DARKNESS - 24

1995 Words
S H E E N A "What's your plan? Nalalapit na ang engagement party handa ka na bang magpakita sa pamilya mo?" Napabuntong hininga na lang ako sa tanong ni Tina. Ewan ko? Handa na nga ba akong magpakita ulit? Handa na nga ba ako sa mga gagawin kong hakbang? Kasi sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula. "Kung hindi ka pa handa ayos lang sheena, may tamang oras para pagbayarin ang pamilyang karlos," marahan na sambit sakin ni Tina at tinapik ako sa balikat. Napatingala ako sa kalangitan, Tama bang maghiganti ako sa sarili kong pamilya? Kapag nag higanti ba ako magiging malaya na'ko? Makakalimutan ko na ba ang lahat? Makakalimutan ko na ba ang mga nakaraan ko? "Kapag ba naghiganti ako may magbabago ba? Matatanggap naba nila ako bilang anak?" Wala sa sariling tanong ko kay tina. Napalingon naman siya sakin. "Sheena, hindi lahat ng kwento totoo. Hindi mo ba naisip kung sila ba talaga ang pamilya mo? Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit ganon ang trato nila sayo, mula noon pa man?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihin? Pinagdududuhan ba niya ang sarili kong pamilya? "Hindi ko 'to tinatanong sayo para magduda sa kanila, dahil sa totoo lang walang magulang ang gustong masaktan ang anak nila, hindi mo man lang ba naisip yon? Na baka hindi talaga sila ang pamilya mo," marahang sambit niya sakin. Napailing naman ako at napasapo sa noo, hindi ko alam. Nitong mga nakaraan may mga imahe akong nakikita sa mga panaginip ko, hindi ko alam kung sa akin ba 'yon o sa ibang tao. "Marami ka pang dapat malaman sheena at sana handa ka sa lahat ng 'yon, hindi madali ang lahat ng mga pinagdaanan mong hirap at sakit sa kamay ng mga magulang mo" Sumandal siya at napatingala rin siya sa langit. "Naalala mo ba yung binanggit ni nanay sa sulat niya? Na hanapin mo ang iyong sarili, at hanapin mo yung totoong ikaw, hindi ka man lang ba nagduda noon?" Tanong niya habang nakatingala sa langit. Hindi mo alam kung gaano ko tinanong ang sarili ko noon, kung bakit nila ako nagagawang saktan at pahirapan kung bakit parang basura kung itrato nila ako. Nagduda na'ko noon pa man na parang hindi anak ang tingin nila sakin, parang isang hayop. Napapikit ako ng maalala ko ang nakaraan kung saan pinahirapan at sinasaktan nila ako. Hindi ko lubos maisip na malalagpasan ko lahat ng yon, Na makakaroon pa ako ng maraming buhay. Ilang beses na ba akong nagtangkang magpakamatay noon? Ilang beses ko na nga bang sinubukan mawala na lang para mawala ang lahat ng sakit? Halos hindi ko na mabilang, halos hindi ko na matandaan kung pang ilang beses na, "Marahil nagduda ako noon, pero sa tuwing nakikita ko ang mukha ko nawawala ang duda ko, na sila ang magulang ko at kakambal ko si Shanna.." Napahaplos ako sa muka ko at may unti unting mga luha nanaman ang pumatak. "Sheena hindi kita pipilitin sa mga bagay na ayaw mong paniwalaa, pero realidad na 'to, ito na ang mundong sinasabi ko sayo, maaari tayong maging malaya kapag natapos na ang lahat ng ito" napapailing na sambit ni Tina sakin. Napasapo na lang ako sa noo at iniintindi ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya. "Hindi naman porque maghihiganti ka na, ay gagaya kana sa kanila, pwede mo silang gantihan sa ibang paraan, pwede mo silang pahirapan kagaya ng ginawa nila sayo, Pwede mo silang saktan sa paraan na gusto mo. Isipin mo naman ang sarili mo huwag muna ang ibang tao," malungkot na sambit niya sakin. Nakakatwang isipin na para bang ang dali dali ng mga bagay, na para bang ang dali dali ng lahat. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang harapin, Ilang oras pa ako naging tulala dito sa silid ni giovanni, ilang beses ko rin tinanong sa sarili ko kung tama ba ang gagawin ko. Natigil lang ako ng may kumatok sa pintuan, bumuntong hininga muna ako bago ko buksan ang pinto. Isang lalaki na hindi ko alam kung saan ko nga ba nakita. Ngumiti siya sakin kaya ngumiti rin ako at pinapasok ko siya silid ni giovanni, hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko pagkakita ko pa lang sa kanya. "Kamusta ka na sheena?" Napakurap ako at nagpilit na ngumiti lang sa kanya. "A-Ayos lang ako," Hindi ko alam kung tama pa ba ang sagot ko, kasi hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako kapag malapit siya sakin. "Mukang hindi mo pa ako kilala.." marahang sambit niya at nginitian ako. "Ahm, Im Harry Ceasar Imperial, ako yung pinag imbestiga ni Gaze sa pamilya mo," kasabay ng pagpapakilala niya ang pagsakit ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at napakapit sa kama. "Sheena? Anong nangyayari?" Natataranta niyang tanong sakin akmang lalapitan ako ng pigilan ko siya. "W-Wag.." nanghihinang sambit ko sa kanya at napapikit dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko. Maraming imahe ang pumapasok sa isipan ko, mga imaheng hindi ko alam kung bahagi ba ng nakaraan ko o sa ibang tao, pero isa lang ang tanging naiwan sa imahe sa isip ko, Ang mukha ng lalaking nandito ngayon sa harapan ko at nag-aalala. "Kuya! Laro tayo please?" "Fine. Anong gustong laruin ng prinsesa ko?" "Tagu taguan hahaha! Ikaw taya ah!" "Oh sige, magbibilang ako ng tatlo at dapat nakatago ka na!" Napadilat ako bigla at nanghihina kong nilingon ang lalaking nasa harapan ko, Hindi ko alam kung bakit lumuluha ako habang nanghihina ko siyang tinignan. Hindi ko alam kung bakit labis labis ang pagdaramdam ko nang makita ko siya, "Sheena!" Umiling ako sa kanya at huminga ako ng malalim bago ako sumampa sa kama. "S-Sino ka? B-Bakit nakikita kita sa mga panaginip ko?" mahinang tanong ko sa kanya. "Bakit ako umiiyak nang makita kita? Bakit kinakabahan ako? Anong kinalaman mo sa buhay ko?" Nagsisimula nakong umiyak habang nakatingin sa kanya. Mas lalo siyang nataranta ng makitang umiiyak ako pero hindi ko siya hinayaan na lumapit sakin., "Sagutin moko! Sino ka?! Bakit sa tuwing natutulog ako ikaw ang nakikita ko! Bakit?! Anong kinalaman mo sa buhay ko?!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya. "Calm down please?" pakiusap niya sakin pero sunod sunod akong umiling sa kanya. "Sagutin mo ako parang awa mo na, sagutin mo yung tanong ko.. S-Sino ka sa buhay ko?" umiiyak na tanong ko sa kanya. "Gulung gulo na'ko, gulung gulo na hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan, kung yung imahe ba na nasa isip ko o yung nasa puso ko.. H-Hindi ko na alam.." Nanghihinang sambit ko sa kanya at napahagulgol na lang ako sa harap niya. "Sheena.." mahinang banggit niya sa pangalan ko. Akmang lalapitan niya ako ng umiling ako sa kanya, Kasabay ng pagbukas ng pintuan. "What happen Ceasar?!" Sabay kaming lumingon kung sino ang pumasok sa silid, Siya rin yung isa sa mga nakita kong imahe sa isip ko bago ako magising, Siya yon.. H-Hindi ako maaaring mag-kamali, siya yung babaeng nasa panaginip ko, "M-Mom.." tawag ni Harry sa babaeng pumasok sa kwarto ni Giovanni. Mom? Siya ang Ina ni Harry? Paano sila napasok sa panaginip ko? Sino ba sila? "Sino kayo?" Napalingon naman sila sakin ng makitang nakatayo na ako sa harapan nila. "Sino kayo? Bakit kayo ang nasa panaginip ko? B-Bakit kayo ang mga taong naaalala ko? Tinawag niyo ako sa pangalang Eleanor.. H-Hindi a-ako 'yon" marahan na sambit ko sa kanila. Nagkatinginan sila at 'tila hindi sila makasagot sa akin. Napaatras lang ako at napasapo muli sa noo ko, dahil tila sumasakit ito. Nilingon ko sila pero tikom pa rin ang bibig nila kaya nag-uumpisa na akong mainis. "Sino kayo? Sino si Eleanor? Sino kayo sa buhay ko?!" Nagtitimping sigaw ko dahil ayokong maging bastos sa kanila. "We need to tell her Ceasar," sambit ng Ina ni Harry sa kanya. "Mom, alam mong hindi pwede, alam mong makakasama sa kanya 'yon. Don't force her, maaalala rin niya tayo," sambit ni harry habang nakatingin sakin. Anong ibig niyang sabihin? Anong maaalala ko rin sila? Nawala ba ang mga aalala ko, pero iisa lang ang tanging tanong ko sa sarili ko. Sino ba talaga ako? - B E A U R I N E Napatakip na lang ako sa bibig ng marinig ko ang hagulgol ng anak ko, Alam kong gulung gulo na rin siya. At sa tingin ko unti-unti nang bumabalik ang mga alaala niya, palagi ko yun pinagdadasal na sana maging maayos na ng tuluyan ang prinsesa ko. Na sana maalala na niya na kami ang totoong mga magulang niya, Mahirap para sakin na makitang ganito ang anak ko. Masakit na makitang nahihirapan siya, Kung sana sakin na lang nailipat lahat ng pinagdaanan niya basta wag lang ang anak ko. Narinig ko kanina lahat ng sinabi niya sa paguusap nila ni Tina, Na nagdadalawang isip pa siya kung anong pwede niyang gawin sa mga taong nag-malupit sa kanya dahil kilala ko ang anak ko na may mabuting puso, na kahit anong mangyari hinding hindi siya magtatanim ng galit sa kapwa niya. Ganun ko pinalaki si Eleanor, at mukhang tama rin ang pagpapalaki ni Esmeralda sa anak ko, lumaki siyang mabait na bata. Gustung gusto kong sagutin siya, na ako ang tunay niyang Ina pero alam kong hindi pa pwede dahil mas makakasama yun sa kanya, ayokong guluhin muna ang isip ng anak ko dahil alam kong may tamang oras para makilala niya kami. "Ma'am? Sir Harry? Pwede ko ho ba kayong makausap?" Napalingon kami ni Harry kay Tina na magalang naman na ngumiti samin. Nginitian ko naman siya at pinaupo sa harapan namin para makinig sa sasabihin niya. "Alam kong nahihirapan po kayo sa ngayon, pero hangga't maaga pa kailangan niyo ng sabihin kay Sheena ang totoo," Marahang sambit ni Tina. "You know her situation Tina, mas makakasama sa kanya ito alam naman nating kagigising lamang niya," seryosong sambit ni Harry kay Tina. Tumango siya at ngumiti samin. "Pero mas makakasama sa kanya kung hindi niyo sasabihin ang totoo at baka tuluyan na siyang hindi makaalala," sambit ni tina na nagpakunot sa noo namin ni harry. "She's right" singit naman ng bunsong kapatid ni Gaze, na may dala dalang folder at inilapag niya sa harapan namin. "Tama si Tina, kapag nilamon na ng lason ang isip niya tuluyan na siyang hindi makakaalala" seryosong sambit ni Aphrodite at binuklat niya ang folder. "Pinuslit namin ni Kuya Leon ang mga files ng doctor na siya mismo ang gumawa ng gamot, ang lason na ito ay kayang maghipnotismo ng tao at kayang makapag paalis ng alaala, kapag hindi niyo pinaalala sa kanya ang nakaraan na kasama niya kayo tuluyan nang mabubura sa isipan ni Sheena ang ugnayan niya sa inyo, ang tangi niya lang maaalala ang mga tinuring niyang magulang, si Nanay Esme, Tina at ang mga nangyari sa kanya. Ang iisipin niya habang buhay kakambal siya ni Shanna at magulang niya ang mag-asawang Karlos," paliwanag ni Aphrodite. Napakuyom ang kamao ko. Napaka hayop niyo talaga Sheila! Napaka hayop niyo! Pati sa anak ko nagawa niyo ang ganitong bagay, na hindi ko lubos na maiisip na gagawin niyong traidurin kami. "Kailangan niyo na pong sabihin kay Sheena ang totoo na kayo ang tunay niyang magulang at ninakaw lang siya ng mga Karlos sa inyo," Magbabayad sila! Magbabayad ang mga Karlos sa ginawa nila sa anak ko! Pagbabayarin ko sila! "Hello po Madam?" "Where is Sheila Karlos? "Nasa botique po natin, namimili sila ng susuotin para sa engagement party ng kanyang anak.." "Wag silang paaalisin, pupunta ako dyan" binaba ko na ang phone ko at pinaharurot ko na ang sasakyan ko. Pagmumukhain ko kayong basura sa sarili niyong party. Kapalit ng ginawa niyo sa anak ko, Matitikman niyo ang galit ng mga Imperial. - T H I R D P E R S O N Hindi nila alam sa paguusap nila may isang taong luhaan na nakikinig sa kanila. "Hindi ako isang Karlos? Isa akong Imperial?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD