Chapter 7: They Meet Again

1514 คำ
MALALIM ang iniisip ni Asuna habang naka-upo sa isang sanga ng malaking puno. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mapupulang ulap na pumapalibot sa maliwanag na buwan. "Nigito, Nigito Kuzuna ang pangalan ko at alam mo yun!" Hindi inaasahan ni Asuna na bigla siyang mapapangiti habang inaalala ang sinabing iyon ni Nigito. Bigla kasi siyang may naalala tungkol sa buhay niya sa real world. "Kakaiba ang player na iyon." Hindi maintindihan ni Asuna pero parang may kakaiba siyang nararamdaman sa player na si Nigito. Parang nakilala na niya ito at hindi niya alam kung tama ang kanyang kutob. ISANG makinang at malaking gintong X ang tumama sa katawan ng isang Black Skull Mage Level 37. Sinundan pa ito ng mataas na talon ni Nigito. Sa sobrang bilis ay halos gumuhit sa hangin ang talim ng kanyang espada. Tinamaan sa ulo ang monster at ito'y natalo. Ito na ang ikalimang level 37 na monster ang tinapos niya sa loob lamang ng tatlong oras. Pursigido talaga siya na mapataas ang level niya at mapalakas ang kanyang stats. Pagod na pagod siya matapos iyon, kaya agad siyang naghanap ng mapagpapahingahan. Maswerte siya at may nakita siyang isang malaking puno. "Yuri." Sariwa pa rin sa kanya ang lahat ng mga pinagdaanan nila ng batang itinuring niyang kapatid. Sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili dahil sa mga nangyari. "Kung alam ko lang sana!" Ipinagpatuloy niya ang hunting sa mga nagdaang araw sa Devil Forest. Wala siyang pinapalampas na mga monsters. 'Pag alam niyang kaya niya ay nilalabanan niya ito. Samantala, nakatago si Asuna sa isang matabang puno. Kasalukuyan kasi siyang nakikipaglaban sa isang Level 37 na Wild Bear. Akala kasi niya ay kaya niya itong talunin pero nagkamali siya. Mataas rin kasi ang Strength ng monster at may skill pa ito na "Arena" (Stops an enemy by 3 seconds). "Delikado ako nito. Hindi ako pwedeng tumakas dahil nalagyan niya ako ng skill niyang "Duel" (Skill that was the same with duel of players.). Ubos na rin ang Salves ko! Asar!" daing ni Asuna na alertong-alerto sa paligid. Tumalon siya pataas at ginamit ang kanyang Stun. Umatake siya ng limang sunod-sunod subalit kaunti lang ang nabawas niyon sa HP ng monster. Tataguan sana muli nya ito subalit naabutan siya ng skill na Arena. 40% HP na lamang ang natitira kay Asuna at sa unang dalawang atake nito ay 9% na lang ang natira. "H-Hindi.. K-Katapusan ko na ito.. P-Patawad.." "Y-yuri." Ipinikit na lamang ni Asuna ang kanyang mata sa huling atake ng monster gamit ang matutulis nitong kuko. Ngunit biglang may isang player ang lumitaw sa kanyang harapan. Umalingawngaw sa paligid ang bungguan ng dalawang mga talim na sinabayan ng hindi kalakasang impact ng hangin sa kinatatayuan ng mga ito. Isang kumikinang na espada ang sumalag dito dahilan upang maligtas si Asuna. Humiyaw ang Wild Bear. Doon ay unti-unting inimulat ni Asuna ang mga mata niya at isang pamilyar na player ang ngayon ay nasa kanyang harapan. "Black--- este Nigito?" bulalas ni Asuna. "Sabi mo sa akin dati, mamili dapat ako ng kakalabanin?" wika ni Nigito. Agad silang tumalon palayo at agad niyang binigyan ng Healing Salve si Asuna. "S-Salamat. Iniligtas mo ako!" nahihiyang wika ni Asuna. "Fair na tayo. Iniligtas mo rin ako noon." "May stun ka na ba uli?" tanong pa ni Nigito. "Meron na uli," wika ni Asuna na nakahanda na kaagad sa mangyayaring laban. "Gamitin mo na at tatapusin na natin yan!" sabi ni Nigito at inihanda nila ang kanilang espada. Ginamit ni Asuna ang Stun. Hinawakan naman ni Nigito ang kamay niya. Dahil sa Blink ay lumitaw silang dalawa sa harapan ng monster. Ini-Activate ni Nigito ang item niyang Mask Of Madness (Lifesteal + 50% Attack and Movement) para bumilis ang kanyang atake. "Tatayo ka lang ba?" Napansin kasi niya si Asuna na parang namumula ang pisngi habang nakatitig sa kanya. "So-sor...rry!" Dahil sa Buriza na item ni Nigito ay mabilis na bumaba ang HP ng monster. Parang isang musika ang tunog ng kanilang mga espada sa tuwing tumatama ito sa kalaban. Napakaganda ring pagmasdan ang pagkinang ng kanilang mga espada sa bawat wasiwas nila. Subalit isang bagay ang hindi na nila napapansin. Sa bawat atake nila ay napapangiti sila. Kahit si Nigito, na hindi na ngumingiti ay hindi napigilan ang sarili. Parang may kakaibang gaan ng kalooban siyang naramdaman habang kasama si Asuna nang mga oras na iyon. Simula nga nang malaman ng mga player ang katotohanan sa HQO ay iilan na lamang sa kanila ang nakikitaan ng pagngiti at pagtawa. Bihirang-bihira. NATALO nila ang monster at nakatanggap ng kaukulang EXP at Coins. Seryosong nagkatinginan silang dalawa. "Nasaan na ang mga kasama mo? Bakit mag-isa ka lang?" tanong ni Nigito rito habang pinagmamasdan ang kanyang espada kung ito ba ay nagkagalos. Tumingin naman sa malayo si Asuna bago sumagot. "Tumiwalag na ako sa White Heroes. Binitawan ko na ang pagiging captain doon," nakayukong tugon ni Asuna. "Kung ganun, balak mong magsolo? At 'yung kanina.." "Gusto mo na bang tapusin ang buhay mo?" medyo galit na wika ni Nigito. Namula ang pisngi ni Asuna at buong tapang na nagsalita. "Gusto kong sumama sa 'yo..." pulang-pula ang pisngi ng dalaga nang sabihin niya iyon. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya ay dapat siyang sumama rito. Natulala si Nigito sa kanyang narinig. Subalit pinilit niyang magseryoso sa kabila noon. "N-nasisiraan ka na ba ng ulo? Marami naman dyan na mas malakas. Mas magaling at mas maa--" Hindi na niya natapos ito nang biglang nagsalita si Asuna. "Ikaw nga ang gusto kong samahan. Ano ba'ng problema doon!?" Inilagay ni Nigito sa lagayan niya ang kanyang espada at pasimpleng tumingin kay Asuna. "Ako ang gusto mo?" tanong niya dahil hindi niya narinig nang maayos ang  sinabi ng dalaga. May kaunting parte rin sa kanya na parang gustong marinig ang oo ng dalaga. "Baliw! Gustong makasama sa questing. 'Yun lang 'yun." Sa narinig ni Nigito ay para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. At upang hindi mahalata ay nagseryoso muli siya. Nagsuplado rin siya rito. "Hindi pwede! Marami namang iba dyan at isa pa... Ayaw ko ng may kasama! Sige, aalis na ako. Mag-ingat ka na lang!" Nagpaalam na lang si Nigito. Sa totoo lang ay gusto niyang manatiling solo. Kahit nga na parang nagtatalo ang utak at puso ni Nigito sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kaya nga mas pinili niya si Asuna na tanggihan, natatakot kasi sya na maulit ang nangyari sa kanya dati. Papalayo na si Nigito subalit si Asuna ay mukhang may sasabihin pa. Ang kanyang mga labi ay nanginginig tulad ng kanyang mga kamay. "Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Biglang sinabi ni Asuna. Kasunod noon ay ang pag-ihip ng mahinang hangin sa kanilang paligid. Napahinto sa paglalakad si Nigito matapos iyon at hindi na nga niya naiwasang mapangiti. "Matagal na rin mula nang mapa-ngiti ako ng ganito! Asuna!" bulong pa niya. Hindi siya makasagot dahil doon. "Hoy! Bingi ka ba?" wika ni Asuna na papalapit na sa kanya. Nagpatuloy pa rin si Nigito sa paglalakad at hindi niya pinapansin si Asuna na sumusunod pala sa kanya. Hindi ito umiimik kaya nakaramdam si Asuna ng pagkadismaya. Inisip niyang baka ayaw talaga ng binata. "'Wag na lang!" Huminto na siya sa pagsunod at hinayaan na niya ito. Napansin ito ni Nigito kaya agad siyang huminto. Akala kasi niya na nakuha na ni Asuna ang nais niyang ipahiwatig na "oo" pero hindi pala. "Ano pang inaarte mo diyan? Iiwanan na kita eh," sambit ni Nigito. Nang marinig iyon ni Asuna ay hindi na nga niya naiwasang mapa-ngiti. Ngiting tinanggal na dahil sa larong ito. Sa mga lumipas na panahon ay lagi na siyang seryoso at pilit itinatago ang nararamdaman. Ito kasi ang bagay na nagpapa-alala sa nawawala niyang kapatid, si Yuri Shitomi. Sumabay na nga siya paglalakad kay Nigito at nabigla siya nang mapasulyap siya rito. Nakita kasi niyang pasimple itong ngumiti. Muli niya tuloy naalala ang unang beses na makita niya ito. Nang minsang iniligtas niya ito ay nakangiti si Nigito na nagpapasalamat. Iyon ang bagay na ikinaasar niya dati. Sino pa ba naman ang ngingiti at mag-eenjoy sa isang virtual game na buhay mo ang magiging kapalit? Nang muli nga niyang nakita si Nigito sa barko ay natuwa siya dahil nagseryoso na ito. Kaya naman, naisipan niya na sumama dito. At dahil sa ngiting iyon ay na-realize niyang tama ang desisyon niya. Hindi naman talaga bawal ngumiti, hangga't may puso ka... Pwede kang maging masaya. Kung sakali man na mamatay sa game si Asuna ay hindi siya malulungkot dahil kasama niya si Nigito, ang player na marunong tumawa at mag-enjoy. "Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Nigito na bumasag sa mga iniisip ni Asuna. "H-ha? Wa-wala ah. Bakit? Gusto mo ba na mag-ingay ako?" tugon ni Asuna. "Hindi naman. Naitanong ko lang. Sige, tumahimik ka na lang!" wika ni Nigito. "Mali pala ang mga iniisip ko tungkol sa kanya," bulong ni Asuna. "May sinasabi ka?" puna ni Nigito. "W-wala.. Di ba sabi mo na tumahimik ako?" pagtataray ni Asuna. Hindi na sila nag-imikan at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi tuloy maiwasan ni Asuna na magdalawang-isip sa pagsama dito. Para daw kasing boring kasama si Nigito. Subalit sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay biglang tumigil si Nigito sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap dito. "T-teka? A-anong gagawin ng mokong na ito?" isip ni Asuna. Iniangat ni Nigito ang kanang kamay na at nagsalita. "F-friends?" medyo nahihiya pa niyang tanong. Namula ang pisngi ni Asuna. "Oo. Friends na tayo!" Ani Asuna na sumilayang ngiti sa kanyang mapulang labi. Naglapat ang mga kamay nila na sinundan ng matamis na ngitian sa isa't isa. TO BE CONTINUED!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม