T I N A
Matiwasay at tahimik na nakarating kami sa mansion ng mga ezrael.
Mula ng mailibing namin si nanay kanina wala pa kaming naririnig na balita tungkol sa mga karlos pero alam ko malalaman at malalaman na nila wala na kami ni nanay sa madilim at masansang na silid na iyon.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bagong umaga kung gayong wala na si nanay.
Si Nanay na palaging nanenermon sa akin
Si Nanay na mamimiss ko na
Pumikit ako at napahinga ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa mansion ng mga ezrael.
Kasabay ng pagbabago ng buhay ko.
"Iha maupo ka muna alam kong pagod pero kailangan mo munang isalaysay sa amin ang lahat ng pangyayari" nakangiting sambit sakin ni mrs.ezrael.
Pilit na ngumiti lang ako at tahimik na naupo sa mamahalin nilang sofa.
"I think mom pakainin muna natin siya" sabat naman ng bunso nilang babae at nginitian ako.
"Ay oo nga pala!Manang dahlia!" Tawag ni madam sa mayordoma ata ng mansyon nila.
Lumabas naman ang isang matanda mula ata sa kanilang kusina.
"Jusko! Ano nanaman ito? Bakit ganyan ang batang yan?" Gulat na tanong nung manang dahlia at napatingin sakin.
Napayuko naman ako at mariin kong pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Its a looooong story manang! How's sheena?" Nakangiting tanong ni aphrodite sa kanya.
Pagkarinig ko palang ng pangalan ng kaibigan ko napatayo kaagad ako sa kinauupuan ko.
"S-Si S-Sheena? N-Nasan siya? Gusto ko siyang makita" nanabik na natutuwang saad ko sa kanila.
I want to see her!
I miss my bestfriend!
Gusto ko siyang mayakap
Gusto ko siyang damayan
Dahil wala pa itong mga naranasan ko sa lahat ng naranasan niya dahil alam ko pagkabata pa lang niya hindi na naging maganda ang trato sa kanya ng kanyang pamilya.
Paano nila naatim na gawin yon sa sariling anak? kambal? At pamilya?
Kung itinuring nila si sheena na para bang kaaway nila
At sa lahat ng mga pinagdaanan niya kami ni nanay ang saksi sa paghihirap niya sa mahigit Labing walong taon.
Lahat ng ginagawa sa kanya ng pamilya niya kinukuhanan namin upang may ebidensya kami laban sa sarili niyang pamilya dahil kung sa korte kayang kaya nilang bayaran yon kayang kaya nilang baliktarin ang mga pangyayari.
Ganun sila kahangal!
Ganun sila kaganid!
Ganun sila ka-demonyo!
Hindi ko alam kung tao pa ba sila o mga halimaw!
Hindi lang naman kaming tatlo nila sheena ang pinahihirapan nila at binababoy ang pagkatao lahat ng katulong nila nakaranas na rin ng delubyo sa kanila.
Lalo na kapag hindi nila gusto ang pamamaraan ng pagsagot nila.
Ganun sila kalupit!
Sa ibang tao para silang anghel lalo na kung kaharap nila ay isang makapangyarihan na tao pero sa likod ng mga kaplastikan nilang mga ngiti ay may itinatagong demonyo na kinukubli!
Kapag naaalala ko lahat ng kasamaan nila!
Nagiinit ang mga kamay at katawan ko na para bang bulkan na sasabog sa pagkamuhi sa kanila!
Gustung gusto ko ng makamit ang hustisya para kay nanay at kay sheena!
Pero paano?
Ma-pera sila!
Kaya nilang baliktarin ang mga pangyayari pwede nilang ipalabas na magnanakaw kami o naninira para lang hindi sila makulong.
May tamang panahon rin ang pagbagsak ng mga karlos.
"Tina"
Nabalik ako sa realidad at napatalon pako bahagya ng may kumalabit sakin.
"Sorry. Kanina kapa kasi nakatulala" napapakamot sa ulong sambit ni leon sakin.
Huminga ako ng malalim at nagpilit ng ngiti.
"Sasamahan ka nanamin kay sheena" nakangiting sambit ni mrs.ezrael.
"Pero wag na wag mo muna siyang lalapitan okay?" Tumango lang ako sa kanila at tahimik na nakasunod lang ako paakyat ng hagdan.
Nanginginig at naluluha akong nakasunod sa kanila hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kapag nakita ko si sheena.
Baka hindi ko kayanin at tuluyan nakong bumigay.
Nakarating kami sa pangatlong palapag at nakarating na kami sa tapat ng ika unang pinto ng silid.
Narinig kong bumuntong hininga si sir gaze bago binuksan ang pintuan ng silid.
Napatakip ako sa sariling bibig at tuluyan ng nagsipatak ang mga luha ko mg makita si sheena na nakatulala sa kama, gulo gulo ang buhok at tila walang tulog.
"Naging ganyan na siya nung dinala siya rito. Bumalik siya sa pagkabata at minsa'y natutulala ang sabi ng doctor hayaan muna daw natin si sheena hanggang sa makarecover siya nasa ilalim siya ng ilang undergo test." Panimula ni sir gaze.
"As you can see nagkaroon siya ng trauma. Ilang beses na niya ring sinubukang magpakamatay" p
Pagpapatuloy niya.
Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip ito dahil sa nakikita ko kay sheena.
She doesn't deserve this!
She deserves to be happy.
"Sheena.." bulong ko at tahimik akong napaiyak ng tuluyan dahil sa kalagayan niya.
Tahimik lang ulit kaming nakababa mula sa silid ni sir gaze.
Dumiretso kami sa dining nila at hindi ko maiwasang mamangha sa laki mas malaki sa dining ng mga karlos.
Naghain si manang dahlia ng maraming pagkain sa harap ko, at natakam ako bigla dahil dalawang linggo rin akong walang kain kain.
Puro pagpapahirap lang ang alam ng mga karlos kaysa ang pakainin kami kaya nga bumgsak ang katawan ko pati na rin ang katawan ni nanay kaya hindi na rin niya kinaya kaya tuluyan na siyang bumitaw pa.
Pagkatapos kumain agad kaming nagpunta sa sala at tahimik lang din ako habang nakayuko.
"You must be tina right?"
Nagangat ako ng tingin at isang gwapong lalaki ang bumungad sakin, wala sa sarili akong tumango sa kanya.
"Im Harry Standford FBI Agent" pagpapakilala niya sakin.
Tumango ako at nakipag kamay sa kanya.
"Tauhan ko ang nagapply bilang katulong, si Viy" walang emosyon na sambit niya.
Viy? Hmm..
Naalala ko na!
Yung bagong katulong na bago pa makatakas si sheena!
Kaso nagkulong sa silid namin non si sheena kaya hindi rin sila nagkaharap nung viy.
"Naalala ko na. Ibig sabihin nag-espiya lang siya roon?" Takang tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya sakin.
"Isalaysay mo ang lahat ng ginawa ng mga karlos kay sheena at maging sainyo ni nanay esme.." Natigil siya sandali at seryoso niyang tinignan.
"Condolence.."
Tinanguan ko siya at nagpilit lang ng ngumiti sa kanya pero naging ngiwi yon at mahinang natawa atsaka ko pinunasan ang mumunti kong mga luha.
Sa ngayon, parang ayoko munang pagusapan ang pagkamatay ni nanay gusto ko munang magpahinga kahit na sandali lang dahil kapag naiisip ko ang pagkamatay ni nanay
Mas lalong nadaragdagan ang pagkamuhi ko sa mga karlos na parang gusto kong pasabugin ang mansion nila at silaban sila ng buhay!
Pero naisip ko rin na masyadong madali kung yan agad ang gagawin namin sa kanila, gusto ko yung nmararamdaman din nila ang sakit, pait,poot at pighati kung ano ang naramdaman namin noon.
Gusto ko din maramdaman nila kung paano unti unting namamatay.
Like what they did to my bestfriend sheena and my nanay esme.
Kahit hindi na ako basta mabigyan lang sila ng hustisya, masaya na rin ako.
Yun naman talaga ang kagustuhan natin hindi ba?
Ang Hustisya
Ang Hustisyang kayang kayang bayaran ng mga mapeperang tao
Hindi talaga lahat pantay pantay
Napangiti ako dahil maswerte parin si sheena na hindi niya nasilayan ang tunay na mundo kasi alam kong malulungkot siya kapag nalaman niya ang totoong mundo hindi kasing kulay ng mga nababasa niya sa mga libro.
Ang mundo namin ni sheena, ay hindi fairytale nasa realidad kami kung saan hindi pantay pantay ang antas ng mga tao.
Napatikhim ako at isinalaysay ko ang mga pangyayari sa mga kamay ng mga karlos mula noon hanggang ngayon.
Napansin ko rin na halos pabago bago ang naging reaction nila sa paglalahad ko ng kwento.
Lahat ng pangyayari kinuwento ko sa kanila walang labis at walang kulang.
Sinabi ko rin kay sir harry ang lahat ng pasikot sikot ng mansion ano pang purpose ko kung hindi ko ikukuwento ang lahat hindi ba?
Tutal alam kong matutulungan nila kami ni sheena.
Makakamit din namin yung kalayaan at ang hustisyang gusto naming makamit.
At ang hustisyang karapat dapat kay nanay
Natigil lang ako o sabihin nanaming kami nang makarinig kami ng kalabog.
Nagkatinginan kaming lahat at iisa lang ang nasa isip namin.
Nanggagaling yung mga kalabog sa silid kung saan naroroon si sheena!
Napatakbo nako ng mabilis dahil bawat takbo ko kaba ang idinudulot sakin nito..
Wag naman sana..
Nang makarating na kami sa silid ni sir gaze nanginginig akong buksan ang pinto at tumambad samin ang nagwawalang si sheena.
Napaatras ako at napatakip na lang sa bibig
Jusko!
Wag niyo sanang pababayaan ang kaibigan ko!
"Wala kang kwenta sheena! Wala! Arrrggg!" Pagwawala ni sheena at ang mas nakakagulat ang mga susunod na gagawin niya.
Ang saktan niya ang sarili niya!
"S-Sheena" umiiyak na bulong ko habang nakatingin lang sa kanya.
Akmang lalapitan ko na siya ng pigilan ako ni leon kaya inis ko siyang tinignan.
"Don't! Wag na wag mokong pipigilan!" Nanginginig na itinuro ko siya at wala sa sariling natabig ko siya pero hinawakan niya ako sa pulsuhan ko para hindi ako makalapit ng tuluyan kay sheena.
"Ano ba!" Pigil hiningang sambit ko sa kanya pero hinigpitan lang niya ang hawak sa pulsuhan ko.
"Sa tingin mo pag lumapit ka sa kanya? May magbabago ba?!" Pigil na inis na tanong niya sakin.
Walang emosyon akong tumawa at tinanggal ko ang kamay niyang nakakapit sa pulsuhan ko.
"Hindi pero mababago ko ang isip niya" malamig na sambit ko sa kanya at napahinga ako ng malalim.
"Kilala ko si sheena magagawa niya ulit magpakamatay.." dagdag ko sa kanya kaya hindi na siya nakapagsalita pa.
Bago pa ako makalingon sumigaw na si aphrodite kaya dali dali kong tinulak si leon at nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakatungtong si sheena sa upuan at may isang lubid sa harapan niya.
"Damn it!" Rinig kong sigaw ni sir gaze at ang hagulgol ni aphrodite at ng kanilang ina.
Nakatulala lang siya at halata ang pagod at sakit sa kanya.
Hindi na siya yung sheenang palangiti kahit may problema ngayon ibang iba na siya halos hindi ko na nga siya nakilala.
"S-Sheena.." Natatarantang tawag ko sa kanya at walang anu ano'y tumakbo palapit sa kanya.
"S-Sheena!"
Wala siyang naririnig!
Hindi ko alam kung anong gagawin ko!
Napapasabunot nako sa sarili ko!
"S-Sheena! Wag mong gawin to! Pwede kapang mabuhay para mabigyan natin ang hustisya sa mga nangyari satin! Ako na ang nagmamakaawa sayo wag mong gawin to.." Umiiyak na saad ko sa kanya.
"S-Sheena please parang awa muna wag naman pati ikaw mawawala sakin.." dagdag ko pa habang humagulgol ng iyak.
"Pagka-tapos ng lahat ng ito pwede na tayong mabuhay ng malaya at lalayo sa magulong mundo.." pagmamakaawa ko sa kanya.
Natigilan ako ng bigla siyang lumingon sakin at may ngiti sa mga labi kaya mas lalo akong napahagulgol.
"T-T-Tina.."
Napatakip ako sa bibig at ngumiti sa kanya pero napawi yon ng mapansin kong may tumulong luha sa kanyang mga mata.
"P-Patawad p-patawarin m-m-moko m-magiingat k-ka p-palagi i-i-isipin m-mong k-kasama m-mo l-lang a-ako p-palagi.." nahihirapan na saad niya at ningitian ako bago niya nilusot ang ulo niya sa may lubid at pumikit siya pero nakangiti.
"H-Hindi! SHEENA!" sigaw ko.
Huli na bago ko pa siya malapitan
Tuluyan nakong bumagsak sa sahig ng makitang nanginginig ang katawan niya.
"B-Bakit s-sheena? B-Bakit pati ikaw?"
Nakatulala na lang ako bago nagdilim ang paningin ko.
"S-Sheena.. N-Nanay.."