Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Bigla akong kinabahan. Napatingin ako sa pinto at iniisip na biglang papasok na lamang d’yan si Javier. “Baka mahuli ka ni Javier na naririto ka, Zav.” Hindi ako natatakot sa kung anong gawin ni Javier sa akin kung sakali, mas natatakot ako sa kung anong gagawin niya kay Zavian. “Wala si Dad. Umalis daw siya. Nasa labas ng ospital si Audrey, magbabantay daw siya kung sakaling makita niya si Dad na bumalik na. We have enough time.” Hinaplos niya ang pisngi ko. Hindi ko muling napigilan ang aking sarili at mahigpit siyang niyakap. Umusod ako at nagbigay ng espasyo sa kanya para makahiga siya sa tabi ko. Gusto kong nasa tabi ko siya at gusto kong maramdaman na hindi panaginip na naririto siya ngayon. Panay lamang ang haplos ko sa mukha niya habang s