Kitang-kita ko sa mga mata ni Zavian ang pagmamakaawa, na huwag akong umalis, na huwag ko siyang iwanan. Hindi naman ako mawawala, kung sakaling lilipat lang naman ako ng apartment o kahit saan na mumurahing matitirhan kasi hindi na ako pwede rito. Bakit parang takot na takot siya? Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa siko ko. Hindi naman ako nasasaktan pero mahigpit talaga ang pagkakahawak niya sa akin, halatang takot na kapag pinakawalan niya ako ay makatakas ako sa kanya. Saan nanggagaling ang takot niyang ito? Muli akong nagtaas ng tingin sa kanya. Naguguluhan sa biglaan niyang kilos. Malakas ang pakiramdam ko na hindi lang dahil gusto niya ako kaya ayaw niya akong paalisin, may ibang pinanghuhugutan iyon. “Lilipat lang naman ako ng bahay. Hindi naman ako maaaring