Wala ako sa aking sarili habang pabalik sa kinaroroonan nina Grace. Kinuha ni Zavian ang number ko. Ibinigay ko na rin dahil alam ko naman na hindi niya ako tatantanan. Bukod pa roon, nataranta ako nang sabihin ni Silas na paparating na ang mga pinsan nila. Hindi ko alam kung may alam ba si Silas pero sa tingin ko oo. Si Hati ay tila mayroon din dahil sa mga makahulugang tingin niya sa akin sa tuwing nag-uusap kami ni Zavian. Sina Gio at Avion lang ata ang walang ideya na may gusto raw sa akin si Zavian. Tapos na sina Grace na kumain nang makabalik ako sa bench namin. Nagkukwentuhan na lamang silang dalawa at kaagad naman akong nakisali upang tanggalin ang mga palaisipan na hindi ata ako lulubayan. “Natagalan ka?” nagtatakang tanong ni Marisse. Tipid akong ngumiti bago sabihin na marami