DARKNESS - 25

3308 Words
S H E E N A "Mommy? Wala pa po ba si daddy?" tanong ng bata sa kanyang ina habang nagluluto ito. Siya ba ang nawalang bata sa mga Imperial? Bakit nandito nanaman ako sa panaginip na 'to? Bakit ako nandito? "Wala pa baby, hintayin lang natin si daddy okay? May pasalubong ka sa kanya" nakangiting sambit ng isang babae sa batang babae na nakangiti sa kanya. Napatakip ako sa bibig ko at hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako lumuluha sa scenario na ito. "Happy birthday Eleanor.." Mas lumaki ang ngiti ng batang babae sa pagbati ng kanyang ina sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko na tila naninikip ito. Bakit ako nasasaktan? Napahawak ako sa ulo ko at sinabunutan ko ang buhok dahil gulung-gulo ako sa mga pangyayari, Pagdilat ko, sa ibang scenario naman ako napunta. Natigilan ako ng makita ko ang batang babae na nasa labas ng pintuan na tila may hinihintay. "Bakit kaya wala pa si daddy? Excited na ako sa regalo niya sakin!" Nakangiting sambit ng batang babae sa kanyang sarili at napansin kong nakatingin ang bata sa gate ng kanilang bahay. "Pwede kaya akong maglaro sa labas?" Halata sa bata na excited siyang lumabas kaya napatakbo ang batang babae sa labas ng gate nila na hindi nagpapaalam sa kanyang ina. Sinundan ko ang bata hanggang sa makarating kami sa parke kung saan maraming bata ang naglalaro. Masayang naglaro ang batang babae hanggang sa may isang van na mabilis na bumukas at may mga armadong lalaki na bumaba at biglang binuhat ang batang nangngangalang Eleanor. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nila, "H-Hindi! Wag niyo siyang kukunin! Hindi!" sigaw ko habang hinahabol ko ang van pero nakalayo na ito. Napapikit nanaman ako ng mariin at muli akong dumilat, sa ibang scenario nanaman ako napunta. Sa isang silid na madilim, Bakit walang ilaw? Nasan ako? Please buksan niyo ang ilaw! Ayoko dito! "D-Daniella, a-ayoko s-sa dilim.." Natigilan ako ng makarinig ako ng mahihinang boses, luminga ako sa paligid para hanapin ang mga boses na naririnig ko, "E-Eleanor, konting tiis.. S-Sabi naman ni Tatay Ronaldo babalikan niya tayo at patatakasin, kaya konting tiis ha?" sambit ng isang bata at natigilan ako ng makita ang dalawang bata, yung isa hindi pamilyar sa akin pero yung isa, siya yung batang laman ng panaginip ko. "P-Pero natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari kay Tatay Ronaldo, ayoko siyang mapahamak.." Umiiyak na sambit ni Eleanor sa kasama niyang bata. Napapikit ako ng makita ang mga pasa at sugat sa mga katawan nila na para bang pinahirapan sila. Bakit pati sa mga bata nangyayari 'to? Oh jusko po! Ano po ba talaga ang gusto niyong malaman ko? Bakit kailangan ko 'tong makita? Bakit kailangan niyong ipaalala sakin na hindi lang ako ang pwedeng makaranas ng ganito? Pwede po bang tama na? Pwede bang i-alis niyo na ako sa madilim na mundo? Parang awa niyo na, ayoko nang makakita na may naghihirap pang iba. "Anong pinangako mo sa kanila Montano?" Napatigil ako sa pag-iyak at nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses, Napadilat ako, at napunta ako sa scenario na punung-puno ng mga armadong lalaki at napansin ko ang dalawang bata at ang isang matandang lalaki na tila pinoprotektahan ang mga bata. At lumingon ako sa may hawak ng baril at mas lalo kong nagulat ng makilala ko ito, D-Dad? Ano 'to? Bakit siya nandito? Siya ba ang nagpakidnap sa dalawang bata? Bakit? Bakit niya ginagawa ito? "Tama ang narinig ng anak ko na balak mong patakasin ang dalawang batang ito!" galit na sigaw ni dad kaya napunta ang tingin ko sa katabi niyang bata. Si Shanna, Hinarangan nung lalaki ang dalawang bata upang hindi masaktan. "Tatay!" sigaw ng dalawang bata ng makitang napaluhod na ng tuluyan ang matanda. "Tama na! Maling mali ang ginagawa niyo! Hinahanap na sila ng mga magulang nila! Sapat na siguro na pinahirapan niyo sila!" sigaw nito kay Dad na mas lalong nagalit. "Manahimik ka! Kung ayaw mong mamatay!" H-Hindi.. D-Dad.. Ano 'to? Please? Panaginip lang 'to hindi ba? Ilabas niyo na ako parang awa niyo na! Hindi ko na kaya pang manood! "G-Gaya n-ng p-pinangako k-ko s-sainyo.. m-makakatakas k-kayo n-ngayon.." nahihirapang saad ng matanda sa dalawang bata kaya mas lalo akong naiyak sa sitwasyon niya.. "Masyado kang pakialamero! Kayo na bahala sa isang yan!" sigaw muli ni dad at mas lalo akong humagulgol ng makitang pinagbubugbog ng mga tauhan niya ang matanda. "Itigil niyo na 'to! Ayoko na! Aaaahhh!! Ayoko na please! Ilabas niyo na'ko rito!" Umiiyak na sigaw ko at tuluyan nakong napaupo dahil na rin sa panghihina ng mga tuhod ko. "Tatay! Tama na po please! Hindi na po kami tatakas! Tama na po please! Wag niyo na po siyang sasaktan!" sigaw ng mga bata kaya napailing ako at napahawak na lang sa ulo. Ayoko na please.. Ayoko na.. "Tapusin niyo na yan pati ang buo niyang pamilya!" utos ni dad sa mga tauhan niya kaya napatayo ako sa gulat at sunod sunod akong umiling. "Hindi Dad! Tama na! Itigil muna 'to!" Sigaw ko sa kanya pero alam kong hindi niya ako naririnig pero mas lalo akong natigilan at napatulala ng barilin ng isa sa mga tauhan niya ang matanda ngunit humarang ang batang kasama ni Eleanor na si Daniella.. Sinalo niya ang balang para dapat sa matanda, Nanginginig akong nakatingin sa batang naghihingalo habang kalong ng matanda.. Napahawak na rin ako sa aking dibdib na tila nasasaktan ako, "H-Hindi.. D-Daniella.." "DANIELLA! ANG SASAMA NIYO! PINATAY NIYO SI DANIELLA! DANIELLA NOOOO!" "T-Tatay.. m-masaya a-ako.. m-masaya a-akong b-buhay k-ka.." "M-Maraming s-salamat p-po d-dahil n-naging m-mabuti k-kayo s-sa a-amin n-ni eleanor.. p-pinapakain n-niyo k-kami.. At t-tinutupad n-niyo a-ang p-pangako n-niyo s-sa a-amin.." "P-Pakisabi p-po s-sa m-mga m-magulang k-ko m-mahal n-na m-mahal k-ko p-po s-sila.." "S-Salamat p-po s-sa p-pagiging a-ama n-ninyo s-sa a-amin.. w-wag n-na w-wag niyong p-pababayaan s-si e-eleanor.. k-kailangan n-niyo p-po s-siyang i-ibalik s-sa k-kanyang p-pamilya.. y-yun a-ang h-huling h-hiling ko.." At tuluyan ng bumigay ang nga tuhod ko at napatulala na lang kay daniella na wala ng buhay.. Ang bata bata pa niya para maranasan niya to! Anong kasalanan ng bata para magdusa siya ng ganito?! Napahawak ako muli sa ulo ko at napasigaw ng malakas sa paghihinagpis ko, Bakit niyo sakin pinakita ang mga pangyayari?! Ano ba talaga ang gusto niyong iparating sakin?! Ano ba talaga ang gusto niyong mangyari? Tama na please.. Tama na.. Hindi ko na kaya pa ang mga nakikita ko, Ilabas niyo na ako sa madilim na mundo.. Ilabas niyo nako rito! "Iha?" Napabangon ako at napakusot sa mata at unti unti akong dumilat at napansin kong si Nanay Esme ang kaharap ko. N-Nanay.. "Hello Iha! Ako si Nanay Esme, at simula ngayon tatawagin na kitang Sheena.. Sheena Karlos" "Opo nanay! Magandang pangalan!" H-Hindi.. H-Hindi totoo 'to hindi ba? H-Hindi 'to totoo! Napaatras ako at napailing ng sunod sunod! Hindi! "Aaaahhhhh! Tama na! Tama na! Ayoko na!" Malakas na sigaw ko at napatigil ako ng mapatingin ako sa harap ng salamin. Napatulala ako ng makita ang mukha ko, May bandage ang mukha ko, at kitang kita ko ang mga mata kong puno ng awa. "Ayan! Ngayon habang buhay ka na sa amin, hinding hindi kana makakabalik sa pamilya mo.." "Hinding hindi na.." Napapikit ako ng marinig ko ang boses nila Mom, Dad at Shanna na nagpapaulit ulit sa pandinig ko. "Hindi kana hahanapin ng mga magulang mo!" "Hindi kana makakabalik sa kanila!" "Hindi ka nila hahanapin pa wahahaha!" Napatakip ako sa tenga ko at paulit ulit na umiling, "Tumigil na kayo! Tumigil na kayo!" Paulit ulit na sigaw ko pero tila musika sa pandinig ko ang mga boses nila. "Wala ng magmamahal pa sayo" "Wala ng makakakilala pa sayo" "Habang buhay kana dito sa impyerno wahahahaha!" Mariin kong pinikit ang mga mata ko at mariin ko ring tinakpan ang dalawang tenga ko at napaluhod nako sa sakit ng ulo ko. "Eleanor.." "Eleanor labanan mo! Lumaban ka Eleanor!" Natigilan ako at napalingon ako sa liwanag na nagbukas ng pintuan, May isang batang nakangiti sakin at naglahad ng kamay niya. Kilala ko kung sino siya.. "D-Daniella.." Ngumiti siya sakin at inalalayan niya akong tumayo.. "Eleanor, hanapin mo ang daan at makakaalis kana sa madilim na mundong ito, nangako sakin si Tatay Ronaldo na ibabalik ka niya sa tunay mong tahanan at pamilya.." Nakangiting sambit niya sakin at inalalayan niya akong maglakad patungo sa pintuan. "Maghihintay ako, na maparusahan ang dapat maparusahan, palagi lang kaming nakaalalay sayo.." Hinawakan niya ako sa mukha. "Bigyan mo ng hustisya ang nangyari sayo, ang nangyari sating lahat, wakasan natin ang mapangabusong mundo. Maghihintay kami.." Binitawan na niya ako at tilang gulung-gulo ako sa kanya. Napansin kong nasa tabi niya si Nanay Esme kaya mas lalo akong naluha.. "Ito na ang oras para makamit mo ang kalayaang hinahangad mo, ito na ang oras para wakasan ang kasamaan ng mundong kinatatayuan mo, wag kang manatili rito hindi ito ang mundong para sayo. Hindi rin ito ang buhay na nararapat sayo," Tumango sila saking dalawa ni Nanay Esme. Bago pa siya tumalikod, hinawakan ko na siya sa kanyang kamay kaya nakangiti siyang lumapit sakin. "Mapapatawad mo na ba ako kapag nakamit ko na ang hustisya?" lumuluhang tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa kamay at ngumiti sakin. "Matagal na kitang napatawad Eleanor, wala kang kasalanan sa mga taong ganid sa kapangyarihan tandaan mo mas marami kang pinagdaanang hirap kailangan mo ng wakasan ito. Ito na ang oras para lumaban ka, nandito lang kami naka bantay sayo" Hinawakan niya ako sa mukha bago siya tuluyang tumalikod sakin, at napatingin naman ako kay Nanay Esme na nakangiting nakatingin sakin. "N-Nay, napatawad mo na ba ako?" umiiyak na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin. "Wala kang dapat ihingi ng tawad anak, wala kang kasalanan.. hindi mo kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito, tandaan mo kaagapay mo kami sa magiging laban mo at tandaan mo parating nandyan ang ating ama nakaalalay sayo, makakamit mo rin ang kalayaang nais mong makamit at ang hustisyang naghihintay sa atin.." Nakangiting sambit niya sakin at tuluyan na silang nawala ni Daniella sa dilim. - Napadilat ako at hindi ko maiwasang maluha. "Sheena?" Napalingon ako sa katabi ko at yumakap ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapahagulgol sa kanya. "What's wrong?" nagaalalang tanong niya sakin umiling lang ako at humigpit ang yakap ko sa kanya. "Naalala ko na lahat na isa akong Imperial.." umiiyak na saad ko sa kanya napansin kong natigilan siya at hinarap niya ako. Naalala ko yung usapan nila Tina, ni Aphrodite, si Kuya at si Mom, Na isa akong imperial at ninakaw lang ako ng mga Karlos sa mga totoong magulang ko. At ang mga laman ng panaginip ko, Hindi iyon isang panaginip bagkus isa yung alaala mula sa nakaraan ko. Ang nakaraan kong ninakaw nila mula sa akin, "Ssshh.." pagpapakalma sakin ni Giovanni, yumakap lang ako sa kanya dahil nakakaramdam ako ng ginhawa sa mga yakap niya. "Gusto kong makita sila Kuya, sila Mom and Dad, matagal akong nawala sa kanila, matagal nilang inakala na patay na ako.." umiiyak na sambit ko sa kanya. Hinagod naman niya ang likuran ko. "Ngayon din mismo, please stop crying" pakiusap niya sakin. pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin ako sa kanya. "Maraming salamat sa naitulong mo sakin, maraming salamat sa pagtiya-tiyaga na gumaling ako, maraming salamat sa pag-aalaga sakin, susubukan ko.. susubukan kong mahalin ka, I-ikaw ang gusto kong makasama sa bagong mundo na tatahakin ko, kaya please dito ka lang sa tabi ko.." lumuluhang sambit ko sa kanya. Nginitian naman niya ako at hinalikan sa ulo. "Hindi mo na kailangan sabihin sakin lahat ng yan, mananatili at mananatili lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan sa magiging laban mo" nakangiting sambit niya sakin at muli niya akong niyakap kaya napangiti na lang ako at napapikit. Sisiguraduhin kong ako mismo ang tatapos nito. Wawakasan ko na ang kasamaan ng pamilyang Karlos. Sisirain ko rin ang buhay nila katulad ng pagsira nila sa buhay ko, Makakamtan ko ang hustisya hindi lang para sakin kung hindi para sa mga taong sinaktan nila. Para kay tina Para kay Tatay Ronaldo Para kay Nanay Esme At lalong lalo na para kay Daniella. Hindi ko akalain na iaalalay niya ang buhay niya para saming dalawa ni Tatay Ronaldo, Na nagsakripisyo para lamang mabuhay kaming dalawa at hindi ko sasayangin ang inalay niyang buhay para lang mapanitili akong buhay. Hintayin moko daniella.. makakamit mo rin ang hustisya na matagal mo na dapat nakamit.. - Nagising muli ako at wala na sa tabi ko si giovanni kaya bumangon nako at muli akong humarap sa salamin at napahawak sa mukha ko. Tuluyan nilang binura ang mukha ni Eleanor sa katauhan ko. At ito rin ang magiging daan para sa kanilang mga bangungot. Napahaplos ako sa pisngi ko, at mariin na tumitig ako sa salamin habang unti unti nanamang pumapatak ang mga luha ko, "Ang Mukhang 'to, ang mukhang 'to ang nagdulot sakin ng paghihirap, dahil sa mukhang ito nakatago ako sa anino, dahil sa mukhang ito naging miserable ang buhay ko. Dahil