DARKNESS - 20

3078 Words
T I N A Nagising ako ng maramdaman kong may nakapatong sa ulo ko, unti unti akong dumilat at napagtanto kong nandito nako sa kwarto kung saan ako pinatuloy ng mga ezrael. "Hey," Nilingon ko yung tumapik sakin, at bumangon ako pero napahiga din ng maramdaman ang sakit ng buong katawan ko. "Don't move," mahinang sambit ni leon sakin habang nakaalalay siya sa likuran ko pero nag-pumilit ako hanggang sa inalalayan niya akong sumandal sa headboard ng kama. "Kamusta ang pakiramdam mo? Tatlong araw ka ng nilalagnat," sambit niya na nagpalingon sakin. T-Talong araw nakong nilalagnat? P-Paano? Si sheena! "S-Si sheena!" natatarantang sambit ko, akma akong babangon ng pigilan niya ako kaya napasandal na lang ulit ako dahil ramdam ko pa ang pananakit ng katawan ko. "Wag kang gagalaw sabi! Aish! Makukulit talaga ang mga babae!" iritang sambit ni leon sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako pwedeng nakahiga lang dito! Si sheena! May tama siya ng baril!" inis na sambit ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo at inis na tumingin sakin. "She's fine okay? Natanggal na rin ang balang tumama sa tiyan niya" mahinanong sambit niya kaya nakahinga nako ng maluwag. "Wag ka na ring mag-alaala natapos na rin ang paghahanap ng mga karlos sa inyo," dagdag pa niya na ikinagulat ko. Paano? Sa pagkakakilanlan ko sa mga karlos, hindi sila titigil hangga't hindi nila kami nakikita o nahahanap. Alam kong gagawa at gagawa pa rin sila ng paraan para patayin kami. "Nagawan na ni gaze ng paraan ang lahat, sinabi niya sa mga karlos ang napa-balitang may natagpuang babae na palutang lutang sa ilog at si sheena yon, pinalabas naming lahat na patay ka na kasabwat namin ang media para lang maniwala ang mga karlos" sambit niya halos mapaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya. "G-Ginawa ni sir gaze yon? G-Ginawa niyo lahat ng yon? B-Bakit?" Nalilitong tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sakin. "Anong bakit? Nakakapagtaka pa ba yon? Isa kaming Ezrael at kayang kaya naming paikutin ang mga karlos" kunot noong sagot niya sakin. Umiling ako at napahinga ng malalim. "H-Hindi yun yon eh, ang gusto ko lang malaman bakit? Bakit niyo ginagawa ito sa amin? B-Bakit niyo kami tinutulungan?" napapailing na tanong ko sa kanya at napaiwas na lang ng tingin sa kanya. Narinig ko na lang bumuntong hininga siya. "Dahil yun sa kagustuhan naming tulungan ka, sinabi ni little brat na nakilala niya si sheena nung mga maliliit pa kami kaya nag-umpisa ng mag-imbestiga si gaze sa pamilya niya, at nang malaman namin na ganun ang kalagayan niya ninais nanaming tulungan siya dahil naranasan din yan ni mom noon sa mga kamay ng tiyahin niya, kaya alam namin kung gaano kahirap kay sheena mabuhay sa madilim na nakaraan" ngumiti siya sakin at tinap ang ulo ko. "Nung naabutan ni gaze at aphrodite si sheena sa tabi ng bangin upang magpakamatay, don na rin namin naisipan na hindi lang si sheena ang sasaktan nila kung hindi pati kayo ni nanay esme, alam namin kung gaano ka-importante kay sheena ang dalawang taong nag-mahal sa kanya at itinuring siyang tunay na tao kaya nag-plano kaming pamilya na mag-punta roon sa mga karlos para mag-imbestiga ng hindi nila nalalaman at yun nga ang naabutan ko na isa nang malamig na bangkay si nanay esme at wala ka namang saplot sa katawan, naisip ko na nag-hirap muna kayo sa mga kamay nila bago mangyari ang malagim na trahedya sa inyo.." Huminga siya ng malalim at malungkot na ngumiti sakin napaiwas ulit ako ng tingin dahil nangingilid nanaman ang mga luha ko nang maalala si nanay, nang maalala kung paano siya nawalan ng buhay sa harap ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay tatay na wala na si nanay, na hindi na siya muling babalik pa sa amin. "Im sorry, nahuli kami ng dating, hindi namin nailigtas si nanay esme kung maaga lang kaming dumating baka buhay pa siya at makakasama niyo pa rin siya.." paghingi niya ng tawad sakin. Umiling naman ako sa kanya at malungkot rin na ngumiti. "Wala kayong kasalanan, hindi niyo kasalanan na walang puso ang mga karlos, k-kung hindi kayo dumating baka isa na rin akong malamig na bangkay at baka hindi ko na rin makita si tatay at si sheena kaya malaki ang pasasalamat ko sa inyo na nailigtas niyo ako mula sa kanila at kung nabubuhay pa si nanay baka.." napatakip nako sa bibig at impit na umiyak. Kahit halos isang buwan na ring namatay si nanay hindi ko parin makalimutan kung paano siya nag-hirap sa mga kamay ng mga karlos kung paano siya bawian ng buhay sa harap ko. Kung paano siya ngumiti habang unti-unti siyang pumipikit. Jusko po nanay, miss na miss ko na ho kayo yung pangaral niyo, yung mga ngiti at sungit niyo tuwing nakakagawa kami ng mali ni sheena, yung pagkukuwento niyo samin ni sheena upang makatulog kami. Miss na miss ko na kayo nanay.. Miss na miss.. Napahinga ako ng malalim at napakagat na lang sa labi at mapait na ngumiti. Alam kong masaya na ho kayo kung nasaan man kayo at hindi niyo na mararanasan ang hirap.. Mahal na mahal ho namin kayo ni tatay at ni sheena nanay. Gabayan niyo na lang ho kami sa araw araw lalo na si sheena. Napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit na bisig ni leon na sumasakop sa katawan ko kaya napakapit ako sa kanya at tahimik na umiyak sa bisig niya. "Wag mo sanang kakalimutan na marami pa kaming tutulong sainyo, makakamit niyo rin ang hustisyang gusto niyo ng makamit," bulong niya sakin kaya gumaan na rin ang pakiramdam ko. "M-Maraming s-salamat sa lahat ng tulong niyo sa amin.." bulong ko rin sa kanya at sumiksik sa dibdib niya. hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya na para bang ligtas ako sa mga bisig niya. "Ehem," Napabitaw ako sa yakap ni leon at gulat na tumingin sa pintuan ng kwarto ang ngisi ni aphrodite ang bumungad saming dalawa kaya napaiwas ako at naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Baka iba ang isipin niya saming dalawa ni leon. "Tsk, may pa ehem ehem ka pa dyan little brat ano bang kailangan mo?" Iritang tanong ni leon sa kanya. Ngumisi naman si aphrodite sa kanya. "Sus busy ka kasi kakayakap kay tina tsk. It's my payback time KUYA" pangaasar ni aphrodite sa kuya niya at inis namang tumayo si leon at iritang irita sa bunsong kapatid. "Gusto mo lang atang maasar kay harry eh, sa Harry ng paasa" pangaasar rin ni leon sa bunsong kapatid at nawala naman ang ngisi nito at napalitan ng pagirap. "Tse!" Ismid niya sa kuya niya at nilingon ako ni aphrodite at ngumiti sakin. "Kapag nanligaw tong kuya ko sayo tina wag na wag mong sasagutin ha? babaero yan masasarapan ay este masasaktan ka lang" nakangising sambit ni aphrodite sakin na nagpalaki ng mga mata ko. "H-Huh? H-Hindi.. A-Ano.." Hindi ko malaman ang sasabihin ko dahil kinakabahan ako sa pangaasar ni aphrodite ramdam ko ang pagpula ng buong mukha ko. "Aphrodite? May sinasabi ka?!" iritang tanong bigla ni leon sa kanya. Natatawang umiling naman si aphrodite at tinapik sa balikat si leon. "Parehas kayo ni kuya vanni kapag na-inlove parehas wala sa sarili" natatawang sambit ni aphrodite mas lalong nag-init ang pisngi ko feeling ko bumalik ang lagnat ko sa mga pinagsasabi ni aphrodite. Juski mahabanging langit! Itikom niyo ho ang bibig ni aphrodite, kung ano-ano yung sinasabi! "Tsk, mag-tigil ka dyan little brat! Sasabihin ko talaga kay harry na mahal mo parin siya!" Inis na sambit ni leon sa kapatid kaya napatingin ako kay aphrodite na natikom ang bibig at umismid lang sa kuya niya. "Dzuh! Helloooo?! Kuya leon? Ako? Mahal pa siya! Asa men! Maglalaway muna siya!" Maarteng sambit ni aphrodite sa kuya niya at umirap dito. "Kaya ako nandito dahil may bisita si tina," biglang seryosong sambit ni aphrodite kaya napaturo na lang ako sa sarili tumango naman siya sakin at ngumiti. "Maayos na ba pakiramdam mo?" Nakangiting tanong niya sakin. Nalilitong tumango naman ako sa kanya kaya inalalayan niya akong tumayo. "T-Teka, hindi pa siya okay, sino ba bisita niya?" Biglang sambit naman ni leon. Ngumisi naman dito si aphrodite na mukang mangaasar nanaman. "First boyfriend niya!" tawang sagot ni aphrodite sa kanya at hinila nako palabas ng kwarto ni leon "Woi! Dahan dahan lang! Hintay!" ngawang ani ni leon kaya tatawa tawang tumakbo kami ni aphrodite pababa ng hagdan. "T-Teka.." pigil ko sa kanya pero hindi siya natinag nagtuloy tuloy lang kaming bumaba ng hagdan. "C-Cristina.." Natigilan ako at napaawang ang bibig ko sa taong nakatayo sa harapan ko at nakabuka ang mga braso niya sakin. "T-Tatay.." naluluhang sambit ko at tumakbo ako palapit sa kanya at sinalubong ang yakap niya. "Tatay!" hagulgol na sambit ko habang nakayakp sa kanya. N-Nandito na siya! Nandito na ang tatay! "Ang Anak ko, Cristina!" hagulgol rin na tawag ni tatay sa pangalan ko kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Tatay, nandito na ho kayo! Nandito na kayo!" paulit ulit na sambit ko habang umiiyak sa yakap niya sakin. "Oo anak nandito na ang tatay" bulong niya sakin at hinagod ang likuran ko. Kumalas siya sa yakap at tinignan ang kabuuan ko. "Dalaga na ang anak ko, dalaga ka na.." maluha luhang sambit ni tatay habang nakatingin sakin. "Nasan ang inay mo? Nasan si Esme?" Natigilan ako sa tanong niya at ang lahat ng nasa paligid namin natahimik rin sa tanong niya. Paano ko sasabihin kay tatay na wala na si nanay? Ayokong masaktan siya sa malalaman niya, Ayoko.. May sakit ang tatay baka hindi niya kayanin. "Cristina? Bakit nandito ka sa mga ezrael? Bakit wala ka sa mga karlos? Nasan ang nanay esme mo?" sunod sunod na tanong ni tatay sakin. Napayuko naman ako at napatakip na lang ako sa mukha. "Mas mainam sigurong iwan muna natin sila" biglang sambit ni mrs.ezrael kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako na parang sinasabing nandito lang sila kaya napahinga ako ng malalim. Hinawakan ako sa kamay ni mrs.ezrael at nginitian bago sila umalis para iwan kami ni tatay para magusap. "Cristina? Anong nangyayari?" nalilitong tanong niya sakin. Inalalayan ko naman si itay na maupo sa sofa. "Tay.." mahinang tawag ko sa kanya. Napapikit ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung saan ako magsisimula. "Cristina!" inis na sigaw ni tatay sa pangalan ko kaya bahagya akong napatalon at napaiyak na lang bigla. "Cristina anak?! Ano ba talagang nangyayari?! Nung isang linggo nagpunta ang mga tauhan ng mga karlos para tanungin kung umuwi ba kayo sa atin! At sinabi nilang nag-nakaw kayo ng pera sa kanila! Kahit alam kong hindi niyo magagawa yon, tapos kahapon may sumundo sakin tauhan ng mga ezrael, at dinala nila ako sa isang hotel! Hindi ko alam kung anong nangyayari!" mahabang litanya ni tatay na nagpaangat sakin. Anong sinasabi niya? Pinuntahan siya ng mga tauhan ng mga karlos?! At nagsinungaling pa ang mga ito na nagnakaw kami ng pera?! Ibang klase! "T-Tatay, please huminahon ho kayo hindi makakabuti ito sa inyong kalusugan" pakiusap ko sa kanya pero hindi siya nakinig sakin bagkus mas lalo siyang nagagalit. Napayuko naman ako at halos mamula na ang dalawa kong kamay kakakalikot dito dahil kinakabahan ako sa magiging reaction niya sa sasabihin ko. "T-Tay, w-wala n-na si nanay.." nakapikit na sambit ko sa kanya. "A-Anong wala na? Hindi magandang biro yan cristina!" nagugulat na sigaw ni tatay. "Tatay maniwala kayo, wala na si nanay, wala na siya, pinatay siya.." hagulgol na sambit ko sa kanya halos naghahabol nako ng hiningia kakaiyak ko. "A-Ano? Ipaliwanag mo sakin ang lahat cristina! Kung bakit napunta kayo sa ganitong sitwasyon!" maluha luhang sigaw ni tatay sakin kaya tumango na lang ako sa kanya. Huminga ako ng malalim at mariin kong pinunasan ang mga luha ko at tumingin ako kay tatay. "Kilala mo si sheena itay hindi ba?" tanong ko sa kanya na nagpatigil sa kanya. Alam ko namang nakilala ni itay si sheena dahil na rin sa kwento ko sa kanya at kwento ni nanay pero bakit ibang iba ang reaction niya na para bang kilalang kilala niya si sheena noon pa man, o baka paranoid lang ako kaya kung ano-ano ang nasa isip ko. "Si Sheena ang kakambal ni shanna pero hindi nila ito itinuring na pamilya, nung gabing may bibili kay sheena naisipan namin ni nanay na itakas namin siya dahil awang-awa na kami sa kanya pero tumanggi si sheena dahil ayaw niya kaming mapahamak ni nanay kaya mas pinili niyang tanggapin na lang ang kapalaran niya.." panimula ko sa kanya at mapait lang na ngumiti sa kanya. "Nung gabing pinakilala si sheena sa matandang bibili dapat sa kanya, pinipilit siyang pagamitin ng pinagbabawal na gamot at balak rin siyang pag-samantalahan ng mga ito pero nanlaban siya at tumakbo palabas ng mansion, hinabol naman siya ng mga tauhan ng mga karlos pero hindi na siya nahabol pa, at yun din yung gabing sinimulan na saktan kami ng mga karlos.." naglandas nanaman ang mga luha ko at napansin ko ang kuyom na mga kamao niya. "Araw araw nila kaming sinasaktan dahil ayaw daw naming sabihin kung nasaan si sheena kahit ang totoo, hindi talaga namin alam kung saan siya tumakbo, kung saan siya nakarating.." huminga ako ng malalim at humawak ako sa kamay ni tatay dahil kita kong nanginginig ito. "Walang palya ang pananakit nila samin hanggang sa dumating ang gabi kung saan.." napatigil ako at napahagulgol nanaman ako ng iyak. "A-Anak.." Napailing ako kay tatay at nagpatuloy ako. "Kung saan ginahasa ni mr.karlos si nanay, kung saan niya binaboy si nanay sa harap ko, at kung saan.." humigpit ang hawak ko kay tatay ng maalala kung paano niya binaboy ang buong katawan ko. "Anak, w-wag mong sabihing.." nagugulat na sambit ni tatay at hindi na itinuloy ang sasabihin ng tumango ako sa kanya at mariin na pinunasan ang mga luha ko. "Oo tatay, b-binaboy din niya ako! Binaboy niya ako pagkatapos niya kay nanay! Binaboy niya kaming dalawa! Wala siyang awa! Wala siyang awa! Paulit ulit niyang nilapastanganan ang katawan ko! Ang dumi dumi ko na tatay! Wala na! Wala na ang iniingat-ingatan ko! Dinumihan niya ang dangal ko! Ang respeto ko sa sarili inubos niya!" Humagulgol na sambit ko sa kanya at pinagsusuntok ko ang sarili ko. Niyakap naman ako ni tatay. "Jusko anak!" Yumakap din ako sa kanya. "Tatay ang dumi dumi ko na, ang dangal ko tatay wala na! wala na!" hagulgol na sambit ko sa kanya habang nakayakap sa kanya. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano ako nabababoy, kung paano nilapastangan ang katawan ko! Kung paano nila kinuha ang dangal ko! "Jusko anak patawad, wala si tatay! jusko anak patawarin mo ako!" hagulgol rin na sambit ni tatay sakin. Umiling ako sa kanya mas mabuting wala na lang siya, dahil alam kong hindi makakabuti sa kanya kung nandon din siya sa mga karlos. Kumalas ako sa yakap ni tatay at mariin kong pinunasan angmga luha kong hindi maubos ubos.. "Pagkatapos non, pagkatapos niya kaming binaboy iniwan niya lang kami na parang basura sa malamig na sahig na walang saplot sa katawan, att kimabukasan non naririnig ko na lang ang palahaw ni nanay, ang iyak niya dahil sinasaktan siya ni sheila karlos! At kung saan siya binaril ni sheila karlos sa harap ko, kung paano siya bawian ng buhay sa harap ko! Kung paano ko nakitang dilat ang mata niya at wala nang buhay! Mabuti na lang dumating ang mga ezrael, tinulungan nila ako at na-ipalibing namin si nanay ng maayos.." Napasandal ako sa balikat ni tatay habang patuloy na umaagos ang mga luha ko, hinaplos naman niya ako sa buhok ko kaya napapikit ako. "S-Si S-Sheena? Kamusta siya?" biglang tanong ni tatay sakin na nagpabangon bigla sakin. "Ang sabi nila, ayos lang si sheena hindi ko alam kung nagising na ba siya o hindi pa siya gumigising, kagagaling lang niya sa hospital dahil nagbalak nanaman siyang magpakamatay, kung hindi lang siya napigilan baka pati siya wala na at hindi matutuwa si nanay.." Malungkot na sambit ko sa kanya. Mapait namang ngumiti sakin si tatay. "Anak may kailangan ka dapat malaman.." mahinang sambit sakin ni tatay kumunot lang ang noo ko sa kanya. "Sana mapatawad mo ako, h-hindi ko alam na mangyayari ito. Ilang taon rin akong binabagabag ng aking konsensya, ngayon magsasalita na ako, at sasabihin ko rin sa mga ezrael ang nalalaman ko..." hindi na natuloy ang sasabihin ni tatay ng may magsalita sa harap namin. "Anong nalalaman mo?" Napalingon kami ni tatay si sir gaze na nakakunot ang noo at mariin na tinitigan si tatay kaya napatingin din ako kay tatay. "Tay? Anong sinasabi mo?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya. Akmang magsasalita na siya ng may magsalita naman pero kakaiba para bang natataranta o nasasabik. "Where is sheena?! Nasan si sheena?!" natatarantang tanong ni sir harry. Nakita kong nabigla si tatay sa pagdating ni sir harry.. Kilala ba niya si sir harry? "Harry?" takang sambit ni leon sa pangalan ni sir harry. Napalingon naman si sir harry pero nahinto ang tingin niya kay tatay at bigla niyang kinuwelyuhan ito kaya nabigla ako sa kanya, at hindi alam ang gagawin. "I-Ikaw! Kilala kita! Ikaw yung nakita ko noon sa libing ng kapatid ko! at ikaw rin yung nakikita ko noon na umaaligid sa mansion na parang balisa! Anong kinalaman mo sa pagkawala ng kapatid ko?!" Galit na tanong ni sir harry sa kanya. Pinigilan naman siya ni leon at humarang naman ako sa harap ni tatay. "S-Sir, paumanhin n-niyo w-walang kinalaman ang tatay ko sa mga binibintang niyo!" Nalulugang sigaw ko sa kanya at tumingin ako kay tatay na nakayuko lang. "Tay wala naman hindi ba? hindi naman totoo yung binibintang niya hindi ba?" Umaasa na tanong ko sa kanya kasi gulong-gulo nako "A-Anak, p-patawad.. Tama siya ako yung taong yun.." nakayukong pag amin niya. Napaatras naman ako sa sinabi niya at sunod sunod na umiling na para bang nagsisinungaling siya. H-Hindi.. Imposible.. I-Imposibleng kilala ni tatay ang lahat ng tao na nandito ngayon. Kaya ba iba ang reaction niya ng marinig ang pangalan ni sheena? Dahil ba matagal na niyang kilala ito? "H-Hindi.. Imposible.." wala sa sariling sambit ko kay tatay at sunod sunod na umiling sa kanya. "Anak, ipapaliwanag ko ang lahat.." malungkot na ngiting sambit niya sakin. Anong lihim ang itinago mo sa mahabang panahon tatay? Ano pa ba ang dapat kong malaman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD