H A R R Y
Lahat ng narinig kong kwento ni mang ronaldo hindi ko maiwasang magalit ng sobra.
Ang inaakala kong kapatid na namatay na ay buhay na buhay parin hanggang ngayon.
Ang kapatid na nailibing namin noon at ang kapatid ko na natagpuan sa ilog noon ay ibang tao pala.
Ang pinagluksaan ng mga magulang ko.
Ay hindi si Eleanor,
Kung hindi ibang bata.
Paano nagawa ng mga karlos ito sa pamilya namin?!
Sila nga ang may utang sa pamilya namin, walang ginawang masama ang mga magulang ko para gawin nila to samin!
Mabigat akong bumuntong hininga habang nakatitig ako kay Sheena
No, sa kapatid kong si Eleanor.
Hindi ko akalain na mahahawakan ko pa siya.
Hindi ko akalain na makikita ko siyang muli.
Kaya pala iba ang pakiramdam ko ng ipagutos sakin ni gaze na kumuha ng impormasyon sa bata dahil siya pala yung kapatid kong inaakalang patay na.
Siya pala yung kapatid kong matagal ng nawawala.
"What's your plan?"
Bumuntong hininga ulit ako at nilingon ko si Gaze na nakasandal sa may pinto.
"Masyadong magulo ang utak ko ngayon, hindi ko alam kung saan ako magsisimula hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.." walang emosyon na sagot ko sa kanya.
Gustung gusto kong sugurin ang pamilyang karlos.
Gustung gusto ko na silang pagbayarin sa lahat ng ginawa nila sa kapatid ko pero alam kong hindi ako ang dapat gumawa non.
Kung hindi si Eleanor, siya lang ang tanging magdedesisyon kung anong gagawin sa mga Karlos lalo na't nag-hirap din sa loob ng labing walong taon, sa kamay ng mga Karlos.
"Sa lahat ng pwedeng gawan nila ng masama, bakit ang kapatid ko pa? Hanggang ngayon nagdudusa parin siya," kumuyom ang mga kamao ko ng maalala yung video na napanood ko kung paano siya torturin ng pamilyang karlos.
Kung paano siya pinagsamantalahan ng tatlong lalaki!
Kung paano nailapat sa katawan niya ang bakal!
Kung paano siya pasuin ng sigarilyo!
"Wala akong maintindihan, wala akong natatandaan na nagawan namin sila ng masama! Matalik na kaibigan ni mom si sheila karlos! Nandon sila nung nailibing si Eleanor!"
Napahinga ako ng malalim at napasuntok na lang ng sa headboard ng kama.
"Paano nila naatim palitan ang mukha ng maganda kong kapatid?! Sinira nila ang magandang buhay ng kapatid ko! Sinira nila ang buong pagkatao nito! Hinding hindi ko sila mapapatawad!" Napasuklay na lang ako sa buhok ko at bumuga ng hangin sa kawalan.
"Marami akong plano para sa kanila, hihintayin ko lang maging maayos si sheena at sisimulan ko na ang pinaka maganda kong palabas.." Nakangising sambit ni Gaze sakin na siyang nagpakunot ng noo ko.
"Maghintay lang tayo sa tamang oras, pababagsakin natin ang pamilyang karlos papalubugin natin sila, yung hindi na sila makakaahon pa.."
Ngumisi ito ulit at nilagay ang mga kamay sa bulsa nito at sinulyapan ang kapatid ko bago tumalikod.
Akmang lalabas na siya ng bigla niyang itaas ang isa niyang daliri na para bang may naalala siya.
"Oh by the way, I love your sister, i'll marry her soon" nakangising saad niya ulit bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Damn you Ezrael!
No way!
"No but," Sambit niya ulit at dumungaw sa pinto bago nakangising umalis ng tuluyan.
"Damn you Ezrael! Paghihirapan mo muna bago mo pakasalan ang kapatid ko," bulong ko at muli akong lumapit sa kapatid ko tsaka ko hinaplos ang mahaba nitong buhok.
"Im here my princess, kuya is here.." bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.
Natigilan ako ng bigla siyang umungot.
"K-Kuya.. h-help m-me.. m-may m-monster.."
Kumuyom ang kamao ko at sinilip ko siya pero tulog siya at pakiramdam ko nananaginip siya..
"K-Kuya.. s-save m-me p-please.. i-i d-don't w-want h-here.. m-madilim.. a-ayoko s-sa d-dilim k-kuya.."
Eleanor..
Niyakap ko siya ng mapansin nanginginig ang buo niyang katawan.
Damn!
Naluluha ako sa nangyayari sa kapatid ko!
Fvck that Karlos!
"M-Mommy.. D-Daddy.. a-ayoko s-sa d-dilim.."
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya kasabay ng pagkulog at pagkidlat ng malakas kaya mas lalo kong niyakap ang kapatid ko.
Takot siya sa kidlat at kulog lalo na sa mga madidilim na lugar.
Kaya napapaisip ako kung paano nakakayanan ng kapatid ko kapag tag-ulan, at kapag kinukulong siya ng mga karlos sa isang madilim na silid.
Natigilan ako ng maramdaman ko ang kapit ng kapatid ko sa braso ko at nagsumiksik sakin.
"K-Kuya.. Huhuhu.."
Napapikit ako at mas lalo kong niyakap ang kapatid ko.
"Ssshh, sleep na princess nandito si kuya hindi kita iiwan.." bulong ko sa kanya.
At patuloy kong hinahaplos ang buhok niya.
Mamaya lang naramdaman ko ang pagbitaw niya at ang mabibigat niyang hininga kaya napangiti na lang ako ng makitang natutulog ulit siya.
"Takot si Sheena sa isang madilim na lugar, takot si Sheena sa kulog at kidlat.."
Napalingon ako sa pintuan, ang mag-ama pa lang na si Tina at si Mang Ronaldo.
Nginitian ako ni tina bago tuluyang pumasok sa kwarto at naupo sa may sofa.
"Naalala ko noong bumagyo, iyak siya ng iyak nung kumukulog at kumikidlat at sinisigaw ang salitang kuya nagtaka ako non pero hinayaan namin siya ni nanay kasi baka yun lang daw nagpapagaan ng pakiramdam niya.." Malungkot na saad niya at napaiwas ng tingin sakin.
"Naalala ko nung una ko siyang nakitang tinorture, yung sinagot niya ang parusa na dapat sa akin kitang kita ko ang lungkot niya at ang takot niya, lalo na kapag naiiwan siyang mag-isa sa madilim na silid, naririnig ko siyang bumubulong na kuya may monster.. kakainin niya ako.. Kuya madilim.. Kuya ayoko sa dilim.. Paulit-ulit hanggang sa makatulog siya.."
Hindi ko alam na ganon pala ang mga pinagdaanan ng kapatid ko.
Napayuko ako at kumalas nako sa yakap at inayos ko ang kumot ng kapatid ko bago ko siya hinalikan sa noo.
"Iho, mas mabuting ipaalam mo na ito sa mga magulang mo, baka patuloy nilang lokohin ang mga magulang niyo" sambit naman ni Mang Ronaldo sa akin.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya at tinapik siya sa balikat.
"Kayo na muna bahala sa kapatid ko," yun lang nasambit ko sa kanila at lumabas na ng silid kung nasaan ang kapatid ko.
Natigilan ako ng makitang tila inaabangan ako ni Aphrodite.
"Ito ba ang dahilan kung bakit hindi tayo pwede Harry?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya at nangapa ng sagot.
"Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mo sakin?"
Palihim na kumuyom ang mga kamao ko pero pinatili kong walang emosyon ang mata ko.
"Ito yung dahilan kung bakit pinaasa mo ako, kung bakit mo ako pinaasa sa mga pangako mo sa akin.." Malungkot na saad niya pero pilit siyang ngumiti sakin.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na hinahanap mo pala ang kapatid mo? Baka sakaling matulungan kita hindi yung pagsasalitaan moko ng masasakit na salita na hindi moko minahal at pinaglaruan mo lang ako, Tangina Harry minahal kita eh! Minahal kita pero tangina.." Natawa siya na naiinis bago napahagod sa buhok niya.
"Ang gago mo alam mo ba yon? Sa sobrang gago mo gusto na kitang kalimutan pero hindi ko magawa, nakakatangina.." ngumisi siya pero halata mong nasasaktan parin siya.
Napayuko naman ako at hindi makasagot sa kanya.
"Sana sinabi mo na lang sakin na naging agent ka! Sana sinabi mo na lang sakin na naghahanap ka sa kapatid mo! Tutulungan naman kita eh! Tutulungan kita kasi mahal kita, pero dahil tangina ka mas pinili mong saktan ako! Ganon ba? Anong akala mo sakin mahina Imperial?! Gago! Isa akong Ezrael! Kaya kong lumaban! Kung ikaw ang ilalaban ko!" Naiiyak na sigaw niya sakin.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya at akmang lalapitan ko na siya ng iharang niya ang kamay niya sakin.
"Wag kang magaalala last na tong iiyakan kita, last na tong sasabihin kong mahal kita dahil pagkatapos nang gabi na 'to kakalimutan na kita," Ngumisi siya sakin at pinunasan ang mga luha niya bago niya ako inirapan.
"Makinig ka sa huling sasabihin ko sayo Imperial.." Huminga siya ng malalim bago siya ngumisi ulit.
"Aphrodite Clavera Ezrael ang pangalan ko, ang paglalawayan mo! Gago!" Galit na sambit niya sakin.
Napaatras naman ako dahil talagang nanlilisik ang mga mata niya sakin.
"Pero mas gago ang mga kuya ko," at tumingin siya sa likuran niya at napansin kong nakatago sa likuran niya si Leon at Timothy.
Nakauwi na pala siya galing sa italy.
"Tumingin ka sakin!" Inis na sambit niya sakin kaya nataranta akong tumingin sa kanya at sumulyap kayla Leon na natatawa.
Damn!
"Naiintindihan na kita, hindi na kita pakikialamanan pa. Im happy for you dahil sa wakas nakita mo na ang kapatid mo, wag na wag mong pababayaan si Sheena, masyado ng masakit ang mga pinagdadaanan niya at sana sa susunod na pagkikita natin mapapanganga ka na sakin" nginisiha niya ako at inirapan bago niya ako talikuran.
Magsasalita pa sana ako ng lingunin niya ako.
"Ang panget mo pero mas panget si Kuya Leon" umirap siya bago siya pakembot kembot na naglakad pababa ng hagdan.
Damn!
You driving me crazy!
Napailing na lang ako bago sumunod pababa ng hagdan.
Inakbayan ako ni Timothy.
"Alam mo bang masarap buhay sa italy? Madaming chikababes don" bulong sakin ni Timothy, sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Anong sabi mo pangga?" Singit ng asawa niyang si Viena.
"Hehehe, wala pangga I love you!"
Irita kong inalis yung braso ni timothy na nakaakbay sakin at inambahan ko siya bago tuloy tuloy na lumabas ako at sumakay ako sa sasakyan ko.
Napagulo na lang ako sa buhok ko bago ko pinaharurot pauwi ng mansion.
Pagkarating ko sa Imperial Palace, napakunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na sasakyan.
Pumarada nako at pinagbuksan ako ng mga tauhan ko ng pintuan bago ako bumaba ng sasakyan.
Nagbow naman sakin si Mang Roger.
"Sino ang bisita?" Tanong ko sa kanya.
Yumuko siya ulit bago nag-angat ng tingin sakin.
"Ang mga Karlos ho,"
Natigilan ako.
Ang mga Karlos,
Nandito na sa Imperial Palace.
Hindi talaga sila titigil hangga't hindi nalalaman kung totong patay na si Sheena.
Napakuyom ang mga kamao ko bago tumuloy sa loob ng palace.
Rinig na rinig ko ang halakhakan ni mom at ni Sheila Karlos.
Makakatawa ka pa kaya kapag sinimulan nanamin ang planong pabagsakin kayo? Tsk.
"Hi Harry!" Bumungad sakin ang mukha ni Shanna.
Ang muka rin ng kapatid ko ngayon.
Damn!
Kalma harry! Kalma!
"Nagpunta kami dito para imbitahin kayo sa kasal namin ni Gaze!" masayang sambit ni Shanna.
Blanko ko lang siyang tinignan.
"Oh really? Wala na bang ibang dahilan?" Walang emosyon na tanong ko sa kanya.
Napaatras naman siya at natigilan.
See?
Alam kong may iba pang dahilan kung bakit sila nandito.
"Oh anak? Come here!" Nakangiting sambit ni mom sakin at hinila niya ako kung nasaan sila.
Nakangiti naman sakin ang pamilyang Karlos, Tsk.
Huling ngiti niyo na yan.
"Mom? Im tired" bagot na sambit ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.
"Aww, magpapatulong kasi sila ninang sheila mo para hanapin ang dalawang tao" malungkot na saad ni mom.
Natigilan ako at napatingin ako sa mga Karlos na inosenteng nakatingin naman sakin.
Fvck them!
Bumuntong hininga na lang ako at wala ng nagawa pa kung hindi makinig sa mga pekeng sasabihin ng mga Karlos.
"Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila.
Nginitian naman ako ni Sheila Karlos at may nilapag na folder.
Bagot ko naman tinignan ito at natigilan ako kung anong nilalaman ng folder,
Si Tina at si Mang Ronaldo.
Nakalagay sila sa isang Wanted List.
At may nakahanda ng kaso para sa kanila,
Wanted:
Cristina Montano
24 years old
Maid of Karlos Family
'Thief'
Cased: Pagnanakaw ng pera
Wanted:
Ronaldo Montano
56 years old
Dating Driver ng Karlos Family
'Murderer'
Cased: Pagpatay kay Doc Guillermo
Ang makakita sa Mag-ama magbigay ng pahayag sa numerong nakasaad rito.
0976XXXXXXX
123-XXX
What the hell?!
What is this?!
Puro naman kasinungalingan ang nakalagay dito!
Damn!
Hindi titigil ang pamilyang 'to makasira nang buhay ng ibang tao!
"Matutulungan mo naman sila anak hindi ba? Nakakatakot kapag hindi pa sila nahuhuli," sambit ni mom sakin, sinarado ko ang folder at mataimtim kong tinitigan ang pamilyang Karlos na malilikot ang mga mata.
"Tinanggap namin sila, tapos nanakawan lang kami tapos yung dati naming driver gustong maghiganti samin kaya pinatay niya ang dating doctor namin.." Nakayukong sambit ni Sheila Karlos.
Kumuyom ang kamao ko at umigting ang panga ko.
Sarap nilang silaban ng sabay sabay!
Puro kasinungalingan!
"Putangina" nabigla sila sa pagmumura ko.
Nanlaki naman ang mga mata ng magasawang Karlos.
"Pwede ba? Naiirita nako sa mga pinagsasabi niyo, hindi niyo'ko maloloko" gigil na sambit ko sa kanila.
At padabog akong tumayo at marahas ko na kinuwelyuhan si s
Sheila Karlos.
"Tigil tigilan niyo ang pamilya ko, hindi kayo matutuwa kapag nagalit na'ko" gigil na bulong ko kay Sheila Karlos na nagpalaki sa mga mata niya.
Marahas naman akong inilayo ni dad kay sheila karlos.
"Ceasar!" galit na sambit ni dad.
At bumitaw ako sa pagkakahawak niya.
"Hindi ko kayo matutulungan," walang emosyon na sambit ko sa kanila at marahas akong umalis sa harapan nila at dumiretso ako sa kwarto ko.
Gusto kong magwala!
Gusto kong silaban sila ng buhay!
Anong karapatan nilang magmakaawa sa mga magulang ko?!
Masyado silang pa-victim!
"Ceasar! Kabastusan ang ginawa mo kanina sa mga bisita! Nanghihingi lang sila ng tulong sayo! Anong mahirap do'n?!" Galit na sambit ni mom sakin pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Ceasar! Tulungan mo sila!"
No mom,
Hindi ko sila matutulungan.
Dahil ang gusto nilang ipakulong ay ang mga taong tumulong sa kapatid ko.
Ang mga nagsakripisyo para lang manatiling buhay ang kapatid ko.
Kumuha ako ng alak at inilagay ko sa baso tsaka ko ininom.
Hinablot ni mom ang baso at tinapon niya ito kaya natigilan ako,
"Ceasar! Ano ba! Naiintindihan kong pagod ka! Naiintindihan kong mahirap ang trabaho mo, pero hindi mo ba pwedeng tumulong ka sa kanila?" Naiiyak na tanong ni mom sakin.
Napahagod naman ako sa buhok ko at napaiwas ng tingin kay mom.
"Hindi pwede mom," mahinang sambit ko sa kanya.
"Bakit? Bakit hindi pwede? Kaibigan natin sila-"
"NO MOM! HINDI NATIN SILA KAIBIGAN!" sigaw ko sa kanya na nagpatigil sa kanya.
Napakurap naman ako dahil nabigla ako nang masigawan ko si mom,
"M-Mom, i-i d-didn't m-mean i-it.."
"A-Anak,"
Hinawakan niya yung mukha ko at hinalikan ako sa noo.
"Anak, tell me please?" mahinang sambit niya sakin.
"Mom, sila ang dahilan kung bakit matagal na nawala satin si eleanor.." marahan na sambit ko sa kanya.
Natigilan naman siya, napabitaw samin at napaatras
"H-Hindi.." iling iling na sambit niya.
"M-Mom, ang mga taong pinahahanap nila sakin ay ang mga taong tumulong sa kapatid ko.." nakayukong sambit ko sa kanila, napatingin ako sa kanya at panlalaki ng mga mata niya ang nakita ko sa kanya.
"A-Anong.. C-Ceasar.. h-hindi m-magandang b-biro y-yan.." nauutal na sambit niya sakin at nanghihina siyang napaupo sa kama ko.
"M-Mom," tawag ko sa kanya at napaupo ako sa tabi niya.
"S-Sabihin m-mong nagbibiro k-ka lang.. P-Patay n-na s-si E-Eleanor, t-tanggap k-ko na-" hindi na niya na tinuloy ang sasabihin niya ng humagulgol na siya ng iyak.
Napayakap naman ako sa kanya.
"No mom, Our Eleanor still alive. Buhay siya mom, buhay na buhay siya.." Bulong ko sa kanya.
Napatigil naman siya sa pag-iyak at gulat siyang tumingin sakin kaya tumango ako sa kanya.
"Do you remember Sheena Karlos mom?" Pagod kong tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot at tila natulala na lang sakin.
"Siya ang Eleanor natin mom, siya si Eleanor.."
Napatayo naman siya sa gulat at hindi makapaniwalang nakatingin sakin.
Please mom..
Believe me, ako rin halos hindi rin ako makapaniwalang siya ang kapatid na matagal ko ng hinahanap.
"Who's Sheena Karlos?"
Napalingon ako kay dad na seryosong nakatingin sakin.
Napabuntong hininga naman ako.
"Siya yung matagal ko ng kinukwento sa inyo,yung kambal ni Shanna karlos pero ang totoo hindi sila magkambal, dahil siya si Eleanor ang inaakalang patay na.." marahan na sagot ko kay dad.
Natigilan si dad at unti unting kumunot ang noo niya.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo Ceasar, ulitin mo ang sinabi mo"
Nanginginig na sambit ni dad pero nararamdaman mo ang unti-unting namumuong galit niya.
"Dad.." nagugulat na tawag ko sa kanya ng kwelyuhan niya ako.
"Ulitin mo ang sinabi mo!" Sigaw niya sakin.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Dad," bumuntong hininga ako at tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa damit ko.
"Si Eleanor at si Sheena ay iisa, Siya si eleanor na ninakaw ng mga karlos sa atin at ang mga taong pinahahanap nila ay ang mga taong tumulong kay sheena upang manatiling buhay.." mahinang saad ko at may kinuha akong folder kung saan naglalaman ang mga larawan ni sheena at impormasyon tungkol sa kanya.
Inabot ko kay dad at tinanggap naman niya yon.
"Siya si Sheena Karlos ang pinahahanap sakin noon ng mga Ezrael.." panimula ko sa kanila.
Napatingin naman sila sakin.
"Ang mga Ezrael? Anong kinalaman nila rito?" kunot noong tanong ni dad.
Bumuntong hininga na lang ako.
"Sila ang tumulong kay Sheena upang maitakas sa mga karlos, ang nagtago sa kanya na mahigit tatlong buwan na" kumuha muli ako ng alak at ininom ko ito.
"Sheena Karlos, 23 years old. The twin of Shanna Karlos, but in reality she's our Eleanor. Pinasurgery nila noon si Eleanor upang hindi tayo maghinala sa kanila.."
Unti-unting kumuyom ang kamao ko ng maaalala ang napanood kong video nung tinorture siya ng mga Karlos.
"What is this? What the hell is this?!" Galit na tanong ni dad at tinuro ang larawan ni sheena na puro pasa.
"Ohmygosh.." gulat na saad ni mom at nanginginig siyang lumapit kay dad para makita ang buong larawan ni sheena.
"Abused by Karlos," marahan na sambit ko at mas lalong tumindi ang galit ni dad.
"And this woman is our Eleanor?" marahang tanong ni dad tumango ako sa kanya.
At kinuha ko mula ang DNA test na pinasagawa ko sa kilala kong doctor at inabot ko sa kanila.
"Ohmygod! She's our eleanor! She is! No! No! My baby! Anong ginawa nila?! Anong ginawa nila sa anak ko?!" umiiyak na tanong ni mom.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Yun din ang gusto kong malaman mom,
Yun din ang matagal ko ng gustong alamin.
"How? I thought.." nanghihinang napaupo si dad sa kama ko habang nakatulala sa larawan ni Sheena na puro pasa ang katawan at puro paso.
"Ang inilibing natin na batang babae ay hindi si Eleanor. She's Daniella Garcia, nagsakripisyo siya para manatiling buhay si Eleanor. Dalawa silang bata ang dinukot 18 years ago, at tinambangan ang pamilya ng bata upang wala nang mag-hanap sa kanilang nawawalang anak.."
Lumingon ako sa kanila na may matipid na ngiti.
"You know Ronaldo Montano right? Ang pinahahanap ng mga karlos. Lahat ng nakalagay na impormasyon tungkol sa mag-ama ay puro kasinungalingan, at walang bahid na katotohanan. Yes, totoo yung dati siyang driver ng mga Karlos siya rin yung driver sa pagdukot sa dalawang bata, hindi rin niya alam na ang gagawin niyang trabaho ay ang pagdukot sa dalawang bata. Sinubukan niyang itakas ang dalawang bata pero nahuli siya ng mga Karlos at balak sana siyang patayin kung hindi lang hinarang ni Daniella Garcia, ang sarili niya kay Mang Ronaldo, baka matagal na rin itong patay at hindi ko na malalaman ang totoong nangyari kay Eleanor, nang mamatay ito, pinatapon ang bangkay nito sa ilog kung saan natin siya natagpuan at kinuha nila si eleanor upang gawing kakambal ni shanna.."
Huminga ako ng malalim at napahagod ako sa buhok ko.
"At pinalayas si Mang Ronaldo at naiwan ang asawa nito kung saan siya ang nagpalaki at nag-alaga kay Eleanor, buong akala nila umalis na sa lugar na 'to noon si Mang Ronaldo pero hindi nila alam na binabantayan lamang ni mang ronaldo ang bawat galaw nila, nais na niyang magsumbong satin kung hindi lang dinamay ang nag-iisa niyang anak na si Cristina Montano, umuwi siya sa probinsya para protektahan ito at hindi na muli pang nag pakita.."
Nilagok ko ang alak at pinunasan ko ang labi ko at tumingin ako sa mga magulang ko na nakatulala lang sa kung saan.
"At yung doctor na si Doc Fernando Guillermo ay ang namataan na patay sa rooftop ng hospital dahil raw inatake pero ang totoo, pinatay ito. Pinatay ito upang hindi makapagsalita sa totoong nangyari noon, nagkita noon si mang ronaldo at si doc guillermo dahil nahuli ang doctor na nagmamasid siya sa batang si Sheena, na siya ang nagsurgery sa mukha nito, nakonsensya ang doctor at balak na rin sana niyang mag-salita ngunit pinapatay naman ito.."
"Ang kwento ng asawa ni mang ronaldo na si Esmeralda montano mula pagkabata raw ni Sheena pinagmamalupitan na ito, at kapag nakakagawa ng mali pinaparusahan ito. May mga batas na para lamang kay Sheena, kapag may nilabag ito pinaparusahan ito hanggang sa makuntento ang mga ito, hanggang sa nagka-edad na rin si sheena ganon pa rin ang ginagawa sa kanya ng pamilyang karlos.."
Kumuyom ang kamao ko.
"Hinahampas siya ng dos por dos, pinapaso ng sigarilyo at ang mas malala napagsamantalahan ito.." walang emosyon na sambit ko sa kanila.
"Binalak rin nilang ibenta si sheena sa matandang mayaman noon at pagsamantalahan ulit ngunit nakatakas ito at doon siya natagpuan ng mga ezrael, na puro sugat at pasa sa mga katawan, madumi at punit-punit ang damit ng matagpuan nila ito na muntikang magpakamatay noon sa bangin.."
Napatakip sa bibig si mom at mangiyak ngiyak siyang nakahawak sa larawan ni Sheena or should i say Eleanor, our princess.
"Natrauma siya sa nangyari, ang kwento ng mga Ezrael, gabi gabing nanaginip si Sheena tungkol sa nangyari sa kanya, at dumating sa puntong muntikan muli siyang magpakamatay, doon ko nakilala si Doc Guillermo, pinakita niya sakin ang dating larawan ni sheena bago isagawa ang surgery.."
Naglakad ako palapit sa picture ng kapatid ko at kinuha ko ito at pinakita sa kanila.
"Ito mismo ang nakita kong larawan, balak ko na sanang mag imbestiga but something bad happen, pinapahanap ng mga Karlos si Sheena sa hospital kung saan siya dinala ng mga Ezrael, dahil may nagtimbre sa kanila na nando'n si Sheena sa hospital, yun yung gabing tinawagan ako ni gaze para tulungan sila. At doon ko rin nakita si sheena na may tama ng baril kasama ang nagiisang anak ng Montano, doon na rin nagsimulang ipa DNA ko si Sheena at naging tama ang hinala ko na si Sheena at si Eleanor ay iisa.."
Natahimik kami sandali pagkatapos kong ilathala sa kanila ang lahat bago ko muli binasag ang katahimikan ng may naalala ko.
"Yung taong nagpalaki at nagalaga kay Eleanor.." pambabasag ko ng katahimik at nilingon ko sila na nakatingin muli sakin.
"Where is She? Gusto kong magpasalamat sa kanya! Gusto ko silang tulungan kapalit ng pagtulong nila sa anak ko, tell me anak, Where is She? Kasama ba siya ni Eleanor?"
Hinawakan ni mom ang kamay ko at naluluha siyang nakangiti sakin.
Napailing ako sa kanya at hinalikan ko sa noo si mom.
"Patay na siya mom, mahigit dalawang buwan na siyang patay.." Napabitaw siya sakin at nanlaki ang mga mata niya.
"Yes, pinatay siya.. pinatay siya ni Sheila Karlos, pagkatapos ng pagtakas ni sheena doon rin nagsimulang saktan sila ng pamilyang Karlos, kasama si Cristina Montano ang anak nila. Pinagsamantalahan at sinaktan bago siya patayin, at si cristina montano sinaktan at pinagsamantalahan rin ni Sheño Karlos.." nakayukong sambit ko sa kanila.
"Ohmygod! They are evil! Hindi ko akalain na magagawa yun nila Sheila! Pano nila nagawa ito?! Paano nila nagawa ang lahat ng kademonyohan na to?!" galit na tanong ni mom.
Umiling ako sa kanya,
Yun ang inaalam ko.
"Sinaktan nila ang anak ko! Pagbabayarin ko sila! Magbabayad sila sa ginawa nila sa anak ko!" galit na sambit ni dad.
At may tinawagan sa phone niya.
"Lahat ng shares ko sa Karlos Corp. ipull-out niyo ngayon din!" At padabog na binaba ni dad ang phone niya.
"No! Don't you dare Eleasar!" Sigaw sa kanya ni mom kitang kita ko ang nanalilisik na mata ni mom.
"Beaurine.." gulat na saad ni dad.
Umiling si mom sa kanya.
"Wag na wag mong ipupull-out Eleasar! Hahayaan natin sila magpakasasa sa pera natin! Kapag naging okay na ang anak ko! Atsaka ko sila pababagsakin! Ako mismo magpapabagsak sa kanila! Matitikman nila ang bagsik ng mga Imperial!" Galit na galit na sambit ni mom na tumindig ang balahibo ko.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.
Napailing na lang ako basta sa kapatid ko magiging mabagsik siya.
Alam namin ni dad kung gaano nagluksa si mom sa pagkawala ng kapatid ko, yung inaakala naming patay na. Dumating pa sa punto na nabaliw siya noon.
Because Eleanor Beau Imperial was a miracle baby.
Patay siya nung nailabas ni mom sa sinapupunan, ilang beses pinump si Eleanor nung pagkalabas niya at ilang sandali lang biglang lumakas ang iyak niya.
Kaya tinawag siyang isang miracle baby.
Kaya ganon na lang ang pagiingat namin sa kanya noon, kaya nung nakalabas ng mansion si Eleanor noon pinalayas ni mom ang dati naming gwardiya dahil sa pagiging pabaya niya.
Ginamitan ni mom noon lahat ng pera ng mga imperial para lang mahanap ang kapatid ko, pero sabi nga nila money can't buy anything, dahil kahit gaano karami ang pera namin hindi non mabibili ang kasiyahan at hindi no'n mahahanap ang kapatid ko.
"Hindi ko sinasaktan ang anak natin Eleasar! Ni hindi ko pinapadapuan sa lamok yon! Ni hindi ko hinahayaan na masaktan yon! Ni hindi ko hinahayaan na magkasakit yon! Tapos sasaktan lang nila?! Pinagahasa pa nila ang anak ko?! Anong kasalanang nagawa natin, bakit si Eleanor pa ang makadanas ng lahat ng ito?! Bakit kailangan niya pang magdusa?!" Umiiyak na tanong ni mom kay dad.
Napayuko naman ako.
"Paano niya nalagpasan ang dilim? Yung mga kulog at kidlat? Paano niya nalagpasan yon? Dati hindi niya ako hinahayaan na wala sa tabi niya kapag kumukulog at kumikidlat, ayaw niya sa dilim. Ayaw niya sa madilim. Paano niya nalalagpasan yon?"
Hindi kami nakasagot ni dad sa kanya.
Napaupo na si mom sa sahig habang humahagulgol ng iyak.
"Jusko, ang anak ko. Gusto ko siyang makita" tumayo si mom at nabigla ako ng hilahin niya ako palabas ng mansion.
"M-Mom?"
Determinado siyang tumingin sakin.
"Pupunta tayo sa mga Ezrael! I want to see my daughter! She need me! She need mother like me! Ako dapat nasa tabi niya kapag mag-isa siya! Kapag natatakot siya! Ako dapat yon! Kaya sasamahan mo'ko! Kukunin ko ang anak ko!" seryosong sambit ni mom sakin at sumakay sa kotse ko.
"Beaurine! Ano ba! Gabi na! Hayaan mo muna ang anak natin sa mga Ezrael!" Habol ni dad samin.
"No! Wag na wag mo'kong pipigilan Eleasar! Eleanor need me! I want to see my baby!" Sigaw niya kay dad at pabagsak niyang sinarado ang pintuan ng kotse ko.
Nagkatinginan kami ni dad at tumango siya sakin at sumakay rin sa backseat.
Napakamot na lang ako sa ulo.
"Wala siyang maalala mom,dad" bulong ko.
Yan sana gusto kong sabihin kaso, kitang-kita ko ang kagustuhan ni mom na makita ang kapatid ko kaya wala akong choice kung hindi dalhin siya sa mga Ezrael.
Pagkarating namin sa mansion ng mga Ezrael.
Bigla akong hinawakan sa kamay ni mom kaya napatingin ako sa kanya kita ko ang kaba sa kanya.
"Are you sure na nandito ang baby ko?" biglang tanong ni mom sakin.
Tumango ako sa kanya.
"Nakikilala pa ba niya ako?" bumuntong hininga ako at nilingon ko si mom.
"Hindi mom, pinainom nila si eleanor ng gamot upang hindi makaalala ang tanging alam niya anak siya ni sheila at kakambal siya ni shanna and please mom? Don't force her, hayaan natin siya na makaalala bago ka magpakilala sa kanya.." Nakangiting sambit ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at tumango sakin.
Hawak ko sa kamay si mom bago kami tuluyang nagtungo sa tapat ng pintuan ng mga Ezrael at nasa likuran namin si dad.
"Oh? Bumalik ka nanaman- Hi Tito! Hi Tita!" Bungad ni Aphrodite halata ang gulat niya na kasama ko si mom.
"Beurine? Eleasar?" Gulat na sambit ni tita Vanessa ng makitang kasama ko si mom and dad.
"Come in! Come in! Dahlia! Pagkain at maiinom sa mga bisita!"
Nataranta naman ang lahat sa pagdating nila mom at dad. Nagbatian naman si dad at si tito Gion.
"I want to see my daughter" biglang sambit ni mom na nag-patahimik sa lahat.
"Follow me Madam," walang emosyon na sambit bigla ni Gaze na nakapamulsa pa.
Napatayo naman si mom at sumunod kay Gaze paakyat ng hagdan.
Napakamot naman ako sa ulo at sumunod rin sa kanila.
Halos lahat kami nakasunod sa kanila.
Pagkarating namin sa kwarto ni gaze binuksan niya ang pintuan.
"Sir Gaze? Hindi pa rin po-"
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Tina ng makita kaming lahat kaya nakayuko siyang tumabi sa gilid.
Pumasok naman si mom sa kwarto at napatulala na lang siya kay Sheena.
"Eleanor baby.." hagulgol ni mom at lumuhod siya rito para hawakan ang kamay ni Sheena.
"Anong ginawa nila sayo? Anong ginawa ng mga Karlos sayo? Im here, nandito na si mommy please comeback to us.." Hagulgol na sambit ni mom.
Bigla namang lumapit si dad kay mom at napatulala rin kay Sheena.
Nabigla kaming lahat ng biglang pag-galaw ng kamay ni sheena at ang paghigpit ng hawak niya kay mom kaya napangiti si mom.
"Hindi man niya ako maalala, pero alam ko sa puso niya hinding hindi niya makakalimutan ang kanyang ina masakit para sakin na makita ko ang anak kong ganito, walang ina ang kagustuhang mangyari to sa mga anak nila.." Umiiyak na sambit ni mom kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at lumabas ng kwarto atsaka ako sumandal sa pader at napapikit.
Masakit din para sakin na makitang nagdudusa ang kapatid ko.
Kaya hinding hindi ko mapapatawad ang mga Karlos sa ginawa nila sa kapatid ko.
Matitikman nila ang galit at bagsik ng mga Imperial.