sa mukang ito naging madilim ang buhay ko, at sa mukhang 'to. Matitikman nila kung paano masaktan at mahirapan. Ipaparamdam ko sa kanila na itong mukha ko ang bangungot para sa kanila. Ang bangungot ng nakaraan.." mariin na bulong ko at mariin kong pinunasan ang mga luha ko. Wawakasan ko na ang kasamaan nila, Ipapatikim ko sa kanila kung ano ang tunay na impyerno. Tumayo na ako at lumabas ako ng kwarto ni Vanni, napapikit pa ako dah sa sinag ng ilaw. Isang linggo ko rin hindi nalanghap ang labas ng kwarto niya. Isang linggo rin akong nakakulong magmula ng marinig ko ang katotohanan. Isang linggo ko na ring pinaghahandaan kung ano ang nararapat kong gawin to my fake parents. Napahawak ako sa hawakan ng hagdan pero napatigil ako ng makita ko ang mga magulang ni Vanni, ang mga kapatid niya, si Tina, s-si Tatay Ronaldo hindi ko maiwasang maluha ng maalala ko siya, kung gaano niya kagusto na itakas kami ni daniella nung gabing yon, kung paano siya binugbog sa harap namin, kung paano rin siya pinagbantaan sa harap namin. Naalipat naman ang tingin ko sa mga tunay kong magulang at kay Kuya Harry, kaya pala iba ang nararamdaman ko sa kanya sa tuwing malapit siya sakin dahil siya pala ang kuya ko. Ang kuya ko na pumo-protekta palagi sa akin noon. Muntikan nakong matumba kung hindi lang ako nakahawak sa hawakan ng hagdan. Hindi ko napigilan, natawag ko si mom kaya lahat sila napatingin sakin. "M-Mom.." lumuluhang tawag ko sa kanya nanlaki naman ang mga mata niya at napatakip sa bibig kaya hindi ko napigilan na tumakbo palapit sa kanya at sinalubong niya ako ng isang mainit na yakap. (Slowmo ang paglapit niya sa kanyang Ina) Yakap ng isang totoong ina. (OST: Iingatan ka by Carol Banawa) "M-Mom, nandito na ako, your baby Eleanor.." umiiyak na sambit ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya. Narinig ko na lang ang hagulgol niya habang yakap niya ako. "Jusko ang baby ko.." hagulgol ni mom kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "M-Mom, naalala ko na lahat.. naalala ko na lahat" hagulgol din na sambit sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. "Patawad anak, patawarin moko kung hindi kita hinanap, nararamdaman kong buhay ka, dahil malakas ang pakiramdam ko kapag buhay ang anak ko, patawarin mo si mommy" umiiyak na sambit niya sakin. Umiling ako sa kanya at pinunasan ko ang mga luha niya. "Wala kang kasalanan mom, ang importante buhay ako at malakas", nakangiti pero lumuluhang sambit ko sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha niya at ngumiti rin sakin. "Kasama mo ako sa laban anak, kasama mo ako sa magiging laban mo. Hindi ka na iiwan ni mommy" nakangiting sambit niya kaya tumango ako at muli akong yumakap sa kanya. Pinunasan ko naman ang mga luha ko at tumayo nako tsaka ko hinarap si Daddy na umiiyak habang nakangiti sakin. "D-Daddy.." parang batang sumbong ko sa kanya habang yakap ko siya. "Ang prinsesa ko.." umiiyak na bulong niya at hinalikan niya ako sa noo.. "D-Daddy.. D-Daddy.." walang akong ibang masabi kung hindi ang umiyak lang. Matagal ko ng pinangarap na mayakap ako ng mga magulang ko na hindi ko man lang naranasan sa mga Karlos dahil hindi pala nila ako tunay na anak. Hindi rin ako kakambal ni Shanna, Pinalitan nila ang mukha ko gamit ang mukha ni shanna para hindi na ako hanapin ng mga totoong mga magulang ko. Ang sama sama nila! Pagbabayaran nilang lahat ang ginawa nilang pag sira sa buhay ko! Pagkatapos kong umiyak kay Dad si kuya naman ang niyakap ko, alam kong pinipigilan lang niya umiyak dahil alam kong aasarin ko siya kapag umiiyak siya katulad noong mga bata pa lang kami. "K-Kuya, a-ayos lang umiyak hindi kita aasarin" bulong ko sa kanya. humigpit lang ang yakap niya sakin at halata rin ang simangot niya. "I miss you my little princess.." bulong niya sakin kaya ngumiti ako sa kanya. "Mas namiss kita kuya kong monster.." napailing naman siya at ginulo ang buhok ko kaya nginitian ko lang siya. Napalingon ako kay Tatay Ronaldo at kay tina na umiiyak sa tabi. "T-Tatay, patawad.. patawarin mo ako kung wala akong nagawa, para iligtas si nanay.." malungkot na saad ko sa kanya. Umiling naman siya sakin at tinap ang ulo ko. "Ginawa lang ni nanay mo ang nararapat, wala kang kasalanan. Ito ang gusto niya ang hanapin mo ang sarili mo.." nakangiting sambit niya sakin. Yumakap naman siya sakin. "Maraming salamat sa lahat ng naitulong niyo sa amin noon ni daniella, ako naman ang tutulong sa inyo ngayon.." sambit ko kaya alam kong natigilan silang lahat kaya ngumiti ako at humarap sa kanila. "Matagal akong nag-dusa, labing walong taon akong pinahirapan at sinaktan, labing walong taon akong nangulila ng pagmamahal ng isang pamilya na hindi nila naibigay.." natawa ako ng mahina habang lumuluha nanaman. "Labing walong taon nilang pinagkait ang buhay ko, ang buhay na nararapat sakin, labing walong taon akong nagtiis, labing walong taon kong tiniis ang mga pananakit nila, labing walong taon akong nag-isip kung bakit ganon sila sa akin.." Napangisi ako at mariin kong pinunasan ang mga luha ko. "Yun pala hindi sila ang totoong mga magulang ko, yun pala hindi ko sila kadugo, dahil ang mga totoo kong magulang nangulilala rin sakin na matagal na panahon.." tumingin ako sa mga magulang ko at nararamdaman ko ang galit nila. "Ang taong nag-aruga at nag-mahal sakin ng labing walong taon, pinahirapan at pinatay nila ng walang kalaban-laban, ang nag-iisang taong nag bigay ng pangalan ko, winakasan nila ang buhay sa isang iglap, ang taong nagparamdam sa akin ng totoong pamilya nagdusa rin sa mga kamay nila, ang taong nag-turo sakin kung paano mag-sulat, mag-basa at ang mga bagay bagay na dapat kong matutunan, binawian nila ng buhay.." kumuyom ang kamao ko at mariin ko ulit pinunasan ang mga luha ko tsaka ako tumingin kay Tatay Ronaldo at kay Tina na walang tigil ang pagluha mas lalong kumuyom ang mga kamao ko. "At ang taong naging kaibigan at karamay ko sa loob ng maraming taon, pinahirapan at pinagsamantalahan katulad ng ginawa nila akin, ang kaibigan kong nadamay dahil sa mga kawalang hiyaan nila ay nawalan ng isang ina.." Tumingala ako sa kisame at napangisi sa kanila. "Oras na ng paniningil, oras na para sila naman ang sirain ko, sisirain ko kung paano nila sinira ang buhay ko.." mariing sambit ko at pinaalis ko ang namumuong luha nanaman sa mga mata ko.. Oras na para sa hustisya, Oras na para wakasan ang kasamaan nila, Oras na para singilin ko sila sa lahat ng kasalanan nila, Oras na para masira ang dapat masira. Ang Hustisya ay dadating na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD