sa mga bata, para kahit papano mabawasan ang mga kasalanan niya. "N-No! Please! Parang awa niyo na po! Hindi! Tatay ronaldo!" hagulgol ng mga bata. Nginitian niya lang ang mga ito habang unti unti ng tumutulo ang mga luha niya. Parang bumagal ang oras sa pagkalabit ng gatilyo at laking gulat na lang niya na humarang si daniella sa kanya at ito ang sumalo ng balang dapat para sa kanya. Kitang kita ng dalawang mata niya ang sunod sunod na pagbaril sa katawan ni daniella at bumagsak na lang ito sa lupa. "H-Hindi.. D-Daniella.." gulat na sambit niya at pagapang siyang lumapit rito.. "DANIELLA! ANG SASAMA NIYO! PINATAY NIYO SI DANIELLA! DANIELLA NOOOO!" sigaw ni eleanor at patakbo rin itong lumapit kay daniella na naghihingalo na. Nanginginig na binuhat ang ulo ng batang si daniella sa kandungan niya at nangingnig niyang hinaplos ang muka nito. "T-Tatay, m-masaya a-ako, m-masaya a-akong b-buhay k-ka.." nahihirapang saad ng batang si daniella habang umuubo ubo ito. "Daniella!" Hagulgol ni eleanor kay daniella. Ngumiti si daniella sa mga ito. "M-Maraming s-salamat p-po d-dahil n-naging m-mabuti k-kayo s-sa a-amin n-ni eleanor, p-pinapakain n-niyo k-kami at t-tinutupad n-niyo a-ang p-pangako n-niyo s-sa a-amin.." Napaiyak na lang si daniella at tila bumibigat na ang paghinga. "P-Pakisabi p-po s-sa m-mga m-magulang k-ko m-mahal n-na m-mahal k-ko p-po s-sila.." hinawakan ng maliit na kamay ni daniella ang kamay ni ronaldo. "S-Salamat p-po s-sa p-pagiging a-ama n-ninyo s-sa a-amin, w-wag n-na w-wag niyong p-pababayaan s-si e-eleanor, k-kailangan n-niyo p-po s-siyang i-ibalik s-sa k-kanyang p-pamilya, y-yun a-ang h-huling h-hiling ko.." pumikit na si danielle at huling ngiti ang binigay niya sa mga ito bago siya bawian ng buhay. "Patawad! Wala akong nagawa! Patawad daniella anak! Patawarin moko!" Hagulgol na sambit ni ronaldo habang nakayakap sa bangkay ni daniella. Ang nagsakripisyo para panatilihin siyang buhay. "T-Tatay.." Lumingon siya kay eleanor at nanlaki ang mga mata niyang unti unti itong bumagsak sa sahig. Nataranta siyang hinawakan si eleanor at dahan dahan naman niyang inihiga si daniella at binalingan si eleanor at napaso siya dahil sa init nito.. "E-Eleanor a-anak.." mahina niyang tinatapik ang pisngi nito pero tila kinukumbulsyon ang bata. "K-Kuya.. n-natatakot a-ako.. h-help m-me.. m-may m-monster.." nanginginig na bulong ni eleanor. Nabigla naman siyang inagaw sa kanya ni mrs.karlos ang batang si eleanor. "S-Saan n-niyo s-siya d-dadalhin?" natatarantang tanong ni ronaldo sa magasawa. Walang emosyon siyang tinitigan nito. "Gagawin ko siyang kambal ng anak ko at yang batang yan," Nilingon si daniella. "Ang itatapon sa ilog at sasabihin sa mga imperial na patay na ang anak nila, wala akong paki-alam sa batang yan, at itong si eleanor habang buhay siyang makukulong sa mga karlos.." Ngumisi silang magasawa sa akin. "Ang sama niyo! Ang sama sama niyo!" galit na sambit ni ronaldo at mariin niyang pinunasan ang mga luha niya. "Bibigyan ka namin ng pagkakataon, umalis kana dito at lumayo layo na tapos ka nanaming gamitin at ang asawa mo? Siya ang pagaalagain ko dito sa batang ito!" Inirapan siya ni mrs.karlos at umalis na silang mag-pamilya. Nakatulala na lang siya ng itapon siya sa labas ng warehouse at iniwan roon na parang basura. Ilang araw siyang nagtatago malapit sa mansion ng mga imperial, nang mabalitaan niya sa t.v na nakita na ang bangkay ni daniella at pinaghinalaan na si eleanor ang batang yon, kahit ang totoo hindi. Ibang bata ang ibuburol at ililibing nila. Dahil ang totoo, buhay na buhay si eleanor at nandon siya sa mga karlos para gawing alipin at pinalitan nila ang magandang mukha nito para walang maghinala na ang batang nasa kanila ay isang imperial. Nabalitaan na rin niya na ang mga magulang ni daniella ay pinatay at inambush ang mansion nila kahit ang hinala niya ang mga karlos ang may gawa. Ilang beses siyang nag pabalik-balik sa mansion ng mga imperial at pinag-mamasdan ang nagluluksang pamilya ni eleanor. Gustung gusto niyang lapitan upang makahingi ng tulong pero nagda-dalawang isip siya dahil ayaw niya ring mapahamak ang kanyang pamilya. Tuso ang kakalabanin niya, Tuso ang mga karlos. At hindi titigil ang mga ito habang hindi napapatay ang mga balakid sa mga plano nila. Dinadalaw din niya ng palihim ang asawa niya at ang batang si eleanor pero napansin niyang may isang tao rin ang nagmamasid dito. Maingat niyang hinila ito at dinala sa tagong lugar. "Sino ka?!" inis na tanong ni ronaldo sa lalaki. "H-Hindi a-ako kaaway, a-ako s-si d-doc guillermo, ang nag surgery sa bata.." Natatakot na sambit nito. Binitawan naman siya ni ronaldo. "Nandito ako dahil nakokonsensya ako, limang buwan na simula na mai-surgery ko ang bata at napapansin ko tila parang nakakalimutan na ng bata ang mga pangyayari sa kanya," kunot noong sambit ng doctor. "Pero sa pagkakaalam ko may isang doctor na kinausap ang mag-asawang karlos para sa isang gamot, pang pawala ata ng alaala.." dagdag pa nito. Napasipa naman sa bato si ronaldo sa inis. "Gustung gusto ko silang isuplong pero tinakot nila ako," nakayukong saad muli ng doktor. "May tamang panahon para don.." Dumating ang araw ng ilibing si daniella, dumalo rin si ronaldo sa libing ngunit palihim lamang dahil napansin niya ang pagdating ng mga karlos. Kaya pala parang kilala ni eleanor ang mga karlos dahil kaibigan pala nito ang mga imperial. Hindi nila alam na inuuto-uto na lang pala sila ng mga karlos! Yun na rin ang huling kita niya sa imperial dahil nalaman ng mga karlos na wala ako sa probinsya kaya pinuntahan nila ang anak ko at ang kapatid ng asawa ko, kaya imbis na magsalita ako, umuwi ako sa probinsya para protektahan ang anak ko laban sa mga karlos. Yun ang tanging pagkakamali ang nagawa niya sa buhay niya. Ang manahimik ng maraming taon. "Hello iha! Ako si nanay esme, at simula ngayon tatawagin na kitang Sheena, Sheena Karlos.." "Opo nanay! Magandang pangalan," - Napatakip na lang ako sa bibig at habang patuloy na umaagos ang mga luha ko sa narinig kong kwento ni tatay. Si Sheena Karlos. At ang kapatid ni sir Harry na si Eleanor Beau Imperial ay iisa. Siya ang tagapagmana ng mga imperial. "Laking pagsisisi ko na hindi agad ako nakapagsalita, natakot ako natatakot ako para kay cristina, p-patawad! Patawarin niyo ako kung hindi agad ako nakapagsalita," lumuhod si tatay kay sir harry. "Sobra ang pagsisisi ko nung namatay ang batang si daniella at yung pag-angkin nila kay eleanor, nangako ako sa kanila na ililigtas ko sila pero lumipas na lang ang maraming taon wala akong nahanap na ebidensya laban sa mga karlos, pinadala ko ang anak ko sa mga karlos para may kasama si sheena at ang asawa ko, pero hindi ko akalain na hanggang ngayon hinahanting parin si sheena ng nakaraan.." hagulgol na sambit ni tatay. Niyakap ko naman siya at inalalayan ko siyang maupo muli. "Sinubukan kong muli bumalik rito ngunit pinuntahan ako ng mga tauhan ng mga karlos at nagpanggap akong may sakit na para hindi na sila maghinala at dumating na lang ang mga tauhan niyo at doon ko naisipang sumama para magsalita laban sa mga karlos, tulungan niyo po akong mabigyan ng hustisya ang asawa ko pagkatapos non papayag na akong sumama sa mga pulis.." pagmamakaawa ni tatay kay sir harry na nakasapo sa noo. "Nangako ako kay daniella na aalagaan at poprotektahan ko si eleanor ngunit hindi ko na nagawa pa dahil tinakot nila ako, nangako rin ako na isasauli ko si eleanor sa tunay na mga magulang niya pero hindi ko na nagawa pa, p-patawarin niyo ako.." Humagulgol na lang ako ng iyak at napatakip sa bibig habang nakatingin kay tatay na nagmamakaawa kay sir harry. Awang awa ako kay tatay. Noon pa man handa na siyang magsakripisyo para lang makagawa ng mabuti. Humahanga ako na siya ang naging tatay ko. Sa huli kami parin ang iniisip niya. "Tama na ang naging sakrpisyo mo, hayaan mong kami naman ang kumilos, sapat na yung narinig ko na sinubukan mong itakas ang kapatid ko at si daniella kahit buhay mo ang kapalit, hanga ako sayo dahil kaya mong magsakripisyo para sa ibang tao at alam kong napilitan ka lang din gawin ang utos nila, maraming salamat dahil kahit sa huli ginawa mo parin ang tama para sa kanila.." Hinawakan siya sa balikat ni sir harry at ningitian siya. "Maraming salamat din sa pag-aalaga ni nanay esme sa kapatid ko, salamat sa lahat ng turo niya ng magandang asal sa kapatid ko, maraming salamat dahil nagsakripisyo din siya para sa buhay ng kapatid ko. Hayaan niyong ako naman ang tutulong sainyo, bibigyan natin sila ng anak mo ng hustisya, hustisyang karapat-dapat sa anak at asawa mo lalong lalo na sa kapatid ko, pagbabayaran nila ang lahat.." Mariin na sambit ni sir harry. Napahagulgol sa tuwa si tatay. "Magsasalita nako ng walang halong takot, para ito sa lahat ng ina-grabyado nila, lalong lalo na sa asawa ko, kay daniella at kay eleanor. Tutulong ako para wakasan ang kasamaan ng pamilyang karlos.." Napayakap ako kay tatay sa tuwa. Alam kong pagkatapos ng lahat ng ito. Matatahimik na rin ang mga buhay naming lahat lalong lalo na si sheena at makakasama na rin niya ang pamilyang matagal nang nangungulila sa kanya.. "Tina," Lumingon ako kay leon na may inabot na sulat. "Nung hapon na itinakas ko kayo nakita ko yang sulat sa silid niyo. Maiiwan muna kita" nakangiting sambit niya at lumabas na siya ng kwarto kung nasaan si sheena. Napahaplos ako sa buhok niya at ngumiti ako sa kanya. "Sheena.." Tawag ko sa kanya pero natawa rin ako. "Or should i say Eleanor? Ang ganda ng pangalan mo! Pang dugong bughaw!" Natatawang sambit ko sa kanya kahit tulog na tulog naman siya. Napasandal ako sa headboard ng kama niya at binuklat ko ang sulat na binigay sakin ni leon. Napaluha nanaman ako ng malamang sulat kamay ito ni nanay para sa kay sheena. Mahal kong sheena, Siguro kapag nabasa mo ito wala na ako. Patawad sa lahat lahat, sana kapag naalala mo na ang lahat mapatawad mo ang asawa ko ang tatay ronaldo mo. Sheena.. Magandang pangalan para sa dilag na katulad mo, para kang ligaw na bulaklak na ihahalintulad sa buhay. Tawagin nating.. 'Life in Darkness' Ang buhay ng punung puno ng pighati, sakit, poot at galit. Ang buhay ng punung puno ng kadiliman na hindi alam kung saan ang liwanag. Ang liwanag ng pagasa. Ngunit alam kong dadating sa buhay mo ang liwanag ng pagasa. Ang daan patungo sa totoong mundo. Anak patawad kung iiwan ko na kayo ni cristina, Masakit pero kailangan tanggapin Hindi ko na kayang makitang nasasaktan, pinagmamalupitan ka na hindi naman dapat. Kapag naging maayos ka na Hanapin mo ang totoong ikaw Hanapin mo ang sarili mo Wag mong hayaan na makulong ka sa dilim na walang liwanag. Maraming naghihintay sayo, Maraming naghihintay sa pagbabalik mo. Mahal na mahal ka ni nanay kahit hindi ka man galing sa sinapupunan ko itinuring kita na para kong tunay na anak. Hindi man natupad ang pangako na poprotektahan ka ni tatay ronaldo , tinupad ko naman yun para sa kanya. Maging malakas, Maging matapang ka para harapin ang buhay. Bumangon ng may ngiti at walang bahid na kalungkutan Bumangon upang magpatuloy sa buhay. Mahal na mahal ko kayo ni cristina isa akong masayang ina dahil biniyayaan niya ako ng dalawang anak. Babantayan ko kayo palagi, Nandito lang ako sa tabi niyo at hindi aalis. Wag mong isarado ang puso mo para sa ibang tao. Hindi lahat ng tao gagawan ka ng masama. I love you till my last breath. Nagmamahal, Nanay Esme Napapunas ako sa luha ko ng mabasa ko ang sulat at lumingon ako kay sheena. "Life in Darkness, ang buhay na punung puno ng kadiliman, pighati, sakit, poot at galit. Ngunit dadating sa atin ang liwanag, ang liwanag ng pagasa.." bulong ko kay sheena at nakangiti kong nilagay ang sulat sa tabi niya. Maraming salamat nanay sa isang magandang liham. Tatandaan ko ang iyong sinabi. Hahanapin namin ni sheena ang mga sarili namin at magiging malakas at matapang na harapin ang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD