Chapter 6: The Power of Him

1190 คำ
SI Yuri pa lang ang tanging nakita ni Nigito na ngumiti at tumawa sa game na ito. Iyon ay dahil wala siyang alam sa mga nangyari. Ngayon nga ay mas lalong wala na ring dahilan para ngumiti pa si Nigito. Sept. 2, 3014: Makalipas ang matagal na trial, nagawa na ring maiparating ng mga taga-Nigimoto ang mensaheng matagal na nilang nais iparating sa X3000HD. Sa impormasyong iyon ay mas naging agresibo at pursigido ang maraming players para magpalevel. Wala na silang pinapatawad na monsters. Marami ang mga nananalo pero marami na rin ang nasawi. Pansamantala namang namalagi si Nigito sa Minahi City. Isang lugar na kagaya ng Metropolis. May mga matataas na buildings, mga ilaw at kung ano-ano pa. "Sapat na siguro ang inilagi ko dito. Dapat na siguro akong pumunta sa sunod na isla," sambit niya habang naglalakad patungo sa pier. Sa mga lugar kasi na may "City" ang pangalan ay walang teleporting plaza. Eroplano o barko ang pwede lang masakyan dito. Dahil nga hindi pa sapat para mag-eroplano ang pera niya ay sa barko na lang siya sumakay. Sa upper deck ng barko siya pumwesto. Kitang-kita nya ang ganda ng dagat at isa pa, konte lang ang pasahero kaya tahimik dito. Tahimik niyang pinagmamasdan ang tubig nang biglang isang Level 34 na sea serpent ang umalpas mula rito. Seryoso kaagad niyang hinugot ang espada nya. "Humanda ka." Buong tapang siyang tumalon mula sa barko. Ang talim ng espada niya ay kumikislap kapag natatamaan ng liwanag. Balak talaga niyang tapusin ang sea serpent pero bigla itong sumisid sa tubig. Hindi na nakontrol ni Nigito ang katawan niya kaya't nahulog siya sa dagat. Mabilis din siyang lumangoy pataas. "Pweh! Asar, saan na napunta yun?" bulalas niya habang nagpapa-lutang sa tubig. Dahil doon ay hindi niya napansin ang pagsugod ng monster dahilan upang tumalsik siya pataas mula sa tubig. Nabawasan ng 3% ang HP niya subalit hindi pa doon nagtatapos. May sumirit pa mula sa bunganga nito na malakas na tubig at tinamaan si Nigito. "Water g*n: Inflicts 400 HP." Hindi pa rin mababakas sa mga mata niya ang pangamba kahit ganoon ang nangyari. "Dagger! Shoot!" Ginamit niya ito para ma-slow ang serpent ngunit iba ang nangyari. Bigla na lang na-stun ang monster na iyon. "T-teka? Kanino nanggaling ang stun na iyon?" tanong ni Nigito ngunit bago pa man niya malaman kung sino. Isang malakas na suntok ang sumalubong sa mukha niya at halos malunod siya sa paglubog niya sa tubig. "Hindi ka ba nag-iisip!? Level 34 na iyon samantalang 23 ka lang. Wala ba talagang utak kayong mga solo players?" "Feeling ninyo malakas kayong mga solo?! Akala ninyo lahat ay kaya ninyo!" Halos mawalan si Nigito ng gunita sa lakas ng suntok na iyon kaya nadala agad siya nito sa barko. Mabuti na lang at hindi na sila hinabol ng sea serpent. "Ang sakit ng mukha ko! Asar!" bulalas ni Nigito habang hinihimas ang mukha niya. Napatingin siya sa player na nasa harap niya. "Bakit ka ba nangialam?" "Asuna Shitomi?" seryosong tanong niya. "Gusto mong mamatay? Sige! Balikan mo!" pasigaw na tugon ni Asuna. Pagtataasan sana niya ito ng boses pero napakalma siya namg mapatitig siya kay Asuna. Hindi kasi niya maiwasan na magandahan kaya napabuntong-hininga na lang siya. Napansin din niya na masama ang tingin ng mga kasamahan nito sa kanya. Pero wala siyang pakialam sa nga iyon. "Ayaw ko na. Tinamad na ako, dapat kasi tumulong ka na lang. Level 30 ka na pero hindi mo pinatay." "Ms. Pakialamera!" pahabol pa ni Nigito. "Mr. Yabang!" Inis naman na tugon ng dalaga at iniwan na siya nito na asar na asar. Inabot ng halos dalawang oras bago dumating sa kanilang destinasyon, ang isla ng Ichi. Isa ito sa mga naglalakihang isla dito sa HQO Game. Base sa information guide ni Nigito, may mga ultra rare items ang matatagpuan ni Nigito. Kaka-baba pa lang niya pero bigla siyang tinawag ni Asuna Shitomi. "Blackswordman!" "Nigito, Nigito Kuzuna ang pangalan ko at alam mo yun!" tugon niya. "Ang arte!" mahinang sambit ni Asuna. "Oh sige, Nigito? Baka gusto mong sumali sa aming grupo?" Nagulat ang mga kasamahang knights ni Asuna sa alok niyang iyon kay Nigito. Ang patakaran kasi sa guild (White Heroes Guild) nila ay dapat 3 or less ang level gap mo mula sa captain (Asuna) para mapasali ka. "C-captain Asuna, level 23 pa lang po ang player na iyan?" paalala ng vice-captain na si Oda, isang level 29. "Desisyon ko ito Oda. At bilang kapitan dito, dapat mong igalang ang pasya ko," matalim na tugon ni Asuna. "Patawad po Captain!" mahinang wika ni Oda. Nilingon ni Nigito ang bawat isa nitong miyembro na para bang pinag-aaralan. Bumuntong-hininga muna siya. "Pasensya! Pero ayaw ko. Sige, uuna na ako sa inyo," seryosong pahayag ni Nigito. Napakuyom naman ng kamao si Asuna nang marinig iyon MALAKI ang respeto ni Oda sa kanilang captain na si Asuna. Kahit pa nga na mas matanda siya dito. Kaya naman nang marinig niya ang sagot ng lalaking naka-itim ay hindi niya maiwasang magalit. Pakiramdam niya ay binastos nito ang kanilang kapitan. Seryoso ng naglalakad palayo si Nigito nang bigla siya nitong habulin at harangan ang daraanan. Mabilis niyang binutot ang tanso niyang espada at mabilis na itinutok sa leeg ni Nigito. "Wala kang galang! Ganun mo na lang tatanggihan ang alok ng aming captain?" mariing pahayag ni Oda. "Oda! Itigil mo iyan," saway ni Asuna. "Paumanhin Captain pero gusto kong malaman ang kakayahan ng player na ito. At kung bakit nais ninyong magpasali ng tulad niyang mayabang sa grupo natin," wika ni Oda. Seryosong tinitigan ni Nigito si Oda. "Mag-Duel tayo. Nigito Kuzuna!" alok ni Oda. Tipikal at blankong ngiti ang itinugon ni Nigito kasabay ng paglitaw sa Visual Screen nya ng Duel Invitation. "Sige," maikling wika ni Nigito matapos niyang i-click ang accept button. "Hindi ito maganda..." bulong ni Asuna dahil pakiramdam niyang parang may mali kay Nigito. Lumitaw ang transparent na pulang barrier at pumalibot ito kay Nigito at Oda. Tanging ang mga magdu-duel lamang ang maaaring pumasok dito. Seryoso ang lahat ng mga naroroon. Inaabangan ang magiging laban. "Wala na akong magagawa!" bulong ni Nigito. "3... 2..." "1!" "DUEL START!" Natigilan ang lahat ng mga nakasaksi sa mabilis na pangyayari sa loob ng barrier. 10% HP na lang ang meron sa nakalugmok na si Oda. "N-natalo mo ako? P-pero pa-paano?" garalgal na tanong ni Oda habang nakabulagta sa lupa. Umismid si Nigito at pagkatapos ay ibinalik na niya sa kanyang likod ang kanyang espada. "Nigito Kuzuna, Level 33!" kasunod nito ay ang paglabas niya sa barrier. Napakabilis ng mga nangyari. Sa umpisa pa lang ay ginamit agad ni Nigito ang Skill niyang Blink (Transfer a hero to a player or Monster. Requires 20 MP and 20 seconds cooldown.) na sinundan ng mabilis na dalawang patama ng kanyang espada. Ito ang naging dahilan ng pagkatalo ni Oda. "H-hindi ako makapaniwala. Dalawang hit lang niya ay halos maubos na agad nya ang HP ni Oda. Sigurado ako na may Ultra Rare Item siya na Buriza, (30% Chance 2.5x Critical Damage.)" sambit ni Asuna na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "Tanda ko pa nang una ko siyang nakita, level 2 pa lang siya pero ngayon..." "Advantage talaga ng mga solo players ang mabilis na pagtaas ng kanilang level. Naka-Hide Rank pala kaya ang lakas ng loob," bulong pa ni Asuna. Nakukuha ng 500 Coins at 500 EXP si Nigito sa panalo niyang iyon. Muli niyang ipinagpatuloy ang kanyang paglalakbay. Mag-isa niyang pinasok ang Devil Forest para mag-hunt ng mga monster. TO BE CONTINUED!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม