Chapter 8: The Lovers

2241 คำ
GINAMIT ni Asuna ang Stun sa isang Level 20 monster. Sinundan naman ito ng Blink ni Nigito. Critical Damage nga agad ang unang niyang dalawang atake kaya 25% HP na lang ang natira sa kalaban. Hindi na nga nakagamit ng skill ang monster dahil sa lakas ng dalawa. At 'di rin nagtagal ay naubos na nga ang HP nito. "Napagod ako doon. Habang tumataas ang level natin ay mas lalong nararamdaman natin ang pagod," wika ni Nigito na napa-upo kaagad sa tabi ng isang puno. "Tama ka! Habang tumatagal ay nagiging parang tao tayo. Kahit na nasa loob pa man tayo ng sirang virtual game na ito," sagot naman ni Asuna na nakasandal naman sa puno. "Magpahinga na tayo dito. Gabi na pala," wika ni Nigito na pinagmasdan pa ang taas ng punong sinasandalan nila. "Sa taas ako ng puno at diyan ka naman sa baba ha!" pahayag ni Asuna. "Ayos ka rin. Sige. Pasalamat ka at gentleman ako," sandali pang ngumiti si Nigito matapos sabihin iyon. Hindi na umimik si Asuna at agad na niyang tinalon ang sanga ng malaking punong nasa harapan nila. Ito nga ang unang gabi na magkasama silang dalawa. Nakatitig lang si Asuna sa mga bituin habang si Nigito ay natulog na kaagad. Napaisip tuloy si Asuna kung talaga ba itong natutulog. Hindi pa kasi niya nasusubukang matulog dito sa loob ng laro at isa pa ay hindi naman siya nakakaramdam ng antok. Nanaginip kaya siya? Binabangungot rin kaya? Maraming bagay ang naglalaro sa utak niya nang mga sandaling iyon. Bumaba siya sa puno at tahimik na pinagmasdan ang natutulog na si Nigito. Hindi niya maintindihan kung bakit umiinit ang pisngi niya sa tuwing tititigan niya ito. Maging ang t***k ng puso niya ay bumibilis at lumalakas din. "Bakit ganito? Normal lang ba itong nararamdaman ko? Nasa loob lang naman ako ng larong ito." Napabuntong-hininga na lang si Asuna. Muli nga siyang pumunta sa sanga ng puno at magdamag pinagmasdan ang kalangitan habang iniisip ang binata na nasa baba niya. ***** Tumikhim si Asuna sa tabi ni Nigito na tila mahimbing pa ring natutulog. "Gising na po! Umaga na!" may kalakasang wika ni Asuna kay Nigito. Dahil nga doon ay biglang napamulat ang binata at binanat ang dalawang bisig. "Um-maga na pala!" bungad ni Nigito na kinukusot ang mga mata pagkatapos mag-inat. Mabuti pa raw si Nigito at mukhang masarap ang tulog na labis na ipinagtataka ni Asuna. Sa pagtayo nga ng binata ay buong lakas siyang lumundag. Isang mataas ba talon ang ginawa ni Nigito. Nalampasan pa niya ang punong nasa likuran nila sa taas ng ginawa niyang iyon. Sa paglapat ngang muli ng paa ni Nigito sa lupa ay mabilis niyang hinugot ang kanyang espada. Iwinasiwas niya ito sa hangin na parang may kinakalaban. Mabilis. Pabilis nang pabilis ang kanyang pagkilos hanggang hindi na ito makita. Natulala na lang si Asuna sa kanyang nakikita. Iniisip niya kung ano at para saan ang ginagawa ni Nigito. Napapitlag na lang nga siya nang biglang lumitaw ito sa harapan niya. "Good morning! Tara na," wika ni Nigito na nakangiti pa sa dalaga. Hindi nga agad nakapagsalita si Asuna. Nabigla siya dahil ang lapit ng mukha niya rito. "Ui! Magsalita ka," ani Nigito na umatras na at pagkatapos ay inayos ang sarili matapos maibalik ang kanyang espada sa lalagyan nito. "H-ha? Naku... S-sorry!" Ngumiti na lang ang dalaga ng pilit nang oras na iyon. "Ano 'yung ginawa mo?" tanong pa ni Asuna. "'Yun ba? Exercise ang tawag ko doon. 'Di ba may ganun sa real world? Para pati gising na gising ako sa ating lakad," masiglang sagot ni Nigito habang sila ay naglalakad sa gitna ng kagubatan. Minsan nga talaga ay hindi rin maiwasan ni Asuna na mawirduhan sa kasama niyang ito. "Paglabas natin dito ay isang village sa tabi ng dagat ang ating madadaanan. "Zubi Village" may kalakihan rin ang lugar na ito at ayon dito sa data. May ultra rare item daw na mabibili dito," pahayag ni Asuna habang binabasa ang data mula sa VS niya. "Wow! Ano pang hinihintay natin. Bilisan na nating pumunta dun!" Kumaripas na nga ng takbo si Nigito pagkarinig noon.. "Hoy! Hintayin mo ako. Lugi ako sa iyo! Mas mataas ang Agility stats mo kumpara sa akin!" sigaw ni Asuna. "Hoy! Baliw!" Dagdag pa nito na napatakbo na rin ng wala sa oras. Nakita nga ni Nigito ang isang arko na yari sa semento. "ZUBI VILLAGE." Agad nga siyang tumalon sa tuktok nito. Tumayo siya roon at iniikot ang tingin sa paligid. "Wow!" Hindi niya maiwasang humanga sa mga nakita niya sa itaas. Tulad ng isang resort ang baybayin ng Zubi. Mapuputi ang buhangin na sinamahan pa ng asul na dagat. Napakasariwa rin ng hangin doon kung titingnan. Bihirang-bihira siyang makakita ng ganito sa real world kaya naman labis ang pagkamangha ng binata rito. "Saan na nagpunta ang lalaking iyon? Pinatakbo pa talaga ako!" sambit ni Asuna na bahagyang napagod sa pagtakbo. Mabuti na nga lang at agad siyang nakita ni Nigito. "Asuna! Dito sa taas. Bilisan mo! Ang ganda dito!" tawag ni Nigito sa dalaga. "Ano na namang kalokohan ito?" bulong ni Asuna na napailing na lang. Doon nga ay buong lakas siyang tumalon patungo sa kinatatayuan ni Nigito. "Ay!" Subalit dumulas ang paa niya nang hindi inaasahan kaya muntik na siyang mahulog sa arkong iyon. Mabuti na lang at maagap si Nigito at nakapitan siya kaagad nito.  Hindi tuloy sinasadya ni Asuna na mapayakap dito. Kakalas na sana siya subalit naramdaman niyang pinagsara ni Nigito ang bisig nito sa kanya. Tila nagyelo si Asuna nang oras na iyon. Inisip niyang nasa loob sila ng game at okay lang ito. Doon nga ay kumabog na lang nang malakas ang kanyang dibdib. Hindi naman nga maintindihan ni Nigito kong bakit niya iyon nagawa. Napakalakas din ng kabog ng dibdib niya at pakiramdam niya'y parang sasabog ito. Wala na ngang nagawa si Asuna kundi hayaan ito. Namula sa kaba ang pisngi niya at nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon mula sa binata. Tahimik at nakangiti nga nilang pinagmamasdan ang magandang tanawin mula sa kanilang kinatatayuan. Gusto nilang maramdaman na ang lahat ng ito ay tulad din ng tunay na mundo. "Pa-pasensya ka na Asuna. May mga bagay kasing mahirap ipaliwanag. Baka isipin mo na pinagsasam--" Hindi na naituloy ni Nigito ang gusto niuang sabihin nang biglang idampi ni Asuna ang isa nitong daliri sa labi niya. "Okay lang! K-kahit na nandito tayo sa loob ng isang laro. Masaya ako kasi nakilala kita. Hindi man ito ang real world." "Gusto kong malaman mo na hinding-hindi ko makakalimutan ang isang tulad mo sa oras na makalabas tayo mula rito." Pasimpleng niyakap pa ni Asuna si Nigito. Okay lang ito para sa kanya. Isa pa, wala siyang pagtutol dahil komportable siyang kasama ito. ***** "Zubi Village Item Shop." Nagtingin-tingin sina Nigito at Asuna ng mga items na pwede nilang mabili sa loob nito. Hinahanap rin nila ang tinutukoy na ultra rare item na mabibili dito. "Karamihan naman ng mga nandito ay common type items lang!" wika ni Asuna na seryosong pimagmamasdan ang isang maliit na patalim sa gilid. "Susubukan kong tanungin ang SH (Systematized-Human) na nagtitinda dito," suhestyon naman ni Nigito. Kung titingnan ay parang mga player din ang mga SH dahil sa itsura nito. Pero may tatlong simpleng paraan para ma-recognize ang mga ito. Una ay gamit ang VS (Virtual Screen). Hindi kasi naglalabas ng Stat ang VS maliban sa mga players at monsters. Pangalawa ay ang pagsasalita nila. Palaging may binabanggit na word o words ang mga SH tuwing matatapos ang kanilang sinasabi. At patatlo ay ang relo na makikita sa kanang kamay nila. Ito ang nagsisilbing memory storage ng mga SH. Ang mga SH din ang nagsisilbing mga tao sa X3000HD. "May ibinebenta po ba kayong Ultra Rare Item dito?" may pagkapormal na tanong ni Nigito. "Meron. Neko! Gem of Dragon ang dapat mong ipalit... Neko!" tugon ng SH na isang matandang may mahabang balbas na nakasuot ng pangkaraniwang kasuotan sa HQO. "G-gem of Dragon? Saan namin matatagpuan iyon?" sabat ni Asuna na tila nagkainteres sa narinig. "Sa Arc of the Dragons. N-neko! Sa gitna ng Millenium Volcano. Neko!" Nang marinig iyon ni Nigito ay nakaramdam siya ng excitement. "Thank you Mr. SH," mabilis na tugon ni Nigito na nagmadaling lumabas. "Tara na Asuna!" sabay hawak ni Nigito sa braso ng dalaga. "T-tka... Teka nga Nigito? Bakit ka ba nagmamadali? Pupunta na ba tayo sa Millenium Volcano?" biglaang tanong ni Asuna matapos silang makalabas mula sa shop. "Alam mo na ba kung saan 'yun?" tanong bigla ni Nigito sa dalaga. "Hindi ko nga alam 'yun. Maglakad na lang muna tayo sa tabi ng dagat!" "Mag-relax muna tayo!" Suhestyon ng dalaga. "P-pero, kailangan na nating makuha iyong Gem of---" Magsasalita pa sana si Nigito kaso hinila na siya ni Asuna. Para kay Asuna, ibang-iba si Nigito sa ibang player na nakasalamuha niya. Kakaiba ito. Si Nigito naman, hanggang tenga ang ngiti habang pinagmamasdan si Asuna dahil sa wakas ay may dahilan na naman siya upang maging masaya. Akala niya hindi na siya babalik sa dati, kaso nagtagpo siya ni Asuna. Nagkaroon na uli siya ng dahilan para magpatuloy habang nag-e-enjoy sa game. Ang hindi nga lang niya maintindihan ay sa tuwing napapatingin siya kay Asuna ay naaalala niya si Yuri. "Doon tayo! Walang tao dun. Dali!" aya nito kay Asuna matapplos niyang makakita ng magandang pwesto sa tabi ng beach. Magkahawak nga ang kamay nila habang tumatakbo sa buhangin nang mga sandaling iyon. "N-ngito?? Ano ba'ng gagawin natin?" Tanong ni Asuna na biglang napalunok ng laway. "Ano pa? Maliligo! Sayang ang ganda ng dagat! Ikaw? Gusto mo ba!" wika ni Nigito habang nakatingin sa asul na karagatan. "What? Sigurado ka? Alam mo, baliw ka talaga!" Ani Asuna at si Nigito naman ay may inilabas mula sa kanyang VS. "Change Attire Kit: On!" "Beach Attire Activated!" Bigla na lang ngang nag-iba ang suot ni Nigito. Wala na siyang upper garment at tanging shorts na lang ang suot. Dali-dali nga siyang tumakbo sa dagat at nagtampisaw sa tubig. Bigla na lang napatili si Asuna nang makita niya ang kanyang suot nang oras na iyon. "Ano'ng ginawa mo? Hoy! Tandaan mo, babae ako." Agad tumalikod si Asuna na pulang-pula ang pisngi dahil sa suot niya. "May astig kasi akong item. Nakuha ko ito dati sa tinalo kong level 18 na monster. Change Attire Kit!" Pagmamalaki pa ni Nigito. "Eh, bakit mo pa ako isinama? 16 pa lang ako at ayaw kong tumingin sa 'yo!" Pink two-piece na lang kasi ang suot niya. Nanginginig nga at pulang-pula ang mukha niya sa hiya. Hindi siya komportable na ganito ang suot niya. "Nigito! Ibalik mo ang dati kong damit. Ang bastos mo!" inis na sabi ni Asuna rito. "Hindi ko naman alam na ganyan ang kalalabasan ng suot mo." "Hindi na ako tumitingin." Tinakpan pa ni Nigito ang mga mata niya nang mga oras na iyon. "Kahit na! Babae pa rin ako! Ang bata ko pa para sa ganitong suot!" Mawawala lang ang bisa ng C.A.K. after 30 minutes. Ito ang sinabi ni Nigito. Wala na rin ngang nagawa si Asuna kundi pumunta na rin sa tubig para itago ang katawan niya. Hindi nga niya alam kung mahihiya siya kay Nigito o maaasar. Pero nang mapatingin siyang muli dito ay napangiti siya nang hindi inaasahan. Nakita niya kung gaano kasaya si Nigito habang lumalangoy sa dagat. Dito nga ay lumangoy na rin siya upang sulitin ang napakagandang beach na ito. Sa kabila nga ng masamang consequences ng larong ito ay hindi pa rin nila maiiwasang mamangha sa paligid. Malinaw ang tubig sa dagat at may puting buhangin dito. Nang oras na iyon, wala sa isip ng dalawa na nasa loob sila ng isang Death Game. "Asuna, ang sexy mo pala!" sigaw ni Nigito mula sa malayo. "N-nigito!" Mabilis ngang nilangoy ni Asuna si Nigito at doon ay inilublob niya ang ulo nito sa tubig. Pumalag pa ang binata pero may taglay na lakas rin si Asuna kaya halos maubusan na ng hininga si Nigito sa kaka-kampay niya sa tubig. "Pasalamat ka at walang ibang player na naririto," sambit ni Asuna na binitawan na ang ulo ni Nigito. "S-sob-b*a ka na! P-papatayin mo ba ako?" hingal na hingal si Nigito matapos siyang pakawalan ni Asuna. "Bagay lang sa 'yo iyan. Ang pilyo mo kasi," ani Asuna na inismidan pa si Nigito. "S-sorry na! A-akala ko kasi matutuwa ka! Dapat pala ay hindi na lang kita dinala dito." Iyon na lang ang nasabi ni Nigito. "Yung mga ganitong lugar kasi ay bihira na nating makita sa real world. Gusto ko kasing maranasang maligo sa malinis na dagat. Kahit na parte lang ito ng game system ay gusto ko pa ring pahalagahan ito." Sandaling napatingin si Nigito sa dalaga at pagkatapos ay saglit na ngumiti. "Gusto ko rin na sa mga ganitong bagay ay kasama kita!" seryosong pahayag pa ni Nigito na naging dahilan para pamulahan si Asuna. Kasunod noon ay kusang napangiti pa nga ang dalaga. Dahil sa teknolohiya sa real world ay tuluyan na nitong nilamon ang magandang kalikasang meron ito. At sinong makapagsasabi na dito sa HQO ay may ganitong lugar at gawa rin ng teknolohiya? Kakaiba talaga si Nigito, hindi niya akalain na papahalagahan pa nito ang mga ganitong bagay. Hindi na nga niya naisip na isa pa rin itong death game. "Tama ka Nigito. Kung sa real world, tiyak na sa picture na lamang natin ito makikita. Pasensya ka na ha!" "Pinapahanga mo talaga ako," bulong pa ni Asuna. Masayang-masaya silang nagtampisaw sa tubig. Nagbabasaan at naglaro na parang mga bata. Nagpapaunahan rin sila sa paglangoy at pagsisid. Naghahabulan at walang katapusang pagngiti habang nagtatampisaw sa virtual na kapaligiran ng game na ito. ***** "Ano ba 'yan? Mamimingwit pa naman sana ako. Kaso may mga asungot na sa dagat." "T-teka? T-totoo ba ito? Nagsasaya sila?" "Bihira na akong makakita ng kagaya nila rito sa game," sambit ng isang babaeng player na kanina pa palang pinapanood sina Asuna at Nigito. "Interesado ako sa kanila! Lalo na dun sa boy," wika pa nito na namumula ang pisngi. TO BE CONTINUED!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม