EPISODE- 3

3212 Words
ANG buong akala niya ay hindi uuwi ang kanyang asawa dahil sa nagdaang gabi. Alam niyang disappointed ito dahil wala na naman nangyari sa kanilang dalawa. Sino ba naman ang lalaking gaganahan makipagtalik sa isang hubad na babaeng tinalo pa ang isang bangkay. Alam niyang kinukontrol lamang nito na hindi siya pwersahin. At iyon ang hindi mawala sa kanyang isipan. Dahil ang pagkakakilala niya sa kanyang asawa ay isang demonyo. Pero ano itong ipinakikita sa kanya na parang napakabait. O baka naman may ibang pinaplano at puro lang pagkukunwari? Napatalon siya mula sa higaan ng may bagay na bumagsak sa kanyang gilid. Pag sulyap niya sa paligid ay nakita niya ang kanyang asawa. Nakasandal ito sa gilid ng bintana at nakasuot ng casual. Nakapagtataka lang na hindi ito naka coat and tie. “Take a bath dahil may pupuntahan tayo. At bilisan mo hihintayin kita sa living room.” Akmang magtatanong siya dito ng sumara na ang pinto. Kaya tumayo na siya at agad na pumasok sa loob ng banyo. Kung saan man sila pupunta ay hindi niya alam. Wala rin naman siyang magagawa kung sakaling tututolan niya ang asawa. Ang salita nito ay batas sa buong mansion at sa lahat ng nasasakupan nito. Nang matapos maligo ay mabilis na tinuyo ang buong katawan. Mabilisang naglagay ng cream sa katawan at dinampot ang damit sa ibabaw ng kama. Nagtataka man ay sinuot pa rin niya iyon at pagkatapos ay bumaba. Inabutan niya ito habang kausap ang ilan sa mga tauhan nito. At nang makita siya ay agad na sinalubong. Walang babala na sinibasib ng halik. Grabe talaga itong asawa niya wala talagang pakialam sa paligid. Basta gagawin ang bawat naisin. “Wala ka talagang kahihiyan, kahit nasa harap ng mga tauhan mo ay basta ka na lang nanghahalik.” Inis kong sita sa kanya ng bitawan niya ako. “Mabuti na yung alam nilang lahat na akin ka. Let’s go sweetheart.” Pinagsalikop pa ang aming palad at saka ako hinila palabas ng malaking pintuan. Paglabas namin ay naghihintay ang limang sasakyan. Ano ba talaga ang status ng kanyang asawa? Parang presidente sa dami ng bodyguard. “My dear wife, anong iniisip mo?” “W-Wala naman, saka kahit sabihin ko sayo ay alam kong hindi ka rin magsasabi ng totoo.” “Ano ba yon malay mo naman sagutin kita sa mga itatanong mo sa akin. Anong gusto mong malaman, sweetheart?” “Ano ba talaga ang trabaho mo, kasi para kang presidente sa dami ng mga tauhan eh.” “Businessman ang hubby mo. Ano pang gusto mong malaman?” “Wala, hindi ka talaga nagsasabi ng totoo. By the way saan pala tayo pupunta at bakit kailangan kong magsuot ng ganito?” “Malalaman mo mamaya. At pagkatapos natin doon ay may lunch date tayong dalawa.” “Okay,” ang tangi niyang sagot dito. Mas mabuting tumahimik na lamang kaysa mag-usisa. Alam niyang hindi rin naman sasagot ng tama ang kanyang asawa. Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone sa bag at nilibang ang sarili doon. Pero bigla iyong hinablot ng asawa at pinindot-pindot. Pagkatapos ay inakbayan siya at sunod sunod na nag-flash ang camera ng kanyang cell phone. Hindi agad siya nakapag-react, may ganito pa lang side itong si Lorenzo. Sa araw-araw yata ay lagi siyang nasosorpresa ng mga ipinakikita nitong ugali. “Smile my dear wife.” Kahit ayaw niya ay napipilitan na lamang pagbigyan ito. Pero bago nag-flash ang camera ay mabilis siyang hinalikan sa labi. Nanatili sila sa ganon position habang panay ang pindot nito sa aking cellphone. At nang bitawan siya ay malapad ang ngiti habang inisa-isang tingnan ang mga litrato namin. “Mawalang galang na, Bigg Boss. Pero may info mula sa tao natin nasa Gun Club daw si Francisco. “Kunin mo ang buong detalye ayaw kong lalapit siya sa pwesto ko. Dapat malayo siya sa amin ng asawa ko. Kailangan 100-meters or else I will shoot him!” “Copy, Bigg Boss.” Sa mga naririnig ay hindi niya mapigilan kabahan. Kahit saan yata sila magpunta ay laging mayroong kaaway itong kanyang asawa. “Sweetheart, ayos ka lang ba?” “Paano ako magiging ayos, hindi pa man lang tayo nakakarating sa pupuntahan natin ay p*****n na agad ang nasa isipan mo?” “Kailangan mong masanay dahil ito ang mundong ginagalawan ng yung asawa. At kahit ayaw mo ay wala kang magagawa. Dahil mula ng maging asawa kita ay parte ka na ng kinalalagyan ko. Kaya nga dapat na kitang ihanda sa lahat ng posibilidad na mangyayari. Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ako at lagi kitang mapoprotektahan. Kailangan mong matuto sa lahat ng bagay, maging independent. Sapagkat hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Kagaya ng mga bilin ko sayo, hindi mo lang dapat ipakita sa kanila na matapang o matatag ka. Bagkus dapat kaya mo silang higitan sa lahat ng bagay. Sooner ay malalaman mo kung ano ang totoong status ko. At sino talaga ang lalaking pinakasalan mo. Tandaan mo hanggang nabubuhay ako ay hindi ko mapapayagan na sasaktan o pagtatangkaan ang buhay mo ng kahit sino.” “L-Lorenzo, ano bang mga sinasabi mo?” bakit may pakiramdam siyang nagsasabi ito ng totoo. Kahit ayaw niya itong paniwalaan ngunit may parte ng isipan na sinasabing dapat maniwala siya sa kanyang asawa. “Hindi ko masasabi sayo dahil alam kong mas mahihirapan kang tanggapin ako sa buhay mo. Pero tandaan mo habang nasa tabi mo ako ay mananatili kang ligtas.” Naiinis ako sa mga pananalita nito. Ano ba ang pinupunto nito at hindi sabihin sa kanya ng direkta? Hanggang huminto ang sinasakyan nila ay hindi na muling nagsalita pa ang kanyang asawa. Pero muli siyang hinawakan nito sa kamay at inalalayan sa pagbaba. Saka pa lang niya na pagmasdan ang paligid kung nasaan sila. At napa kunot-noo siya sa mga nakikita. ‘Di yata’t tuturuan siya nitong humawak ng baril? Dahil kung hindi ay anong ginagawa nila sa lugar na iyon? “Bigg Boss, they are coming.” “Bahala na kayo, ayaw ko ng isturbo lalo pa ang tarantadong yan!” sa kanyang narinig ay pasimple siyang luminga sa paligid. At isang couple ang palapit sa kinatatayuan nila. Ang mga ito ba ang sinasabi ng kanyang asawa? “Halika na sweetheart,” sabay hila nito sa kanyang kamay papasok sa loob. May lumapit sa kanila na mga nakasuot ng itim. Ngunit tumango lamang ang asawa sa mga ito at naglakad na silang papasok sa isa pang pinto. At bago pa sila nakapasok ay muli siyang lumingon. Nagtama ang mata nila ng lalaki at para itong familiar sa kanya. Saan nga ba niya ito nakita? “Sweetheart, halika na at mag simula na tayo.” Naging sunod sunoran na lamang siya sa bawat sabihin ni Lorenzo. Ngunit nang nasa target area na sila ay hindi niya mapigilang matakot. “Relax, hindi totoong bala ang laman ng mga yan. Mag-focus ka dapat tamaan mo ang mga korting tao na yon.” “How, ang layo ng mga yon at imposibleng tamaan ko.” “Kaya mo yon, sweetheart. Tingnan mo ang gagawin ko at gayahin mo lang okay?” na patango na lamang siya sa mga sinasabi ng kanyang asawa. Ngunit nang kalabitibin niya ang gatilyo ay napasigaw siya ng malakas. Dahil muntik ng mabitawan ang hawak niyang baril. Hindi niya akalain na ganon kalakas ang pwersa ng bagay na yon. “Ayos ka lang, sweetheart?” mabilis siyang dinaluhan ng asawa. At alalang alala ito sa kanya, sa katunayan ay niyakap pa siya nito. Gusto niyang sabihin na ang OA naman ng lalaking ‘to. Pero tumahimik na lamang siya at bahagyang lumayo. Matagal ng palaisipan sa kanya ang mga kilos at pananalita ng asawa. Bakit parang matagal na siya nitong kilala? “Huwag kang OA, sabi mo nga hindi naman totoong bala ang laman ng baril bakit ka nagkakaganyan?” “Mag-ingat ka ng hindi ako nag-aalala sayo. Ang mabuti pa ay i-guide na lang muna kita.” Pagkasabi nito ay tumayo ito sa likuran niya at hinawakan ang kanyang magkabilang braso. “Higpitan mo ang hawak sa baril, tapos sipatin mo ang target. Dapat tamaan mo iyong mga guhit.”ngunit hindi siya makapag-focus dahil sa pagkakadikit ng kanilang katawan. Bakit may kakaibang init ang hatid nito sa katawan niya. Hindi naman dating ganon pero lately ay kakaiba. Ano bang nangyayari sa kanya? “Ahm… lumayo ka nga sa akin at kaya ko naman ng gawin.” Ngunit hindi siya nito binitawan bagkus ay pumalibot ang isang braso nito sa kanyang baywang. Kaya mas lalong hindi na siya maging komportable. Lalo pa at dama niya sa kanyang likuran ang matigas nitong harapan. “L-Lorenzo, bitawan mo na ako paano ako matutong bumaril kung nariyan ka sa likuran ko?” “I miss you, sweetheart. Hanggang kailan mo ako titisin ng ganito? Kung alam mo lang na sa bawat sandali ay gustong gusto na kitang angkinin. Lalo na sa bawat gabi, I want you my dear wife.” Hindi siya makapagsalita dahil wala siyang alam isagot. Dapat na ba niyang pagbigyan ang kanyang asawa. Nakalimutan na ba niya ang ginawa nito sa kanyang ama? No, hindi maaari, demonyo ang kanyang asawa at hindi niya ito dapat bigyan ng kasiyahan. Few days later…. NAALIMPUNGATAN siya sa malakas at sunod sunod na katok mula sa pinto. Bago niya iyon binuksan ay hinagilap ang kanyang robe. Matapos masuot ay nagtungo na sa pintuan. Napaatras siya ng makita ang asawa na tila matutumba sa pagkaka tayo. Sumilip pa siya sa likuran nito kung may kasama ngunit nag-iisa ito. May kakaiba din dito ganun din ang amoy na nakakarimarim. At nang humakbang ito papasok sa loob ng kanyang silid ay parang nahihirapan. Kaya mabilis niya itong inalalayan sapagkat anumang sandali ay parang babagsak. “L-Lorenzo, anong nangyayari sayo, bakit ganyan ang ayos mo?” habang humahakbang sila patungo sa mahabang sofa. “S-Sweetheart, o-okay lamang ako huwag kang masyadong nag-aalala. D-Dahil baka isipin ko na i-in love ka na sa akin.” Paputol putol na biro pa nito. Ngunit bago pa nito magawang umupo ay bumagsak na sa carpet. Napasigaw siya sa takot ng makitang may dugo ito sa damit. Ganon din sa kulay krema na carpet ay humawa na ang pulang kikido. Dali daling dinampot ang intercom at tinawagan si Rosa. Matapos maibigay ang instructions ay binalikan ang asawa. “Bakit may mga sugat ka, saan mo yan nakuha… S-Sinong gumawa sayo ng bagay na yan?” sunod sunod niyang tanong. Dahil hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Basta naluluha siya habang nakikitang tinitiis nito ang matinding sakit. “Senorita Elizabeth, naririto an po kami at ang personal bodyguard ni Master Lorenzo.” “Pumasok kayo at pakibilisan.” “Master! O sh*t!” kailangan niya ng doctor!” malakas na sigaw ng personal bodyguard nito. “A-Anong gagawin natin, dadalhin ba siya sa ospital?” “No, hindi pwede, ahm…. Rosa tawagin mo ang family doctor, hurry!” hindi niya alam ang gagawin at kundi pa siya inabutan nito ng panyo. Saka pa lamang niya nabatid na tumutulo na ang kanyang luha. Hindi niya sana aabutin ang panyo mula sa personal bodyguard ng asawa ngunit sa huli ay kinuha rin niya iyon. “Ma’am Elizabeth, walang dapat makaalam ng nangyaring ito kay Master Lorenzo. Siguradong mas lalong lalakas ang loob ng mga kalaban kapag lumabas ang balita tungkol sa kanyang sitwasyon.” “Anong pangalan mo at bakit hindi mo alam na nangyari ito sa kanya. Dapat ikaw ang unang nakakaalam ng tungkol dito, hindi ba? Ikaw ang personal bodyguard niya ngunit nakakapagtaka na wala kang alam?” tinitigan niya sa mata ang lalaki. Gusto niyang malaman kung nagsasabi ito ng totoo. “I’m Calem, tama ka Senorita Elizabeth. Ako nga ang personal bodyguard ni Master Lorenzo. Subalit hindi ko rin pwedeng suwayin ang kanyang bawat salita. Kagaya ng kanyang mga utos. Dalawang oras ang nakalipas ay magkasama kami, sampu ng iba pang mga bodyguard. Ngunit inutusan niya akong bumalik ng mansion dahil nakatanggap siya ng info. Mahalaga kay Master Lorenzo, ang iyong kaligtasan. Kaya nauna akong umuwi dito. Nang tawagin ako ni Rosa, ay hindi ako makapaniwala. Lalo na ng makita ko siya sa ganyang sitwasyon. Talagang nabigla ako kung bakit nangyari ito sa kanya.” “Mawalang galang na po Senyora Elizabeth, narito na po ang manggagamot.” pagbibigay alam sa amin ni Rosa. “Papasukin mo,” at bahagya siyang lumayo sa bodyguard ng kanyang asawa. Ngunit hindi siya kumbinsido sa sagot at paliwanag nito. “Gaano na siya katagal sa ganyang sitwasyon?” tanong ng doctor na sa tingin niya ay halos kaedad lamang ng kanyang asawa. “Mga sampung minuto pa lamang ang nakalipas magmula ng siya ay dumating ng mansion ang aking asawa. At kanina kausap ko pa siya ngunit bigla na lamang natumba sa carpet.” “Mr. Calem, pakibuhat siya at dalhin sa private room at pakibilisan. Ahm… S-Senorita Elizabeth, hindi ka maaaring sumama sa loob.” “At bakit hindi ay asawa niya ako?” “Mahigpit na bilin ni Master Lorenzo, sa mga ganitong pagkakataon ay mag-stay ka dito sa iyong silid. Pagkatapos kung malapatan ng mga gamot ang kanyang katawan ay maaari mo na siyang makita.” gusto pa sana niyang sumagot pero pinili na lamang tumango. Siguro nga may mga bagay na hindi niya dapat pang malaman. At sa sitwasyon ngayon ng asawa dapat makiayon na lang muna siya sa gustong mangyari ng doctor na ito. “P-Please take care of him.” wika pa niya bago ang mga ito lumabas ng kanyang silid. “Huwag kang mag-alala sa bagay na yon, Senorita Elizabeth. Halika na Mr. Calem, mahalaga ang bawat sandaling lumilipas.” Nang maka alis ang mga ito ay naiwan siya sa kanyang silid. Muli ay dinampot ang intercom at inutusan si Liway. Magdala ng bagong carpet, ipaakayat sa isang tauhan. Pagkatapos ay agad din ibinaba ang intercom. Pagdating nito ay mabilis niyang ibinigay ang instructions dito. “Paki alisin mo ang carpet at palitan ng bagong dala nyo. Pero walang dapat makaalam ng tungkol dito.” mahigpit niyang bilin sa dalawa. “Masusunod po, Senorita Elizabeth.” Bago niya tinalikuran ang mga ito. Naging kainip-inip na sa kanya ang paglipas ng bawat minuto. Hindi na rin siya mapalagay kaya lumabas ng silid at naglakad sa mahabang pasilyo. Hinanap ang private room na binanggit ng doctor. Gusto niyang malaman kung ano na ang nangyayari sa asawa. Ang hindi mawala sa isipan ay ang mahigpit raw nitong bilin. Kung bakit hindi siya maaaring sumama sa loob. At hindi niya maaaring makita ito? Mga katanungan na ‘di mawala sa kanyang isipan. Dahil kung ayaw talaga ng asawa na malaman niya ang tungkol sa sitwasyon nito. Bakit sa silid niya ito nagpunta at hindi sa sariling silid nito? O sa mga pinagkakatiwalaan na mga bodyguard. Sana doon ito humingi ng tulong at hindi sa kanya. “Senorita Elizabeth, bakit nariyan ka saan ka pupunta?” “Rosa, dalhin mo ako sa kinaroroonan ng aking asawa.” “Pero, ‘di ba sabi ni doctor sayo bawal ka doon?” “Samahan mo ako kung nasaan ang asawa ko. Sapagkat sa ganitong kalagayan dapat naroon ako sa tabi niya. Lalo na sa delikadong sitwasyon.” Nakita niyang tila atubili pa si Rosa, na sundin ang kanyang nais. Kaya tinitigan niya ito ng masama. “Huwag mo sana iisipan ayaw kitang ihatid sa kinaroroonan ni Master Lorenzo. Pero marami na kasing pangyayari noon na muntik na niyang ikamatay.” “Anong ibig mong sabihin Rosa?” “Wala po akong karapatan sabihin ang mga bagay tungkol sa personal na buhay ni Master Lorenzo. Pero ang masasabi ko lang ay magtiwala ka sana kay Doctor Norman at Calem. Sila ang mga taong lubos na pinagkakatiwalaan ng iyong asawa. Iyong tungkol sa pagbabawal nila sayo na sumama sa private room. Bilin po iyon ni Master Lorenzo, ilang babae na kasi ang naging girlfriend niya noon. Pero kapag nalaman ang tunay niyang status ay iniiwan siya at ipinapahamak sa mga kalaban.” “Asawa ako at hindi kagaya ng mga naging girlfriend niya kaya may karapatan ako sa lahat.” aniko pa sa matigas na boses. “S-Sige po tayo na, Senorita Elizabeth.” Tahimik kami habang naglalakad patungo sa basement ng mansion. Pagdating sa pinaka dulo at humarang ang mga bodyguard sa amin. “Rosa, alam mong hindi siya dapat naririto. Pero bakit dinala mo dito si Senorita Elizabeth?” akmang sasagot si Rosa ng sawayin ko. “Anong problema kung magpunta ako dito ay legal akong asawa ng boss nyo?” “Senorita Elizabeth, hindi po namin nakakalimutan ang status mo. Pero sumusunod din kami sa utos ng aming pinuno.” “Tumabi kayo at gusto kong makita ang asawa ko!” sabay tulak ko sa dalawang lalaking nagtatangka na pigilan ako. “Kapag hinawakan nyo ako ay isusumbong ko kayo sa asawa ko!” kaya wala silang nagawa kundi hayaan akong makapasok sa loob. Subalit nang makita ko si Lorenzo ay tila gusto kong pagsisihan na pumasok ako doon. Ang makitang wala siyang anumang saplot sa katawan ay nakakapanindig balahibo. “Senorita Elizabeth, alam mo ang parusa sa ginawang paglabag ni Rosa, sa kautusan?” “Anong parusa?” “Malalaman mo kapag gising na si Master Lorenzo.” “Kung anuman ang parusang sinasabi mo ay hindi ko iyong papayagan. Ako ang amo ni Rosa at hindi ang asawa ko!” “Sana nga magawa mo siyang ipagtanggol kay Master Lorenzo. Upang hindi matulad sa dating nasa pwesto ni Rosa.” “Tinatakot mo ba ako sa mga ganyang salita mo, Mr. Calem?” “Hindi, ang inaalala ko ay si Rosa. Masyado pa siyang bata upang maagang mawala sa mundong ibabaw.” Hindi agad siya makapagsalita sa narinig. ‘Di yata’t kamatayan ang parusang kakamtin ni Rosa dahil sa kanya? At sa isipin yon ay nakaramdam siya ng galit. Anong Karapatan ng kanyang asawa na patawan ng kamatayan ang mga taong inosente? Kahit tauhan pa niya at binabayaran ang serbisyo ng mga ito. Pero hindi ito Diyos, upang basta na lang kumitil ng buhay. At hinding hindi niya iyon papayagan mangyari. Kung noon ay madali lang dito ang pumatay. Ngayon ay hindi niya ito hahayaan na muling pumatay ng inosente. Kahit maging mitsa pa ng kanyang buhay ay ipagtatanggol niya ang mga kagaya ni Rosa. “.... Siguro naman ay nauunawaan mo ang ibig kong sabihin, Senorita Elizabeth?” Ngunit nanatili pa rin siyang tahimik at imbis na sumagot ay lumapit siya sa asawang wala pa ring malay. Bakit may mga ganito kasamang tao na kung pumatay ay parang pumapatay lang ng isang langgam. At habang nakatitig siya sa buong katawan nito na nababalot ng pilat. Bigla na lang pumasok sa isipan ang mga bagay na posibilidad nitong dinanas noon. Kaya naging isa itong demonyo. At nakakasiguro siyang bawat pilat nito sa katawan ay may mabigat itong pinagdaanan. Kung anuman iyon ay kanyang aalamin. Hindi man iyon madaling gawin ngunit sa gagawing paunti-unti pananaliksik. Siguro naman ay lalabas din ang katotohanan. Wala man siyang idea kung saang mundo ito nabibilang. Pero darating din ang oras na malalaman niya kung sino talaga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD