Lumapat ang aking likod sa malambot na kama ng kanyang kwarto. Napamulat ako ng aking mata nang humiwalay si Zavian sa akin. Tumingin ako sa kanya, ang aking dalawang kamay ay nakapulupot pa rin sa leeg n’ya. “Do you really want this now? I mean…I can wait, Triana. Ayokong isipin mo na ito lang ang gusto kong makuha mula sa ‘yo.” Kitang-kita ko sa kanya ang takot. Hindi takot sa gagawin namin kung hindi takot sa kung anong iisipin ko sa kanya. Kinagat ko ang labi ko. Ako man ay takot sa mangyayari. “Maybe we’re too fast. It’s fine.” Umalis siya sa pagkakaibabaw sa akin. Sa hindi malamang dahilan at napunta sa pagitan ng kanyang hita ang aking mga mata. Napalunok ako nang may makitang umbok doon. Umupo si Zavian sa gilid ng kama at hinagod ang kanyang buhok. Bumangon naman ako at guma