S H A N N A
"Girl! Kinikilig ako! Bukas na ang engagement party niyo!" Kinikilig na sambit ng kaibigan ko.
Napangisi lang ako.
Yes! Im so excited!
Mapapasakin na rin si Gaze pati na ang kayamanan niya! Gad!
Sa tagal namin wala pang nangyayari samin! Para siya pa 'tong umiiwas sakin! Hmp!
Pero, konting tiis Shanna malapit na rin kayong ikasal. Wala na ring hahadlang sa kasalan na magaganap.
Wala na rin kaming pino-problema
Dahil ang mga taong problema namin inuuod na sa lupa! Hahaha!
Bakit ba kasi inampon ampon pa ni mom si Sheena?
At pinalitan pa niya ng mukha na katulad sakin tch. But No!
We're not twins!
Wala akong kambal na kadiri! Iww,
Gusto lang naman talaga maghiganti nila mom and dad sa mga imperial! Tsk.
Masyado silang harang sa buhay namin, kaya ginawa nila mom and dad ang lahat para mag-hirap ang mga imperial pero si Harry ang totoong problema namin.
Kinakabahan kami na baka may nalalaman na siya sa mga ginagawa namin.
Masisira lahat ng plano namin!
Kaya dapat sa kanya pinapatay!
Pero ni isa sa mga tauhan namin hindi manlang siya magalusan!
Nakakainis! Baka dahil sa pamilyang 'yon hindi matuloy kasal namin ni Gaze!
Hindi ako papayag!
Ako lang dapat ang pakakasalan niya, wala ng iba.
Kaya nga lahat ng lumalapit noon kay Gaze pinapahirapan ko o tinatakot kaya walang ibang babae ang nakakalapit kay Gaze!
Maliban sa kapatid niya.
Napairap ako ng maisip si aphrodite!
Ewan ko kung bakit inis na inis ako sa babaeng 'yon, alam ko namang ayaw niya sakin, alam ko namang ayaw niya ako para kay gaze pero sorry siya, dahil ako ang gustong pakasalan ni Gaze.
Kung pwede nga lang alisin na siya sa landas namin gagawin ko, pero isa pa 'yon hindi ko manlang matakot-takot!
Mga walang silbi pa yung mga tauhan ko! Tsk.
"Hoy bruha! Kanina pa kita tinatawag!" Natatawang saad ni gely.
Bakit nga ba naging kaibigan ko 'to? Tsk.
Walang akong kaibigan na cheap! At golddigger!
Yeah! Feeling rich kasi kahit ang totoo bankrupt na pamilya niya tsk.
"Wha is it b***h?" Walang ganang tanong ko sa kanya at sumipsip na lang sa frappe ko.
"Nakahanda na ba ang susuotin mo? Im sure ikaw ang titignan don!" Kinikilig na sambit niya.
Napairap naman ako sa kanya.
Isa pa ang ayoko sa kanya, isa siyang boba Tsk.
Malamang ako ang magiging asawa ng isa sa mga pinaka mayaman!
Syempre sakin sila nakatingin! Tsk.
"Buti pinaalala mo. Akala ko boba ka pa rin" nakangising sambit ko sa kanya at tumayo nako.
Pupuntahan ko yung botique na mamahalin, ang gaganda ng mga dress at gown nila!
Pasok sakin syempre gusto ko ako ang titingalain sa engagement party namin.
"Good evening po Ma'am," bati sakin ng sales lady.
Inirapan ko lang siya at bahagyang tinulak para makapasok sa loob kasunod ko ang boba kong kaibigan.
"Mam kayo po ba si Miss Shanna Karlos?"
Napalingon ako sa sales lady kaya tumango ako sa kanya.
"May pinahanda po si Sir Gaze ng susuotin niyo para ho bukas" magalang na sambit niya sakin at may inabot na isang malaking box.
Napangiti naman ako at inabot ko sa kanya.
He's so sweet!
He really loves me that much huh? Gosh!
"Thank you" nakangiting pasasalamat ko sa sales lady.
Yumuko naman siya at umalis na sa harap ko.
"Girl! Sukat mo dali! Im sure maganda yan!" Sambit ni gely.
Matalim ko siyang tinignan kaya natahimik siya! boba!
Malamang maganda at sobrang mahal nito!
Ang magiging asawa ko ang bumili nito para sakin tsk.
Hindi na nga maganda! Boba pa! Tsk.
Pero tama nga naman siya isusukat ko, ako lang dapat ang magiging maganda bukas.
Ako lang.
Pumasok na ako sa fitting room, at excited kong hinubad ang dress na suot ko at sinukat ko na ang gown na binili ni Gaze para sakin.
Nangingiti kong tinignan sa salamin ang gown! Sukat na sukat sakin!
Gosh! He know my size! I love it!
Habang nakangiti kong tinitignan ang sinukat kong gown sa salamin biglang may hangin na pumasok sa fitting room!
Oh fvck?
What the hell is going on?
Imposibleng may hangin na papasok dito, dahil mall 'to.
Napalingon pa ako sa likuran ko pero hindi naman ang bobang Gely ang gumawa non!
Gosh! Tumindig ang mga balahibo ko!
Paglingon ko ulit sa salamin bigla akong napaatras at nanlalaki ang mga mata ko sa taong nakatayo sa likuran ko,
H-Hindi..
P-Patay na siya hindk ba?
"S-Sheena?" Patanong na banggit ko sa pangalan niya.
No! She's dead!
"Hmm~ Masaya ka na ba Shanna? Na patay na ako sa paningin mo?" Nakangiting tanong niya sakin.
Lumingon ako sa kanya at napaatras ako, hanggang sa bumangga ako sa salamin.
"Bakit parang nakakita ka ng multo Shanna? Hindi ka ba masaya na makita ang kakambal mo?" Nakangiting tanong niya ulit sakin.
Napailing ako sa kanya at napahawak ako ng mahigpit sa gown ko.
"Bakit? Minumulto ka na ba ng nakaraan?"
Napapikit ako at napailing ng sunod sunod!
Hindi ka totoo!
"Tumigil ka! Patay ka na! Tumigil ka!" sigaw ko sa kanya habang nakaharang ang mga kamay ko para hindi siya tuluyang makalapit sakin.
"Pinatay niyo ako, nakakalimutan mo na ba?"
Napatingala ako sa kanya at nakita ko ang panlilisik ng mga mata niya.
"Magbabayad kayo sa ginawa niyo sakin.." galit na galit na sambit niya.
Umiling ako sa kanya at matapang ko siyang hinarap!
"Patay ka na! Stop this bullshit! Inuuod ka na sa lupa!" Sigaw ko sa kanya, pero tumawa lang siya na parang umeecho ang tawa niya sa pandinig ko kaya napatakip ako sa dalawa kong tenga.
"Stop this s**t! Damn you b***h! Patay ka na nanggugulo ka pa!" Nakapikit na sigaw ko sa kanya.
"Pagbabayarin ko kayong lahat, magsasama-sama tayong mapupunta sa impyerno.."
"Stop! Arrrggh! Damn you b***h! You are dead! I will send you to hell b***h!" Sigaw ko habang nakatakipa ang dalawa kong tenga at nakapikit.
She's dead!
Arrgg! Damn you Sheena! Damn you!
"Shanna?"
"Lumayo ka sakin!"
"SHANNA!"
Napadilat ako bigla at napatingin ako sa paligid ko,
Walang akong Sheena na nakita, kung hindi mukha ng bobang si Gely.
"Kanina pa kita sinisigawan pero nakatulala ka lang! At paulit ulit mong sinasabing patay ka na! Sino ang patay na?" Nagaalalang tanong niya sakin.
Napakapit ako sa kanya at umiling lang.
Inalalayan naman niya akong tumayo at pinulot niya ang dress ko na nakakalat sa sahig.
"Ma'am shanna? Ayos lang po kayo? Nang marinig ko po ang sigaw niyo nagpapunta po agad ako ng medic dito," nagaalalang saad ng sales lady sakin.
Napahinga ako ng malalim at nagpilit na ngumiti lang sa kanila.
"Ayos lang ako, magbibihis lang ako" nakangiting sambit ko sa kanila kaya tumango sila at umalis na rin kalaunan at naiwan lang si gely na nagaalala parin sakin.
Sinarado ko na ang pintuan ng fitting room at napahawak ako sa ulo ko tsaka ako napahinga ng malalim.
It was my imagination,
Right! Sheena is dead! At ang patay na hindi na nabubuhay pa!
You are being paranoid Shanna!
Nagbihis na ako ng dress ko at niligpit ko na ang gown sa box atsaka ako lumabas na ng fitting room.
"Ayos ka na ba talaga?" Tanong muli ni Gely sakin.
Tinanguan ko siya at napahagod sa buhok at sabay kaming lumabas ng botique.
Yes.
Imagination ko lang yung kanina, kung ano-ano kasi ang nasa isip ko! Fvck.
Damn her!
That b***h is dead!
"Kumain muna kaya tayo bago tayo umuwi, What do you think b***h?"
Napahawak ako sa ulo ko ng maramdamang sumasakit ito.
Hindi ko na marinig ang boses ni gely,
Napansin ko na lang nakatayo ako sa gitna ng maraming tao, at parang bumabagal ang daloy ng paligid ko.
Fvck! Whats going on here?!
Damn this fvcking head!
Inikot ko ang paningin ko at nahinto lang ako sa isang tao nakatayo rin sa gitna ng maraming tao,
Halos ilang metro lang ang layo niya sakin.
"S-Sino k-ka?" tanong ko sa kanya.
Narinig ko naman ang tawa niya at inangat niya ang belong suot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"H-Hindi ka totoo.. H-Hindi! Patay ka na!" nanginginig na sambit ko sa kanya.
At napaatras ako pero napahawak din ako sa ulo ko ng maramdamang parang binibiyak ito.
"Wag kang lalapit!" Sigaw ko ng makitang lumalapit siya sakin.
Natumba na ako at napaatras ako habang nakaupo sa tangkang paglapit niya sakin.
"Hindi ka ba masaya na makita ang kalahati ng buhay mo Shanna? Ang kakambal mo?" nakangiting ngunit malungkot na tanong niya sakin.
Napailing ako sa kanya.
"Wala akong kakambal! Hindi tayo magkakambal! Wala akong kakambal na kagaya mo!" Malakas na sigaw ko sa kanya, pero tumawa lang siya kaya halos magdugo na ang dalawa kong tenga sa tinis ng tawa niya na umeecho sa pandinig ko.
"Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa niyo sakin.."
Napahawak ako sa ulo ako at bahagya kong sinabunutan ito,
"Tumigil ka na! Patay ka na! Matagal ka ng patay! Damn you b***h!"
"Magbabayad kayo!" (Boses 'to na nanggagaling sa isip ni Shanna)
"Enough!"
"Magbabayad kayo! Pagbabayarin ko kayo!"
"TUMIGIL KANA!" malakas na sigaw ko at napatigil ako ng mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao at pinagbubulungan.
Unti-unti akong tumayo at kinuha ang box at ang bag ko.
Napatingin ako sa paligid at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko nanaman siya.
Kaya tumakbo ako ng tumakbo pero palapit parin siya ng palapit sakin,
"Lumayo ka! Aaahh! Lumayo ka!" sigaw ko habang tumatako.
May mga nakakabanggaan na ako pero hindi ko sila pinansin mas lalo akong binilisan ang pagtakbo ko.
"Magbabayad kayo"
"Layoooo! Waahh!! Lumayo ka!!" sigaw ko habang tumatakbo ng mabilis, pero bigla na lang akong natumba nang mabangga ako sa dibdib ng isang tao.
"Babe?"
Napatingala ako at nakahinga ako ng maluwag kaya napayakap agad ako kay Gaze.
"B-Babe.." takot na tawag ko sa kanya.
"Bakit ka tumatakbo? May tinatakbuhan kaba?" mahinahong tanong niya sakin.
Umiling ako sa kanya at sumiksik ako sa dibdib niya.
Ngayon lang ako natakot ng ganito,
Ngayon lang ako nakaramdam ng kilabot sa buong buhay ko..
That b***h!
"Shanna! Bakit ka tumakbo?!"
Napalingon ako kay gely na hinihingal sa pagtakbo siguro hinabol niya ako.
"Jusko bruha ka! Iniwan mo ako do'n!" hinihingal na saad niya at natigilan siya ng makita si Gaze kaya napakamot siya sa ulo.
"Ikaw pala Gaze.." bati niya kay gaze pero hindi ko siya pinansin niyakap ko lang si gaze, pero kinalas ni gaze ang yakap ko sa kanya at hinawakan ako sa dalawa kong braso.
"Umuwi na kayo. Magpahinga ka na" sambit niya at nilingon si Gely.
"Iuwi muna siya hindi maganda pakiramdam niya" sambit niya kay Gely na tinanguan lang siya nito.
"Ako susundo sayo bukas," nakangiting sambit niya sakin at hinalikan ako sa noo kaya napabuntong hininga na lang ako at nagpaakay na lang kay Gely palabas ng mall.
"Ako na magdadrive. Jusko ang haggard mo girl! Nakakahiya sa mapapangasawa mo!" Inis na sambit ni gely at inistart na niya ang kotse at matiwasay naman kaming nakaalis ng mall.
Napakuyom ako ng kamao ng maalala ko si Sheena..
Patay na siya!
Kaya dapat hindi ako matakot sa kanya!
Tama, patay na si sheena. Patay na ang babaeng yon!
Masyado lang akong paranoid!
Calm yourself Shanna!
-
S H E E N A
Nakangisi lang akong habang pinapanood ko ang pagtakbo ni Shanna na parang nababaliw.
Napailing ako at natawa.
Hindi ko akalain na may kahinaan din pala siya.
Hindi pa ako naguumpisa pero parang maiihi na siya sa takot.
Hindi ko pa nasisimulan ang plano pero parang takot na takot na siya.
Yun lang naman ang gusto ko..
Ang makita ang takot sa mga mata nila kapag nalaman nilang buhay pa ang inaakalang patay na.
Buhay parin ang Sheena sa katauhan ni Eleanor.
Hindi ko papalitan ang pangalan ko, kung si nanay esme ang nagpangalan sakin nito.
Ito ang gagamitin ko pati ang mukhang 'to para ipa-mukha sa kanila ang nakaraan na hinding hindi na nila matatakasan.
Ang nakaraan kung saan nandon pa rin ako at hindi makalabas.
Ang nakaraan kung saan gugunaw ng sinasabing mundo nila.
Akala siguro ng mga karlos hindi malalaman ng pamilya ko ang ginagawang pananakot nila.. Tsk.
Kahit na kailan hindi sila uubra sa isang Imperial.
Babawiin ko ang buhay na kinuha nila sa'akin.
Ipaparamdam ko sa kanila kung ano ang pinaramdam nila sakin noon.
Ipaparamdam ko sa kanila kung paano maghiganti ang isang Sheena Eleanor Imperial.
"Hey,"
Naramdaman ko na lang may yumakap sakin kaya napangiti ako.
"Where are they?" tanong ko sa kanya.
Ngumisi naman siya.
"Pinauwi ko na. Mukang success ang plano mong baliwin siya, dahil takot na takot siya nang mabangga niya ako" nakangising saad niya sakin kaya natawa ako sa kanya.
"Yung frappe na ininom niya na nilagyan ko ng gamot para mag halluscinate siya" natatawang saad ko sa kanya at kinindatan.
"You're smart" namamanghang saad niya.
Inirapan ko naman siya at pabiro ko siyang hinampas.
"Hindi noh. Sinunod ko lang ang sinabi ni aphrodite sakin kanina" nakangusong saad ko.
Napabuntong hininga naman siya.
"Wag kang makikinig sa little brat na 'yon. Baka anong matutunan mo" napapailing na saad niya at inlalayan akong makapasok sa loob ng kotse.
"Huh? Eh sabi niya tutulungan niya ako basta sasabihin ko daw sa kanya ang mga ginagawa ni kuya" kunot noong sambit ko sa kanya.
Natawa naman siya at hinalikan ako sa noo bago niya sinarado ang pintuan ng kotse at sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa kotse.
"That brat.." buntong hiningang saad niya at pinaharurot na niya ang kotse palayo sa mall.
"What is your plan again love?" tanong niya sakin.
Napakamot naman ako sa ulo at napanguso na lang.
"Maghiganti. Yun naman ang plano ko. Bawiin ang dapat bawiin" nakangusong sambit ko sa kanya.
Natawa naman siya.
"You're innocent!" natatawang sambit niya. Napairap naman ako sa kanya.
"Siguro nga inosente ako pagdating sa ganito. Ngayon lang ako nakalabas sa totoong mundo Vanni. Hindi ko alam kung paano magsisimula, kung sapat na ba yung ginawa ko kanina" sambit ko sa kanya at napatingin na lang ako sa bintana ng kotse niya.
"Im here, para gabayan ka. Nandito kaming lahat para makinig sa gagawin mo. Kung anong plano yun din ang gagawin namin"
Lumingon ako sa kanya at ngumiti ako.
"Ang plano ko, ang mabulok silang lahat sa impyerno.."
Ngumisi ako sa kanya at napatingin na lang ulit sa bintana.
Babaliwin ko sila hanggang sila na mismo ang sumuko sakin.
Kung anong ginawa nila sakin yun din ang gagawin ko sa kanila.