DARKNESS - 10

1455 Words
TINA Nakayuko at nakaupo lang ako rito sa labas ng funeraria kung saan namin dinala si nanay. Napapikit ako at napaluha ng bumalik sa mga alaala ko ang lahat ng nangyari samin ni Nanay Esme. Ang pag-iyak at ang mga luha niyang punung-puno ng hinagpis. Oh, jusko po. Bakit po sa'min pa ito nangyayari? Ano pong kasalanan namin para ganituhin nila kami? Kay Sheena, kay nanay at sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't wala na si nanay at wala pa si Sheena, hindi ko na rin alam kung anong mararamdaman ni Sheena kapag nalaman niyang wala na si nanay. Sa'ming dalawa siya ang mas maaapektuhan dahil alam ko buong buhay niya, si nanay ang kasama niya, ang nagturo sa kan'ya ng mga bagay na dapat niyang matutunan. Kaya kailangan ko kaagad mahanap si Sheena, nangako ako kay nanay na lalayo na kami rito. Mabubuhay kami ng mapayapa at masaya. Napahilamos ako sa mukha at napakagat ako sa daliri habang nag-iisip kung ano ang uunahin kong gawin, pero nabalik ako sa realidad ng may nag-abot sakin ng tubig kaya napaangat ako ng tingin. Pilit na ngiti ko lang inabot ang tubig at marahan siyang naupo sa tabi ko. "Tina, right?" Tumango lang ako sa kan'ya. "Leonardo.. Pangalawa sa mga Ezrael," nakangiting pagpapakilala niya sa'kin kaya ngumiti rin ako. Kaya pala pamilyar sila sa'kin dahil sila pala yung pamilyang nagpunta noon sa mga Karlos nung buhay pa si nanay at nakakasama pa namin si Sheena. "Kilala ko kayo, hmm.. Thank you tatanawin ko ng utang ng loob ang ginawa niyong pag-tulong sa'kin," Nahihiyang sambit ko sa kanila. Napakamot naman siya sa ulo at natawa. "Hindi na. Kailangan talaga naming gawin 'yon," ngumiti siya, kaya napaiwas ako ng tingin sa kan'ya at napasandal na lang ako. "Bakit gano'n? Kung sino pa walang kasalanan, yun pa ang naghihirap at nagdudusa. Bakit may mga taong masasama ang mga ugali?" Nakangiti ngunit malungkot na tanong ko sa kan'ya. "May kilala akong tao na naghirap sa buong buhay niya. Wala pa nga 'tong mga naranasan ko sa naranasan niya. sinasaktan, pinapahirapan, at itinuturing na parang basura." Ngumiti ako sa kan'ya. Ewan ko, masyado lang magaan ang loob ko sa kan'ya, siguro dahil gusto ko ng may makakausap. "Kung sino pa yung dapat sasandalan mo, pero ito pa yung mangaalipusta sa'yo." pinunasan ko ang mga namumuong luha sa mga mata ko. "Siguro hindi lang talaga pantay-pantay ang mga tao," nilingon ko siya at tinapik sa balikat. "Kaya maraming salamat, dahil tinulungan niyo ako makalaya sa impyerno at maipalibing si nanay," tumayo na'ko at nagunat-unat at napapikit ng maramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko. "Tina?" Lumingon ako, Si Mrs.Ezrael pala. Ngumiti siya sa'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Okay na, pwede mo ng masilip ang nanay mo," nakangiting sambit niya sa'kin. Pagod akong ngumiti rin sa kanya. "Salamat po," Nag-bow ako sa kan'ya para gumalang at pumasok na'ko sa loob. Nanghihina ako, habang naglalakad. Kahit ano mang oras pwede na'kong matumba pero tinibayan ko para kay nanay. Hindi ko siya kayang makitang nasa loob ng kabaong pero tiniis ko dahil kahit anong gawin ko, hinding hindi na babalik pa si nanay. Nang makalapit ako sa kinaroroonan niya at nasilip ko siya, Tuluyan ma akong humagulgol ng iyak. "Nay, Bakit? Bakit mo'ko iniwan?Bakit mo kami iniwan? Sabi ko sa'yo lalaban tayo ng magkasama at hahanapin natin si Sheena, pero bakit iniwan mo agad kami? Masyado na ba akong makulit at napapagod ka na kakasaway sa'kin?" Napatakip ako sa bibig at napahagulgol na lang. "Hindi ko kaya, nay! Hindi ko kayang wala ka! Nanay! Aaahhhhh! Pagbabayarin ko sila! Magbabayad sila!" Umiiyak na sigaw ko at niyakap ko ang kabaong niya. Napapikit na lang ako at inawitan ko siya ng isang magandang awit. Napakagat na ako sa labi dahil feeling ko tuluyan na akong babagsak dahil sa sakit na nararamdaman na malamang wala na talaga si nanay. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin ako kay nanay na tahimik na at wala ng problemang inaalala pa. "I-I l-love y-you n-nanay. Ikaw ang pinaka da'best nanay in the whole world walang makakapantay sa'yo, alam kong masaya ka na kung nasan ka man ngayon pinapangako ko nanay, kasama ko na si Sheena sa susunod nating pagkikita.." Hinalikan ko ang harap ng kabaong niya at nakangiti kong hinaplos ito. "Ako nang bahala kay tatay," Bahagya kong hiniga ang ulo ko sa harap ng kabaong niya habang nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kawalan. "Pinapangako ko nanay na magbabayad ang gumawa nito sayo pinapangako namin ni Sheena na mabibigyan ka namin ng hustisya." Mariin kong sambit sa kan'ya at mariin kong pinunasan ang mga luha ko. "Tina, oras na para ilibing si Nanay Esme. Wala na tayong oras dahil sigurado akong pinaghahanap ka na ngayon, doon ka muna sa mansion namin, ligtas ka ro'n." Napalingon ako kay Mrs.Ezrael na malungkot na nakatingin kay nanay. "Alam kong masakit para sayo 'to bilang anak, pero kailangan mo munang magtago dahil hinahanap ka na ng mga Karlos at alam kong yun din ang nais ng nanay mo," nakangiting sambit niya sa'kin at hinaplos ang mukha ko. Napaluha naman ako at napayakap sa kanya. "Maraming salamat po sa tulong pero kaya ko na po ang sarili ko," kumalas na'ko at nginitian siya. "Kailangan ko pa pong makita si itay dahil alam ko idadamay siya ng mga Karlos. Hahanapin ko pa po ang kaibigan ko," Yumuko ako ng kaunti para magbigay ng galang sa kan'ya. "Wag ka ng mag-alala sa itay mo kami ng bahala sa kan'ya," Natigilan ako. Bakit nila ginagawa 'to? Hindi ba kaibigan nila ang mga Karlos? Masaya akong natulungan nila ako at nagpapasalamat sa kanila, pero dapat ko ba silang mapagkatiwalaan? "Iha, alam kong hindi pa buo ang tiwala mo sa'min pero sa ngayon kailangan mo munang magtiwala sa'min." Seryosong sambit niya sa'kin kaya napalunok na lang ako. "H'wag kanang mag-alala sa kaibigan mo nasa poder na namin siya," dagdag pa niya. Kumunot ang noo ko at bahagyang napaatras sa kan'ya. Anong ibig niyang sabihin? "Si Sheena Karlos ang tinutukoy mo na kaibigan mo, di ba?" Nalilito akong tumango sa kan'ya. "Nasa amin siya. Nasa poder namin siya dalawang linggo na ang nakakalipas," A-ano? T-yama ba ang dinig ko? "Nakita siya ng mga anak kong si Gaze at Aphrodite na nasa gilid ng bangin upang tumalon mabuti na lang napigilan nila ang binabalak ni Sheena," Napatakip ako sa bibig ko at napaluha na lang. Ibig sabihin.. Yung gabing nakatakas siya ay yun din ang gabing niligtas nila si Sheena. Balak pa niyang magpakamatay nung gabing 'yon. Hindi nagkamali si nanay sa sinabi niya na babalakin nga ni Sheena ang magpakamatay. "N-nasaan siya? Kailangan ko siyang makita! Kailangan niyang malaman ang nangyari kay nanay!" Natatarantang sambit ko sa kanila pero umiling lang si Mrs.Ezrael at maluha-luha siyang nakatingin sakin. "A-anong.. Dalhin niyo ako sa kan'ya pagkalibing ni nanay! Nangako ako kay nanay na hahanapin ko si Sheena at magpapakalayo layo kami! Dahil alam kong hindi kami titigilan ng mga Karlos!" Sunod-sunod na sambit ko sa kanila habang natataranta. Oh, jusko.. Konting tiis Sheena makakaalis din tayo dito hintayin mo ako. "Hindi pa pwede," sambit naman ni Leon kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. "Ano bang sinasabi mo?! Hindi mo ba ako naririnig?! Kailangan niyang malaman ang nangyari kay nanay!" Galit na sigaw ko sa kan'ya. Napapikit naman siya at huminga ng malalim bago ako hinawakan sa magkabilang balikat ko. "Please.. Huminahon ka, hindi mo pa maaaring sabihin sa kan'ya ang nangyari kay Nanay Esme sa kalagayan niya ngayon.." Mahinahong sambit ni Leon sa'kin. Napatulala na lang ako sa kanya M-may nangyari ba sa kaibigan ko?! "A-anong nangyari sa kanya?! May nangyari ba?! Sumagot ka! Anong nangyari sa kaibigan ko?!" Mas lalong natatarantang tanong ko sa kan'ya. Marahan niya akong niyugyog. "Juat calm down, okay?" Nagpipigil na inis niya sakin kaya natikom ko ang bibig ko at napayuko na lang. "Dadalhin ka namin sa kanya mamaya basta huminahon ka," Kalmadong sambit niya at binitawan na'ko at napatango na lang ako sa kan'ya. Tahimik lang ako habang nililibing si nanay pinagawan siya ng bahay dito sa sementeryo na parang museum. Napatitig na lang ako sa lapida niya at napahaplos dito. Esmeralda Montano Born: April 16 1973 Death: March 25 2020 Nanay makakasama ko na si sheena baka matatagalan pa ulit bago ako makadalaw dito. May kakailanganin lang kaming gawin ni Sheena, gabayan niyo na lang po kami. Pinunasan ko na ang mga luha ko at tumalikod na'ko para mag-umpisa muli ng panibagong buhay ng wala si nanay. Makakaya ko rin 'to balang araw. Makakalaya rin kami sa madilim na mundo at hindi kami nawawalan ng pag-asa. I know, someday, magiging mapayapa rin kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD