CHAPTER 1: AT FIRST SIGHT

1662 Words
Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad kong naramdaman ang pagsakit ng aking ulo. Kinapa ko ang aking katawan, tinitingnan kung hubad ba ako o may damit pa. Nang mapagtanto kong may damit pa akong suot ay agad akong napatayo. Iniisip na baka may hindi dapat mangyari ang nangyari kagabi. Pinagmasdan ko ang kapaligiran ko at napansin ko na nasa loob ako ng kwarto ko. Doon ko lamang naalala ang nangyari kagabi. Matapos ang ilang baso ng whiskey ay tumigil na si Sir Javier sa pag-inom ng alak. Tinitingnan ko kung lasing na ba siya ngunit parang hindi pa naman. Nakaupo lamang siya at nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga kasama. Panay ang pagkabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan siya. Hindi niya ba ako napapasin? Hello? Hindi man lang ba niya ako kakausapin? Sa lahat ng naging customer ko ay siya lang ang pinakatahimik, ah? “You look young, Sir. Ilang taon na po kayo?” Ako na ang unang nagbukas ng pag-uusapan namin. I want to talk to him. I want to hear his voice. Lumingon siya sa akin at natawa sa aking itinanong. Napasinghap ako nang marinig ko ang malalim niyang paghalakhak. Damn, his voice. “Please, don’t ask me about my age,” natatawang sabi nito. “But I’m already in my late 40s and I have two children.” Nanlaki ang aking mga mata at muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong bote ng whiskey. He has two children! Does that mean he has a…? Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya. Kanina lang ay sinasabi ko sa sarili na ayokong may masirang pamilya tapos ngayon ay naandito ako sa sitwasyong ito. Sadya nga namang mapaglaro ang tadhana at pinaglalaruan na ako ngayon. Napansin niya ata ang reaksyong mayroon ako. Ngumiti siya sa akin at umiling. “My wife died a long time ago.” Para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib. At least wala na siyang asawa ngayon, byudo na siya at walang babae na susugod dito dahil akala niya ay sinusulot ko ang asawa niya. Okay, but if he’s in his late 40’s, halos dalawangpung taon ang tanda niya sa akin. Still, age doesn’t matter. “Oh, I see. Akala ko naman…” akala ko ay magiging kabit ako nang wala sa oras. Oo na, pokpok na kung pokpok pero ni minsan ay hindi ko pinangarap maging kabit. Tatanggapin ko ang palayaw na malandi, laspag, o pokpok, basta at huwag lang madidikit sa pangalan ko ang pagiging kabit. Kahit na hindi pa naman talaga ako nagagalaw at hanggang hawak lang sa akin ang mga customer ko. Humahanap ako ng timing para maakit pa siya. Buo na ang desisyon ko na gusto ko siya. Hindi ako sigurado kung dahil lang ba magandang lalaki siya at alam ko na mayaman siya but I think I’m in love. Is this what they call love at first sight? Buong oras ata na nasa tabi niya ako ay nakatingin lamang ako sa kanya. Hinihintay na muli niya akong kausapin, hinihintay na tumingin siya sa direksyon ko. Ngunit hindi iyon nangyari. Kung hindi ko pa siya kakausapin ay hindi niya ako kakausapin. Panay lamang ang pakikisabay niya sa pagtawa sa mga kwento ng mga kasama niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapanguso. Hanggang sa oras na paalis na sila ay hindi ko na siya nakausap ulit. Sobrang dismayado ko nang gabing iyon na kahit ang laki ng nakuha kong tip at naka-quota agad ako ay hindi ako natuwa. At ngayon naandito ako sa loob ng kwarto ko, dismayado na naman sa naalalang pangyayari. Makikita ko pa kaya ulit siya? Sana ay oo. Javier Benavidez. I won’t forget that name. He is the first man to make my heart skipped a beat. Na halos masaya na akong pagmasdan ang mukha niya kahit na may halos pagkadismaya dahil hindi man lang niya ako masyadong kinausap. Hindi rin niya ako hinawakan. Ngayon lang din ata ako nairita na hindi ako hinawakan ng customer ko. Nagtungo na ako sa banyo upang makapaghilamos. Malaki ang kinita ko kagabi kaya naman naisipan ko na mag-off na lang muna sa trabaho. Minsan ay kailangan ko rin i-treat ang sarili ko ng isang maayos na pahinga. “Ano ba namang bahay ito! Wala man lang maglinis! Pagkauwi mo ay sasalubungin ka kaagad ng magulong bahay! Punyeta.” Napabuntong hininga ako nang kakatapos ko pa lang maghilamos ng mukha ay narinig ko na agad ang pagsigaw ng aking ina sa labas. Sino ba namang gaganda ang umaga sa ganito? Malamang ay hindi ako. Lumabas na ako ng banyo at nagpunas ng mukha. Nakita niya ako at napatingin din naman ako sa kanya. Kapag tiningnan mo kaming dalawa ay aakalain mo na magkapatid lamang kami. Maaga rin kasing nabuntis si Mama. Madalas naman talaga iyon sa trabaho niya noon. Kaya dapat, doble ingat ka. “Ano? Titingnan mo lang ang kalat na ito? Hindi ka man lang naglinis!” sigaw niya sa akin. Hindi na lang ako nangatwiran sa kanya dahil alam ko naman na hindi rin siya papatalo. Bukod pa roon ay tulog pa ang mga nakababatang kapatid ko kaya’t ayokong magising pa sila sa maingay na bunganga ng nanay namin. Yes, I have two younger siblings. Isang lalaki at isang babae. Ang isa ay sampung taon, iyong lalaki. Ang nakababatang kapatid na babae ko naman ay anim na taon. “Maglilinis na po,” iyon na lamang ang sinabi ko. May mga oras talaga na tinatamad na akong umuwi rito. Na mas gugustuhin ko na lang umalis ng bahay. Ganoon pa man ay ayokong iwanan sa kanya ang mga kapatid kong mas bata sa akin. Isa pa, mahal ko naman si Mama kahit ganyan iyan. “Dios ko talagang buhay ito! Kung may pagkakataon lamang akong bumalik sa nakaraan ay hindi ito ang pipiliin ko,” sabi niya bago pumasok sa kanyang kwarto. Ako rin naman, Ma. Pareho lang tayo ng gusto. Kung may pagkakataon din naman akong bumalik ay hindi ko pipiliing mabuhay at ipanganak pero naandito na ako kaya ano pa bang magagawa ko kung hindi ang magpasalamat na lang na binuhay niya ako. May trabaho rin tuwing gabi si Mama. Waitress daw siya sa isang diner. Kaya ang mga kapatid ko ay pinababantayan na lang sa mga kapitbahay. Mabuti na lang din at mababait ang mga kapitbahay namin at nagmamalasakit din sa amin. “Magluto ka na rin ng umagahan. Nagugutom na ako. Kakain muna ako bago magpahinga,” pag-uutos niya sa akin. Dahil alam ko na wala naman akong magagawa ay hindi ako umangal. Matapos kong maglinis ng bahay ay nagluto na ako. Nagsaing na rin ako kanina habang naglilinis upang maluto agad iyong kanin. Nagprito na lang ako ng itlog, hotdog, at kung ano pang maaaring maluto para sa umagahan. Inihanda ko na iyon sa lamesa. Maya-maya pa’y lumabas ang kapatid kong lalaki mula sa kwarto nila. “Liam, gising ka na pala,” pagbati ko sa kanya at agad na nilapitan. Kinukusot niya pa ang kanyang mga mata at humihikab pa ito. “Magandang umaga, ate. May pagkain na ba? Gutom na po ako,” tanong sa akin ni Liam. Ngumiti ako sa kanya at sinabi na may pagkain na. Iniupo ko siya sa silya at nakita ko naman ang paglabas ng aking ina sa kwarto niya. “Ma, kain na po,” pagtawag ko sa kanya. “Hindi na pala ako kakain,” sagot naman nito sa akin. Napansin ko nga na bagong bihis siya at hindi lang basta pambahay ang kanyang suot. Halatang may pupuntahan ito. “May kailangan akong puntahan. Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo,” utos niya sa akin. Lumapit sa akin ni Mama at bumulong. “May pera ka riyan, hindi ba? Bigyan mo nga ako ng dalawang libo.” Bumagsak ang aking balikat sa sinabi niya. Aanhin niya ang ganoong kalaking pera? “Bakit, Ma? Kakabigay ko lang ng pera sa inyo noong isang araw, ah? Saan napunta?” Imposible naman na sa mga gastusin dito sa bahay dahil ako pa rin naman ang gumagastos rito. Bukod pa roon, may sarili naman siyang trabaho. Saan napupunta ang mga pera niya? “Malamang ipinanggastos ko sa mga gastusin natin. Ano ba sa tingin mo? Bigyan mo na ako ng dalawang libo, kailangan ko iyan ngayon,” sabi niya sa akin. “Ma naman, nag-iipon po ako para sa susunod na pasukan. Kailangan kong makapagpatuloy sa pag-aaral—” “Tangina naman, Triana! Iyan pa rin ba ang iniisip mo sa ngayon? Mag-aaral ka? Saan ka dadalhin ng pag-aaral mo? Hindi ka pa rin naman yayaman kahit na makapagtapos ka! Hindi kita pinagdamutan ng bata ka kahit wala na akong maipakain sa ‘yong bata ka, ah!” sigaw na naman niya sa akin. Mabuti na lang at agad kong natakpan ang tainga ng aking kapatid upang maiwasan niyang marinig na magsalita ng ganoon si Mama. Huminga ako nang malalim bago kumuha ng pera at ibigay sa kanya. “Ayan! Magbibigay din pala ang dami pang sinasabi,” saad nito at ngumiting nakatingin sa perang ibinigay ko sa kanya. “Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo ha. Baka hindi ako umuwi mamaya.” Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya ng bahay. Tumingin ako kay Liam at nginitian lang siya. Sinabi ko sa kanya na kumain lamang doon habang ako naman ay palihim na sinilip si Mama. Nakita ko si Mama na sumakay sa isang kotse. Mariin ko na lang na ipinikit ang aking mga mata. Ayan na naman siya. May kinikita na naman siyang lalaki at kinakalimutan ang kanyang mga anak. Tapos kapag iniwan na naman siya ay para siyang mababaliw at sa amin na naman ibubuhos ang galit niya. I don’t want to be like her, to be contented in one-sided love. I want someone to truly love me, to devote himself to me. I don’t want that love that has an expiration date. I want something permanent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD