Apoy 13

1439 คำ
DALAWANG oras ang itinagal ng paglipad nina Venus at Jupiter papunta sa NCR. Bago sila dumiretso sa Maynila ay humanap muna sila ng mabibilhan ng maskara. Ito ay upang itago ang kanilang katauhan mula sa marami, lalo na sa media.   Sa pagdating nga nila sa Maynila ay tumambad sa kanila ang isang lugar na tila binagsakan ng isang bomba atomika. Maraming makikitang mga bangkay ang nagkalat sa paligid. Maraming lugar din ang nasusunog. Maraming mga gusali rin ang tumba at sira na. Napakainit din ng paligid dahil sa usok at mga apoy na nasa paligid. Sinabayan din ito ng napakadilim na langit dahilan para magmukhang gabi kahit alas-tres pa lamang ng hapon nang sandaling iyon. May mga pag-iyak nga rin ang maririnig mula sa iba't ibang lugar. Karamihan nga sa mga iyon ay mga bata habang pinipilit gisingin ang mga namatay nitong magulang.   Nang mga oras ding iyon, nagkalat na rin ang mga sundalo at pulis para tulungan ang mga nakaligtas. May mga romoronda na ring nga helicopter sa itaas. Walang tigil na rin ang pagtunog ng sirena mula sa mga lungsod na katabi ng Maynila. Umaalingawngaw rin ang tunog mula sa busina ng mga sasakyan na nagmamadaling umalis sa kabila ng makapal na traffic. Marami na ring mga malls at tindahan ang nagkaubusan ng stocks ng binebentang pagkain dahil marami na ang bumibili nang maramihan. Balisang-balisa nga ang lahat at natatakot sa mga maaari pang mangyari.   Samantala, mabilis namang humanap ng mapagtataguan sina Venus at Jupiter. Nagtago sila pansamantala sa loob ng isang gumuhong condominium sa may Manila Bay. Ayaw muna nilang makita ng mga pulis at sundalo sa paligid.   "Itago mo muna ang aura mo, hangga't maaari," sabi pa ni Venus kay Jupiter. Pagkatapos noon ay ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata. Tila natahimik ang paligid dahil doon. Susubukan ng Water Princess na hanapin ang aura ni Mars. Kung hindi man, umaasa siya na kahit aura ng mga kalaban ay makita niya.   Tumagal ng halos isang minuto ang ginawang iyon ni Venus. Malayo at malalim na ang saklaw ng kanyang aura ngunit ni isa ay wala siyang nakita.   "Nakakainis! Wala akong makita!" iritadang sambit ni Venus na napatingin sa labas.   "Ano na'ng gagawin natin ngayon?" tanong naman ni Jupiter na panaka-naka'y sumusulyap din sa labas.   "May naisip na ako. No choice, kaso baka madamay at matakot ang mga nasa paligid," sagot ng dalaga na parang nag-iisip pa ng ibang opsyon.   "Gawin mo na, ano pa ba ang dapat nilang ikatakot? Ngayon pa lang ay malamang natatakot na sila."   "Tama ka, pero mas maganda pa rin kung may magandang lugar." Napatingin si Venus sa dagat.   "Tama! Alam ko na kung saan." Agad na tumayo si Venus matapos iyong sabihin.   "Jupiter, dito ka lang. Alam ko na kung saan."   "Hindi p'wedeng ikaw lang. Sasama rin ako," sabi naman ni Jupiter at tumayo na rin ito.   Nabalot naman ng tubig ang kamao ni Venus at tiningnan nang masama si Jupiter. Napaatras na lang nga ang binata. Tila naging isang mabangis na halimaw ang naging aura ng dalaga. Dahilan iyon para manatili na lamang siya sa kanyang pwesto.   UMAALINGAWNGAW mula sa iba't ibang lugar ang tunog ng mga sirena. Ramdam din ang init sa buong paligid. Sinabayan pa ito ng kadiliman dahil sa makapal na ulap na bumabalot sa kalangitan.   Ang mga sundalo at mga pulis ay masigasig namang nag-iikot at nagbabantay sa paligid. Ngunit sa kabila noon ay puno ng takot at pangamba ang bawat dibdib nila nang oras na iyon. Sino ba namang mag-aakala na may magaganap na tila sa pelikula lamang nila nakikita?   "T-talagang pinarusahan na nga yata tayo ng langit. Mukhang ito na ang katapusan natin," sabi ng isa sa mga sundalo sa mga kasama nito.   "T-tama ka... Paano ba naman natin matatalo ang mga iyon? May mga kapangyarihan sila. May magic. Baka nga hindi sila tablan ng mga bala ng baril natin..." sabi naman ng isa na parang gusto nang mapaiyak dahil sa mga nangyari. Tapos naalala pa nito ang pamilyang naiwan niya sa probinsya. Maging ang iba nga ay hindi maiwasang mapahikbi at mangamba sa kung ano ba ang mangyayari pa.   "Mga lintek! Ano ba kayo? Ganyan na ba kaagad kayo panghinaan ng loob? Parang hindi kayo mga sundalo!" nasabi naman ng isa sa mga sundalo na may tatlong bituin sa suot nito. Nawawalan na rin ito ng pag-asa, pero bilang Heneral, ayaw niyang panghinaan ng loob. Kailangang ipakita niya sa kanyang tropa na hindi siya nawawalan ng pag-asa.   "Magsitayuan kayo nang tuwid! Malakas sila, may kapangyarihan... pero nakakalimutan n'yo yata... sa mga pelikula, palaging may bayaning dumarating. Sila ang tatalo sa mga iyon!" Masyadong maka-bata ang sinabing iyon ng Heneral pero, kung mawawalan siya ng kaunting pag-asa, mabuti pang magpakamatay na lang daw siya.   "Buhay pa tayo. Hindi pa tayo namamatay. May pag-asa pa! May magliligtas pa sa bayan natin. Sa mundo natin!" dagdag naman ng isa pang sundalo.   Napakuyom ng kamao ang karamihan at napatingala sa itaas. May ilang hindi na napigilang mapaiyak. May katiting na apoy ang sumibol sa mga mata nila at sapat na iyon para hindi sila lamunin ng pagkatalo.   "S-sana nga... may magligtas pa sa atin..."   NAGULANTANG na lang bigla ang mga sundalo't pulis na nagpa-patrol sa tapat ng Manila Bay dahil bigla na lang kasing lumakas ang alon sa dagat. Ang mga nagrorondang maliliit na barko ay agad dumaong sa pampang. Isang babae rin ang kasalukuyang nasa ere na ikinagulat nila. Nababalot ito ng maraming butil ng tubig at nagliliwanag ng asul ang buong katawan.   "A-ano kaya iyon? K-kalaban kaya?" sabi ng isa sa sundalo habang tinitingnan ang babae gamit ang teleskopyo.   "De Lara! Ano ba ang plano mo?" tanong naman ni Jupiter na kasalukuyang nakatayo habang nakapa-maywang sa itaas ng Manila Ocean Park.   Lumalakas na nang lumalakas ang ihip ng hangin mula sa dagat. Mas lumalakas din ang alon doon habang tumatagal. Ang aura nga ni Venus ay lalong nagliliwanag at tumataas ang lebel ng lakas.   "Siguro naman, may lalabas nang kalaban sa pagkakataong ito! Heto na ako!" malakas na sigaw ni Venus na nagpayanig sa buong paligid. Kasunod noon ay bigla siyang naalerto dahil isang napakalakas na pagsabog ang yumanig mula sa itaas.   Biglang isang malakas na atake ang sinalag ni Venus. Sa lakas noon ay nahati ang dagat palayo mula sa pampang. Naalarma rin ang mga sundalo't pulis dahil doon. Tsunami nga ang kasunod noon. Dahilan para magmadali silang magsitakbuhan palayo mula sa tabing-dagat.   "A-ang lakas ng isang ito!" sambit ni Venus habang nakikipagbuno gamit ang dalawang kamay laban sa kamao ng umatake sa kanya. Isa itong babae at nababalot ng itim na aura ang katawan. Nakasuot ito ng marumi at gula-gulanit na damit at pantalon. Itim din ang buong mga mata nito. Nakangisi at gigil na gigil kay Venus.   "De Lara!" sigaw naman ni Jupiter. Lumipad na siya sa ere ngunit isang napakalakas na atake ang biglang tumama sa kanyang mukha. Bumulusok siya pabalik sa Ocean Park. Nawasak din ang parteng binagsakan niya at pailing-iling siya dahil sa sakit ng tinamong iyon.   "T-tangina! Sino'ng may gawa no'n?" sambit niya na nahihirapan pang makabangon habang nakatingin sa itaas. Doon nga'y tumambad sa kanya ang isang mataba at kalbong lalaki.   Nababalot ang lalaking iyon ng itim na aura. Itim din ang mga mata nito. Walang pang-itaas at tanging shorts lang ang suot. Litaw na litaw tuloy ang katabaan nito. Lalaw ang bundat na tiyan at pati ang dibdib nito.   "S-sa wakas... May makakalaban na rin..." sambit ni Jupiter na kakatayo pa lamang. Nakangisi ito habang nakatingin sa itaas.   Samantala, isang napakalaking alon ng tubig ang pinakawalan ni Venus habang nakikipagbuno sa kanyang kalaban. Kinontrol niya iyon gamit ang kanyang isip.   "Water Clutch!" sambit ng dalaga. Kasabay niyon ay sinalpok paikot ng tubig ang kanyang kalaban dahilan para lumikha ito nang napakalakas na pagsabog ng tubig sa itaas.   Mabilis din na lumipad paatras si Venus. Seryoso siya at inihanda ang sarili sa posibleng pagbawi ng kalaban. Alam kasi niyang hindi basta-basta ang kalaban kaya kailangan niyang magseryoso.   "Yelo, laban sa tubig," sambit ng dalaga nang maging yelo ang tubig na itinira niya sa kalaban. Naging yelo na kulay itim iyon na bumagsak pa paibaba dahilan para mayanig ang paligid. Kasunod din noon ay ang pag-agos ng tubig ng dagat papunta sa malalim na hukay na nilikha noon.   Muling umihip ang malakas na hangin sa paligid. Mukhang iyon na ang hudyat ng pagsisimula ng laban. Ang mga nakasaksi sa mga nangyayari, hindi makapaniwala sa nakikita. Nang mga oras ding iyon... isang bagay lamang ang tumatakbo sa isip nila. Ang mga itim ang liwanag, ay ang kalaban... habang ang lumalaban dito ay...   "Dumating na ang mga tagapagligtas natin!"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม