Tiningnan ni Silas kung saan pupunta si Javier. Mukhang may kinakausap ito sa telepono. Bumaling siya sa akin matapos sumilip. “Hindi ko pa nakakausap si Zav. Did you get what he needed?” tanong ni Silas sa akin. Tumango naman ako sa kanya. “Naibigay ko na kanina. Thanks.” Naalala kong siya ang nagpadala ng mga tauhan at pinagpanggap ang mga itong kalaban ng pamilya nila para makatakas ako sa mga bantay ni Javier sa akin. Everything was executed smoothly. Tumango si Silas. “Baka magkita kami sa mga susunod na araw. Tito will be wary, lalo na’t nasa loob din ng organisasyon si Zavian. Mas magandang hindi muna kayo madalas na magkita. We need to be careful. Hindi natin alam kung may ginagawa si Tito sa likod natin.” Napalunok ako sa aking laway at sumang-ayon sa kanya. Kahit alam ko na k