DARKNESS - 12

3001 Words
Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sakin ang puro puti ang paligid. Nasan ako? Napapikit agad ako ng maalala ko ang ginawa ko. Ang pagbibigti ko, patay na ba talaga ako? O isa nanaman itong mag-sisilbing impyerno para sa'kin? Makakalimot na ba ako sa nakaraan? Paano sina tina at nanay esme? Tama na talaga ang ginawa ko? Hindi ba kasalanan ang ginawa ko? Diosko patawad po! Patawad kung gano ko kagusto na magpatiwakal! Gusto ko lang na makalaya sa impyerno na dulot sakin ng pamilya ko. Gusto ko lang malimutan lahat ng sakit na dinulot nito sa pagkatao ko. Mapapatawad niyo pa ba ako? Masama na ho ba akong tao para maisip na magpakamatay sa kabila ng pinagdadaanan ko? Napaluha na lang ako nang maalala ko ang sakit sa mga mata ni tina nang makita niyang nag-bigti ako. Kitang kita at ramdam na ramdam ko ang pighati niya sa ginawa ko. Patawad! Patawad dahil hindi ko na kayang mabuhay pa dahil sa mga naranasan ko.. Patawad kung naiwanan ko kayo ni nanay esme kayo ang dahilan kung bakit nabuhay pa ako sa loob ng dalawampu't tatlong taon. Kayong dahilan kung bakit nagtiis ako sa pananakit sakin ng sarili kong pamilya, Im sorry kung mauuna nako sainyo.. Hindi ko na kasi kaya eh. Habang nabubuhay ako ng matagal mas lalo ko lang naaalala ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Sana tanggapin niyo ang naging desisyon ko. "Mabuti na lang nagising kana," Napahinto ako at bigla na lang nanginig ang mga kalamnan ko dahil narinig ko ulit ang boses niya. "S-Shanna?" Gulat at may halong takot ang naramdaman kong nakatayo siya sa harapan ko at nakangisi sakin. P-Paanong? Hindi ba patay na'ko? A-Anong ginagawa niya rito? Bakit nakikita ko parin siya? "Bat hindi ka pa natuluyan?" "M-Mom?" Bakit? Bakit nandito sila? Bakit nakikita ko nanaman sila? "Dapat namatay ka na ng tuluyan.." D-Dad! Nanginginig at nalilito ang nararamdaman ko habang nakatayo sila sa harapan ko. "Mukang mahal ka ni kamatayan ilang beses muna bang pinagtangkaan na patayin ang sarili mo pero heto ka't buhay na buhay parin" Nakangising saad ni shanna sakin. Napasiksik ako sa kama, A-ano nanaman 'to? Isa ba itong ilusyon? Please.. Tama na! Ayoko na! "Bakit hindi natin madaliin ang pagkamatay mo?" segunda naman ni mom na may malawak na ngisi. "O 'di kaya kami mismo ang pumatay sayo?" Lumapit sila sakin pero lumayo ako.. H-Hindi.. H-Hindi nila ako mahahawakan! "Hindi ba gusto mo ng mamatay? Bat hindi pa natin gawin ngayon?" H-Hindi! Tumigil na kayo! Parang awa niyo na! Patahimikin niyo na'ko! "Wala ng magmamahal pa sayo.." Napapikit ako at napatakip ako sa dalawa kong tenga Hindi sila totoo! Tama! Isa lang itong ilusyon! "Wala ng magmamahal pa sayo.." "Wala ng magmamahal pa sayo.." "Wala ng magmamahal pa sayo.." Mas lalo kong tinakpan ang mga tenga ko at mariin akong pumikit.. "T-Tumigil n-na kayo! Tama na!" "Wala ng magmamahal pa sayo.." "Aaaaahhh! Ayoko na! Tama na! Tama na!" "Wala ng magmamahal pa sayo.." "TUMIGIL NA KAYO! HINDI KAYO TOTOO! TIGILAN NIYO NAKO!" "Paalam Sheena.." - "TIGILAN NIYO NA'KO!" Napabalikwas ako ng bangon at napatingin ako sa paligid Nasa isa akong hospital. Maluha luha kong tinanggal ang nakakabit sakin at mabilis akong umalis sa kinahihigaan ko at nagmadali akong lumabas ng silid. "Wala ng magmamahal pa sayo.." Hindi! "Paalam sheena.." Tumakbo lang ako ng tumakbo palayo sa impyerno. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta ang gusto ko lang makalayo sa kanila! "Mamamatay ka sheena" "Tumigil na kayo! Hindi kayo totoo!" Umiiyak na sambit ko habang tumatakbo. Napunta ako sa rooftop ng hospital at agad akong tumungtong sa isang kahoy at napasigaw ng malakas. "AAAAAAAHHH! ANONG NAGAWA KO?! PARA PAHIRAPAN NIYO'KO NG GANITO?! BAKIT BUHAY PA RIN AKO?! AAAAAAHHHH!" sigaw lang ako ng sigaw habang humagulgol ng iyak. "MASAMA BA AKONG TAO?! MASAMA BA AKO PARA DANASIN KO LAHAT NG ITO?! BAKIT?! BAKIT KAILANGAN AKO PA?! BAKIT 'DI NIYO PA AKO TINULUYAN?!" Napatakip na lang ako sa mukha ko at mas lalong humagulgol ng iyak. Bumalik sa mga alaala ko mula pagkabata ko hanggang ngayon. Yung pasakit.. Yung pighati.. At yung poot.. Bakit? Bakit kailangan ako pa? May nagawa ba ako para masaktan at mahirapan? Galit ako! Oo Galit na galit ako sa sarili ko dahil mahina parin ako dahil hindi ko pa rin kayang lumaban! Galit ako! Galit na galit ako sa mga taong gumawa sakin ng lahat ng ito! My family.. Ano bang nagawa ko para ganituhin nila ako? Anong nagawa ko para pahirapan nila ako? Ang tanging gusto ko lang mahalin nila ako bilang kapamilya at bilang anak pero hindi natupad 'yon! Imbis na mahalin ako mas pinili nila akong saktan at pahirapan, mas pinili nila na magdusa ako sa sariling mga kamay nila. Hirap na hirap na'ko! Hindi ko na kaya! Why am I suffering like this? Do i deserve this? Napatingala ako at napapikit habang dinadamdam ang malakas na hangin mula dito sa rooftop. Naalala ko yung mga taong tumulong sa'kin. Naalala ko kung paano sila nahirapan sa pag-aalaga at pag-babantay sa'kin. Malaki rin pasasalamat ko sa kanila na tinulungan nila ako pero ayoko na silang madamay pa. Kayang kaya silang balikan ng pamilya ko. Ayoko ng may mga tao pang magdusa dahil lang sa'kin. Pinunasan ko ang mga luha ko at napatingin sa ibaba ng hospital. Siguro naman dito pwede nakong matahimik at matuluyan.. Gusto ko na kasing magpahinga, pagod na pagod na kasi ako. Can i sleep now? "Pag tumalon ka ba? Matatahimik kana?" Natigilan ako at nanlalaki ang mga matang nilingon ko siya. "S-Sino ka? W-Wala kang alam" sambit ko sa kanya. Imbis na magalit siya nginitian lang niya ako. "Siguro nga wala akong alam sa pinagdadaanan mo pero naiintindihan ko ang nararamdaman mo," nakangiting sambit niya sakin at napatingin siya sa malayo. "Nakita kitang tumatakbo na para bang takot na takot.." Ngumiti siya at nilingon ako. "Sinundan kita kasi nakikita ko ang sarili ko sa'yo, nakikita ko ang dating ako sa'yo.." Nilahad niya ang kamay niya sakin kaya taka lang akong tumingin sa kanya. "Hindi solusyon ang pagpapakamatay para matakasan lahat ng nangyari sa'yo.." Kinuha niya ang kamay ko at marahan niya akong hinila palayo sa grills kung saan balak kong tumalon. Napansin kong malaki na ang tiyan niya. "Buntis ako 5 months hehe.. Nandito kami para magpacheck-up pero dahil nakita kita, sinundan kita" nginitian niya ako at inaya niya akong maupo sa may mga kahoy. "S-Sino k-ka?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin. "Sierra Villaluna-Delafuerte.." Nilahad niya ang kamay niya sakin kaya tinanggap ko yun. "Sheena.. Sheena Karlos.." Pagkabanggit ko sa apilyido ko. Gulat ang namutawi sa kanya. "You mean.." Tumango ako sa kanya at mapait akong ngumiti sa kanya. "Now I know because of your family right?" Hindi ako sumagot sa kanya kaya natawa siya. "Wag kang mahiyang magkwento sakin. Makikinig ako" nakangiting sambit niya sakin. Napayuko ako at napaiyak nanaman. Hindi ko alam kung tama bang mag-kwento ako sa kaniya.. "I have a family.." Panimula ko sa kanya at napatingin ako sa malayo. "Meron akong pamilya pero hindi nila akong itinuring na pamilya. Tingin nila sakin ay parang isang basura.." Napakagat ako sa labi at napatingala para pigilan ang mga luha ko. "I have a twin pero para niya akong itinuturing na isang kaaway, mula pagkabata ko, nararamdaman kong hindi nila ako mahal. Ni hindi ko naranasan na mayakap at mahalikan nila dahil isa akong nakakadiri sa paningin nila.." Pinunasan ko ang mga luha ko. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ako sa kamay kaya mas lalo akong napaiyak. "Ni hindi ko naranasan na turuan nila ng mga bagay-bagay, Ni hindi ko naranasan ang pagmamahal nila, palagi nila akong sinasaktan, at pinapahirapan.." Mapait akong napangiti sa kanya at napaiwas ng tingin. "Ramdam kong hindi nila talaga akong itinuring na anak at kakambal. Hindi ba pamilya ko sila pero bakit nila ako ginganito? May magulang bang pinapahirapan ang anak nila? May mga magulang ba na kayang saktan ang anak nila?" Tanong ko sa kanya at nakita kong naluluha din siya kaya napahinga ako ng malalim. "Pero hindi ako nawalan ng pag-asa, dahil may isang taong nag-alaga sakin at nag-turo sakin ng mga dapat kong matutunan, sila ang nagsilbing pamilya ko nung mabuhay ako dito sa mundo. Hindi ko naranasan na masilayan ang mundong magulo at makulay, ni hindi ko naranasan na magkaroon ng kaibigan maliban kay Tina, ni hindi ko naranasang lumabas ng mansion.." Huminga ako ng malalim at hinawakan ko din siya sa kamay niya. "Ni hindi ko naranasan na ipakilala ako bilang anak ng magulang ko at bilang kambal ng kapatid ko. Palagi lang akong nakatago sa anino ng kakambal ko.." Mapait akong napangiti sa kanya. "I'm living in the darkness na nakakulong parin ako hanggang ngayon sa impyerno, ilang beses ko ng tinangkang magpakamatay pero walang nangyayari parang mas pinipili niya na mas lalo akong pahirapan. Why am I suffering like this? Do i deserve this?" Umiling sakin si ate sierra at hinawakan ako sa kamay. "No. You don't deserve this. No one deserve this. Isa lang tong pagsubok na malalampasan mo. Isang problema na masusulusyunan mo.." Hinaplos niya ang pisngi ko na di ko namalayan na punung puno na ng luha. "Kung ganon.. Bakit ako? bakit ako ang kailangan mag-dusa ng ganito? May nagawa ba akong kasalanan? Ang tangi ko lang namang gusto mahalin nila ako, tanggapin nila ako bilang pamilya nila yun lang ang tanging gusto ko pero pinagkakait pa sa'kin.." Naluluha nanamang sambit ko sa kanya. "Dahil alam niyang malalagpasan mo ito. Hindi solusyon ang kitilin ang buhay para lang tumakas sa nakaraan. Hindi yung palagi ka na lang tumatakb, kapag ba namatay ka may magbabago ba? Mamahalin ka na ba nila?" Natigilan ako at hindi nakasagot, She's right. Kung mamamatay ba ako? Tatanggapin na ba nila ako O mamahalin? "Alam mo bang parehas tayo ng naranasan?" Napalingon ako sa kanya at tumango siya sakin. "Ang pinagkaiba lang nating dalawa, mahal namin ang isa't-isa ng kakambal ko, ang kakambal kong naging karamay ko sa lahat.." Napatingin siya sa malayo at napangiti. "Pero ang mga magulang ko, ni minsan hindi nila ako tinignan bilang ako, bilang anak. Ang tingin nila sakin ay isang gamit na pwede nilang paikutin sa mga kamay nila.." "Pero ang totoo, napaikot kaming lahat sa isang taong pinagkatiwalaan namin.." Ngumiti siya sakin. "Namatay ang kakambal kong karamay ko sa lahat. Namatay siya dahil sa pagsasakripisyo at dahil sa pagpoprotekta niya sakin. Akala ko katapusan ko na rin nung mga panahon na 'yon, dahil hindi ko kayang mawala ang kalahati ng buhay ko.." Nalungkot ako sa nangyari sa kanila Tama siya, hindi nga nalalayo ang mga pinagdaanan niya sa pinagdaanan ko pero mas maswerte lang talaga siya sa akin. "Naging maayos din ako paglipas ng maraming taon kahit masakit parin sakin pinilit kong maging maayos at maging masaya. Then he came, my husband," Ang swerte niya dahil may makakaramay siya pero ako wala, tama si Shanna wala ng magmamahal pa sa'kin. Isa na akong uri ng mga ibang babae na niyurakan ang pagkatao ko. Yeah, this is my life.. "We were so happy back then pero lahat ng saya napawi sa isang iglap. Bumalik ang babaeng mahal ng asawa ko and worst may anak na sila, pinilit kong maging okay sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Akala ko kasi magiging masaya na'ko kasama ang asawa ko, akala ko mahal na niya ako ngunit hindi pala. Tama sila nakakamatay ang maling akala.." Natawa siya at tumingin sa malayo na para bang kahapon lang na nangyari yon sa kanila. "Nag-punta ang asawa ko sa italy para daw sa isang business pero ang totoo gusto lang niyang makita ang babaeng mahal niya at ang anak nila pero pinilit kong ngumiti sa kan'ya na parang wala akong alam, pinag mukha kong tanga ang sarili ko dahil alam ko do'n siya masaya mas pinili ko siyang maging masaya kaysa sa amin ng magiging kambal niya.." biglang nawala ang ngiti niya. "Umalis ako sa bahay namin ng asawa ko dahil alam kong hindi na niya ako magiging kailangan pa.." "Umuwi ako sa amin dahil alam ko sila lang matatakbuhan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, pero alam mo kung ano ang masakit?" Nilingon niya ako at napansin kong nangingilid ang mga luha niya kaya hinawakan ko siya sa kamay. "Imbis na damayan ako, sinalubong nila ako ng isang malakas na sampal at nang isang galit. Galit na galit sila dahil hihiwalayan ko na ang asawa ko no'n, pinagtabuyan nila ako dahil isa akong failure ng pamilya itinuring din na parang basura.." Like what they did to me. Isa akong basura sa paningin ng pamilya ko. Isang maduming babae na kahit na sino hindi na ko maaaring mahalin pa. "Pinakulong nila ako sa salang hindi ko ginawa. Pinaratangan nila ako na nag-nakaw sa pera ng pamilya ko. Pinaratangan na pinatay ko ang kakambal ko kahit ang totoo hinding hindi ko yun magagawa sa kanila dahil mahal ko sila, dahil pamilya ko sila.." Pinunasan niya ang mga luha niya kaya taimtim lang akong nakinig sa kanya kahit nagulat ako sa pag-amin niya na nakulong siya noon. "Nakulong ako kahit buntis ako sa kambal noon. Pinilit kong kayanin para protektahan ang mga anak ko.." Ngumiti na siya sakin. "Ilang beses ko rin inisip na magpakamatay pero hindi ko ginawa dahil may kailangan pa'kong protektahan. Ilang beses ko rin gustong sumuko at bumitaw pero dahil sa mga anak ko naging matatag at matapang ko at ayokong sayangin ang sakripisyo ng kakambal ko para lang sakin.." Hinawakan niya ako ulit sa kamay. "Yun din ang gusto kong gawin mo. Maging matatag at matapang na harapin ang buhay, dahil sa huli saya ang magiging katumbas ng mga naranasan mo. Sheena nakikita ko ang sakit, pait at pighati sa iyong mga mata pero hindi yun dahilan para kitilin mo ang buhay mo.." Napayuko at napaluha na lang. "Lahat tayo may kan'ya-kan'yang nararanasan. Hindi ka nag-iisa sheena. Hindi lang ikaw ang nag-dudusa miski ang mga taong nasa paligid mo. Buksan mo ang mga mata mo at makikita mong maraming tutulong sayo. Maging matatag ka, dahil alam kong kakayanin mo'to, wag mong sayangin ang pagkakataon para bumangon.." Paano pa'ko babangon? Kung bawat paggising ko, ang paghihirap ko ang bumubungad sakin. Kung bawat pag-gising ko nasa nakaraan parin ako at hindi makawala. Kung bawat pagdilat ng mga mata kl puro pasakit ang nakikita ko. "Hindi ako kasing tapang at tatag mo ate sierra. Ayoko ng mabuhay pa mula sa nakaraan, gustung gusto kong maging malaya pero paano? paano ako babangon kung ganito ang kapalaran ko? Kaya ko ba? Kaya ko bang mabuhay ng normal? Kung nakikita ko ang mga peklat ng nakaraan na kahit na kailan hinding hindi na mawawala" naiiyak na sambit ko sa kanya. Niyakap niya ako ramdam ko ang yakap niya hindi bilang kakilala kundi bilang kapatid. Napapikit ako at napayakap din sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman ang yakap ng isang kapatid. Na kahit na kailan hindi ko naranasan sa totoo kong kapatid. "Sheena, kung madadapa ka, bumangon ka kahit paulit ulit kang tapakan ng ibang tao, indahin mo lang dahil balang araw mararanasan mo rin ang maging masaya.." Kumalas na siya sa yakap niya sakin at ningitian ako tsaka niya pinunasan ang mga luha ko. "Kailangan mo lang maging malakas para lumaban sa tama, lumaban ka hindi para sa kanila kung hindi para sa sarili mo, wag mong iisipin na nagiisa ka lang marami kang pwedeng makaramay at lumaban para sayo.." Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap niya ako ulit kaya napaiyak na lang ako ng napaiyak na parang isang bata sa kanya. "Iiyak mo lang lahat sheena, walang masamang umiyak at ipakita na mahina ka basta tandaan mo maging matatag ka okay?" Tumango tango ako sa kanya. "You deserve to be happy. You deserve everything. Please be happy.." Nakangiting saad niya sakin. "Thank you! Thank you ate sierra.. ngayon naliwanagan nako, alam kong hindi magiging madali ang lahat sakin pero para sa sarili ko, kakayanin ko, magiging matatag ako at matapang, hinding hindi ko kakalimutan lahat ng pangaral mo sakin.." Ngumiti ako sa kanya kaya natawa siya sakin. "Oh siya napahaba ang kwentuhan natin nandyan na kasi yung asawa ko hihi" bulong niya sakin kaya natawa ako sa kanya at inalalayan ko siyang tumayo. "Hey mommy, nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" nakangiting sambit ng isang makisig na lalaki at marahan niyang hinapit si ate sierra sa bewang. "Ah nga pala Sheena, This is my husband Rocco Delafuerte, hubby this is sheena bago kong friend ay no bago kong little sister hihi," pakilala samin ni ate sierra kay kuya rocco na asawa niya. "Hello po," bati ko sa kanya na nginitian niya ako at tinanguan lang. "Tsk. Walang pag-bati Rocco?" Umirap si Ate Sierra kay Kuya Rocco kaya napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. "Mommy let's go? Hinahanap tayo ni doktora" nakangiting sambit ni kuya rocco sa kan'ya. "Ay oo nga pala naku! Oh siya Sheena aalis na kami ah? May naghihintay din ata sa'yo," tinuro niya ang pintuan at laking gulat ko si Sir Giovanni. Para namang kinilig si Ate Sierra kaya nahiya ako sa kan'ya. "Nako, hubby may ship na talaga ako! Kaso hindi ba masungit yan? Hindi siya katulad ng kuya niya na si Kuya Timothy" bubulong bulong ni Ate Sierra sa asawa niya. "Sssshhh mommy!" Saway sa kanya ni Kuya Rocco kaya napanguso si Ate Sierra. "Tara na nga" hinila na ni ate sierra si kuya rocco paalis pero bago pa 'yun nilingon pa niya ako. "Sana sa susunod na pagkikita natin, totoong saya, tawa at ngiti na ang makikita ko sayo. Be brave Sheena.." Nginitian ako ni ate sierra at kumaway na siya sakin bago sila umalis ni kuya rocco. Pagkaalis nila napatingin ulit ako sa buong lugar. Tama si ate sierra kailangan ko maging matatag at matapang na harapin ang buhay. Kailangan ko ng lumaban hindi para sa iba kundi para sa sarili ko. Matatapos rin ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD