HABANG pababa sila ng mataas na hagdan ay gusto niyang lumayo sa asawang si Lorenzo. Subablit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang isang kamay. At naiinis siya sa pakitang taong ginagawa nito. May pangiti ngiti pa na akala mo ay isang santo sa bait.
“Smile sweetheart, dapat ipakita mo sa lahat na masaya ka sa piling ko.” See sarap sapakin sa mukha talagang nakakapanggigil ang lalaking ito. “Nakatingin sila sa atin kaya lambingan mo pa ang ngiti mo sa akin.” Ayaw niyang sundin ang kabaliwan nito kaya hindi niya sinunod. “Gusto mong bukas ng umaga paggising mo ay isa ng malamig na bangkay ang yung mama?” Sa aking narinig ay para akong nawalan ng lakas. Ang aking mga tuhod ay parang gusto ng tumiklop sa panghihina. “Isang pitik lang ng dailiri ko ay magkakasama na ang papa mo at iyong mama.” Kaya wala na namang nagawa ang panggagalaiti niya sa galit.
At nang malapit na sila sa dining room ay bigla silang huminto sa paglalakad. Ang buong akala niya ay bibitawan ang kanyang mga kamay. Subalit bigla siyang nilamukos ng halik. Ano bang kalaseng lalaki ‘to at kahit saan yata abutan ng kamanyakan ay gustong ilabas. Akmang sisipain niya ito sa harapan ng mabilis siyang binitawan at agad na lumayo.
“Oops! Akala mo maiisahan mo na naman ako, sweetheart?”
“Napaka manyak mo talaga at wala ka talagang kahihiyan! Nakita mong may lipstick ang labi ko ay bigla kang nanghahalik!”
“Patingin kung kumalat?”
“Don’t touch me!” hindi na napigilan ang galit at binulyawan na niya ito. Subalit mariin na hinawakan ang kanyang baba at hinila pataas. Pagkatapos ay bahagyang tiningnan ang kanyang labi at agad din binitawan. “Mauna ka na sa loob at pupunta muna ako sa rest room. Nakakahiya sa pamilya mo kung haharap akong nagkalat ang lipstick sa bibig!” Sabay hakbang niya palayo dito ngunit nahagip agad nito ang kanyang braso.
“No, need sweetheart wala namang kumalat na lipstick sa labi mo. Kaya halika na at ang lahat ng bilin ko lagi mong tatandaan.” at hinila na siya nito tungo sa malaking pintuan. Dalawang lalaki ang humila sa magkabilang dahol ng pinto at bumukas iyon. Napahinto siya sa paghakbang dahil sa hindi inaasahang madadatnan. Ang akala niya ay mga magulang at kapatid lang ng asawa ang naroon. Ngunit halos mapuno ang mahabang dining table sa mga bisitang naroroon. At ang lahat ay sa kanila nakatingin. Wala sana siyang balak ngumiti sa lahat ng maramdaman ang bahagyang pisil ni Lorenzo sa kanyang palad. Kaya heto siya at pilit na pilit ang malapad na pagkakangiti.
Nang marating nila ang dulong bahagi ng table ay hindi muna sila naupo. Bagkus ay kinuha ni Lorenzo ang buong atenyon ng lahat.
“…. Maraming salamat at nakarating kayong lahat. Lalong higit sa aking pamilya. Gusto kong ipakilala sa inyo ang aking napakagandang asawa. Si Elizabeth Laurente Terran.”
“Welcome to our clan, Hija.” Ngininitian niya ang ginang ganon din ang katabi nitong may edad na lalaki. Subalit biglang hinila ni Lorenzo ang kanyang baba. At naalala niyang bawal nga pala siyang tumingin o ngumiti sa kahit sinong lalaki. Kaya napailing na lamang siya sa inaasal ng kanyang asawa. Kahit pala sa sariling ama nito ay bawal din siyang magbigay ng atensyon at respeto.
“Hello, sister in law, masarap bang maging Mrs. Lorenzo Terran?” hindi agad siya nakasagot at nilingon niya muna ang babaeng nagsalita. Marahil ay ito ang isang adopted ng ama ng kanyang asawa. Maganda naman ito at sophisticated ngunit masasalamin ang pinipigilan nitong galit. Tama ang dalawa niyang alalay na si Rosa at Liway. Obviously ay malaki talaga ang gusto nito sa kanyang asawa. Ang panakaw nitong sulyap kay Lorenzo ay may halong pang aakit.
“Hi, sa ngayon hindi kita masasagot sa katanungan mo dahil ilang araw pa lamang ang nakakalipas mula ng kami’y ikinasal. Pero masaya naman ako dahil pinaparamdam ni Lorenzo ang pagpapahalaga at pagmamahal niya sa akin.” Hindi niya sigurado kung kumbisido ang kapatid ni Lorenzo sa kanyang pahayag. At wala naman siyang pakialam kung naniniwala ito o hindi. Ang mahalaga lang ay sumagot siya sa katanungan nito.
“Hey, b***h….” wika ng isa pang babae. Subalit nanlaki ang kanyang mga mata ng may sumampal dito ng malakas at napalupasay ito sa sahig. Pag lingon niya ay nanlilisik na mga mata ng asawa ang kanyang nakita. At sa hindi malamang dahilan ay bigla niya itong nayakap ng mahigpit. Dama niya ang panginginig nito ng kalamnan ganun din ang umigting nitong panga sa matinding galit. Hanggang naramdaman niyang unti-unit itong naging kalmado. Saka pa lamang niya ito binitawan ng masigurong kontrolado na nito ang sarili.
“Lucrecia, get out! At mula sa araw na ito ay hindi ka na makakapasok sa pamamahay ko!”
“Master Lorenzo, nagbibiro lamang ako. Pakiusap patawarin mo na ako.” hindi siya sigurado kung totoo ang pagmamakaawa nito o nagpapanggap lamang.
“Take this lady!” malakas na utos ni Lorenzo sa mga tauhan nito. Kaya nang lumapit na ang dalawang lalaki upang kaladkarin si Lucrecia ay agad siyang humarang.
“Forgiven....,” wika niya sa kapatid ni Lorenzo. Ngunit hindi nakaligtas sa mga mata niya ang lihim nitong ngiti.
“Sigurado ka sa desisyon mo, sweetheart?” salubong ang kilay na tanong sa kanya ni Lorenzo.
“Yes, hubby. Isa pa kapatid mo siya kaya hindi mo dapat tratuhin ng ganon.” Agad siyang nagbaling ng mukha sa ibang direksyon ng makitang matiim ang titig ni Lorenzo sa kanya. Mahirap na makahalata ito na sinadya niyang manatili si Lucrecia sa pamamahay nila. Marami siyang gustong malaman at sisimulan niya sa dalawang kapatid ng kanyang asawa.
“Thank you, Hija. Alam kong hindi nagkamali ang aking anak na pakasalan ka. At sana ay mapanatili mo ang iyong kababaang loob.”
“Hindi nyo po ako kailangan pasalamatan. Tungkulin ko po iyon bilang asawa ng inyong anak.” Nakangiti ko pa ring pahayag sa ginang. Kahit alam naman niyang walang totoo sa mga pinakikita ng kaanak ni Lorenzo. At kung anuman ang meron sa pamilyang ito ay kanyang tutuklasin. Wala man siyang idea kung saan nabibilang ang pamliyang kanyang kinasadlakan. Pero alam niyang hindi normal na pamilya ang mga ito.
“My dear wife, come with me.” Sabay hila nito sa kanyang braso at dinala siya sa malawak na hall. Ang mga tauhan nito ay nagkalat sa kabuuan ng mansion. Ang aura ng mga ito ay mabalasik at parang anumang oras ay handang kumitil ng buhay. Sabagay ano pa nga ba ang dapat niyang asahan. Kung ang kanyang asawang si Lorenzo na amo ng mga ito ay isang kriminal. Natural na ganun din ang mga tagasunod nito.
“Anong tingin mo sa mga magulang at dalawang kapatid ko, sweetheart?”
“Ano ba ang gusto mong isagot ko sayo, katotohanan o kasinungalingan?”
“Syempre yong totoong nakikita mo at ano ang iyong opinion sa mga taong nakapalibot sa atin?”
“Sa pamilya mo, walang totoo sa kanila ang lahat ay pakitang tao. At sa mga tauhan mo ay wala akong kumento sa kanila. Dahil katulad mo rin sila, ikaw ang amo nila. Kaya kung ano ang iyong pagkatao. Malamang na ganun din silang lahat, mapanakit, walang awa at mga kriminal.”
“Ganon ba yon, my dear wife?” hindi na siya sumagot pero tiningnan niya lamang ang mukha nito. At wala siyang nakitang ibang emosyon doon kundi karahasan.
"Brother, how's the newlywed? By the way bago ko makalimutan, congratulations. Sorry hindi ako nakarating sa mahalagang araw mo."
"Anong ginagawa mo sa pamamahay ko, wala akong natatandaan na invited ka dito?"
"Grabe ka naman , para namang hindi tayo magkaibigan. Pakilala mo pala ako sa iyong napakagandang asawa." Sabay lahad nito ng palad sa kanyang harapan. At akmang aabutin niya iyon ng malakas na hinila siya ni Lorenzo. Pagkatapos ay inilagay siya sa likuran nito.
"Get out! Or gusto mong butasin ko ang ulo mo? Hindi ko makakalimutan ang ginawa mong traydor ka!"
"Bigg Boss, kami na ang bahala sa tarantadong 'to." wika ng mga tauhan ni Lorenzo.
"Ayaw ko ng makita ang gagong yan!"
"Masusunod, Bigg Boss."
"Hindi mo ako kaya, Lorenzo. Matapang ka lang dahil ikaw ang Kin….
"Putanginamuka!" At napapikit na lamang ako ng kalabitin ni Lorenzo ang gatilyo ng hawak nitong baril. "Hindi ko na hahayaang ulitin mo ang ginawa mo sa akin noon. That's my last warning! Dahil sa susunod ay sa ulo mo na tatama ang bala ng baril ko, halika na sweetheart." Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa dahil parang na magnet na siya sa kanyang kinatatayuan. Hanggang naramdaman na lamang niyang umangat siya sa hangin. At ang tanging nagawa niya ay mahigpit na kumapit sa leeg ng asawa. Pakiramdam niya ng mga oras na yon ay nawalan siya ng lakas. Hindi na rin niya namamalayan ang sunod sunod na pagtulo ng luha. Paanong naging ganito ang buhay niya, bakit sa dinami dami ng mga lalaki na magiging asawa niya ay sa ganitong tao siya bumagsak?
ILANG araw na ang lumipas at hindi niya alam kung umalis talaga ang kanyang asawa tulad ng paalam nito kagabi. Sapagkat ng magising siya ay wala na ito sa mansion. At nang tanungin niya ang mga kasambahay ay hindi rin daw nila napapansin ang kanilang Master Lorenzo.
Kagaya ng mga lumipas na araw ay nag-iisa siyang nagtungo sa dining room. Naupo at plano ng kumain nang almusal ngunit biglang may naupo kanyang harapan. Walang iba kundi si Lucrecia at may malapad pa na ngiti sa labi. Ngunit hindi niya ito pinansin at piniling magsimula na lamang kumain.
"Hipag salamat pala at hindi mo hinayaan na ipakaladkad ako kay Master Lorenzo palabas ng mansion. Pero ganun talaga ang kapatid kong yon masyadong masungit at istrikto."
"Ganyan ba talaga siyang magalit kahit ikaw na kapatid ay sinasaktan niya ng ganon?"
"Yeah, kaya huwag kang kampante sa kanya kung inaakala mong hindi ka niya kayang saktan. He's bipolar and dangerous. Hindi siya marunong magmahal kaya nga lahat ng babaeng nakarelasyon niya ay iniwan din siya."
"I see, salamat sa impormasyon."
"Wala yon, kaya kapag sinaktan ka niya at gusto mong umalis ng mansion ay sabihin mo lang sa akin."
"Hindi ka ba natatakot sa kanya kung sakaling malaman niya na na handa mo akong tulungan makaalis dito sa mansion?"
"Syempre natatakot din pero hindi niya naman malalaman."
"Kung ganon ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sayo. Dahil alam kong isa sa mga araw na ito ay kakailanganin ko ang tulong mo."
"You're welcome, hipag basta magsabi ka lamang. Sige maiwan na kita at may lakad pa kami ng mga kaibigan ko." Tumango na lang ako at agad na sininyasan ko si Rosa upang sundan si Lucrecia, hanggang makalabas ito ng mansion. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagkain habang hinihintay makabalik ang kanyang alalay.
"Senorita Elizabeth, pasensya na po pero nag-aalala ako sa maaaring gawin sayo ni Madam Lucrecia." Huminto siya sa pagkain at sumulyap kay Liway nakita niya ang sobrang pag-alaala nito para sa kanya. Kaya naman ay nginitian niya lamang ito para ipaalam dito na ayos lang siya. Hindi nagtagal ay natanawan na niya ang parating na si Rosa. At ayon sa aura ng mukha nito ay may dalang hindi magandang balita.
"Anong nangyari sa pinapagawa ko sayo?"
"Narinig ko po na may kausap siya sa cellphone at ang sabi ay hindi raw po magtatagal ang pagsasama ninyong mag-asawa . Siya pa rin daw po ang mananalo at sa kanya rin babagsak si Master Lorenzo." Nai kuyom niya ang kanyang palad sa narinig. Pero hindi siya nagpahalata sa dalawang alalay at ibang mga kasambahay. Nginitian niya pa ang mga ito bago tumayo at nagpaalam.
Umakyat siya sa kanyang silid at lumabas ng veranda. Inikot ang mga mata sa abot tanaw ng paningin niya. Hindi sinasadyang napababa ang tingin niya at nakasalubong nang kanyang mga mata ang titig ng isang lalaki. Napa kunot-noo siya dahil ngayon lang niya ito nakita. O baka naman dahil sa dami ng mga tauhan ni Lorenzo kaya hindi niya ito masyadong napansin? Tatalikod na sana siya ng kumaway ito sa kanya at kumpirmadong hindi ito tauhan ng kanyang asawa. Bago siya tuluyang humakbang papasok ay muli niya itong sinulyapan. Tinandaan niya ang itsura nito at kasuotan bago tuluyang pumasok sa loob at sinara ang veranda.
Gabi….
“How's your day my dear wife?"
"Walang bago, kumain ka na ba?"
"Hindi pa kasi alam kong hinihintay mo ako. Let's eat sweetheart?"
"Okay sige," at humakbang na siya ngunit mabilis siyang nahawakan nito at agad na sinibasib ng halik. Sa halip na nagprotesta o itulak ito palayo ay hinayaan na lamang niya at nagpaubaya siya. Total hindi naman siya nito pinipilit na magkaroon sila ng sexy time. Isang pinasasalamatan niya na hindi siya pini pwersa ng kanyang asawa.
"I miss you so much, sweetheart." At bago siya binitawan ay hinalikan pa siya nito sa noo.
Habang pababa sila ng mataas na hagdan ay pinag iisipan niyang mabuti. Kung dapat sabihin dito ang tungkol sa lalaking nakita niya kaninang hapon. Habang nakasilip siya sa veranda at sa huli ay napagpasyahang huwag na lang muna. Dahil baka talagang tauhan lamang ito nito at kapag nalaman na nakipag titigan sa kanya. Panigurado na bugbog o baka barilin pa nito ang lalaking yon.
"Kumusta pala ang trato sayo ni Lucrecia at Larissa. Hindi ka ba nilang dalawa binigyan ng problema?"
"Wala naman, isa pa hindi ko nakita si Larissa, at si lucrecia ay umalis din agad habang kumakain ako." Walang dapat malaman si Lorenzo tungkol sa mga pinaplano ni Lucrecia. Gusto niya munang malaman ang lahat ng tinatago ng asawa. Lalo na ang klase ng trabaho nito dahil wala man lang siyang idea. Pero dama niyang hindi legal ang mga negosyo nito kung sakaling isa nga itong businessman.
"Hindi ka ba kakain sweetheart?"
"Kumain na ako kanina, ahm… maiba ako baka naman papayagan mo na akong makita si M-Mama?"
"No, hindi pwede at kaya alisin mo sa iyong isipan ang tungkol sa kanya."
"Bakit ba ayaw mong magkita kami? O baka naman pinatay mo na rin siya at wala na talaga kaming chance magkita pa?" Naghahalo ang galit at takot niya sa maaaring marinig na sagot mula dito.
"She's alive kaya wala kang dapat alalahanin." Balewala nitong sagot sa kanya.
"Paano ako maniniwala sa sinasabi mo kung wala akong nakikitang pruweba na buhay pa ang aking ina?"
"Wala kang pagpipilian kundi paniwalaan ang bawat salita ko." Inis siyang tumayo at iniwan ito dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili. At batuhin niya ito ng plato na naroon sa kanyang harapan.
"Sweetheat, wait for me. Huwag ka muna matulog dahil may pag uusapan pa tayo!" Hindi na niya ito pinansin at tuloy tuloy na umakyat sa taas. Pagdating sa silid nilang mag-asawa ay pumasok siya sa loob ng banyo. Hinanda ang jacuzzi dahil siguradong doon ang tuloy nito at magbababad ng isang oras. Gano'n ito kapag galing sa labas lalo pa ngayon na buong araw ito sa trabaho nito.
Nang matapos ay pumasok sa private room nila at kumuha ng boxer shorts at white t shirt. Ganon lang itong matulog dahil doon daw komportable. Paglabas niya ng pinto ay ipinatong sa gilid ng bed ang mga damit nito. Pagkatapos ay nahiga na rin siya sa kabilang side at humanda na sa pagtulog.
Naalimpungatan siya ng makaramdam ng kakaiba. At halos maitulak niya ang asawa dahil sa ginagawa nito sa kanyang katawan.
"L-Lorenzo, anong ginagawa mo?"
"I want you, sweetheart." Kinilabutan siya sa narinig bakit bigla yata itong naging mapaghanap ngayon?
"Ahm… h-hindi pa ako handa."
"But I want you now, sweetheart. Isa pa ilang weeks na tayo bilang mag-asawa. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin handa?"
"A-Ano kasi, ahm… alam mo naman na wala akong alam sa ganyan."
"Alam ko naman yon eh, at huwag kang mag-alala i'll be gentle." Wala na siyang maisip na alibi kaya tumalikod na lamang dito. Subalit malakas nitong hinila ang kanyang braso at napatihaya siya ng higa. Pagkatapos ay agad na hiniklas ang suot niyang pantulog. At sa isang iglap ay tumilapon kung saan ganun din ang underwear niya.
"You're so beautiful my dear wife." Sabay siil sa kanya ng makapugtong hininga na halik. Kasabay ay humaplos sa hubad niyang katawan ang malapad nitong palad. At sa puntong iyon ay napahinuhod na lamang siya sa gusto ng kanyang asawa. Pikit matang tinanggap ang kagustuhan ni Lorenzo. Wala siyang magagawa dahil legal siyang asawa at may karapatan itong gawin ang bawat naisin nito sa kanyang katawan.
Ganon pa man ay hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan. Kaya kahit nakakaramdam siya ng kakaibang init ay sinikap iyong balewalain. Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi lumabas ang pinipigilang ungol. Wala siyang alam sa ganong bagay pero sa palagay niya ay iksperto ang kanyang asawa. Dahil kahit anong pagpipigil niya ay kusang umaangat ang kanyang balakang. At nararamdaman na rin niya ang likidong dumadaloy mula sa kanyang kaibuturan.