Pumasok kami sa isang kainan. Kaagad sinalubong si Zavian ng isang tauhan at iginaya siguro sa pina-reserved na nitong table. Sumunod lamang naman ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar na iyon. Maganda ang interior ng lugar na ito. Mayroon din mga tables sa labas at mga magagandang ilaw bilang disenyo kaya siguro ang ilang customers ay mas nawiwili na sa labas kumain kaysa rito sa loob na para bang pormal ang datingan. “I ordered foods beforehand. Sana okay lang sa ‘yo. Naisip ko kasi na paniguradong magugutom ka kapag natapos mo ang ginagawa mo. Hindi na ako nakapagpaalam kanina dahil abala ka sa pakikipag-usap.” Napabaling ako kay Zavian nang marinig ko ang kanyang boses. Matipid akong ngumiti sa kanya at tumango. “Thank you,” pasasalamat ko sa kanya. Hindi naman siguro masam