CHAPTER 44: MAGMAHAL NG IBA

2878 Words

Pumasok na ako sa kwarto. Halos madapa pa ako habang papalapit sa kama dahil wala na akong makita dulot ng pag-iyak ko. Kapag hindi sinunod ni Zavian ang kanyang ama’y itatakwil siya sa pamilya nila. Kapag nangyari iyon, maaaring makaapekto ito upang hindi niya matupad ang lahat ng pangarap niya. Bumagsak ang katawan ko sa gilid ng kama at naupo roon. Kinaklaro ko ang aking isipan. Hindi pwedeng masira ang relasyon ng mag-ama nang dahil sa akin. Hindi pwedeng itakwil si Zavian dahil sa relasyong mayroon kami! Hindi naman siguro aabot sa ganoon ang lahat, hindi ba? May kumatok sa aking pinto ilang sandali pa ang nakakalipas. Bumukas iyon at sumilip si Manang Dory. Ngumiti siya at itinanong sa akin kung maaari raw siyang pumasok sa loob. Tumango ako kaaya’t naglakad siya papalapit sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD