“Triana, may customer ka!” sigaw sa akin ng manager ko na si Gabbi.
Nagmamadali akong magpalit ng aking damit upang agad na mapuntahan ang customer na iyon. Ang nauna ko kasing customer ay natapunan ng wine iyong damit ko kaya ngayon ay kinakailangan kong magpalit na naman ng damit.
Ramdam ko na ang alak sa sistema ko. Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo ngunit kaya ko pa naman. Siguro sa susunod na customer ko ay hindi na lang ako masyadong mag-iinom.
Masaya pa rin naman ako na walang nambabastos sa akin o nagpupumilit na iuwi ako o ikama ngayon. Heck, I will never come with the. Nasabihan na naman sila na bawal ako sa ganoon bago nila ako ma-table. Nakakalungkot lang na hindi ko na ulit nakita pa si Javier Benavidez.
God, f**k him! Hindi ko na siya nakita muli rito sa club. Akala ko naman kapag nakita niya ako ay babalik-balikan niya na ako. Nagkamali ako. Sa lahat ata ng naging customer ko ay siya lamang ang hindi naakit sa ganda ko.
Iyon lamang naman ang maipagmamalaki ko sa ngayon. Na maganda ang katawan ko at ang mukha ko. Sa lahat ng pasakit na ibinigay sa akin ng Mama ko ay ito ang isa sa mga pinagpapasalamat ko, na kahit naghihirap kami ay biniyayaan niya ako ng magandang genes na nakakatulong para may pagkakitaan ako.
Uminom ako ng vodka upang kahit papaano ay lumakas-lakas ang loob kong makipagplastikan sa labas. Hindi naman kasi lahat ng customer ko ay nakakapalagayan ko ng loob, hindi rin lahat ay nakakasundo ko. May mga taong hindi ko masikmura ang ginagawa sa akin ngunit ano bang magagawa ko? Kung aarte ako ay wala akong ipapalamon sa pamilya ko.
“Saan ba?” tanong ko kay Gabbi nang makalabas ako ng dressing room.
“Halika na. Ang gwapo ng customer mong iyon! Ayusin mo, ha. Baka makasungkit ka!” Marahan akong kinurot nito sa tagiliran na siyang nagpairap naman sa akin.
Wala na nga akong pakealam sa iba. Ang gusto ko lamang sa ngayon ay si Javier Benavidez. Ngayon kung hindi siya iyon ay malayong magkainteres ako.
“Sorry for the wait, sir. Ito na po si Triana.” Matapos niyang ipakita sa akin iyong magiging customer ko ay nagpaalam na rin agad si Gab at iniwan na kaming dalawa.
Nanatili akong nakatayo sa harapan niya at napapangiwi akong pinagmamasdan iyong lalaki. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya, but I can say that he looks just like my age—or younger. Hindi ko akalain na ang mga kagaya niya ay may interes na sa mga ganitong lugar.
I can’t see his face fully. The lights in this area are kind of dim. Bukod pa roon ay umiinom siya sa kanyang baso, isa pang rason para matabunan ang kanyang mukha.
Naupo na ako sa tabi niya. Mag-isa lamang ang lalaki at walang ibang kasama, which is rare. Madalas kasi sa mga customers namin ay grupo-grupo.
Umayos siya ng upo at bahagyang yumuko upang magsalin ng alak sa panibagong baso. Nang malagyan niya iyon ng laman ay agad siyang humarap sa akin at iniabot sa akin ang basong may lamang alak.
Nagtataka pa ako sa kung anong ibig sabihin nito ngunit tinanggap ko rin.
“Sir—”
“You don’t have to do anything. Just sit beside me and drink with me,” iyon ang sabi niya bago muling inumin iyong laman ng baso niya.
Natulala ako sa kanyang ginawa. Madalang ang ganitong customer namin. Hindi ka araw-araw makaka-engkwentro ng lalaking kagaya niya rito na bibigyan ka ng inumin at sasabihin na uminom ka lang kasama niya kahit na malaki ang ibinayad niya para sa ‘yo.
Ngayong mas malapit na ako sa kanya ay pinagmasdan ko siyang mabuti. Habang inoobserbahan ko siya ay saktong may tumamang liwanag sa pwesto namin na naging dahilan upang makita ko ng mas maayos ang kanyang mukha. Laking gulat ko nang makita kong kamukhang-kamukha niya si Javier Benavidez! Pero iyong younger version niya.
Nakaramdaman ako ng kilabot dahil sa napagtanto kong iyon. Hindi ako makapaniwala. Konektado ba siya kay Javier o sadyang masyado na ang alak sa aking sistema kaya’t hindi ko na alam kung guni-guni ko lang ba ito? Baka naman pinaglalaruan na ako ng mga mata ko?
“I keep on observing you, simula kanina. Akala ko nga ay tatanggihan na nila ako nang sabihin kong ikaw ang gusto kong makasama but good thing, they didn’t,” nakangiting sabi niya. Iyong ngiti na para bang nakahinga siya nang maluwag dahil nakasama niya ako. “When I saw those old men touching you, nonchalantly, the thought of you being tired of those perverted acts keep popping into my mind. Naisip ko na kailangan mong makapagpahinga. You don’t enjoy it, right?”
Tumingin sa akin iyong lalaki, may ngiti sa kanyang mga labi ngunit hindi ito iyong ngiting nangungutya. More like, he sympathizes my situation.
“I don’t really care,” sagot ko sa kanya at uminom ng alak. Wala naman akong karapatang umayaw. Binayaran nila ako para sa mga ganoong gawain.
“Why do you keep doing something you don’t want to do? Something that you don’t even enjoy doing?” Sa tono ng pananalita niya ay parang wala talaga siyang alam. Oh well, mayaman siya, eh. Wala siyang alam sa mga bagay-bagay ng mga mahihirap na kagaya ko.
“People who are unfortunate like me don’t have the luxury to even choose what they want or what they don’t want. People like me who grew up in slums and poverty don’t have the right to choose. Kinakain namin kung anong ipakain sa amin. Nginunguya namin kung anong maaari lamang naming nguyain. It’s not a matter of enjoying it or not. If you want to live in this world, you need to be tough to digest the inhumane of other people,” matipid akong ngumiti sa kanya.
Umawang ng kaunti ang kanyang labi. Pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin ngunit mas pinili niya ang huwag na lang magsalita pa.
“Iniisip ng ibang tao na wala kaming mga pangarap. Na parang pinili naming maging mahirap. Na kaya kami mahirap ay dahil mga tamad kami. Like, f**k! Kung nakakapili lang ng social status, bakit pipiliin kong maging mahirap kung pwede namang mayaman na lang? May pangarap din naman ako. I want to be someone at hindi lang basta ganito.” Tumawa ako at umiling. Uminom muli ako ako ng alak.
Para akong tanga. Lasing na nga ata ako. Kailangan kong kolektahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko puro ka-bullshitan na ang sinasabi ko ngayon. But whatever.
“We don’t even care if other people respect us or not. As long as we can survive for another f*****g day, we’re fine. Hindi naman namin makakain ang respeto ng ibang tao.” Pilit akong tumawa. Pinagtatawanan ang sarili ko.
Gustuhin ko mang magkaroon ng marangal na buhay ngunit paano? Hindi ka naman makakakuha ng magandang trabaho kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral. At kaya nga ako nagtitiis sa ganito upang makapag-ipon…upang makapag-aral muli.
“Hmm, but I respect you, Triana.” Napawi ang pilit na ngiti ko sa sinabi niya. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at kahit na may kadiliman ang paligid ay nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. “You have your resolve, you’re determined. Alam ko na may pinanghuhugutan ka kung bakit mo ito ginagawa. Maybe, your family. I respect you. I respect those people who can sacrifice everything, even themselves, just for their family to survive, just for them to keep surviving.”
Natulala ako sa kanyang sinabi. Tumayo siya sa pagkakaupo at inilapag ang kanyang baso. Kinuha niya ang kanyang pitaka at naglapag din ng pera sa lamesa. Napatulala akong muli roon bago tumingin muli sa kanya.
“If I am to be given a chance, please let me help you. I want to save you from this path that keeps on holding you to reach your dreams. Let me help you to be that someone,” aniya.
Sa madilim ka paligiran na ito ay ang ngiti niya ang nagsilbing liwanag na nagpakita sa akin na maaaring may maabot ako sa buhay. Na baka nga kaya kong makawala sa kadena ng kahirapan ng buhay. Na kagaya ng ibang tao, kaya ko ring maging matagumpay sa buhay.
Naglakad na siya papaalis. Tumayo ako at hinabol siya.
“What’s your name?” Just his name. I want to know his name.
Tumigil ang lalaki sa kanyang palalakad at kahit na may kalakasan ang musika ay nagawa ko pa rin siyang marinig.
“Zavian. My name is Zavian Benavidez.” Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.