Chapter 9

1412 Words
Noong una ay mahigpit na tinutulan ng ama ni Scarlett ang relasyon nila ni Brayden dahil may hindi raw ito magandang nararamdaman sa binata. Pero dahil na rin sa pangungumbinse nila ni Mommy Arianna na mabait ang si Brayden ay unti-unti nitong tinanggap ang kaniyang kasintahan. Huwag nang mabanggit ang dalawang kapatid ni Scarlett. Dahil kahit kailan naman ay wala siyang ginawang tama sa mata ng mga iyon. At siyempre, si Faith ang unang natuwa sa sinapit ng kaniyang pagkakahumaling kay Brayden. Pero kagaya ng ibang typical na love story na laging may kontrabida, may nagbabadya ring umeksena sa love story nina Brayden at Scarlett. “Look who’s coming guys.” Narinig ni Scarlett na wika ni Lilian nang magkasalubong sila nito sa campus. Magkahawak-kamay sila noon ni Brayden na naglalakad. “Oh! The famous ‘I Love You Girl’ and her boyfriend," sagot ng kasama ni Lilian na pinagdiinan pa ang huling salita. Hinarap ni Lilian si Brayden. “Hindi ko alam na mahilig ka pala sa linta, Brayden. I never thought na ang ex-boyfriend ko ay mahuhulog lang sa isang stalker niya. Umepekto na ba ang love potion niya?” pang-uuyam nito. Aminado si Scarlett na uminit ang mukha niya pero hindi siya nagpahalata. “Stop it, Lilian!” maagap na saway ni Brayden na halatang pigil ang galit sa mukha. “Huwag mo ng idamay dito si Scarlett. Tanggapin mo na lang na tapos na ang lahat ng kung ano mang meron tayo." “Oh! What a good line, Brayden. But I’m sorry. Pero wala akong dapat na i-move on. Dahil isa ka lang sa mga favorite stuff ko noon na pinagsawaan ko.” Humalakhak si Lilian na sinabayan naman ng dalawa nitong kasama. Kitang-kita ni Scarlett ang pamumula ng mukha ni Brayden. "And you?" Siya naman ang hinarap ni Lilian. “Naaawa lang ako sa’yo. Kasi tagasalo ka ng mga basahan ko. Well, mukha ka rin namang basahan, eh.” Napakuyom si Scarlett. Gustong-gusto na niya itong patulan pero nagtimpi siya alang-alang kay Brayden. “Let’s go girls, bago pa ako masuka dito!” Tumawa pa si Lilian bago umalis, kasama ang dalawang kaibigan. Malayo na ang mga ito pero nanatili pa rin silang tahimik ni Brayden. Hanggang sa ito na mismo ang yumapos sa kaniya. “I’m sorry sa nangyari," malambing na sabi ng nobyo habang hinahaplos-ang kaniyang buhok. Agad n'on binura ang pagkainis ni Scarlett kay Lilian. Nang mga sandaling iyon ay daig pa niya ang nakalutang sa hangin. Lalo pa’t may mangilan-ngilan silang narinig na nagpalakpakan. Doon lang nila naalala kung nasaang lugar sila. Kapwa sila natatawa nang bumitaw sa isa’t-isa. Dinala siya ng binata sa garden ng kanilang school. Umupo siya sa isang swing. Habang si Brayden naman ay sa upuang bato na nakaharap sa kaniya. Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Sorry ulit, ha.” “Stop saying ‘sorry’, okay? Wala ka namang kasalanan, eh.” “Kasi nang dahil sa’kin ay pinag-iinitan ka ngayon ni Lilian.” Ngumiti kunwari si Scarlett. “Mananawa din ‘yon sa pang-iinis sa’kin. Lalo pa’t sinabi niyang hindi ka naman talaga niya minahal.” Bigla siyang napatutop sa bibig. Huli na nang ma-realize ng dalaga ang mga sinabi. Parang gusto tuloy niyang tampalin ang sarili sa pagiging madaldal lalo pa’t napansin niyang nagbago ang expression ng mukha ni Brayden. “I’m sorry, Brayden, nadulas lang ako.” Matagal ding hindi kumibo si Brayden kaya kinabahan tuloy si Scarlett na baka nagalit ito. “Bakit ka nagso-sorry?” sa wakas ay tanong nito. “Totoo naman ‘yonng sinabi mo, eh. Sinabi na rin niya sa’kin 'yan noong nakipag-break siya sa’kin.” Nagulat si Scarlett. Ewan kung bakit sa loob-loob niya ay siya itong nasasaktan ng husto para sa lalaking minamahal. Wala siyang kaalam-alam non na ang taong labis niyang tinitingala ay nagagawang paglaruan ng iba. Kung alam lang niya, sana noon pa siya nagpaka-cheap para mapansin ni Brayden. Eh, 'di sana’y nailigtas pa niya ito from heartaches. “Iba na lang pag-usapan natin,” wika ni Scarlett nang hindi na niya matagalan ang lungkot sa mukha ng binata. “Natatandaan mo pa ba ‘yong nakita mo kami sa parking lot na nag-aaway?” sa halip ay tanong ng nobyo. “O-oo,” bantulot niyang sagot. Panahon na rin siguro para malaman niya ang totoo tungkol kay Lilian. “Nag-aaway kami noon dahil nalaman kong nakikipag-date siya sa iba. Pero ang sabi niya, friend lang daw niya ‘yong lalaki. Sinabihan ko siya na layuan niya 'yon. Pero siya pa ang nagalit. " He chuckled lifelessly. "Dahil napaka-unreasonable ko daw. At ang mas masakit pa, sinabi niya na kung hindi ko raw matanggap ang friendship nila ng lalaking iyon ay mabuti pang mag-break na lang kami. And that was the time I realized how stupid I am to still love a girl who don’t even see my worth." Mapait na ngumiti si Brayden. "Kung tutuusin, suwerte na nga siya kasi sa dinami-dami ng babaeng umaaligid sa’kin noon ay siya ang pinili ko. Pero... sinayang lang niya." Parang tinutusok ng karayom ang puso ni Scarlett. Hindi niya alam kung para ba kay Brayden na kinakaawaan niya ngayon o para sa sarili na nagseselos pa rin kay Lilian. Ngunit alam niyang kailangan ngayon ni Brayden ng taong makikinig dito. “P-pumayag kang makipag-break?” Makungkot na tumango ang nobyo. “Siguro dahil sawang-sawa na rin ako sa kakaselos niya at saka sa pagiging nagger niya kahit nasa public kami. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag maging eskandalosa. Pero hindi niya ako pinapakinggan. Kahit nga ‘yong anonymous stalker ko ay pinagseselosan niya, eh.” Natameme bigla si Scarlett. Feeling niya ay nalunok niya ang sariling dila. Wala siyang kamalay-malay na minsan pala’y pinagselosan din siya ni Lilian. At siguradong lalo itong magagalit sa kaniya kapag nalaman nito ang totoo. “Baka naman kasi binibigyan mo siya ng dahilan para magselos o magwala?" patay-malisya na tanong ni Scarlett sa kabila ng nararamdamang kaba. "Baka nakikipag-flirt ka pa sa ibang babae kahit kayo na.” Sarkastikong tumawa si Brayden. “I never do that to her. Alam ng Diyos kung paano ko sinubukan na maging perfect boyfriend kay Lilian. Kahit siya ang laging nagsisimula ng gulo, ako pa rin ang sumusuyo. Gusto niya siya lagi ang nasusunod.” Lalong nasaktan ang dalaga sa sinabing iyon ni Brayden. Parang gusto niyang sugurin ngayon si Lilian. “Nang maging kami ni Lilian ay sobrang saya ko. Nakita ko kasi sa kanya ang isang ideal girl. Pretty, sweet, and smart.Kahit alam kong spoiled brat siya.Kaya ‘yong paghangang naramdaman ko sa kaniya noon ay unti-unting nahulog sa love. Kaso kasabay ng pagbabago ng feelings ko sa kaniya ay ang pagbabago rin ng ugali niya.” Humugot ito ng malalim na hininga bago muling nagsalita. "But I never gave up on her.” Ngayon ay alam na ni Scarlett na talagang naaawa siya sa kasintahan. Hindi na niya iniintindi ang sarili. Parang gusto niyang sabunutan si Lilian. Gusto niyang iparamdam dito kung gaano ito katanga nang saktan at iwanan nito si Brayden. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Kaya tama ka. Mananawa din ‘yon sa pang-aasar sa’yo. Kasi wala namang pakialam sa’kin ‘yon, eh.” Parang gustong maiyak ni Scarlett. Ramdam na ramdam kasi niya ang paghihirap ng kalooban ni Brayden. Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. “D-do you still love her?” lakas-loob na tanong ni Scarlett, kahit alam niyang posible siyang masaktan sa isasagot ni Brayden. Pinilit niyang lunukin ang tila bikig na humaharang sa kaniyang lalamunan. Natigilan si Brayden. Kitang-kita iyon ni Scarlett. Marahil ay hindi nito inaasahan ang tanong niyang iyon. Tumabi ito sa kaniya sa swing at inakbayan siya. “Ikaw na ang girlfriend ko ngayon.” Napakuyom si Scarlett. Hindi man nito diretsahang sinagot ang kaniyang tanong ay malinaw na sa kaniya na hindi pa nga tuluyang nawawala ang feelings ni Brayden para kay Lilian. Hindi pa rin nito kayang ibigay sa kaniya ang matagal na niyang inaasam na ‘ "I Love You". At napakasakit niyon kay Scarlett bilang present girlfriend ni Brayden. Subalit handa siyang tanggapin ang kahit anong circumstances. Gagawin niya ang lahat para tuluyan itong makalimot at maibaling sa kaniya ang buo nitong pagmamahal. Hindi na papakawalan pa ni Scarlett ang pagkakataong mahalin din siya ni Brayden, katulad ng pagmamahal nito kay Lilian. Bilang tugon ay yumapos na lang siya sa binata. “Kung alam ko lang na binabasura ng iba ang lalaking pinapangarap ko, sana matagal na kitang inagaw sa kaniya," emosyonal na sabi ni Scarlett sa kayakap na boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD