ILANG araw na siyang hindi lumalabas ng silid. Magmula ng malaman kay Liway ang nangyari kay Rosa. Dahil hindi ito nagawang protektahan sa demonyo niyang asawa. Ayon pa sa dagdag na balita ay midnight naganap ang pagkitil sa buhay nito. Dahil doon ay nadagdagan na naman ang pagkamuhi niya kay Lorenzo. Kaya mas pinili niya na manatili sa loob ng kwarto. Ngunit wala rin siyang nagawa ng bumukas ang pinto at biglang pumasok ito. Salubong ang makapal nitong kilay at naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Sa halip na bumangon ay pumihit na lamang siya ng higa patalikod sa kinatatayuan nito.
“Anong problema mo bakit ilang araw ka ng hindi sumasabay sa akin kumain?” napa-rolling eyes siya sa naririnig. Ano nagpapanggap lang na walang alam itong kanyang asawa upang hindi niya komprontahin? “Kinakausap kita kaya humarap ka sa akin at sagutin mo ako ng maayos.”
“Anong gusto mong isagot ko sayo kasinungalingan?” nakita kong mas kumunot ang kanyang noo. At halos magdikit na rin ang makapal nitong kilay.
“Paano kita maintindihan kung ayaw mong sabihin sa akin ang dahilan?”
“Si Rosa, bakit mo siya pinatay?”
“Iyon lang ba ang dahilan mo kaya ka nagkakaganyan?”
“Nilalang mo ang nangyaring yon sa aking alalay?” galit niyang bulyaw dito.
“Marami kang hindi alam na nangyayari sa loob ng mansion. Kaya kung anuman ang sinapit ni Rosa, deserve sa kanya yon.”
“Deserve siyang basta lang patayin? Diyos ka ba upang kumuha ng buhay mula sa inosenteng tao?” nakita niyang mas naningkit ang mga mata nito ngunit hindi na muling nagsalita pa. Pagkatapos ay mabilis na tumalikod at lumabas ng kanyang silid. Napapaisip din siya sa inaakto ng kanyang asawa. Halos wala pang isang linggo ang nakalipas magmula ng mabaril ito. Subalit ngayon ay parang walang nangyari ang bilis naman yata nitong naka-recover?
Bumangon siya at nagtungo sa loob ng banyo. Pinili na magbabad doon kaysa makaharap sa hapagkainan ang walang puso na asawa. Halos umabot siya ng isang oras sa loob ng jacuzzi. Kundi pa halos maputla na ang balat sa pagkakababad ay hindi pa siya lalabas ng banyo. Nagsuot lang siya ng casual at bumaba upang kumain. Almost ten in the morning at late na sa breakfast. Kaya hindi niya inaasahan na madadatnan pa rin doon si Lorenzo. Subalit hindi ito nag-iisa naroon ang dalawang kapatid nito at seryoso ang pag-uusap ng mga ito. Kaya sa halip ay sa kitchen siya dumiretso.
“Liway, pakihanda ang almusal ko at dito ako kakain.” utos niya sa kanyang alalay.
“Pero kanina ka pa hinihintay ni Master Lorenzo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumakain dahil ang gusto niya ay makasama ka sa pagkain.” Hindi na siya nagreklamo at tumayo na lamang upang puntahan ang asawa. Tahimik siyang naupo sa tabi nito pero huling huli niyang tinaasan siya ng kilay ni Lucrecia. At si Larissa ay sinimangutan naman siya sabay pabagsak na binitawan ang hawak na kutsara. Hindi niya ito pinansin dahil wala naman siyang pakialam sa dalawang ito.
“Let’s eat sweetheart at huwag mong pansinin ang dalawang yan.”
“Bakit ngayon ka lang kakain ng almusal?” sa halip ay tinanong niya ito. Imposible naman na sinadya nitong hintayin siya upang makasalo lamang sa pagkain?
“Asawa kita kaya dapat lagi tayong sabay sa pagkain. Isa pa may pupuntahan tayong dalawa. Kaya pagkatapos natin dito ay magbihis ka. Marunong ka bang maglaro ng gold, sweetheart?”
“Hindi, kaya hindi ako ang dapat mong kasama sa lakad mo ngayon.”
“Tama, si Elizabeth….
“Larissa, call her, Senorita Elizabeth. Hindi kita binigyan ng permission na tawagin ang asawa ko sa kanyang first name.”
“At bakit ko gagawin yon ay isang ordinaryong babae lamang ang babaeng yung pinakasalan?” mabilis kong nahawakan ang isang kamay ni Lorenzo. Nang makitang kumuyom iyon at umigting ang panga nito sa galit.
“Calem!”
“Yes, Master Lorenzo?”
“Itapon ang babaeng yan sa labas ng pamamahay ko. At mula ngayon huwag siyang papapasukin dito sa mansion!”
“Copy, Master Lorenzo.” Gusto kong mag salita upang pigilan sa gagawin ang bodyguard na si Calem. Ngunit sa huli ay hinayaan ko na lamang ito.
“Bitawan mo nga akong gago ka!” napatuwid siya ng upo ng marinig ang malakas na sampal. Pagtingin niya kay Mr. Calem ay namumula ang pisngi nito. “Wala kang karapatan hawakan ako dahil isa ka lamang aso ng boss mo!” ang akala ko ay aalis na ito ngunit nanlaki ang aking mga mata sa nasaksihan. Walang pagdadalawang isip na sinibasib nito ng halik si Lorenzo . At kahit ang kanyang asawa ay hindi rin nakakilos. O sadyang hindi talaga ito tumutol upang ipakita sa kanya na lagi itong may reserba. Siguro iniisip nito na ayaw niya lang din itong pagbigyan kaya pinabayaan nito ang ginagawa ni Larissa. Hindi naman niya matagalan ang iksenang yon kaya tumayo na lamang siya at iniwan ang mga ito.
“S-Sweetheart, wait.” Ngunit hindi ko na ito pinansin at tuloy tuloy lang akong naglalakad palayo. Kahit narinig niya pa ang malakas na tunog ng sampal at daing ni Larissa. Hinding hindi siya nag-abalang tumigil bagkus mas binilisan pa niya ang bawat hakbang. Nang marating ang labas ay biglang may humila sa kanya.
“Bitawan mo ako, sino ka?” ngunit bago siya nabitawan nito ay nakita na sila ni Lorenzo. Nanghilakbot siya ng bunutin nito ang baril sa likuran at agad na pinaputok ng sunod sunod. Hindi agad niya nagawang kumilos sa sobrang takot.
“Halughugin ang bawat sulok ng mansion. Huwag ninyong hayaang makatakas lalaking yon!” nang marinig ang nakakatakot na boses ng asawa ay gusto na niyang tumakbo palayo dito. Ngunit biglang may yumakap sa kanyang nanginginig na katawan. At kahit hindi niya ito tingnan kung sino ay amoy pa lang nito ay kilala na niya.
“Calm down sweetheart, you’re safe now.” At kahit gusto niyang lumayo sa kanyang asawa ay hindi naman niya magawa. Natagpuan na lang ang sarili na buhat siya nito at paakyat na sila sa mataas na hagdan.
“Sa susunod wag mo na ulit iyong uulitin. Kagaya ng sinasabi ko sayo marami ka pang hindi alam sa loob ng mansion.”
“K-Kung totoo ang sinasabi mo bakit m-may mga kalaban ka na nakakapasok dito?”
“Kaya nga gusto ko ng ipa-banned ang mga kapatid ko. Pero tutol ka naman kasi alam kong isa sila sa mga gumagawa ng gulo dito sa loob ng pamamahay ko.” tumahimik na lamang siya at binabalikan sa isipan ang lalaking humila kanina sa kanya. Naalala na niya ang lalaking yon ay nakita na niya noong nasa veranda siya. Nakatingin ito sa kanya mula sa ibabang parte ng mansion.
“M-Minsan ko ng nakita ang lalaking yon. Noong bago pa lamang ako dito sa mansion mo.”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol doon?”
