Sa mga nagdaang araw, hindi ako iniwan ni Zavian. Mas madalas ko pa nga siyang nakakasama kaysa sa mga kaibigan ko. Minsan ayoko nang magpakita sa iba dahil nagtatanong sila sa akin at sa relasyon ko kay Zavian. Wala naman kaming relasyong dalawa pero sobrang gumaan ang loob ko sa kanya. Dahil alam ko na kahit anong sabihin ng iba o kahit anong dumi ang tingin nila sa akin, malinis at iba ang tingin ni Zavian sa akin. Kung may isang nagtitiwala sa ‘yo na isa kang mabuting tao, hindi ba’t nararapat lamang na pahalagahan mo ito. Hindi pa ulit kami nagkakausap ni Javier. Hindi na rin naman ako umaasa. Baka masaya siya ngayon sa piling ng iba. Kung tatanungin ako kung nasasaktan ba ako kapag naiisip ko iyon…hindi ko alam ang isasagot ko. Because to be honest, wala akong maramdaman. Siguro ng