A P H R O D I T E
"Kamusta na siya doc?" Tanong ni kuya vann sa doctor na tumingin kay sheena.
Halo nagkagulo kanina ng malaman naming nawawala siya, halos halughugin ni kuya vanni ang buong hospital para hanapin siya.
Sobra sobra ang kaba namin dahil baka natunton siya ng pamilya niya at ibalik ulit kung saan siya dapat.
Sobra sobra din ang galit ni kuya vanni kanina lalo na sakin, halos sigawan na niya ako dahil sa pang-iiwan ko kay sheena.
Bumaba lang naman ako para bumili ng makakain noh! Baka kasi magising siya bigla at magutom pero pag-balik ko wala na siya sa inupahan naming silid para sa kanya.
"I told you don't leave her! You're not really listening to me aren't you?!"
Napapikit ako ng marinig ko ang galit ni kuya vanni sakin kaya napanguso lang ako.
Hindi ko naman alam na magigising siya agad!
Tapos pinagalitan pa ako!
Kuya vann is really mad at me!
Sa kanya talaga kasi ako natatakot! T__T
"Sorry na kuya, hindi ko naman alam na magigising na siya" nakangusong saad ko sa kanya.
Napailing siya at napasapo na lang sa noo.
"Excited ka kasing makita si harry" pangaasar na sambit ni kuya leon sakin.
Inirapan ko naman siya.
Like wtf? Hindi noh!
I don't care about him! Dzuh!
Paasa! Hmp!
"Nye! Nye! Ewan ko sayo kuya! Pwede bang bantayan muna lang si tina?" Umirap ako sa kanya at sinamaan ng tingin bago ako lumapit kay kuya giovanni at sa doctor ni sheena.
Naabutan ni kuya vanni si sheena sa may rooftop kaya nakahinga na rin kami ng maluwag, naabutan din niya na kausap ni sheena si sierra na asawa ni rocco delafuerte at narinig din niya lahat ng hinaing ni sheena.
Nalungkot ako nung magbigti siya nung nakaraan halos lahat kami nataranta sa kanya.
Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako kapag naaalala ko na manginig siya mabuti na lang agad siyang niligtas ni kuya vanni at inilayo agad siya sa panganib.
I can't blame her.
Sa dami ng mga pinagdaanan niya, ganun na ganun ang iisipin niya pero hindi yun sapat para makawala o makalaya siya.
Pwede pa siyang bumangon para gumanti sa mga taong inabandona siya at umalipusta sa kanya.
Tutulungan pa namin siya!
Gusto ko na rin mawala sa landas namin ang pamilya niya!
They are toxic to our family!
I hate them!
Kulang pa ang kulong at kaso sa mga ginawa nila!
They are deserve to die!
They're not humans!
Isa silang kanser sa lipunan!
Sila dapat ang tinotokhang! Tsk.
Wala silang awa! Miski si nanay esme pinatay nila ng walang kalaban laban!
Nanggigil ako sa pamilyang yon!
Sarap nilang silaban ng buhay!
"As you can see, nagiging okay na ang pakiramdam niya, hindi na rin siya nagwawala. Magandang balita yon para sa kanya.." Nakangiting sambit ng doctor.
Tama! Bumalik na sa dati si sheena! Parang nagising na siya mula sa isang mahabang panaginip.
Good for her.
"Konting panahon lang babalik at babalik na siya sa dati. Hindi din naging madali ang mga pinagdaanan niya. Pagpahingain niyo lang siya dahil yun ang kailangan niya, please excuse me."
Tinanguan lang siya ni kuya vanni.
"Thank you doc," nakangiting pasalamat ko sa doctor dahil wala sa vocabulary niya ang salitang 'thank you' magpapaparty ako kapag nagpasalamat siya! Hehe.
Wala sa ugali ni kuya vanni ang magpasalamat.
Dzuh!
Mas matigas pa sa bato ang puso non! Ewan ko ba san siya nagmana!
Kay lolo ata! Sorry lo! Alabyooo naman eh! Hihi!
Nandito kami sa loob ng silid ni sheena para bantayan siya baka kasi mawala nanaman siya.
Jusko may pagka ninja din pala tong babaeng to!
Dinaig pa ako!
Magpapaturo nga ako sa kanya para kapag ini-stalk ko si harry ay este kapag gumala ako kaya ko ng takasan mga bodyguard ko! Nyahaha!
Napatingin ako kay kuya vanni na nakahawak lang kay ate sheena at nakatitig dito ng walang kurap amp!
In-love ata siya kay sheena! Hihi!
Support ko sila noh! Pero hindi kay shanna! That b***h! Tsk.
"Do you like her kuya?" Huli na para bawiin ko yung tanong.
Shit ka aphrodite!
Napakadaldal mo! Huhu!
"No." Ngumiwi lang ako sa sagot niya. Kunwari pa siya in-denial ang gwapo kong kuya kahit halata naman like dzuh.
"Really?" Lumingon siya sakin at sinamaan ako ng tingin kaya napa peace sign ako sa kanya huhu!
Kuya vanni naman eh!
"I love her.."
Nagulat at napanganga ako sa sinabi niya, napansin kong umiwas siya ng tingin sakin at bahagyang namula ang mga tenga niya.
Kinikilig?
Kinikilig ang notorius beast?!
Waaahh! Yiiiieeee! Sabi na ba in-love siya kay sheena! Miski rin ako kung magiging lalaki lang ako magugustuhan ko din ang katulad niya.
She look like an angel! And She's beautiful inside and outside!
Pero babae ako kaya hindi kami talo haha!
I like her to be my sister-in-law! Hihihi!
"Stop it little brat" iritang sambit ni kuya.
"Damn!"
Uh-oh! Nahihiya ata siya hihi!
Napatikom lang ako ng bibig at nagpipigil ng ngiti! Im sure kapag nalaman to ni kuya leon! Pangaasar ang aabutin nito pero syempre may kasamang sapak sa mukha ni kuya leon! Nyahaha!
Mai-chika nga sa kanya! Hihi!
"I don't know why i love her, may kakaiba lang sa kanya na sa kanya ko lang nakikita, she's my angel. I care for her, gusto ko siyang alagaan habang buhay, gusto ko akin lang siya! Damn! This is so spicy!"
Spicy?
Chessy kaya yon!
Nako nako kuya vanni! Nako talaga!
"And don't you dare to tell leon about my confession!" Tinuro ako ni kuya na may halong pagbabanta kaya napalunok ako at nagtaas ng kamay na para bang nangangako.
"Okay! Okay! Chill kuya! I won't tell him that you're inlove with sheena! Promise i won't tell him!" Sunod sunod na sambit ko sa kanya but wrong move! Damn! Kuya leon!
"Woah! Tama ba dinig ko?! You're in-love with her aren't you?" Bungad ni kuya leon pagpasok niya rito sa kwarto.
Damn! Kuyaaaaaa! You're so stupid jerk!
"Damn! Little brat.."
Uh-oh! Should i run now?
"Damn you jerk! I will kill you later!" Sigaw ko kay kuya leon at hinabol nako ni kuya vanni pero dahil mahaba ang bias niya naabutan niya ako.
Its not my fault kuya! Huhuhu!
"I told you to shut your mouth! Fvck it! Aasarin niya ako!" Iritang irita na sambit ni kuya vanni at pinasok niya ulit sa loob ng kwarto ni sheena.
Napanguso ako at masama ang tingin ko kay kuya leon na clueless sa nangyayari.
Grrr! Paalala niyo sakin na may papatayin ako mamaya!
Leonardo III Ezrael ang pangalan!
"Anong meron?"
Natigilan kaming tatlo sa pagsasabong namin ng makita namin si tina na okay na siya matapos niyang mahimatay nung nakaraan.
Agad akong napatakbo sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
"Tina! Thank god you saved me! Please kill kuya leon for me?" Pakiusap ko sa kanya na naguguluhan naman siya sakin.
"Woi! Anong sinasabi mo dyan little brat?!" Bumelat lang ako kay kuya leon at lumapit ulit ako sa kinahihigaan ni sheena.
"Kamusta na siya?" Mahinang tanong ni tina samin. Nginitian ko naman siya.
"Okay na daw siya kaso may pasa pa siya sa leeg niya" tumango naman siya at hinaplos ang buhok ni sheena.
Natahimik kami ng mga kuya ko at nagpapakiramdaman, alam naming masakit parin kay tina na mawalan ng ina pero heto siya bumabangon pa rin.
I like her for that.
Dinamay din kasi sila ng pamilyang karlos.
Sumusobra na talaga sila!
Masyado na nilang inuubos ang pasensya namin!
"Sana matapos na to, hindi ko kaya ulit siyang makitang nakasabit sa kisame. Ayokong pati siya mawala sakin.." Naluluhang sambit ni tina samin kaya napaiwas ako ng tingin dahil naluluha din ako sa kanya.
"Sana maging maayos na ang lahat, gusto ko na siyang ilayo dito upang maging malaya na kami ng tuluyan" natahimik kami ni kuya leon sa sinabi niya pero si kuya vanni agad na sumabat sa kanya.
"No. Walang aalis. Nandito kami para tumulong" matigas na sambit ni kuya vann kay tina na nagulat naman sa kanya.
"Im sorry sir gaze, pero sobra na po ang naitutulong niyo samin, lalo na po kay tatay, ayaw na po naming madamay pa kayo at alam ko ganun din ang nasa isip ng kaibigan ko" magalang na sambit niya kay kuya vann.
"No. No one leave! That's final!" Mariin na sambit ni kuya vann kay tina na natahimik naman sa tabi.
"I-Im sorry, pero salamat.." sambit ulit ni tina at nginitian niya kami.
"Isa lang pakiusap ko, sana alagaan mo si sheena hanggang sa huli" nakangiting sambit niya kay kuya vann na tinanguan lang siya.
Nakahinga na ako ng maluwag akala ko magkakaroon pa ng tension sa pagitan nila eh.
Hindi ko naman masisisi si tina kung gusto nila lumayo, tama naman din kasi siya kung nandito lang sila mas lalo lang nila maaalala ang madilim na nakaraan nila.
"Pwede ko kayong maabala?"
Fvck!
Bat ba bigla bigla na lang sumusulpot tong asshole na to?! Tsk.
"Come harry" aya sa kanya ni kuya leon at ngumisi sakin pero umirap lang ako sa kanya.
Mangaasar pa eh! Pag siya talaga na-in love kay tina!
Ako naman mangaasar sa kanya!
Makikita niya! Hmp!
"May tao sa labas kanina pa nakasilip dito" seryosong sambit ni harry at may pinapasok siya isang doctor.
"What do you want?" Walang emosyon naman na tanong ni kuya vann sa kanya.
Napalunok naman ang doctor at napatingin siya kay sheena na nagpagulat sa kanya.
Anong kinagulat nito?
Kilala ba niya si sheena?
"S-Si Sheena karlos ho ba yan Mr.Ezrael?" Tinanguan lang siya ni kuya vanni.
Natigilan kami, maliban may harry at kay kuya vanni.
Paano niya nakilala si sheena?
Tauhan ba siya ng mga karlos?
I have a bad feelings about this.