“Hindi ko naman alam na kalaban mo pala yon. Malay ko ba na tauhan mo o bodyguard lamang siya?”
“Sa susunod kapag may kakaiba kang napapansin ipaalam mo agad sa akin. Malakas ang pakiramdam kong isa ang lalaking yon sa pagtatangka sa buhay mo. Yong araw na nabaril ako. Mayroon akong natanggap na impormasyon may taong dudukot sayo. Kaya agad kong pinauwi dito sa mansion si Calem. Pero trap pala yon dahilan ng nakatalikod na si Calem at ibang mga bodyguard. Inulan na kami ng bala mula sa isang van na nakasunod sa amin. Kaya dito mismo sa mansion ay alam kong mayroong spy ang kalaban.”
“Paano ka timaan ay bullet proof ang sasakyan mo?” sabay titig ko sa kanyang mga mata.
“Hindi ako sa bullet proof sumakay ng oras na yon. Pinagamit ko sa grupo ni Calem ang bullet proof car. Upang kung sakaling merong panganib sa loob ng mansion. Agad ka nilang mailabas mula sa manison ng safe. At nakakasiguro ako nang mga oras na yon ay kasama namin ang spy ng kalaban. Kaya alam nilang nasa ordinaryong sasakyan ako nakasakay.” Nakatingin lang ako sa kanya habang panay ang paliwanag nito. At kahit ayaw ko itong paniwalaan. Pero mayroong parti ng isipan ko na nagsasabing dapat akong maniwala.
“Magbihis ka na sweetheart at aalis tayo.”
“Hindi ako marunong maglaro ng golf. Isa pa bakit hindi mo isama ang kapatid mo?”
“Bakit mo pa itatanong sa akin kung alam mo ang sagot?” heto na naman ito sa kapilosopohan na sagot. Kaya tinalikuran niya na lamang ito. Pagkatapos siya nitong ibaba sa gilid ng bed. Pumasok siya sa private room at nagbihis kagaya ng utos nito.
Paglabas niya ay naghihintay ang asawa sa gilid ng bintana habang nakatanaw ito sa labas. At nang makita siya ay agad na napangiti. Bipolar nga yata talaga ito, kanina lang nakakatakot. Ngayon ang lapad ng ngiti habang nakamasid sa kanyang suot.
“Bakit ganyan ang ngiti mo hindi ba angkop ang aking suot sa pupuntahan natin?”
“You’re so beautiful, sweetheart. Halika na at siguradong naghihintay na sa atin ang mga kaibigan ko.”
“May mga kaibigan ka?” hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lorenzo. Dahil sa klase ng pagkatao nito ay sinong matinong tao ang nakikipag kaibigan sa katulad nito. Unless kagaya rin nito ang mga yon na mamamatay tao.
“Oo naman, marami akong kaibigan pero hindi ka pwedeng makipag-usap sa kahit sino sa kanila.” Sabay hawak sa aking palad at pinagsalikop pa talaga iyon. Pagkatapos ay muli na namang ngumiti. At kapag ganito ang asawa niya ay parang napakabait nito.
Paglabas nila ng basement parking ay biglang huminto si Lorenzo sa pagmamaneho. At iglap lang ay sunod sunod na putok ang umalingawngaw sa paligid. Kasabay non ay hinila siya nito upang yumuko. Makalipas ang ilang minuto ay na umayos na siya ng upo. Dalawang lalaki ang nakahandusay sa semento. Akmang bababa ng sasakyan si Lorenzo ng pigilan niya ito. Sabay iling ng sunod sunod at mabuti ay nakinig ito sa kanya. Bigla ang kanyang takot na baka may ibang kalaban pa sa paligid. Hindi nagtagal ay dumating ang mga bodyguard at ibang guard ng mansion.
"Master Lorenzo, kagaya ng plano nasa paligid lamang kami." Seryosong pahayag ni Mr. Calem, sa kanyang asawa. Agad naman itong tumango bago pinausad ang sasakyan at tumuloy na sila sa pupuntahan.
"Bakit wala kang ibang kasamang bodyguard?" Hindi siya nakatiis ay tinanong na niya ito.
"No need sweetheart, kasama sa plano ito upang malaman ko kung sino ang mastermind ng pagtatangka na ito sa buhay natin."
NANG dumating sila sa golf club ay isang grupo ang naghihintay sa kanila. Ang lahat ay tumayo upang sumalubong at agad na nagbigay ng respeto sa kanyang asawa. Ibig sabihin ay hindi ito mga kaibigan kundi mga tauhan lamang nito. Pero bakit iba ang ang sinabi sa kanya kaninang bago sila umalis ng mansion. Sino nga ba ang isang Lorenzo Terran at ano ang tunay nitong status sa mundo nitong ginagalawan?
"Bigg Boss, nakahanda na ang lahat dito po tayo." At iginiya sila ng mga kalalakihan papasok sa loob ng golf club.
Pagpasok nila sa loob ay isang malawak na hall at napakaraming tao. Kapansin pansin ang lahat ay sa kanila nakatingin. At bawat madaanan nila ay yumuyuko ang sa kanila. Ibig sabihin ay ang kanyang asawa ang pinakamataas ang posisyon sa lahat ng naroroon. Ang buong akala niya ay doon na sila mauupo sa bandang unahan ngunit isang pinto pa ang bumukas at muli silang pumasok sa loob. Gusto niyang umatras ng makita ang mga taong nakaupo sa napakahabang table. Meaning naririto sila sa conference room at hindi lang yon. Ang lahat ay tumayo at yumuko nang naroon na sila sa pinakaunang upuan.
"Ang lahat ay maupo at makinig sa aking mga sasabihin. Totoo ang lahat ng nakarating sa inyong balita. At ang babaeng narito sa aking tabi ay si Mrs. Elizabeth Laurente Terran. Ang legal kong asawa at nag-iisang may karapatan sa akin at lahat ng pagmamay-ari ko.
Kung ano ang respeto na binibigay ninyo sa akin ay ibigay ninyo sa kanya. Walang sinuman ang pwedeng bumastos sa kanya o gagawa ng hindi tama. Dahil alam ninyo ang kaparusahang naghihintay sa sinumang gustong lumabag sa aking mga salita." Nang tingnan ko ang lahat ay nananatiling nakayuko.
Isang lalaki ang lumapit sa aking asawa at may sinabi ito ngunit hindi ko iyon mawatasan. At maya maya pa ay may dumating na kalalakihan. Ngunit ng malapit na ang mga ito sa kanilang inuupuan ay saka lamang niya namukhaan ang tatlong lalaki na mayroong isang mukha. Halos kaedad lang din ang mga ito ng kanyang asawa.
"Please sit down, kumusta si Uncle Niko?"
"Okay naman ayon at gusto nga sana niyang sumama. Kaya lang may lakad sila ni Uncle Brent."
"I see." At tumayo ang kanyang asawa upang kunin ang buong atensyon ng lahat. "By the way, gusto kong ipakilala sa inyong lahat ang triplets mafia heir. Ang successor ng South Mafia Boss na si Brent Lucas Maximano, walang iba kundi ang tatlo niyang pamangkin; The Triplets Montemayor. Welcome to the North King of Mafia." Sa kanyang narinig ay kinilabutan siya, 'di yata't Mafia ang kanyang asawa? At sa puntong yon ay nahulog na siya sa malalim na isipin. Kung ganon anong kinalaman ni Lorenzo sa ilang beses na panganib sa buhay ng kanyang Kuya? Hindi niya napigilan ang sarili ay tumayo siya at tumakbo palabas ng conference room.
“Sweetheart, wait!” ngunit hindi niya ito binigyang pansin. Kung totoo ang birth certificate na binigay sa kanya ni Rosa bago ito pinatay ng kanyang asawa. Ibig sabihin ay kalaban ng Kuya niya si Lorenzo? Mas binilisan niya ang pagtakbo at nang masulyapan ang isang pinto ay pumasok siya doon. Subalit napako ang mga mata niya sa dalawang lalaking naroon.
“Mrs. Elizabeth Laurente Terran?”
“S-Sino kayo?”
“I’m Sebastian at ang kasama ko ay si Luther. Narito kami upang ibigay sayo ito at para sa kaalaman mo ay konektado sa amin si Rosa at Liway.” ayaw niyang basta paniwalaan ang mga ito ngunit ng mabasa ang nilalaman ng puting sobre ay saka siya unti-unting naniwala.
“Totoo ba ang birth certificate na binigay sa akin ni Rosa?”
“Yeah, at ayan ang katibayan. Paternity test result ninyo ng iyong biological brother (99.99%).
“Kung ganon nasaan siya ngayon?”
“Sa ngayon hindi namin maaaring sabihin sayo. Pero kailangan mong ilihim ang tungkol sa kapatid mo. Dahil ayon sa impormasyon ay konektado ang asawa mo sa lahat ng mga nangyari sa kanya.”
“Please, gusto kong makita ang kapatid ko.”
“Hindi pa ito ang tamang oras, ang dapat mong gawin ay subaybayan ang North King of Mafia. Dahil ang triplets successor ng South Mafia Boss ay konektado sa iyong kapatid.”
“S-Sino naman ang North King of Mafia na yon. At paano ko iyon gagawin ay wala naman akong alam sa kalakaran ng mga mafia? Hindi rin ako marunong makipaglaban kaya baka patayin pa nila ako.”
“Hindi mo kilala ang North King of Mafia?” tila hindi makapaniwala ang dalawa habang nakatingin sa kanya.
“Hindi, at sa totoo lang ngayon ko lang din nalaman na Mafia pala ang aking asawa. Ang buong akala ko ay isa lamang siyang magaling na businessman.”
“Si Lorenzo Terran, ang North King of Mafia, walang iba kundi ang asawa mo.”
“No! Hindi totoo yan, imposible ang sinasabi mo.”
“Yes, it’s true. Kaya nga kailangan mo siyang subaybayan. Upang malaman namin ang galaw nila ng kanyang mga tauhan. Buhay ng kapatid mo at buong tropa namin ang nakataya sa lahat ng ito.” magtatanong pa sana siya ng maulinigan nila ang malakas na boses ni Lorenzo. Kaya agad na tumahimik silang tatlo.
“Hanapin nyo ang asawa ko! Kapag may masamang nangyari sa kanya ay mananagot kayong lahat!” umi-echo ang malagom nitong boses sa buong paligid. At hindi niya mapigilan ang takot para sa dalawang kaharap na lalaki. Akmang lalapitan niya ang mga ito ngunit agad na nakapag handa sa pag-alis. Mabilis ang kilos ng dalawa na umakyat sa nakabukas na kisame. At bago nawala sa kanyang mga mata ay may USB na ibinato mga ito. Agad niya iyong dinampot at nilagay sa bulsa. Pagkatapos ng masigurong nakasara na ang kisame ay maingat siyang lumabas.
Tumakbo palayo sa pinanggalingan ng may kamay na humila sa kanya.
“Sweetheart, saan ka ba nanggaling at kanina pa kita hinahanap?” hindi siya sumagot pero kitang kita niya ang mata nito na umiikot sa paligid.
“Galing akong restroom, bakit mo kasi ako hinahanap?”
“Restroom?” sabay titig nito sa kanyang mga mata. Kaya naman ay sinikap niyang wala itong mahalata.
“Kailangan kong gumamit ng palikuran dahil medyo sumama ang aking tiyan. Pero busy ka kaya hindi na kita inistorbo.” dasal niya ay maniwala ito sa kanyang alibi. At sana rin ay naka alis ng ligtas ang dalawang kaibigan ng kanyang kapatid.
“Kung ganon ay halika na at naghihintay na ang lahat sa atin. Ready na rin ang mga kalaban ko sa golf.” dama niyang wala lang ibang masabi si Lorenzo. Kahit ang totoo ay nagdududa ito sa kanya. At habang patungo sila sa karamihan ay sinikap niyang maging kalmado. Kahit ang totoo ay gusto ng tumalon ang puso niya sa takot at pangamba.