Malungkot na nakaabang si Brayden sa bawat kotseng dumadaan sa tapat ng gate ng kanilang eskuwelahan. Doon kasi sila magkikita ng grupo para sabay-sabay na pupunta ng Pampanga. Alam niyang malabong mangyari pero nagbabakasakali pa rin siyang dumating si Scarlett.
“Let’s go, pare. Baka ma-traffic tayo sa NLEX eh,”yakag sa kaniya ni Mico. Ipinaalam na niya sa mga ito na hindi makakasama si Scarlett.
Pinauna muna ni Brayden na sumakay lahat ng ka-grupo, pati na rin ang mga girlfriends ng mga ito. Saktong paakyat na rin siya ng L300 van nang biglang may tumawag sa kaniya.
“Brayden!” Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya pero si Scarlett ang nakikita niya, kasama nito ang hinuha niya’y yaya. “Buti umabot kami," dugtong pa ni Scarlett. Sigurado na si Brayden na hindi siya nag-iimagine lang.
At hindi niya maipaliwanag ang umaapaw na tuwa sa kaniyang puso ngayong nandito na ang dalaga.
“Why are you here? Pinayagan ka na ba ng parents mo?”
Nakangiting tumango si Scarlett, bakas din sa mukha nito ang kasiyahan. “Yap. Basta kasama ko raw si Yaya Belen. Okay lang ba?”
“Tama! Ako ang magiging chaperon niyo,” sabat naman ng yaya.
"Of course, okay lang, Scarlett!" Nakangiting tumango-tango si Brayden. "Ang importante ay makakasama kita."
Mataman niyang tinitigan ang dalaga. Hindi niya maunawaan kung bakit parang mas gumanda ito ngayon sa paningin niya. Napakisap lang si Brayden nang tumikhim nang malakas si Yaya Belen
"Baka matunaw ang alaga ko, Sir Brayden, ha!"
Nagkatawanan sila ni Scarlett.
"I'm sorry, Yaya Belen. Mahirap lang hindi titigan ang napakaganda n'yong alaga," Napakamot si Brayden sa batok. Na-amused na naman siya nang mag-blush si Scarlett. "Lets’ go?”
Aktong hahawakan na sana niya sa kamay si Scarlett para alalayan sa pagpasok ng sasakyan ngunit hinarang siya ni Yaya Belen. Kapwa na lang sila natawa ni Scarlett dahil sa pagiging strikto ng matandang dalaga.
Katulad ni Brayden ay natuwa din ang buong grupo dahil nakasama ang dalaga. Naging masaya ang biyahe nila hanggang sa makarating sila ng San Fernando, Pampanga. Pagkadating ay kumuha sila ng mga kuwarto sa hotel na tutuluyan nila overnight. At katulad ng kundisyon ng parents ni Scarlett ay si Yaya Belen lang ang naging kasama nito sa room.
Pagkatapos nilang magpahinga ay dumiretso na sila sa isang bar kung saan gaganapin ang show nina Brayden.
“Puwede bang huwag na akong sumama sa loob, Ma'am Scarlett? Kasi hindi ako sanay sa ganiyang lugar, eh. Pakiramdam ko sasabog ‘yong dibdib ko sa sobrang ingay,” narinig ni Brayden na saad ni Yaya Belen.
“Okay lang naman po. Pero saan kayo mag-i-stay?” tanong ni Scarlett.
“Babalik na lang siguro ako sa hotel. Pero mangako kang huwag na huwag mong sasabihin sa daddy mo na hindi kita sinamahan sa loob ng bar, ha?”
Nakangiting itinaas ni Scarlett ang kanang kamay. “Promise po, yaya. Atin-atin lang ‘to.”
“Ipapahatid na lang po kita sa driver namin, Yaya Belen," pag-aalok ni Brayden. Lihim na nagdiwang ang puso niya dahil wala ng chaperone si Scarlett.
Nagulat pa ang binata nang mahulaan ni Yaya Belen ang laman ng isip niya. “Tuwang-tuwa ka naman at masosolo mo na ang alaga ko. Pabor sa’yo. Basta huwag ka lang magkamaling gawan ng masama si Scarlett, ha. Dahil malilintikan ka talaga sa’kin.”
“Hinding-hindi po mangyayari ‘yon, Yaya Belen!” masigla at puno ng assurance na sagot ni Brayden.
*******************
Pagkaalis ni Yaya Belen ay sabay-sabay na silang pumasok sa bar at umokupa ng lamesa para sa kanilang lahat. Pagkatapos ay saka sila umorder. Umorder si Brayden ng juice para kay Scarlett.
“Juice?” nagtatakang-tanong ni Wendy, ang nobya ni Mico.
“Hindi kasi ako umiinom ng alak, eh," narinig ni Brayden na depensa ni Scarlett.
“KJ naman! Ang layo mo talaga kay Lilian. Ewan ko ba kung ano ang nakita sa’yo ni Brayden," naiinis na sagot ni Wendy.
Sasawayin na sana ni Brayden ang babae. Kanina pa kasi niya ito napapansin na mabigat ang loob kay Scarlett. Mabuti na lang at kaagad naman itong sinaway ni Mico. Lalo naman siyang humanga kay Scarlett nang hindi nito pinatulan ang pagsusungit ni Wendy. Talagang napakabait nito.
“Okey lang ba na uminom ako?” paalam ni Brayden kay Scarlett nang dumating ang inorder nilang alak.
“Oo naman. Saka wala naman akong karapatang pagbawalan ka sa mga gusto mong gawin di ba?”
“Simula ngayon, binibigyan na kita ng right na pagbawalan ako sa kung anong ayaw mong gawin ko,” seryosong pahayag ni Brayden habang nakatitig nang mataman kay Scarlett.
Napansin niya na tila naumid ang dila ng dalaga. Bigla itong nanahimik. Marahil ay hindi nito inaasahan ang sinabi ni Brayden. Kung paanong nagulat din siya nang marinig ang sarili.
“Bakit tayong mga lalaki, nagiging romantiko kapag kaharap natin ang mga babae," biro ni Diego.
“Let me correct it, Hon. Bolero not romantiko," natatawang sagot ni Xyriel na girlfriend naman ni Diego. Hindi katulad ni Wendy ah mabait ito kay Scarlett. “'Di ba, Scarlett?”
“Tama ka, Xyriel." Sa wakas ay nagsalita din ang dalaga.
“Pero kung ako sa’yo, Scarlett, sagutin mo na ‘tong si Brayden. Masuwerte ka rito. Guwapo na, mabait pa,” tukso sa kanila ni William.
Sinaway kunwari ni Brayden si William. Pero ang totoo niyan, pasimple niyang pinag-aralan ang reaksiyon ni Scarlett. Naghihintay siya sa magiging sagot nito. Pero hindi ka kumibo ang dalaga. At lihim na nadismaya si Brayden.
“Masuwerte talaga! Biruin mo, ultimate crush mo tapos naging instant boyfriend mo. Wow! Daig mo pa n'on ang nanalo sa lotto.” sarkastikong saad ni Wendy.
“Yeah, right. Daig pa ang nakapikot,” dugtong pa ni Leila, siyota naman ni JC.
Hindi na nakatiis si Brayden. Sa mababang boses ay ipinagtanggol niya si Scarlett. "Mas masuwerte ang lalaking magiging boyfriend ni Scarlett. Dahil wala ng hahanapin pa sa kaniya. For me, she's perfect on her own way." Tiningnan niya ang dalaga. "She's bautiful in and out."
Lalo silang tinudyo ng mga kasamahan nila, maliban kina Wendy at Leila na panay ang ismid.
"Tama ka, Brayden!" pagsasang-ayon din sa kaniya ng girlfriend ni William na si Glyza. “'Di hamak na suwerte ka kay Scarlett, 'no? Bukod sa wholesome na, mabait pa."
"Whoa! Alam n'yo, guys, ikain na lang natin 'yan. Baka sabihin ni Scarlett, isinama lang natin siya para ilagay sa hot seat," pag-iiba ng usapan ni JC.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Brayden kay Scarlett nang magsimula silang kumain, at pagkatapos niya itong bigyan ng pagkain. "I'm sorry. Kung alam ko lang na gigisahin ka nila ng ganito, hindi na sana kita isinama rito."
Marahang tinapik ni Scarlett ang kamay ni Brayden. "Okay lang ako. Promise! 'Di ba sabi ko naman sa'yo, hindi ako pikon. Kaya ko silang sakyan."
“Just tell me if you’re not comfortable with them, huh? Lilipat na lang tayo ng ibang table."
“No, I’m really okay," giit ni Scarlett.
Hindi na nga nagpumilit pa si Brayden na lumipat sila ng table ni Scarlett. Kinuwentuhan na lang niya ng kinuwentuhan ang dalaga para malibang. At lalo siyang bumilib dito dahil sa kabila ng malamig na pakikitungo nina Wendy at Leila, nagagawa pa rin nitong ngumiti at makisama.
Hinagilap ni Brayden ang kamay ni Scarelett at pasimpleng pinisil. Bahagya itong nagulat sa ginawa niya subalit hindi naman tumutol, na ikinagalak ng puso ng binata. "Ang bait-bait mo. Kaya naiinlove ako sa'yo, eh," bulong niya sa dalaga nang ilapit niya ang bibig sa tainga nito.
"H-hindi lang ako sanay na makipag-away."
"Hindi ko naman hahayaan na awayin ka ng kahit sino," malambing na tugon ni Brayden at saka hinagkan sa buhok si Scarlett.
Mayamaya ay nag-umpisa na ang show at dalawang bands na ang natapos bago sila umakyat ng stage.
“Hindi na kita igu-good luck, ha? Sa sobrang galing mo, tiwalang-tiwala na ako sa’yo," sabi ni Scarlett bago ito iwanan.
Parang lumaki ang tainga ni Brayden sa sinabi ng dalaga. Sa sobrang tuwa ay muli niya itong dinampian ng halik sa forehead na ikinagulat na naman ng dalaga. Matamis ang ngiting nakapaskil sa kaniyang bibig nang umakyat sa stage. Kaagad niyang sinulyapan si Scarlett bago sila magsimula, na panay na ang palakpak.
"I want to dedicate this song to my 'I love you' girl." Itinuro niya si Scarlett kaya napuno ng hiyawan ang bar. "Sana po magustuhan mo." Kinindatan niya ang dalaga na gulat na gulat sa ginawa niya.
Kapagkuwan ay buong-puso na kinanta ni Brayden ang Myself In You ng Spongecola, habang nakatingin kay Scarlett. Bawat linyang binibitawan niya ay nagdudulot ng sigawan at tuksuhan sa loob ng bar. Parang nahihiya na kinikilig naman ang dalaga habang nakatingin kay Brayden. Sa kabila niyon ay nagagawa pa rin nitong pumalakpak.
Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi pa rin tumitigil ang hiyawan ng mga tao. Kaya maging sa paglabas nila ng bar na iyon ay tampulan pa rin sila ng tukso, lalo na ng mga kaibihan nila.
“Nakakainis ka! Ginulat mo ako nang sobra," kunwa'y reklamo ni Scarlett nang makarating sila sa hotel. Nagpaiwan muna silang dalawa sa labas samantalang pumasok na ang mga kasamahan nila. "Dapat sinabi mo muna sa'kin para nakapaghanda ako."
Ngumisi siya. “Eh, 'di hindi na surprise ‘yon?”
“Paano pala kung hindi ako natuloy sa pagsama sa’yo rito? Dedicated pa rin ba sa’kin ang kantang?”
Sumandal siya sa isang puno at namulsa. Walang kakurap-kurap niyang tinitigan si Scarlett. “Oo naman. Kasi para talaga sa’yo ang song na’yon, eh..”
“B-Bakit?”
Kumunot ang noo ni Brayden. “Anong bakit?”
Nakita niya ang biglang pagkailang ni Scarlett. “Bakit ako at hindi si Lilian?”
“Puwede bang huwag na natin siyang pag-usapan?” masuyo niyang hiling sa dalaga.
Tumalikod ito sa kaniya na naghagilap ng maisasagot. “Nabibilisan lang kasi ako masiyado sa mga pangyayari, Brayden. Alam kong alam mo na patay na patay ako sa’yo. Hindi kaya naaawa ka lang sa’kin kaya mo ako niligawan?”
Napabuntong-hininga si Brayden sa winika nito. Inaasahan na niya ang gan'ong reaksiyon ng dalaga. At tila may sumundot sa puso niya.
Lumapit siya sa dalaga at humarap dito. “Bakit naman kita kakaawaan? Pulubi ka ba?”
Lumabi ito. “Umayos ka nga. You know what I mean."
Masuyo niyang ginagap ang kamay ni Scarlett. “Alam kong mahirap paniwalaan. Pero daig mo pa ang isang kabute na bigla-bigla na lang sumulpot sa buhay ko. Tapos nalaman ko na lang na special ka na pala sa puso ko," madamdamin niyang pahayag. "And please believe me. Sa'yo ko pa lang ito naramdaman, Scarlett."
Parang hindi makapaniwala ang dalaga sa narinig. Pero kitang-kita ang pagkislap ng mga mata nito. “Even to Lilian? Hindi ako kasingganda at kasin-sexy niya. Hind rin ako hot na katulad niya. Ni hindi ako kasin-sophisticated niya.
Mapagkakamalan nga siguro akong alalay niya kapag pinagtabi mo kami, eh.”
Magiliw na pinisil ni Brayden ang baba ni Scarlett. “That’s why I like you. Sobrang naiiba ka sa lahat ng mga babaeng nakilala ko pero binihag mo ang puso ko. And I promise you, walang kinalaman dito si Lilian. Ikaw na ang gusto ko ngayon. At hindi na siya."
Bantulot itong tumingin sa kaniya. “Talaga? Hindi mo ako ikinakahiya?”
Tumawa siya nang mahina. Naaliw siya sa kainosentehan ni Scarlett. “Ikaw ang klase ng babae na ikaka-proud ng kahit sinong lalaki."
“Oh, Brayden! Hindi mo alam kung paano mo pinasaya ang puso ko." Kumislap lalo ang mga mata ng dalaga. Kulang na lang ay tumalon ito sa tuwa. At natutuwa rin si Brayden. "Hindi na ako magpapakipot pa, ha. Para saan pa? Eh, alam mo naman ang nararamdaman ko para sa’yo.”
“What does it mean?” excited niyang tanong. Parang may humaplos sa puso niya.
“Na sinasagot na kita. Na mahal na mahal kita," mabilis at puno ng sinseridad na sagot ni Scarlett.
Umaapaw ang tuwa sa puso na niyakap ni Brayden ang dalaga. "Oh my, God! Thank you so much, Scarlett. This is one of the happiest moments in my life."
“Ang saya-saya ko rin, Brayden!”
Bumitaw ang binata sa pagkakayakap sa dalaga at masuyong hinawakan ang baba nito. Saka niya dahan-dahang ibinaba ang labi sa malalambot at mamumula-mulang labi ni Scarlett.
Ah, walang katumbas ang saya at sarap na nararamdaman niya ngayon.