“M-Miss na miss d-din kita!” Hindi ko na alam kung naintindihan niya pa ba ang sinabi ko pero sa tingin ko naman dama niya iyon. Hinayaan niya lamang akong humagulhol habang nakayakap sa kanya. Ayokong humiwalay, natatakot ako na baka hindi pala ito totoo kapag humiwalay ako. Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin habang ako ay nanatiling nakayakap pa rin sa kanya. Naupo siya sa gilid ng kama at iniayos niya naman ako sa kanyang kandungan. “How are you?” tanong niya sa akin nang mapansing kalmado na ako at hindi na umiiyak. “Hindi ako okay…kanina. Ngayon masaya na ako.” Tumingin ako sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at tiningnan ko pa kung totoo bang si Zavian itong nasa harapan ko. Tipid lamang siyang ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko kaya’t napatingin ako roon. “Nahihirapa