CHAPTER 25: SOMEONE

2872 Words

Ilang araw rin ang pinaghandaan ko bago makalipat. Mabuti na lang may nakatago akong ipon kahit papaano at nakabayad ako sa advance na hiningi sa akin. Maaliwalas naman ang lugar. Malapit nga sa restaurant at hindi na rin mahirap ang byahe papunta ng school.  Wala akong narinig kay Audrey kanina. Malungkot niya lang akong nginitian at hindi na nagsalita. Mas maganda na nga sigurong ganoon na lang. Si Manang Dory medyo naging emosyonal pa. Siya ang pumipigil sa aking umalis sa bahay. Si Zavian ay hindi ko nakita. Siguro maaga siyang pumasok sa school.  May pasok pa ako kaya’t hindi ko na muna inayos ang gamit ko. May bakanteng isang aparador na maaari ko raw magamit para sa mga gamit ko kaya inilagay ko muna roon at naisipan na mamaya na lang mag-aayos ng mga ito. “Anong oras ang pasok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD