AKALA ni Mars ay wala na siyang magagawa laban kay Xevi nang maglaho na ang kanyang apoy, subalit nang nasa oras na siya ng pangangailangan ay isang maliit na boses ang bigla na lamang nagsalita mula sa loob ng kanyang damit pang-itaas. Naroon pala ang prinsesa ng mga Litlo na kanya ngang ikinagulat. Kagaya nga ng karanasan niya na pagsakit ng tainga dahil sa boses nito, nang sandaling iyon ay muli niya iyong naramdaman. Eksaktong-eksakto nga rin ang paglabas ng prinsesa at sinabi niyang siya na ang bahala sa paglipad ni Mars. Sinabi rin niya na tawagin ng binata ang espadang Yama dahil bilang Sero na pinagkatiwalaan ng kanyang ama nito, ay alam niyang babalik ito sa kamay ng binata. Nang tawagin na nga ito ni Mars ay siya ring pagbulusok sa kanila ng kalabang handang-handa nang patayi