S H E E N A
"Mommy! Daddy!"
Sino sila? Sino ang dalawang taong to?
Napansin kong nakatingin sila sa akin kaya nagtaka ako.
"Kay ganda ng prinsesa ko" sabi ng isang lalaki na kasing edad ni dad.
Napakunot ang noo ko ng mapansing pisngi ko ang hinahaplos niya.
Bakit niya hinahaplos pisngi ko?
Bakit niya ako tinawag na anak?
Sino ba ang dalawang taong to?
Napatigil ako ng makita ang sarili ko sa salamin.
Ibang iba ang itsura ko sa salamin parang ibang tao ako sa lagay na ito.
Lumiit ang katawan ko na para bang isang batang na nasa limang taong gulang pa lamang.
Sino ang batang ito? Bakit nasa katawan niya ako?!
Hindi ito ang mukha ko! Bakit iba? Bakit hindi ko kamukha si Shanna?!
"Anak, hindi mo ba nagustuhan ang bistidang binili ko sayo?" Malungkot na saad ng isang babaeng hindi ko maaninag dahil malabo at hindi klaro ang mukha nilang dalawa.
"No.. I love it mommy!"
Kinagulat ko pang nagsalita rin ako at nakangiti.
Sino siya?!
Sino ang batang nasa salamin?!
Bakit ako nasa katawan niya?!
Napayuko ako at napatakip sa dalawa kong tenga.
"Sino kayo?! Bakit nasa katawan ako ng batang ito?! Hindi ako to! Hindiiii!" Umiiyak na sigaw ko habang nakapikit.
At sa pagdilat ko isang madilim na silid ang sumalubong sakin..
"Hindi ka magtatanda?! Ano ba ang batas Sheena?!"
Napatingin muli ako sa isang salamin at isang kawawang Sheena na ang nakikita ko.
Gamit na ang totoong katawan at mukha ko.
"Hindi mo ba ako mahal mama?" tanong ko sa kanya.
Imbis na tumigil sa paghampas sakin mas lalo siyang nagalit at pinaghahampas ako hanggang sa magsawa siya.
Bakit mama? Bakit mo nagagawa to sa sarili mong anak?
Awang awa nako sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang mga sugat at pasa ko na tinamo ko sa kanila.
Ang mga pasa at sugat na kahit kailan hindi na maghihilom pa.
Napasandal ako sa pader at niyuko ko ang ulo ko at umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa kusa na lang silang hihinto.
Napatingala ako at napapikit dahil sa sinag ng liwanag at napunta nanaman ako sa lugar na hindi ko alam kung saan.
"Sheena.."
Napalingon ako sa tumawag sakin at napaluha ako ng makita ko siya.
"Nanay Esme! Nanay Esme!" Tinakbo ko ang distansya ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
Natawa naman siya at hinaplos ang buhok ko..
"Kamusta ka Sheena?" Tanong ni Nanay Esme sakin.
Bumitaw nako sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Magiging maayos pa ba ako nay? Magiging maayos pa nga ba ang buhay ko? Ang buhay kung hindi ko alam kung saan tutungo. Ang buhay kong madilim at hindi alam kung may liwanag pa bang dadating.." Malungkot kong saad sa kanya at inihilig ko ang ulo ko sa kandungan niya na para bang naghahanap ako ng kalinga ng isang ina.
"Anak, wag kang magtiis sa dilim hanapin mo ang liwanag na magsisilbing pagasa mo anak, wag kang sumuko maraming naghihintay sayo.." Sambit niya at marahan niyang hinaplos ang buhok ko..
"Nay, kung sumama na lang kaya ako sayo? Hindi ko na kasi kaya eh.. Hanggang ngayon kasi dala dala ko parin ang bangungot ng nakaraan ko.." Naluluhang sambit ko sa kanya. Inangat niya ang muka ko at pinunasan ang mga luha kong walang katapusan.
"Sheena anak, hindi ka pa maaaring sumama sa'kin hindi pa tapos ang misyon mo sa buhay, hahanapin mo pa ang sarili mo.. Ang sarili mong kinuha sayo, magpakatatag ka anak makakamtam mo rin ang hustisyang nararapat sayo.." Marahang sambit niya sakin at nginitian ako atsaka niya ako hinalikan sa noo.
Sasagot pa lang sana ako ng makitang lumalabo na ang imahe ni Nanay Esme.
Kinusot ko ang mga mata ko pero ganon parin parang nawawala na ang imahe niya sa aking paningin.
"Nanay Esme? Wag mo'kong iiwan dito! Nanay!" Natatarantang sambit ko sa kanya at hinahabol siya pero hindi ko siya mahabol pa.
Nakangiti siya sakin habang unti unting nawawala ang imahe niya.
"Sheena anak, tatandaan mo ang sasabihin ko sayo.. Hindi ito ang buhay na para sayo, hindi ito ang buhay na nararapat sayo, hanapin mo ang iyong sarili.. Hanapin mo ang tunay na ikaw," Nakangiting sambit niya sakin bago tuluyang nawala ang imahe niya at bumalik ulit ako sa isang madilim na silid..
"Nanay Esme? Nanay Esme! Ayoko dito! Ayoko sa madilim!" umiiyak na sigaw ko pero walang ibang nakakarinig sakin kung hindi ako lang.
Kumakapa ako sa dilim hanggang sa mapapikit ulit ako ng mabuksan ang ilaw sa mismong pwesto ko..
Napatingin ulit ako sa salaming nasa harapan ko at may lumabas na mga imahe.
Imahe kung saan pinahirapan, sinasaktan at pinagsamantalahan ako.
Kung saan naririnig ko ang tawa ng pamilya ko.
Kung saan nakikita ko kung gaano sila kasaya na nahihirapan ako.
Napapailing na ako habang pinapanood ko ang aking sarili na pinapahirapan nila.
"T-Tama na! Ayoko na please! Tama na! Parang awa niyo na!" Sigaw ng imahe ko sa salamin.
Napatakip nako sa dalawa kong tenga at niyuko ang ulo dahil ayoko ng makita at mapanood ang mga naranasan ko.
"Itigil niyo na to! Ayoko na please! Ayoko na!" Sigaw ko habang nakatakip sa dalawa kong tenga.
"HABULIN NIYO! WAG NIYONG HAHAYAANG MAKATAKAS!"
Napamulat ako sa narinig kong sigaw ng kakambal ko.
Napatingin ako sa paligid at nasa isa akong gubat kung saan malapit ang mansyon namin.
Napatingin rin ako sa suot ko ng mapansin naka dress ako at punit punit ito at marami akong sugat sa katawan
"H-Hindi.." natatakot na sambit ko sa sarili.
Para akong bumalik nung gabing tumatakas ako,
"AYUN SIYA!"
Napalingon ako sa likuran ko at napalaki ang mga mata ko ng makitang hinahabol ako ng mga tauhan ni Shanna!
"H-Hindi!" sigaw ko sa kanila at mabilis akong tumakbo palabas ng gubat.
Kahit nagkanda sugat sugat na ang mga braso ko sa sanga ng puno wala akong pakialam basta hindi lang nila ako mahuli!
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa tabing kalsada.
Napatingala ako dahil sa wakas nakalabas na'ko sa gubat.
Nakakarinig ako ng kaluskos kaya napatakbo ako sa kabilang kalsada kung nasaan ang bangin.
"Ayoko nang bumalik don! Ayoko na!" Umiiyak na sambit ko habang tumatakbo ako sa gilid ng bangin..
Muntikan pakong mahulog mabuti na lang naibalanse ko ang katawan ko..
"At saan mo balak magpunta mahal kong kapatid?"
Natigilan ako at unti unti akong lumingon kung saan nakita ko si shanna na may hawak ng baril at nakangisi sakin.
"S-Shanna.. I-Itigil muna to.. T-Tama na p-please?" Pagmamakaawa ko sa kanya halos lumuhod nako para lang pakinggan niya ako.
"Shut up Sheena!" Sigaw niya sakin at tinutok niya ang baril niya sakin kaya napapikit nako at napayuko at nagdadasal na sana magbago pa ang isip niya.
"Wala ng magmamahal pa sayo Sheena! Isa kanang maduming babae na pinagpasa pasahan ng mga lalaki! Wala ng gugustuhing maging anak ka dahil wala na ang iyong dangal! HAHAHAHAH! Wala ng tatanggap pa sayo Sheena! Wala na!" Tumatawang sigaw ni Shanna sakin.
Napaluha na lang ako marahil tama siya.
Sino pa ba ang tatanggap sakin kung wala na yung dangal na pinaka iniingat ingatan ko?
Sino pa ba ang magmamahal sakin kung isa nakong maduming babae?
Tama siya..
Wala nang tatanggap at magmamahal pa sa'kin.
"Wala nang tatanggap sayo! Kaya dapat sayo ang mamamatay!" Sigaw ulit ni shanna.
Napangiti ako ng mapait at humarap ako sa bangin.
Napapikit ako at dinama ang malakas na hangin at malalakas na kidlat at kulog na unti unti ng pumapatak ang malalaking ulan sa mukha ko..
"Kung ito ang tamang paraan para mawala na ako, para mawala na ang sakit na nararamdaman ko, gagawin ko.. gagawin ko na ang nararapat na gawin ko.." Bulong ko sa sarili.
"P-Patawad N-Nanay E-Esme.. P-Patawad.." Kasabay ng pagsambit ko ang paghulog ko naman sa aking sarili sa bangin.
At naramdaman ko na lang ang tubig na binagsakan ko.
Napadilat ako at nakita kong palubog na ako ng palubog sa tubig.
"Hanggang dito kana lang sheena.." nakangiting sambit ko sa sarili at pumikit para madama ang malamig na tubig.
Pero napadilat rin ako ng may napansin akong liwanag na nagmumula sa taas.
At isang kamay ang humawak sa kamay ko at inangat ako mula sa tubig kung saan ako bumagsak.
Napaluha ako pero may galak.
Ito na ba ang liwanag ng aking pagasa?
Ang tinutukoy mo Nanay Esme?
Hindi ko pa ba oras?
Hindi pa ba ito ang oras para ako ay mahimlay habang buhay?
Ito naba ang oras para bumangon ako at lumaban muli?
Dumilat ako at naramdaman ko ang init na nagmumula sa hawak ng di ko mawari kung kanino.
'Maraming salamat Nanay Esme sa iyong mga paalala, Marahil hindi pa nga ito ang oras para magkasama tayo.. Aalalahin ko ang iyong mga sinabi na magpakatatag ako at hanapin ang aking sarili..' sambit ko sa aking isipan at muli akong pumikit na may ngiti saking mga labi.
-
Napamulat ako at kinapa ang buong katawan ko ng maramdamang buhay parin ako.
Napapikit na lang akong muli at napangiti.
Hindi ko na sasayangin ang binigay mo na pagkakataon para muli akong mabuhay ama. Isa kang dakilang ama na hindi mo hahayaan na hindi ako maging masaya.
Napatingin ako sa paligid ng malamang nagiisa lang ako.
Napatingin pako sa pagkain at may mensahe pang iniwan kaya marahan kong kinuha ito at binasa ang nilalaman.
'I hope na magising kana Sheena! Marami kaming naghihintay sayo! Isang taon kanang natutulog! Nasarapan ka naman ata! Haha! So ayon! I miss you Sis! Maghihintay kami sa paggising mo! - Tinalovesyou'
Napakunot ang noo ko sa nabasa kong sulat ni Tina, isang taon? isang taon akong walang malay at natulog?
Napaupo ako sa kama at sumandal ako sa headboard at napatingala na lang sa kisame.
Isang taon akong hindi nagkamalay?
Isang taon akong natulog
Anong nangyari sa loob ng isang taon?
Bakit ganon ako katagal natulog?
Ang huli kong natatandaan yung nabaril ako habang tumatakas kami ni Tina sa hospital. At nawalan ako ng malay sa labis na panghihina ko.
Ibig sabihin simula non hindi nako nagkamalay pa?
Kukunin ko sana ang kumot para ipangtakip sa katawan ko ng may makapa akong papel.
Napasilip ako at isang papel nga ang nakapa ko kaya kinuha ko ito at may nakalagay na 'Mahal kong Sheena..'
Binuklat ko ang nilalaman ng papel at isang mensahe mula kay Nanay Esme.
Medyo kupas na ang sulat marahil matagal na itong tinago ni Nanay Esme pero malinaw parin naman ang mga nakasulat.
Mahal kong Sheena,
Siguro kapag nabasa mo ito wala na ako.
Patawad sa lahat lahat.. sana kapag naalala mo na ang lahat mapatawad mo ang asawa ko ang tatay ronaldo mo.
Sheena..
Magandang pangalan para sa dilag na katulad mo, para kang ligaw na bulaklak na ihahalintulad sa buhay.
Tawagin nating..
'Life in Darkness'
Ang buhay ng punung puno ng pighati, sakit, poot at galit.
Ang buhay ng punung puno ng kadiliman na hindi alam kung saan ang liwanag.
Ang liwanag ng pag-asa.
Ngunit alam kong dadating sa buhay mo ang liwanag ng pag-asa.
Ang daan patungo sa totoong mundo.
Anak patawad kung iiwan ko na kayo ni Cristina.
Masakit pero kailangan tanggapin,
Hindi ko na kayang makitang nasasaktan, pinagmamalupitan ka na hindi naman dapat.
Kapag naging maayos ka na
Hanapin mo ang totoong ikaw
Hanapin mo ang sarili mo
Wag mong hayaan na makulong ka sa dilim na walang liwanag.
Maraming naghihintay sayo
Maraming naghihintay sa pagbabalik mo.
Mahal na mahal ka ni nanay kahit hindi ka man galing sa sinapupunan ko itinuring kita na para kong tunay na anak.
Hindi man natupad ang pangako na poprotektahan ka ni Tatay Ronaldo, tinupad ko naman yun para sa kanya.
Maging malakas,
Maging matapang ka para harapin ang buhay.
Bumangon ng may ngiti at walang bahid na kalungkutan,
Bumangon upang magpatuloy sa buhay.
Mahal na mahal ko kayo ni Cristina isa akong masayang ina dahil biniyayaan niya ako ng dalawang anak.
Babantayan ko kayo palagi,
Nandito lang ako sa tabi niyo at hindi aalis.
Wag mong isarado ang puso mo para sa ibang tao.
Hindi lahat ng tao gagawan ka ng masama.
I love you till my last breath,
Nagmamahal,
Nanay Esme
Napaluha ako sa sinulat ni nanay esme para sa akin.
Napayakap ako sa sulat niya at napapikit na lang.
'Life in Darkness..'
Kung saan ang buhay ay punung punong ng pasakit, dilim, pighati at poot.
Marahil tama siya doon maihahalintulad ang lahat ng pangyayari sa buhay ko.
Bumangon ako at inilipag ko sa kama ang sulat ni Nanay Esme at muli akong humarap sa salamin.
Hinubad ko ang damit ko at tanging underwear lang ang itinira ko.
Tinignan ko ang buong katawan ko at dahil isang taon na ang lumipas mula ng mawalan ako ng malay, gumaling na ang mga sugat at pasa ko sa katawan ngunit nagiwan ito ng peklat.
Ang mga peklat na naiwan sa katawan ko ang nagsisilbing nakaraan ko.
Ang nakaraan kung saan marami akong pinagdaanang hirap at pasakit.
Na habang buhay ko ng dala dala iyon.
Iyon ay bahagi ng aking nakaraan.
Narinig ko parang may nahulog kaya napatingin ako roon, isang gulat ang rumehistro sa kanyang mukha.
"Y-You're awake.." gulat na sambit niya.
Napangiti naman ako sa kanya at muli kong sinuot ang damit ko tsaka ako tuluyang humarap sa kanya.
"Nakakagulat bang gising na'ko?" nakangiting tanong ko sa kanya. At marahan akong umupo sa kama.
"Y-Yes.. N-No i mean.. Isang taon kang walang malay.." nagugulat parin na saad niya.
Natawa naman ako ng mahina sa kanya pero natigilan rin ako ng mapansin ang sarili ko.
Sa nagdaang maraming taon para ngayon lang ako muli tumawa at ngumiti.
Hindi ko mapigilang humanga sa sarili ko dahil buong akala ko hindi na ako muling makakatawa at makakangiti pa.
"May gusto ka bang kainin? Magpapahanda ako--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng hawakan ko ang kamay niya.
"M-Maraming salamat.. Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin Mr.Ezrael, hindi ko alam kung paano ako makakabayad sa lahat ng utang na loob ko sayo marahil tama si nanay esme na mahahanap ko rin ang liwanag at ikaw yon. Ikaw ang liwanag na magsisilbing pagasa ko.." Nakangiting sambit ko sa kanya at sumeryoso ang mukha niya, napaiwas naman ako ng tingin at tumayo atsaka ko binuksan ang kurtina ng silid kung nasan man ako ngayon.
"Ang liwanag kung saan hindi na ako muling babalik pa sa dilim.." sambit ko habang nakatingin ako sa labas ng glasswall ng kwarto.
"Nakahanda na ang plano ko para sa pamilya mo, ikaw na lang ang kulang at sisimulan ko na ang plano.." Seryosong saad niya sakin at natigilan ako atsaka ako humarap sa kanya.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.." Naiiling na sambit ko sa kanya at pinulot ko ang mag bubog ng baso at plato ng dala niya kanina at nasugatan ako atsaka ko pinagmasdan ang dugong dumadaloy sa daliri ko.
"Damn!"
At kinuha niya ang daliri ko at pinunasan ng panyo.
Nakatitig lang ako sa kanya.
"Why are you doing this to me? Hindi mo'ko kilala pero tinulungan mo ako, hindi mo ako kilala pero marami ka nang naitulong sa akin.." Wala sa sariling sambit ko sa kanya habang nakatitig ako sa kanya.
Natigilan naman siya at seryoso niya akong tinignan at inalalayang maupo sa kama.
"Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo?" Seryosong tanong niya sakin kaya napakagat ako sa labi at napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Kung maaari oo, gusto kong malaman kung anong klaseng tao ka, kung anong klaseng tao ang tumulong sakin.." marahang sambit ko sa kanya at napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Narinig ko naman ang buntong hininga niya at napaigtad ako ng hawakan ako sa kamay.
"Gusto mo bang malaman?" Tumango ako sa kanya.
At napahinga na lang siya ng malalim.
"Gusto kita.." natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"A-Ano?" Gulat na tanong ko sa kanya. Bumitaw naman siya sa kamay ko at napameywang sa harap ko.
"Yes. I like you, No i love you, nung niligtas kita na para bang gusto kitang alagaan at mahalin, gusto kong alagaan ang isang tulad mo hindi dahil sa awa, minahal kita kasi gusto pa kitang makilala.." Seryosong sambit niya sakin kaya natawa ako sa kanya.
Napatingin naman siya sakin at kumunot ang noo niya.
"S-Sir, imposible talaga yang sinasabi mo.. A-Ako? Mahal mo? Imposible.. Hindi mo ako maaaring mahalin-"
"Bakit hindi kita maaaring mahalin sheena? Bakit?!" putol niya sa sasabihin ko at napansin ko nagsisimula na siyang mairita sakin.
"S-Sir.. Hindi ako karapat dapat sayo.." marahang sambit ko sa kanya.
Umiling siya at napahilamos sa mukha bago tumingin sakin.
"Hindi mo pwedeng diktahan ang nararamdaman ko sayo! Walang pwedeng magsasabi sakin kung sino ang nararapat sakin!" Inis na sambit niya sakin.
Bumuntong hininga ako at napangiti na lang ng mapait sa kanya bago ako tumayo sa harap muli ng salamin.
Unti unti kong hinubad ang damit ko habang lumuluha ako sa harap ng salamin.
"Kaya mo pa bang mahalin ang isang katulad ko? Kaya mo pa bang mahalin ang isang maduming babaeng katulad ko? Kaya mo pa ba akong mahalin kung wala na ang dangal ko?" Lumuluhang tanong ko sa kanya. Kumunot lang ang noo niya sa tanong ko.
"Look at me! Look at my body! Kaya mo pa ba akong mahalin kung nilawayan na ako ng iba?! Sagutin mo ako! Kaya mo paba akong mahalin kung pinagsamantalahan ako?! Kaya mo pa bang mahalin ang isang maduming babaeng katulad ko?" Umiiyak na tanong ko sa kanya at bahagyang napailing.
"Tanggap ko na.. Tanggap kong wala ng magmamahal pa sa isang tulad ko.. Wala ng tatanggap sa isang maduming katulad ko! Naririnig mo?! Isa nakong maduming babae! Ang dumi dumi ko! Kaya hindi ako karapat-dapat na mahalin mo! Hindi ako ang karapat-dapat sayo!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya, pero imbis na pandirihan ako isang mainit na bisig ang sinalubong niya sakin.
"Nandito pa ako, nandito ako para mahalin at alagaan ka.. Tanggap kita, tanggap kita ng buong buo kaya sana tanggapin mo rin ang pagmamahal ko sayo.." bulong niya sakin at hinaplos niya ang buhok ko kaya napapikit ako at umiyak na lang.
Ang sarap pala kapag may nagpaparamdam sayo ng pagmamahal.
Ang sarap pala kapag may nagaalaga sayo.
Sa tanang buhay ko, si Nanay Esme at si tina lang ang nagparamdam sakin ng tunay na pagmamahal, ang tunay na pag-aalaga.
Imbis na mga magulang ko ang nagpaparamdam sakin non pero hindi, ibang tao pa.
Hindi ko na alam kung ano ang maaari kong gawin.
"Sheena.."
Napakurap ako galing sa pagkakatulala at naramdaman ko na lang may yumakap sakin..
"Tina.." Nangiting sambit ko sa pangalan niya at narinig ko na lang ang hikbi niya.
"Nang marinig ko ang balitang gising ka na napauwi agad ako para malaman kung totoo ba ang sinabi ni Sir Gaze at totoo ngang gising kana! Kay tagal kong naghintay na mag gising kana!" Umiiyak na sambit niya sakin.
Hinagod ko naman ang likuran niya at nakangiti kong pinunasan ang mga luha niya.
"Gising nako tina, wag ka ng umiyak hindi matutuwa si Nanay Esme" nakangiting sambit ko sa kanya, pinunasan naman niya ang mga luha niya.
"Galing kami ni itay kung saan ko pinalibing si nanay at pinakamusta kita sa kanya" nakangiting sambit niya at nawala ang ngiti ko.
"Sorry.." wala sa sariling sambit ko.
Natigilan naman siya at marahan na natawa.
"Para saan?"
Hinawakan ko siya sa kamay niya.
"Nadamay kayo ng dahil sakin, nang dahil sakin sana maayos pa ang buhay niyo at buhay pa sana si Nanay Esme.. Im sorry.." Nakayukong sambit ko sa kanya.
Umiling naman siya at nginitian ako.
"Ginawa lang ni nanay ang tama, hanggang sa huli itinago ka niya kahit buhay niya ang kapalit kaya wala kang kasalanan don, sa aming dalawa ni nanay mas ikaw ang nahirapan at saksi kami don kaya wag mong sisihin ang sarili mo.." Nakangiting sambit niya sakin at hinaplos ng bahagya ang pisngi ko.
"Oh siya! Nagkakadramahan tayo! Kumain kana ba? Ipagluluto kita ng paborito mo" nakangiting tumango ako sa kanya.
Malaki na rin ang pinagbago ng katawan at itsura ni Tina, na para bang mas nakikita ang tunay niyang ganda.
Akmang lalabas na siya ng mapansin naming nagmamadaling pumasok ang bunso ng mga Ezrael sa silid kung nasaan kami ni Tina.
"Aphro may problema ba?" Takang tanong ni tina pero ako kinakabahan na para bang nauulit nanaman ang pangyayari.
"Wag na wag kayong lalabas ng kwarto okay? Nandito ang mga karlos.." Tumingin sakin si Aphrodite na may halong pagaalala kaya ningitian ko lang siya.
"Nandito sila para pagusapan ang naudlot na kasal nila ni Sir Giovanni," sambit ko sa kanya tumango naman siya sakin.
"Yun ang unang hakba ni Kuya Vanni sa plano niya, ngayong gising kana, Ano bang plano mo?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Hindi ko alam, pero ng malaman kong nandito ang mga karlos..
Parang may namumuong init sa katawan ko na para bang may gustong lumabas.
Ewan ko, h-hindi ko din alam.
Ilang minuto na rin ang lumipas ng lumabas si Aphro at pinaalalahanan kami na wag munang lalabas ng silid.
"Wrong timing talaga yang mga karlos! Bahala sila mabaliw kakaisip kung buhay pa ba tayo o patay na!" Inis na sambit ni Tina sakin.
Hindi ko siya sinagot at kumuha na lang ng balabal at sinuot ko sa ulo ko tsaka ako marahan na lumabas.
"Uy Sheena, bumalik ka dito!" mahinang sambit ni Tina sakin nginitian ko lang siya at sinenyasan na wag ng lalabas.
Marahan akong naglakad palapit sa hagdan yung tipong hindi nila ako nakikita.
Sumilip ako at napansin ko si Shanna na nakayapos kay Giovanni at mga magulang ko kay gaganda ng ngiti.
Kumuyom ang kamao ko at namumuo nanaman ang mga luha ko.
Kay sasaya niyo ng malaman niyong patay na ako?
Yun ang gusto niyo noon pa, ang mamamatay ako.
Ang mawala na ako sa landas niyo!
Ang mawala na ako ng tuluyan sa buhay niyo!
Mariin kong pinunasan ang mga luha ko at mariin ko silang pinapanood na masayang masaya.
Magiging masaya pa kaya kayo kung unti unti kong pinaparamdam sainyo lahat ng pinaranas niyo sakin?
Hindi na ako mananahimik pa!
Hindi na ako matatakot pa!
Kailangan ko nang umaban para sa sarili ko at para sa mga taong sinaktan nila!
Hindi naako magpapaapi pa!
Kailangan ko ng makamit ang hustisyang nararapat sa amin!
Mariin kong pinunasan ang mga luha ko at tumalikod nako.
Hinding hindi na nila ako masasaktan pa at papahirapan.
Lalaban na ako kung kinakailangan.